webnovel

Chapter 7:The Pillars

NATAPOS ang pitong araw at gabi sa Final Selection at nakaligtas ang apat sa mga demons na kanilang nasagupa.Nang makarating sila sa labas ng battle field ay sila lang apat ang nakarating doon.

May isang nauna sa kanilang binata na kulay puti ang buhok at panay sugat sa pisngi nito.Nakasuot ito ng itim na pantalon at puting jacket na sobrang kapal.

Ayos naman na ang kalagayan ni Kwame at wala na siyang nararamdamang sakit sa kanyang katawan.Ngunit hindi rin siya makapaniwala na nakayanan niyang makaligtas sa pitong gabi ng pakikipaglaban sa mga demon.

Napalingon sila sa entablado at tumuntong ang batang lalaki at nagsalita.

"Magandang umaga sa inyong lahat mga swordsman.Ako'y nagagalak dahil nakaligtas ka'yo sa pintong gabi ng Final Selection.Ngayon na kayo ay mga ganap nang Demon Slayers.Mapapabilang na kayo sa antas o ranggo ng Demon Slayer Corps"pagbati nito sa kanilang lima.

Lumingon si Kwame sa buong paligid at hindi niya inakalang lima lang silang nakaligtas.Sa sobrang daming pumasok sa battle field ay katumbas din nito ang mga namatay na swordsmen/women sa loob ng Final Selection.

"Ang mga ranggo ay nakahiwalay sa pinaka mababa at pinaka antas na ranggo.Mizunoto,Mizunoe,Kanoto,Kanoe,Tsuchinoto,Tsuchinoe,Hinoto,Hinoe,Kinoto,Kinoe"Ngumiti ang batang lalaki at nagpatuloy sa pagsasalita. "Kayo ay mapapabilang sa Mizunoto at upang mapaangat ang inyong ranggo ay kailangan ninyong gawin ang mga misyon na ibibigay sa inyo ng Demon Slayer Corps sa pamamagitan ng mga Enchanted Crows"

Pumalakpak ang batang lalaki ng dalawang beses at nagsilabasan ang mga uwak at dumapo sa balikat ng lima.

"At para sa pinaka huling parte ay ipagkakaloob namin sa inyo ang pagpili ng Ore ng Scarlet Crimson at kung ano ang inyong mapiling bato ay ipapahatid namin ito sa mga swordsmith para gawin itong sword"

Isang maliit na lamesa ang inihanda sa kanila at kanilang nilapitan ito.Nakapatong dito ang mga ore na magkakatulad lang ang anyo at wala silang alam kung ano ang napaka tibay na ore dito.

"Wala akong alam kung ano ang pinaka matibay na ore"sabi ni Kwame sa kanyang sarili.

"Maging ako.Hindi ko alam kung ano ang matibay na ore dito"napapakamot sa ulo si Chester.

"I'll picked this"Pinulot ni Todd ang ore at hinimas-himas pa ito. "Malakas ang pang-amoy ko kaya alam kong ito ang nababagay sa akin"sabay ngiti niya kay Chester.

"Kung ganon"Isa-isang hinimas ni Chester ang bawat ores at napahinto siya sa isang bato at agad na pinulot iyon. "Malakas naman ang pandama ko"

Napalingon si Kwame kay Kirsten na tutok na tutok ang mga mata sa mga ores at nabaling ang kanyang paningin sa kanang kamay nito at pinulot ang ore na nasa harapan nito.

"Nagtitiwala ako sa lakas ng paningin ko.Ito ang nababagay sa akin"Nilaro-laro pa ng dalaga ang batong hawak niya.

Walang magawa si Kwame kundi pumikit ang pakinggan ang bawat sikretong tunog ng mga ores.Narinig niya ang napaka tinis na tunog ng isang bato at nang idilat niya ang kanyang mga mata ay agad niyang pinulot ang ore.

"Sa pandinig ko naman ako'y nagtitiwala"Mahigpit na hinawakan ng binata ang Scarlet Crimson Ore.

_____________________________________

HINGAL na hingal si Kwame na umakyat sa templo.Sabik na siyang makita si Ginoong Romeo at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito sa oras na makita siya nitong buhay.

"Ginoong Romeo.....Nagawa ko po.....Nakaligtas ako"hingal na sambit ni Kwame.

Nang humakbang siya sa pinakahuling semento ng hagdan ay doon na siya nawalan ng lakas at nawalan ng malay.

MABILIS na sinalo ni Ginoong Romeo si Kwame at napangiti nang makitang mahimbing na nakatulog ang binata.Ipinasan niya ito sa kanyang likuran at ipinasok sa loob ng templo.

Nang makarating sila sa isang malawak na kwarto ay inihiga niya si Kwame sa isang malaking kama at kumuha siya ng isang bangko para umupo sa tabi ng binata.Hinimas-himas niya sng noon ng binata at ramdam niya ang pagod na nadarama ni Kwame.

"N-Nagawa ko po....G-Ginoong Romeo"

Hindi maitago ni Ginoong Romeo ang kanyang traydor na mga luha sa kanyang mga mata at hinawakan ang magkabilang palad ng binata.

"Maraming salamat Kwame at sinikap mong mabuhay at bumalik sa templong ito"Isinikit niya ang kamay ng binata sa kanyang noo at mahinang humikbi. "Salamat Kwame.Salamat, maraming salamat"

_____________________________________

*After Fifteen Days*

HABANG nagwawalis sa sahig ng templo ay nakarinig sj Kwame ng isang malakas na katok mula sa pintuan.Agad niyang pinagbuksan ito at nakita ang isang lalaking naka maskara at halos magulat siya nang makita ang kakaibang pulang maskara nito at mahabang ilong nito.

"Magandang umaga.Naparito ako ngayon upang ibigay ang Nichirin Blade ni Kwame Salazar.Ako ang iyong swords smith"A manly voice comes from this unknown man. "Ako nga pala si Smith Verde"

"Ako po ang hinahanap niyong si Kwame Salazar.Pumasok po muna kayo sa loob"pag-aanyaya nito at pumasok din naman ang swords smith na may ngalang Smith.

Umupo sila sa harapan ng isang maliit na lamesita at doon inilapag ni Smith ang espada ni Kwame na nakalagay sa dilaw na kaluban.

The swordsmith give the sword to Kwame and he approached his palm to claim his blade.The Handguard of his blade had a circular shaped with four slight indentations, the center has a silver tone with small triangles and has a golden border.

"Ang Nichirin Blade ay tinatawag ding Color Changing Sword.Kung sapat ang iyong lakas ay magbabago na ang tunay na kulay ng inyong blade"paliwanag nj Smith.

Dahan-dahang binunot ni Kwame ang kanyang espada sa kaluban nito at itinaas at bahagyang iwinasiwas.Nabigla siya nang unti-unting nagbago ang kulay ng kanyan sword.His sword's color turns into yellow with a graves of lightning on a non-sharp part of his sword.

"So you're a breath of thunder.Naway maging kasangga mo ang iyong espada hanggang sa kamatayan.Naway ito'y gamitin mo sa mabuting hangarin at makapaslang ito ng mga masasang demon"Tumayo ito at yumuko.

"Aalis na agad kayo?B-Bakit hindi muna kayo magtsaa at kumain—"

"Kailangan ko nang bumalik sa aming syudad ginoon"pagputol nito sa pagsasalita ni Kwame at tumalikod na ito sa kanya.

LUMIPAS ang ilang oras ay naliligo na si Kwame para makapaghanda sa pag-alis niya para sa unang misyon.Hindi na siya makapaghintay na gamitin ang kanyang natutunan at gawing ang lahat ng makakaya para mahanap ang kaibigang si Yves.

"AHHHHH!"Matinding sigaw niya nang humarap siya sa salamin.

Nabigla siya sa nakita niya sa salamin.Ang mata niya ay naging kulay dilaw.A butterscotch eyes.Bumagay naman sa kulay ng balat niya ang kulay ng kanyang mata ngunit hindi niya akalain na magbabago ang kulay nito.

Nagkibit balik nalang siya at nagbihis na para sa paghahanda.Pagpasok niya sa kanyang kwarto ay nakahanda na ang demon slayer uniform niya na kulay brown at ang pamatong niyang kimono na kulay dilaw at may disenyo na kidlat.

"Hayst...Hindi ko gusto yung damit na susuotin ko.Hindi siya bagay sa akin"Wala siyang ibang magagawa kundi suotin ang damit na nakahanda sa kanya.

The members of the Demon Slayer Corps wear a uniform that is highly durable and light-weight. The uniform cannot be easily damaged by minor Demons. They sport their uniforms with a white belt and hakama pants, also wearing a white long-sleeved collared shirt under the uniform.

Matapos magbihis ay agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at hawak-hawak niya ang kanyang kaluban na nakakabit sa kanyang baiwang.Sumalubong sa kanya si Ginoong Romeo at nakangiti ito sa kanya.Niyakap niya ang ginoo at nagpasalamat sa laking tulong na binigay nito.

"Kung wala kayo hindi ko na alam ang sasapitin ng buhay ko"Sabay bahagyang ngiti ni Kwame.

"Naway maging ligtas ka palagi at damhin ang kidlat sa iyong buong katawan.Palagi mo lang tatandaan na anumang dumating sa iyong buhay,pagsubok man iyon ay harapin mo ito ng buong tapang at huwag kang aatras sa laban"At ginulo nito ang kanyang buhok.

"Si Ginoong Romeo naman.Basa pa 'yung buhok ko oh pero ginulo niyo na agad"Parehas silang tumawa sa sinabi nito.

"Oras na ijo para magpaalam ka sa templong ito"

Binuksan ni Ginoong Romeo ang malaking pintuan ng templo at napalingon si Kwame sa labas nito.Nanlaki ang mata niya nang makita ang apat na Pillar na naghihintay sa kanya.

"Zeus,Wint,Joriz at"Hindi alam ni Kwame ang pangalan ng isang Pillar na babae.

"Saidee Adira,isa siyang Mist Pilar Kwame"sabi ni Ginoong Romeo sa kanya.

Humakbang siya papalapit sa mga ito at nakatingin lang ang mga ito sa kanya.Napahinto siya nang makita niya ang mga mukha nito na masaya at nakangiti maliban kay Zeus.

"Isa ka nang ganap na Demon Slayer,Master!"sigaw ni Joriz at nagtatalon sa tuwa.

"Ang cute n'ya" sabi ni Kwame sa kanyang isipan habang nakatingin kay Joriz.

"Natutuwa akong nagawa mong makaligtas sa Final Selection,Master"bati naman ni Saidee.

"Napaka galing mo Master!"sigaw naman ni Wint.

Napalingon si Kwame kay Zeus na seryoso pa rin ang tingin sa kanya.Siningkitan niya ito ng titig na para bang hinihintay niyang batiin siya nito.

"Oo na.Nalulugod akong ligtas ka,Master"At tumalikod ito sa kanila.

"Pero parang hindi ka naman nalukugod Zeus"asar ni Wint dito.

Napansin ni Kwame ang kasuotan ng mga Pilar.Nakabatay sa breathing nila ang kulay ng kasuotan nila na katulad sa kanya.Kay Zeus ay dilaw na may kidlat sa balikat na disenyo.Asul naman kay Wint na may paalon-alon ng tubig sa manggas at laylayan ng damit nito.Pula at orange naman kay Joriz at may disenyo ng apoy sa kaylayan ng damit nito.Kulay itim naman kay Saidee at may disenyo ng ulap sa bahaging baiwang ng damit nito.

"Pasensya na...Nahuli ba kami?"

Naplingon naman ang apat sa kanilang likuran at si Kwame ay natulala sa tatlong taong nakatayo sa may nahaging hagdan ng templo.

"Hello.Ako nga pala si Kim Acadia.Isa akong Insect Pilar at inyong tagapagtanggol,Master"Ngumiti ang dalagang may kulay Magenta ang mga mata at kumaway pa ito sa kanya.

"Ako naman si Ludy Teague.Isa akong Serpent Pilar at tagapagtanggol ninyo,Master"A husky baritone voice comes from a man with a wavy hair and color clover eyes and scar on his left eye.

"At ako ang Stone Pilar na si Julius Stark.Ang kasalukuyang pinaka malakas na Pilar sa lahat ng demon slayer"A masculine guy said and his umber eyes are shining.

"Pito kayong tagapagligtas ko?"Isa-isa pang pinagtuturo ni Kwame ang pitong Pilars.

"Hindi ba halata,Master?"sabay tawa ni Wint.

"Ngunit hindi lagi ay nasa tabi mo kami Master at kaya kang protektahan anumang oras.May mga panahon din na kailangan mong lumabang mag-isa"mahinhing sabi ng babaeng nagngangalang Kim.

Mabuti man ang pakikitungo ng pitong Pilar sa kanya ay ramdam niya ang malalakas na prisensya nito.Lalo na ang prisensya ni Julius Stark na isang Stone Breath user.

"Kakaiba sila"ang sabi ni Kwame sa kanyang isipan.

A/N:Single "L" lang talaga yung Pilar.Hindi ko alam kung bakit nagagawa kong Pillar.

Next chapter