JARED DELA CRUZ
Tumatakbo ako sa ulanan para sunduin si china nakapayong ako habang tumatakbo kanina kasi dapat si samantha ang susundo eh buntis sya atsaka isa pa takot sya sa kulog at kidlat kaya pano nya masusundo si china nakita ko na si china nasa ilalim sya nang puno at basang basa nakakaawa tong baliw na to pa jogging jogging pa kasi at nasa ilalim pa talaga sya nang puno kapag nakidlatan to sunog tong babaeng to malapit na ako sakanya kaya naman tinawag ko na sya
[Chinaaa!!!]sigaw ko sakanya nahihirapan din ako sa paglakad dahil sa sobrang lakas nang hangin nang malapitan ko na sya tinangay nang sobrang lakas nang hangin ang payong na hawak ko tumabi ako sakanya at giniginaw tiningnan nya ako ulo hanggang paa
"Anong ginagawa mo dito huh" tanong nya sakin
[sinusundo ka bakit] sagot ko sakanya nang kunot noo
"Sinundo mo pa ako ang layo layo nang bahay dito tapos pinatangay mo pa sa hangin yung payong na dala mo"
[buti nga sinundo pa kita bakit ba andito ka sa puno mamaya makidlatan ka sunog ka talaga]pabiro kong sabi sakanya nakita kong nanginginig na si china kaya inaya ko na syang umuwi pero hindi nya na daw kayang maglakad dahil sa sobrang lamig tumabi nalang ako sakanya sa ilalim nang puno, nakita kong nanginginig sya kaya hinubad ko ang suot kong damit at isinuot ko yun sakanya naka sports bra lang kasi sya tapos na maiksing short hanggang hita nya yung damit ko kasi maliit lang sya eto talagang babaeng to pagkatapos kong isuot sakanya ang damit ko agad naman syang nag salita
"Anong ginagawa mo huh"tanong nya sakin
[sinuotan ka nang damit bakit ba kasi ganyan ang suot mo]tanong ko sakanya
"Nag jojogging nga diba! anong gusto mo mag jogging ako nang naka pajama tapos naka T-Shirt ganun ba huh"tanong nya sakin
[Hindi naman] agad na sagot ko habang nanginginig masyado na talagang malamig kaya naman inilagay ko ang dalawa kong kamay sa dalawa kong braso anlakas talaga nang hangin at ulan kaya naman umupo na ako sa damuhan at niyakap ang dalawa kong braso tiningnan naman ako ni china na muckang naawa sakin umupo din sya sa tabi ko nanginginig ang labi ko nang tingnan nya ako tinangal nya ang damit na isinuot nya sain ang akala ko isusuot nya sakin pero hindi pinatayo nya ako pero ayoko masyado talagang malamig hinila nya ang dalawa kong kamay at itinayo ako pagkatayo ko ay agad nya akong niyakap nang mahigpit sandaling nainitan ang katawan ko andito kaming dalawa sa ulanan at magkayakap sya na ata yung sinasabe sakin ni samantha na babaeng magmamahal sakin nang tunay biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang maramdaman kong mabilis ang tibok nang puso nya nawala ang ginaw na nararamdaman ko at napalita yun nang init nanatiling malakas ang hangin at ulan kaya naman nagbitaw muna kami at umupo kaming dalawa pinagdikit namin ang mga tagiliran namin at nahawak kamay naramdaman kong ang sobrang lamig dahil sa mas lalo pang lumakas ang hangin kaya naman niyakap ko si china dahil alam kong nilalamig na sya nang sobra.