webnovel

Ang Kabiyak ni Hudas

Fantasy
Ongoing · 148.8K Views
  • 46 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Heleana Sanchez, isang kandidato ng isang survival game. Siya ay naiiba sa lahat kung saan naakit niya ang hari ng Impyerno. Pipiliin niya bang sagipin ang kanyang sarili o pipiliin niyang manatili? Makikita niyo rin itong libro sa wattpad:[https://my.w.tt/ykZFVxPxQ7]

Tags
5 tags
Chapter 1Prologo

Bumangon ako sa kwartong hindi pamilyar sa aking paningin. Ako'y nakahiga sa higaan na sing lambot ng bulak. Madilim ang aking paningin kaya wala akong makita. 

Nasaan ako?

May nakita akong ilaw, agad akong tumayo at pumunta sa ilaw.

Nasa labas na ako ng kwarto, sumara ang pinto sa kanyang sarili. Ako'y nanginginig sa aking nakita.

666

Ako'y nagising sa aking bangungot, isang panaginip na ayaw kong mabalik. Dalawang linggo pa lang nung ako'y tumakas sa Impyerno.

Ako'y lumakad patungo sa salamin upang tignan ang aking sarili. Pumapayat na ako di gaya ng dati, matamlay ang aking balat, at lumalaki na ang halimaw na nasa sinapupunan ko.

"Heleana." Tumawag si Janine sa akin. "Kailangan na nating umalis."Pinaalala niyang nanganganib na ang buhay namin dahil pinapahanap na ako ni Hudas.

"Mahal mo pa rin ba siya?"Tanong ni Janine na kinabigla ko. Hindi ako sumagot. Masakit pa rin sa aking kalooban ang mga nangyari.

"Malapit na ang oras Ja, kailangan na natin magmadali." Saad ko.

Umuna ako ng lakad sa sasakyan, 5:00 a.m. na ang oras medyo gabi pa. Sariwa ang hangin, maganda ito sa kalusugan ng aking anak. Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Heleana." Saad ni manang Zelda. "Isang halimaw ang nasa sinapupunan mo."

"Ano ho iyon?" Nagtataka kong tanong.

"Dinadalaw ka niya gabi-gabi." Sabi ni Manang Zelda. "Maari ring nasa tabi mo lang siya araw-araw."

"Ano ho ba ang ibig niyong sabihin? Di ko po kayo naiintindihan. Ako'y naguguluhan sa mga nangyayari." Saad ko na tila bang nagtataka sa kanyang mga sinasabi.

"Pumunta kayo sa Anda,Bohol. May albularyo na makakatulong sa iyong mga pinagdadaanan." Saad ni Manang Zelda. "Huwag kanang magpaligoy-ligoy pa, buhay mo ang nakasalalay rito, pati na rin ang mundong ito."Paalala muli niya.

Natauhan ako ng biglang nagsalita si Yurika.

"Di mo ba siya kayang kalimutan?" Tanong ni Yurika.

Umiling iling ako.

"Kaya ko naman siyang kalimutan. Masakit lang ang kanyang mga nagawa sa akin." Saad ko. "Kaya pala hinalikan niya ako sa labi." Mapait na sabi ko, ang mga mata ko'y puno ng lungkot sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon.

Si Yurika at Janine ang aking matalik na kaibigan na nakilala ko sa laro ng mga demonyo. Mapait din ang aming sinapit sa Impyerno.

"Halika na, pupunta tayo sa Bohol. Tutulongan tayo ng albularyo doon." Sagot ni Janine.

Gumaan ang aking kalooban sa kanyang mga sinabi, tila nabuhayan ako ng sigla.

"O, eto." Nagbigay ng rosario si Yurika sa akin. "Kailangan mo ring magdasal para iwasan ka ng kampon ng kadiliman." Saad niya.

"At huwag mong aalisin iyan sa iyong tabi. Proteksyon mo yan at para rin hindi tuluyang maging halimaw ang nasa sinapupunan mo." Saad ni Janine at siya'y tumawa.

Papunta ka mi sa ferry, nag-intay kami ng pitong oras para makakuha ng ticket papunta tagbilaran. Marami ang tourista ang babiyahe sa Tagbilaran, ang iba naman ay uuwi sa kanilang mga tahanan. Alas-dose na ng hapon ng kami ay sumakay sa lanstang pantawid, Cebu patungo Tagbilaran. Dalawang oras kaming nag-antay patungo sa Tagbilaran. Nangingibabaw pa rin ang kaba at takot sa aking damdamin dahil sa aking pagiisip na baka mahanap nila ako ng una. Hindi lang ang buhay ko ang nanganganib kundi rin ang mga kaibigan ko na nadadamay sa aking problema.

"Uminom ka ng tubig, dapat magstay ka hydrated." Paalala ni Yurika. "Nakakasama yan sa kalusugon ng bata."

"Salamat."Saad ko at ininom ang tubig na ibinigay niya.

Malapit na kami sa Tagbilaran. Sariwa ang hangin na hinihipan. Alas dos na ng hapon ng kami ay makarating sa Tagbilaran, sumakay agad kami ng tricycle patungo sa istasyon ng bus. Kami ni Yurika ay naghintay kay Janine dahil siya ang bumayad ng ticket patungo sa Anda. Mahigit isang oras na pero hindi pa rin siya nakakabalik.

"Yurika, ba't ang tagal ni Janine?" Tanong ko, halata sa aking mukha ang pagiging kabado.

"Huwag kang mastress Heleana, nagchat na si Janine sa akin. Patungo na siya rito. May misunderstanding lang sila sa cashier." Saad ni Yurika at yinakap ako. "Huwag kang mag-alala, hindi kami mawawala. Tutulongan ka muna namin bago kami mawala."

Yinakap ko siya ng maigi.

"Pwede rin bang sumali sa group hug niyo?"Nagtanong si Janine at tumakbo agad sa aming dalawa at yinakap kami ng maigi. Di ko namalayan na ako'y umiiyak na pala, umiyak ako dahil sa halong emosyon na aking nadarama.

Ipinakita ni Janine ang tatlong ticket.

"Hali na at tayo'y maglakbay. Malapit na magtatakio silim. Darating tayo doon ng alas sinco ng hapon. Kailangan na nating magmadali." Paalala ni Janine.

Kami ay sumakay na ng bus, sumuot ako ng jacket dahil sa ginaw na aking nararamdaman. Mabilis tumakbo ang bus kaya nakarating kami doon ng alas kwatro y medya.

Bumaba na kami sa bus. Ako'y tumingin sa paligid puno ng mga puno at halaman. Sa di kalayuan may isang bahay na gawa ng kahoy, simple lang ito. May lumabas na magasawa sa bahay.

"Halika na Heleana."Saad ni Yurika, saka hinawakan ang aking mga kamay.

Kami ay nagtungo sa loob ng bahay. Ang matandang babae ay natakot ng makita niya ako.

"Lumabas ka sa aming bahay!"Sigaw ng matandang babae.

"Hindi na namin kayo matutulungan, patawad." Humingi ng paumanhin ang matandang lalake.

"Pero kayo lang ho ang makakatulong sa kaibigan ko. Ba't niyo po kami tinataboy?" Nagtatakang tanong ni Janine.

"Hindi ko kayo maliligtas, lalong-lalo ka na."Itinuro ako ng matandang lalake."Sa oras na mapapanganak mo ang halimaw na iyan, mamatay ka. Magdidilim muli ang mundo."Saad ng matandang lalake.

"Magtatakip-silim na, hahanapin ka na ni Hudas."Paalala ng matandang babae.

"Paano ko ho maliligtas ang anak ko na hindi magiging isang halimaw?"Tanong ko.

"Ikaw ang babaeng manganganak ng lalake, kabilang ka sa mga pambihirang babaeng nanganganak ng lalake kada isang libong taon na ang nakalilipas."Saad ng matandang babae.

"Bakit di mo sinagip ang iyong sarili sa simula pa lamang?" Tanong ng matandang babae. "Paano mo naakit si Hudas?" Tanong muli ng matandang babae na kinatauhan ko bigla.

Wala akong imik, nabubuo na ang mga luha sa aking mga mata.

"Babalik ka pa rin sa kanya." Bulong ng matandang babae. Tumulo na ang mga luha sa aking mga mata na aking pinipigilan kanina pa.

"Pwede mo masagip ang bata na hindi magiging halimaw pero ang buhay mo ang nakataya." Paalala muli ng matandang babae.

"Ang nauunang anak ni Hudas ay mga babae, kinakain niya ito upang lumakas ang kanyang kalusugan. At papasok muli sa kanyang asawa upang bigyan siya ng ikalawang anak na lalake." Sabi ng matandang lalake. "Pero sa sitwasyon mo ang lalake ang nauna. Magiging mas malakas ito sa kanyang ama." Tumingin siya sa akin.

"Didilim muli ang mundo at mababalot muli ito ng kasamaan."Sabi niya at binigyan ako ng kwintas na may krus.

"Ibang-iba ka sa aking nakikita, nag-iisa ka. Tinuruan mo magmahal ang isang demonyo, binigay mo ang iyong pagkababae, iyong kaluluwa, at lalong-lalo na ang iyong damdamin." Saad ng matandang babae.

"Hindi nakakalabas ng buhay ang kanyang mga asawa kapag ito'y tumakas, lalong-lalo na kapag ito'y nagdadalang tao."Sabi ng matandang lalake. "Nakita mo na ba si Hudas?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi ho siya nagpapakita ng kanyang mukha. Pero nakita ko ang kanyang halimaw na anyo."Saad ko.

Natahimik sila.

"Hindi ka ba natakot?"Tanong ng matandang babae.

Nanginginig ang buong katawan ko.

Takot na takot ako ngunit may parte sa aking kalooban na hindi. Dahil ba pareho kaming malungkot, dahil ba pareho kaming dalawa na may hinahanap o dahil ba wala na kaming nagawa kundi sundin ang kasunduan.

"Iha."Natauhan ako ng hinawakan ako ng matandang lalake.

"Hinahanap ka na niya." Saad ng matandang lalake at ipinakita sa aking ang langis na kumukulo.

Anong gagawin ko?

Di ko pa lubos nalalaman ang mga nangyayari.

You May Also Like