PATI sina Nakame at Dada ay tila naestatwa sa nakita. Umiiyak na lumabas ng Bakery si Dada, habang si Nakame naman ay nanginginig ang mga kamay na kinuha nito ang sukli sa pinagsakyang trycle.
Maging ako ay parang lang isang tuod. Ilang beses akong napalunok. Hindi ko siya magawang sagutin o kunin man lang ang iniaabot nitong bola.
"Tatayo ka na lang ba diyan Toshiro. . . "
NASA harap na ako ngayon ng dati kong tinitirahan. Limang taon rin akong hindi nakauwi. Sa wakas! Im totally back home.
Bago ko binuksan ang pinto ng taxi ay agad nang naagaw ng pansin ko ang nakatayong si Tosh at si Dada na kasalukuyang nasa loob naman ng Bakery. Nang bumaba ako ay kitang-kita ko ang pagkagulat sa ekspresyon ng dalawa. Naihulog pa nga ni Tosh ang hawak niyang bola. Nang iabot ko sa kaniya ang bola at kamustahin ko siya ay tila tuluyan na siyang naestatwa at hindi man lang makagalaw o makabigkas ng kahit ano.
Hanggang sa nagkaharap-harap nga kaming magkakapatid . . .
"Tatayo ka na lang ba diyan, Tosh?" muling bati ko kay Toshiro, ang sumunod sa akin bilang panganay na lalaki. Napakurap ito at ilang ulit na napalunok. Tila hindi nito alam kung ano ang isasagot sa aking pagbati.
Hapon na noon, kaya ramdam ko ang dapyo ng init ng araw sa aking balat, bagamat malamig ang hangin dahil nga Pebrero na at malapit na rin ang panahon ng tag-init.
Ngumiti ako at bahagyang tinapik sa balikat si Tosh. Kusa ko nang inilagay sa kamay niya ang bola. "Hindi n'yo na ba ako nakikilala? Ang mabuti pa ay sa loob na lang natin ituloy ang usapan." Agad naman silang sumang-ayon.
Ramdam ko sa bawat-isa ang pananabik at pagtataka sa aking biglang pagbabalik. Kung kayo kaya na ang alam ninyong matagal nang wala o patay na ay biglang magbabalik . . . hindi ba kayo magugulat o magtataka?
Inakbayan ako ng dalawa kong kapatid na lalaki at inakay na papasok ng bahay, habang si Dada ay sumunod naman sa amin. Kahit quadruplet kami, malayong-malayo naman ang aming mga itsura. Ganoon din sa pag-uugali.
Nang marating namin ang living room ay nagsiupo na kami. Maingat akong kumuha ng juice na inilagay ng isa sa mga katulong. May mga kasama na pala kami dito sa mansiyon. Dati kasi, si mama lang ang umaasikaso sa amin. Pero batid ko rin namang natural lamang na marami na ang nagbago.
Kasabay ng pagpatong ko ng juice sa lamesa ay ang unang tanong na nanggaling sa aking kapatid na si Dada. "Saan ka nanggaling, Kuya? Halos limang taon kang nawala. A-ang akala ko. . . namin. . . ay patay ka na." Parang maiiyak na ito.
Gumagaralgal ang boses nito at mukhang nagbabadya nang bumagsak ang mga luha.
Nagbuga muna ako ng hangin bago ko sinagot ang kaniyang tanong. I dont have a choice but to answer their questions. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamay. Kailangan kong pinag-aralan ang bawat salitang aking babanggitin.