webnovel

Just Friends

Madilim pa ng umalis sa Sinag Island si Mel at Roger.

Mas mainam ito na walang nakakaalam.

Iniwan ni Mel pansamantala ang pamamahala kay Vicky at ikinagulat naman ni James na hinayaan ni Vicky na magdesisyon ng ganun si Mel na hindi man lang ikinukunsulta sa kanya.

"What were you thinking?"

Singhal ni James na talagang naiinis na sa mga pinaggagawa ng kasintahan.

"Eh, ano naman ngayon sa'yo kung hinayaan ko syang umalis? At saka, ano naman ang karapatan kong pigilan si Mel eh may sariling isip yun?"

Sarkastikong sagot ni Vicky.

"Hindi mo ba nakikita ang problema, Vicky? Hindi pa sya magaling!"

"Yes Dr. James, kitang kita ko ang problema, at IKAW yun! Matagal ng panahon na gustong hanapin ni Mel ang asawa nya pero bakit hindi mo maintindihan yun?"

"Ako pa ngayon ang hindi makaintindi? Alam nating lahat na patay na si Kate, kaya bakit hindi na lang nya tanggapin yun at mag move on?"

"Patay man o buhay si Kate kailangan nyang gawin yun, at least man lang masabi nya sa sarili nya na may ginawa sya para sa msgiina nya mahirap bang maintindihan yun?"

Natahimik si James may point si Vicky, mahirap nga sa kanyang tanggapin na wala na ang kaptid nyang si Kate pero mas mahirap ito para kay Mel dahil sa isang iglap tatlo ang nawala sa kanya.

"Kahit na you should've done something para hindi nya gawin ito! Mas mapapadali para sa kanya kung sisimulan na nyang mag move on! Mahirap bang intindihin yun?"

"Oo James mahirap! Dahil si Mel ay isang asawa at isang ama! Hindi sya katulad mo na isang duwag na tinatakasan ang lahat!

He's not that kind of person that will easily give up and that what makes him a better man than YOU!"

At iniwan na nito si James na nalilito kung bakit laging galit s kanya ang kasintahan.

'Ano na naman bang ginawa ko?'

Haaay James, when will you understand?

Ang problema ay hindi kung ano ang ginawa mo kung hindi ang wala kang ginagawa.

*****

Sa Maynila dumiretso sila Mel at Roger para imeet si Prince Tobias.

Kita ang excitement kay Roger ng makita ang Prinsipe.

"Uy! umayos ka nga! Masyado kang excited!"

Sita ni Mel kay Roger na parang bata sa sobrang excited.

"Syempre naman Chief, natutuwa ako at makakagala na ulet, right Prince Tobby? We are going to make gala gala all over the Philippines?"

"Yes, Roger, as I promise you, you and me alone no bodyguards! We are going to Boracay!"

"Yes! Yes! Yehey! Hehehe!"

"Aysus, walang mapaglagyan ang tuwa ng bata!"

"Syempre naman, Chief! Hehe!"

"You two are really close now, huh?"

Tanong ni Mel kay Prince Tobias.

"Yes Mel, Roger here is my friend and so are you and Kate!"

"Thank you again for your help!"

"Stop thanking me, Mel! We are friends. Friends help each other."

"Oh, diba Chief I told you we are very close na!"

"Yes I can tell, close na nga kayo, baka sa sobrang close nyo magkatuluyan na kayo nyan?"

Biro ni Mel.

"Chief naman, were just friends!"

Biglang nakaramdam ng lungkot si Mel.

'Just friends?

Yan din ang sabi ko kay Kate MyLabs ko nuon, ngayon .... WifeyLabs ko na sya!'

Nangilid ang mga luha ni Mel ng maalala ang asawa.

And since andito na sya sa Maynila, hindi nya mapigilan ang sariling balikan ang mga paborito nilang puntahan na magasawa.

Iniwan na nito ang dalawa at magisang naglibot hangggang sa dalhin sya ng mga paa nya sa 'Tambayan restaurant', ang restaurant na binuo nila ng kaibigan nyang si AJ.

Kahit na ng magkaroon sila ng iba pang branches ay dito pa rin sila tumatambay na magkakaiibigan.

"Namiss ko 'to!"

Buntunghininga ni Mel bago pumasok ng restaurant.

Wala pang isang taon simula ng iwan nya ito pero sobrang na miss nya talaga ito lalo na at sa bawat sulok nito ay may bagay na nagpapaalala kay Kate.

"Magandang araw po! Welcome po!"

Bati agad sa kanya ng isang babaeng mukhang bago pa lang dito dahil hindi sya kilala.

"Magandang araw din sa'yo!"

"Table for one po ba, Sir!"

Ngumiti si Mel.

"Hindi Ms. nadaan lang ako, namiss ko kasi ang lugar na ito."

Tiningnan sya ng babae mula ulo hangggang paa.

Simple lang kung manamit si Mel at masasabing simple lang din ang itsura nito, tapos nakasaklay pa sya, kaya hindi mo aakalaing may pera ito.

"Pasensya na pero, bawal ho kasing tumambay dito kung hindi kayo kakain mas mabuting lumabas na lang kayo at marami pa pong customer na padating."

Malapit na kasi ang lunch break at tyak padating na ang mga regular customer ng restaurant kaya nya pinaalis si Mel.

Naintindihan ito ni Mel pero napansin nya ang pagbabago ng tono ng babae kaya naisip nyang magstay muna dito sa baba para magmatyag.

Usually sa opisina nya sa taas sya nagiistay kasama si Kate.

Napansin nito ang isang spot. Ito ang paboritong spot ni Eunice at lagi itong naka reserve para sa kanya.

"Kung ganun, dalhan mo ako ng kape at blueberry cheesecake, Ms ....?"

Napansin nitong wala syang suot na nametag.

"Okey Sir, maupo muna kayo dito."

Itinuro sya nito sa isang table na pang dalawahan at saka tumalikod paalis, ni hindi man lang nya inantay na maupo si Mel sa itinurong upuan.

"Okey salamat Miss, kung sino ka man!"

Ngunit paglabas ng babae, nainis sya ng hindi nya makita si Mel.

"Anak ng teteng naisahan ako! Paano 'to, sinong magbabayad ng inorder nyang ito? Kung minamalas ka nga naman!"

Malakas ang boses ng babae na dinig ng ibang mga customer.

"Ano bang problema mo dyan Lara? Ang lakas ng boses mo nadidinig ka ng mga customer!"

Sabi ng isa pang waiter na lalaki na bago din.

"Kasi may mamang nakasaklay dito kanina na nag order nito, pinaupo ko sa mesang ito pero biglang nawala!"

Sagot ni Lara na saksakan ng lakas ng boses abot hangggang sa kinauupuan ni Mel.

Hindi kasi nila napansin na duon ito naupo sa favorite spot ni Eunice. Nakahiwalay kasi ito.

"E bakit ang ingay mo? Pwede mo namang hinaan ang boses mo, nakakabulahaw ka sa ibang mga customer!"

Sabi ng waiter na kausap ni Lara.

"Bakit ba ano bang pakialam mo? Sa naiinis ako eh!"

"Lagi ka naman naiinis, kelan ka ba hindi nainis? Kung hindi mo gusto ang trabaho mo umalis ka na lang hindi yung nagiingay ka dyan tapos madadamay na naman kami sa pagkaaburido mo!"

"Hoy Nilo, huwag mo nga akong pinakikialaman!"

"Anong nangyayari dito?"

Tanong ng dumating na supervisor.

"Wala po Sir, may isa po kasing customer na umorder na hindi nagbayad!"

Katwiran agad ni Lara.

"Tschk!"

Sabi ni Nilo.

Ito ang magaling kay Lara, madali syang makaisip ng dahilan kaya hindi sya nasisita.

"Eh, ikaw Nilo anong ginagawa mo dito? Ang dami ng customer na padating bakit andito ka lang?"

"Pasensya na po Sir Raymond, may isang customer po kasi na naiingayan at inutusan akong patahimikin ang maingay. Sige po babalik na po ako sa trabaho ko!"

"Eh ikaw Lara ano pang ginagawa mo dyan? Iligpit mo na yan at mamya na lang natin pagusapan yan! Padating na ang mga tao kaya kilos na!"

"Opo Sir!"

Naiinis na tumalikod si Lara.

'Tyak na mababawas na naman sa sweldo ko ito!'

'Naku, wala ng matitira sa sweldo ko!'

Actually, hindi naman talaga ibinabawas sa sweldo ng mga waiter kung may ganung pangyayari, pwera nga lang kung may kasalanan ang waiter.

Habang bubulong bulong sa inis si Lara pabalik ng counter, napansin nya si Mel at kung saan ito nakaupo.

"Alangya, andun lang pala sya! Humanda sa akin ang lalaking yan!"

Galit nitong nilapitan si Mel pabalibag na ibinaba ang tray na naglalaman ng kape at blueberry cheesecake saka binulyawan.

"Hoy, anong ginagawa mo dito sa lamesang ito? Hindi ba duon kita pinaupo, bakit andito ka? Hindi mo ba nakikitang naka reserve ang mesang ito?"

Next chapter