webnovel

[11] HAPPY BIRTHDAY

[11] HAPPY BIRTHDAY

"Oh. Love. Bakit ang lungkot mo nanaman?" I flinched when I heard his voice. Humarap ako sa gawi n'ya atsaka ngumiti. "Birthday mo na bukas ah? Dapat happy ka kasi 20 kana."

Napangiti ako ng malungkot. Rinig ko sa boses nito ang pag-aalala n'ya. Kahit hindi ko man s'ya nakikita ay alam kong bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala.

"Kaya nga eh, love. I'm turning 20 tommorow pero heto parin ako. Ganito parin. Walang makita kung hindi kadiliman sa buong buhay ko." mahina kong sagot sa kan'ya. Bakas ang lungkot sa boses ko. Nakakainis. "Sa panaginip nalang ako umaasa na makakakita. Medyo nakakainis nga eh 'diba kasi bulag na nga ako tapos napakakulay pa ng mga panaginip ko." ramdam ko ang mainit na likidong dumaloy sa pisngi ko. I'm blind since birth. Sa buong buhay ko ay puro kadiliman lamang ang nakikita ko. Pero bakit kailangang makulay ang panaginip ko? Hindi ba pwedeng h'wag nalang akong managinip? Dahil doon ay palagi kong naaalala na hanggang sa panaginip nalang ako makakakita.

"Hm. Don't be sad. You won't be sad anymore tommorow. I promise." ramdam kong niyakap n'ya ako at pinunasan ang luhang dumaloy sa mata ko. This is the real meaning of blind love. Kahit hindi ko s'ya nakikita, minahal ko parin s'ya dahil sa personalidad n'ya.

"How can you be so sure?" hindi parin tumigil ang pagbuhos ng luha ko.

"There is this cancer patient na bukas na may taning na ang buhay. He's willing to be your eye donor. Yes, love. May eye donor kana. Hanggang bukas nalang ang itatagal n'ya. That person decided to give his eyes to you." masaya n'yang sabi. Nanlaki ang mata ko at napatigil sa paghikbi.

"T-talaga?" halo halo ang nararamdaman ko. Naaawa ako sa pasyente na iyon dahil may taning na ang buhay n'ya. I'm also nervous. Pero nangingibabaw ang excitement na pakiramdam ko. Sa wakas! Iyong nakikita ko lamang sa panaginip ko ay makikita ko na sa totoong buhay. Masisilayan ko na ang mundo. Kung anong itsura ng paligid ko.

'At sa wakas, masisilayan ko na ang taong mahal ko.'

"Yes. It's a good news, right?" medyo mahina n'yang sabi. Hindi ko maiwasang magtaka.

Napataas ang kilay ko at sinabing, "You sounded so nervous. Are you okay?" tanong ko dito.

Ramdam ko ang pagkagulat at pagkabahala n'ya. One of the benefits of being blind is malakas ang pakiramdam mo sa paligid mo. Kahit hindi mo nakikita ay alam mo ang nangyayari.

"H-ha? hindi ah!" pagde-deny nito.

"Sus. Takot ka lang yata na baka pag nakita kita hindi kita magustuhan?"

"Grobi ka. Baka nga pag nakita mo ako maiyak ka sa sobrang gwapo ng boyfriend mo." saad nito sabay tawa.

Ngumiti ako, "Don't worry. Matatanggap kita. Ikaw ang kasama ko for almost 5 years. I fell in love with your personality without having a clue on what you look like. I love you, Craig."

"I love you too, Aloha." bakas ang saya at kilig sa boses n'ya. Hindi ko maiwasang mapangiti na lamang at mapailing. I need to sleep. I bet it would be a long long day tommorow.

————

[THIRD PERSON'S POV]

"Happy birthday, love." saad ni Craig. Pinasalamatan naman agad s'ya ni Aloha. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang pag transfer. Ilang minuto na lamang ay makakakita na si Aloha. Kanina pang nagbibiro si Craig na baka maiyak si Aloha dahil sa kagwapuhan nito na dahilan kung bakit mapailing na lamang ang babae at kanina pang nakangiti, halatang excited.

"I love you, love. Happy birthday." Craig said habang pinapasok si Aloha sa isang kwarto ng hospital kung saan mangyayari ang operasyon.

————

[A FEW HOURS LATER]

"The operation is successful."

"As expected the guy died."

"What a sad love story they had."

Papalabas ng room ang nga doctor na sumagawa sa operasyon. Bakas ang lungkot sa mga mata nito dahil sa nasaksihan. Successful naman pero hindi nila maiwasang malungkot.

———

[ALOHA'S POV]

Nakaupo ako sa isang silya. Rinig na rinig ko ang ingay sa paligid ko. Ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba at excitement. Sa wakas.

"Are you ready, Ms. Aloha?" rinig kong tanong ng isang babae. Napangiti at nanginginig akong tumango. Kahit na nagtataka ako kung bakit hindi kanina ko pang hindi naririnig ang boses at nararamdaman ang presensya ni Craig.

Ramdam ko ang dahang dahang pagtanggal ng ng nakabalot sa ulo at mata ko. Hanggang sa matanggal na ang nakatakip dito.

Napakurap ako dahil nasilaw ako sa purong puting nasa paligid ko. Mga taong naka puti nanakatingin lang sa'kin, pati ang dingding at kagamitan ay puro puti. Napalunok ako at mas kumurap pa. Ramdam na ramdam ko parin ang bilis na tibok ng puso ko hanggang ngayon.

"Congratulations, Ms. Aloha and happy birthday to you" ngumiti ang mga taong ito sa'kin. Gumalaw ako at inilibot at paningin sa paligid ng maayos na ang paningin ko. I can't believe this. Nakakakita na ako. Finally after 20 years.

Perp bakit parang may mali? Inilibot ko ang aking paningin at tumingin tingin sa mga taong nasa paligid ko.

"U-uhm. Si C-Craig po?" tinamaan ako ng kaba ng magkatinginan ang nga doctor at nurse na para bang nag uusap through their minds. Napatayo ako. "Si Craig po?" lakas loob kong ulit sa tinanong ko kanina.

"Sumama ka saamin. Dadalhin kita kay, Mr. Craig." agad naman akong tumango at sinubukang maglakad pero natumba ako. Agad naman nila akong inalalayan at inabot at tungkod na gamit gamit ko noong hindi pa ako nakakakita.

Naglakad kami ng isang Doctor na babae na sa tingin ko ay si Dra. Cruz na s'yang doctor ko. Naiwan ang iba. Lumabas kami ng hospital at sumakay sa isang sasakyan.

Malakas ang tibok ng puso ko at hifi ko maiwasang magisip ng mga negative na bagay. Kalma, Aloha. Baka naghanda lang, nagpagwapo para sa'kin. Pinilit kong kinalma ang sarili ko pero kaunti lamang ang nabawas.

"Be strong, iha, okay? You've been through a lot. Don't waste it all. You can handle this."

Hindi ko pinansin ang sinabi ng doctora dahil nagpapalala lang ito sa pagwawala ng sistema ko dahil sa kaba.

Ilang sandali ay huminto kami sa isang bahay. Agad akong bumaba ng sasakyan kahit matumba ako para lang agad na nakapasok sa bahay. Inalalayan ako ni Dra. Cruz.

Wala na akong pake kung para na akong baliw sa lagay ko ngayon. Naka damit pa ako pang hospital at may tungkod na hawak hawak. Kahit gaano kaganda ang nakikita ko ngayon sa paligid ay hindi ko ma-appreciate dahil sa kabang nararamdaman ko. May hinala na ako sa kung anong maaring nangyari pero pilit ko iyong winawaksi sa utak ko dahil alam kong hindi ko matatanggap.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay bigla akong napatigil. Ramdam ko ang panghihina ng makita kong madaming tao sa loob ng bahay at sa gitna ay may kabaong akong nakita. Nakatingin sa'kin ang mga tao. Wala akong pakialam basta napatulo na lamang ang luha ko habang iika ikang naglalakad papalapit sa kabaong.

Mas lalo akong nanghina ng makita ko ang laman ng kabaong. Napaupo ako at napatulala. Nakaratay doon ang isang lalaking may takip ang mata.

May lumapit sa'king isang babae. "Aloha? I'm Craig's mother." bakas sa mata nito na kagagaling lang nito sa pag iyak. Pulang pula ang mata n'ya.

Napahawak ako sa balikat n'ya, "T-tita? Hindi naman po siguro si Craig 'yan? 'Diba tita? Imposible. Hindi po si Craig ang donor ko 'diba po? Alam ko po na malakas po s'ya. Wala s'yang cancer tita, 'diba po? Wala s'yang sakit. Sabi n'ya may cancer ang donor ko kaya imposible. Hindi po s'ya magsisinungaling sa'kin, tita." hindi ko maiwasang mapahagulgol habang tinatanong ang mga katagang iyon kay tita Cara. Pero mas lalo akong napahagulgol ng umiling iling lang s'ya habang tinatanong ko iyon.

"Sorry, Aloha." may inabot s'ya sa'king isang papel. Nanginginig ang kamay ko na kinuha ito. Binuksan ko ito at binasa.

"Dear my love Aloha,

Cliche mang sabihin ito pero masasabi ko na siguro kung binabasa mo ito ngayon ay wala na ako. Please live. Alagaan mo ang ibinigay ko sa'yo. Mahal na mahal kita, Aloha. At sa susunod na buhay ko? Mahal parin kita. Ikaw lang walang iba. Thank you for everything. Thank you for loving me because of my personality not because of my looks. And.. I'm sorry. I lied. I have a cancer. I can't say it because I'll die the same time at your birthday. I don't want to spoil your happiness. I know you're crying right now. Grobi ka, love. Pinaluha mo na agad ang mata ko. Happy birthday, Aloha.

-Craig."

"Napaka ganda ng mata ng anak ko." napatingin ako kay tita na ngayon ay umiiyak ulit dahilan upang mas lalo akong mapahagulgol.

Why? You promised me na that I won't be sad anymore. You jerk. You said maiiyak ako dahil sa kagwapuhan mo?  What a liar.

———

Akane Daltsuki

Next chapter