No sweet moments muna ha? HAHA next chapter na yun.
____________________________
Nadating na rin kami sa wakas sa MOA. Kakain pa naman kami, pero heto ako at sobrang excited na.
"Kumalma ka nga dyan. Tss, mamaya pa kayo pipila". Sabi bigla ni Jake kaya sumimangot nalang ako. Epal din neto, hindi naman pinapakealaman.
"Psh" hinayaan ko nalang siya at tumabi kay ate Fran nang makahanap ng bakante na table sa Jollibee. "Bayaan mo na yan si Jake. Himala nga yan mang libre kaya sulitin mo na" bulong naman ni ate Fran na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan na hindi pala nanglilibre yan si Jake. Akala ko kasi kapag close niya nililibre niya ganun.
"Nandito na order natin. Pagkatapos natin kumain, punta na tayo dun para makapila nang mas maaga. Mas maaga mas mabuti." Sabi ni ate Fran, tinanguan lang namin siya ni Jake. Tahimik kaming kumain. Walang ni isang nagsalita.
Natapos din kaming kumain, at ngayon papunta na kami kung saan gaganapin ang book signing. Mabuti at pagdating naming doon hindi pa masyadong maraming tao. Pumila muna kami sa labas ng venue bago makapasok. Madali lang kaming nakapasok dahil hindi pa naman masyadong crowded.
Pagkapasok na pagkapasok namin bigla nalang akong hinila ni ate Fran at halatang kilig na kilig siya sa tinitingnan niya. Paglingon ko kung saan ito nakatingin, napatulala nalang ako. Si kuya Ryan! Andito na siya! Napatingin ako kay ate Fran at halos maiyak na ito sa tuwa. Kwento niya kasi, unang beses niya itong makakapunta sa book signing ni kuya Ryan kaya sobrang saya niya.
"OMG. Eto na talaga, totoo na talaga to". Bulong niya pa. Napangiti nalang ako dahil batid kong matagal nang gusto ni ate maka attend sa BS ni kuya kaso hindi siya pinapayagan, buti nga ngayon pinayagan na. "Ate kalma lang, mamaya mayayakap mo din yan" sabi ko nalang at kumalma naman siya sa pagtitili ng mahina.
"Argh! Susulitin ko na talaga ang araw na to!" sabi niya pa. Kung hindi pa ata niya nalaman na pupunta kami ni Jake, hindi pa ata niya makikita si kuya Ryan sa personal. Speaking of Jake, pumunta nalang siya sa ibang store dahil wala naman siyang kilalang authors dito at mao-op lang din siya sa amin ni ate.
Habang hindi pa nags-start magsign ang mga authors, naglibot libot muna kami ni ate, siya itong bili ng bili ng merch tapos ako naman itong hanggang tingin nalang muna. Halos lahat ng merch binili ata ni ate Fran.
"Angela, ikaw ayaw mo ba bumili ng merchs? Pang display lang." umiling ako "Nagiipon kasi ako ate kaya di muna ako gagastos muna masyado" tumango naman siya at nagpatuloy sa pagkuha ng merchs.
Natapos na si ate sa pamimili at sakto naman na mags-start na magsign si kuya Ryan at iba pang authors. Nakaka excite naman lalo nat first time ko rin ito!
Kasalukuyang nasa pila kami ni ate, ngayon ko lang din napansin na dalawang libro ang bitbit niya. Pagtingin ko kung anong libro ito, kay kuya SupremoASM pala! Sana talaga lahat may pambili.
Papalapit na kami kay kuya Ryan and sobrang nakaka excite. Ganito pala ang feels kapag nakapag attend ng book signing. Hindi ka mapapakali kakalingon sa ibang authors. Nakakatuwa din tingnan ang reaction ng fans kapag turn na nilang magpasign at magpa picture sa mga authors.
Eto na, sunod na si ate Fran tapos ako na, siya kasi nauna sakin. Nung umalis na ang babae unti unti nang lumapit si ate Fran at nakita ko ang gulat sa mukha ni kuya Ryan, halatang di niya nga ine-expect na pupunta si ate sa book signing niya.
"Hala Fran? Ikaw ba yan?" gulat na tanong ni kuya, natatawa namang tumango si ate. "Yup kuya! Surprised ka ba? Di ko talaga sinabi sayo kasi unexpected rin naman ang pagpunta ko dito ngayon." Tuluyan nang nakalapit si ate kay kuya Ryan at gulat na gulat parin si kuya. "Ang hilig mo talaga mang surprise Francess." Natatawa namang sabi ni kuya.
"Natupad ko na pala pangarap ko kuya, mag s-self pub na ako. Working na ako sa manuscript ko." Hala writer pala ito si ate Fran? Hindi niya nabanggit kanina nung nag usap kami. "Talaga?! Galing naman! Proud na proud sayo si kuya, Francess" sabi ni kuya Ryan at bigla nalang niyakap si ate.
"Finally, matutupad ko na pangako ko sa'yo kuya na makakapag publish ako ng sarili kong libro" sobrang saya ni ate Fran, halata sa mga mata niya.
Grabe ganun pala ka close sina ate Fran sana lahat. Natapos na magsign si kuya at nag picture naman sila. Tuwang tuwa pa nga silang dalawa kasi sa wakas nagkita na raw sila. Nagyakapan ulit sila bago mag turn ko naman para magpa pirm sa kaniya.
"Hi, anong pangalan mo?" nakangiting tanong ni kuya, nahihiya man at sinagot ko siya "Angela po kuya" sabi ko. Nakangiti namang nagpirma si kuya. "Ang gandang pangalan naman, salamat sa pag punta Angela. It means so much to me." nilingon ako ni kuya at napangiti nalang ako.
"Actually dream come true din to sa akin po. Kung hindi lang sa pinsan ni ate Fran, wala Sana ako dito sa harap mo ngayon. Kaya sobrang saya ko din po ngayon." Natapos na mag sign si kuya at lumapit naman ako para makapag picture kami at makapag hug ako sa kaniya. Grabe nakakatuwa na nakita ko na rin ang isa sa pinaka hinahangaan ko na manunulat.
Pag katapos ko doon sinamahan ko naman si ate Fran para magpa pirma kay kuya SurpremoASM, binilhan niya rin ako ng libro na Who's This ni kuya para makapag papirma rin ako.
Gaya kanina nauna pa rin si ate sakin. "Hi kuya! Glad to finally see you!" bati ni ate at gaya ni kuya Ryan at medyo na shock rin si kuya Supremo "Uy Francess, salamat sa pagpunta! Akala ko ba hindi ka pinapayagan" natatawang sabi ni kuya at natawa lang din si ate. Andami palang ka close ni ate na mga author nakakainggit naman. Marami rin silang pinagusapan hanggang sa ako naman ang magpapirma.
"Hi! Anong pangalan mo po?"
"I'm Angela po hihi" sabi ko naman nang nakangiti. Ansaya pala pumila at magpapirma kahit medyo nakakapagod. "Salamat sa pagbili ng libro ko at pagattend ng book signing na ito!" sabi ni kuya. Pagkatapos niya magpirma nag picture at niyakap niya naman ako.
This will be forever in my heart. My first ever book signing na napuntahan at andun pa talaga ang mga iniidolo ko. Sana makapunta pa ako sa mga susunod na book signings.
Ilang minute umalis na rin kami ni ate, at bago ko pa makalimutan tinanong ko siya.
"Ate, sorry pero narinig ko kasi sabi mo kay kuya Ryan na mag sself publish ka ng sarili mong libro? Nagsusulat ka rin po pala?" nahihiyang tanong ko at tiningnan niya ako at ngumiti bago sinabing
"Yup, and finally matutupad ko na ang pangako ko kay kuya Ryan na susunod ako sa kaniya na magp-publish ng libro"
Wow, sana talaga lahat may talent sa ganiyan.