webnovel

Capítulo trinta e dois

Dahan-dahan kong inabot ang baril na nakapatong sa tabi ng vase habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa pintuan. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan na minsan ko nang naramdaman noon, lalung-lalo na ang aking mga kamay. Ipinangako ko sa aking sarili na hindi ko na ulit ito mararamdaman ngunit alam kong unti-unti na akong nawawalan ng kontrol dahil sa takot. Bigla akong napatingin sa sahig nang hindi ko nahawakan ng maayos ang baril sa panginginig kaya nahulog 'yon na siyang nakagawa ng ingay. Napatingin na rin ako sa hawak kong cellphone kanina na ngayon ay nasa sahig habang patuloy pa rin ang pagkatok ng kung sino sa pintuan.

Ang paraan ng pagkatok ay tila naghihintay sa pagbubukas ng pintuan.

Yumuko ako para kunin ang baril at mahigpit kong hinawakan ito bago tumayo. Unti-unti kong itinaas 'yon na hinawakan pa ng isa kong kamay at itinutok sa pintuan. Doon ko itinuon ang atensyon para kung sakali man na bumukas ng biglaan ang pinto ay agad tatama ang bala roon. Kitang-kita ko rin ang panginginig ng kamay ko habang hawak ang baril.

"Gale?" nang marinig ko 'yon mula sa labas ay kusang nagsalubong ang aking kilay.

"Are you still there?" bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ko sa baril nang mabosesan ko siya. Did he come back? Is he with the Alzini men? Kusa akong napailing at muling hinigpitan ang pagkakahawak sa baril. No, it's impossible. Bakit naman siya babalik ng ganito kabiles? Halos kakaalis lang niya.

"Gale, open the door!" dinig ko rin ang pakikiusap sa boses nito hanggang sa kusa kong naibaba ang kamay ko. There's something with his voice. Kahit kakakilala pa lang namin, alam ko na kung paano ang tono ng pananalita niya. Could it be...

Kaya ba bumalik siya agad?

"Sh*t! Open the door, pleaseee."

Tila nabuhayan ako nang marinig pang muli ang pagmamakaawa niya kaya nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong hindi kalaban ang nasa pintuan. It's really him. I am really sure of it, this time. Why did I have too many doubts kasi? Sinabi na rin naman niya kanina na Alzini ang pupunta dito at sila lang ang nakakaalam sa lugar na 'to. Baka may nagbago sa plano kagaya ng paulit-ulit na ginagawa nila kaya agad siyang bumalik dito. Mabilis akong lumapit sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Van na nakikiusap. Parang may mali din sa boses niya. Is he hurt? Hinawakan ko ang door knob at pinihit ang door knob para papasukin siya.

"Are you o— " nawala ang pagiging kalmado ko nang isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. Ang masamang pagngiti niya at ng mga kasamahan niya sa likuran nito ang sumalubong sa akin— when I was supposed to be expecting that it was Van from the first place.

"Seems like you have seen a ghost, Serenity Gale?" saad pa niya habang bahagyang nakataas ang isa nitong kamay. Una kong napansin ang dalawang gintong singsing sa pang-gitnang daliri nito, ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang hawak niyang telepono.

"Gale, are you there?" saad ng nasa telepono na nakuha pa niyang sabayan kaya unti-unti na akong napaatras lalo na't lumapad ang ngiti niya.

Stupid! It was a d*mn voice manipulation!

Ang buong katawan nila ay napupuno ng mga tattoo maliban sa kanilang mukha na minsan ko ng nakita noon, at hinding-hindi ko 'yon makakalimutan hanggang ngayon. Lalung-lalo na ang mga nakakabit na hikaw sa labi at buong tainga nila.

Humakbang sila papalapit kaya itinapat ko ang hawak na baril sa kanya. Natigilan sila dahil doon ngunit ang masamang pagngiti niya ay nanatili pa rin sa labi nito, "What do you want?" malamig kong tanong dito. Tumingin ito sa gilid niya kaya kinuha ng isang miyembro ang hawak niyang telepono at muli akong hinarapan.

Humakbang pa siya papalapit kaya napaatras ulit ako, "Subukan mong lumapit at hindi ako magdadalawang-isip na iputok 'to sa'yo," banta ko. Ang masamang ngiti niya ay napalitan ng isang pagngisi.

"If you're thinking that Alzini will come for your assistance, well they won't come. We clearly led all of them into the wrong path. Baka nga sila-sila na walang kaalam-alam, nagpapatayan na ngayon sa gitna ng daan dahil sa isang maling akala," pahayag pa niya na lalong nakapagpagulo sa akin. May nangyayari bang hindi ko alam?

"What are you saying?" tanong ko.

"They'll be dead soon," naglabas siya ng isang sigarilyo at inilagay sa bibig niya bago sinindihan.

Led all of them into the wrong path? Anong ibig niyang sabihin? Sinong tinutukoy niya?

Is he somehow mocking me o nagpapahiwatig siya? Pero para saan?

Kinuha niya ang sigarilyo sa bibig at naglabas ng usok bago muling nagsalita, "Kaya kung iniisip mong may tutulong sa'yo kaya nagagawa mo kaming pagbantaan ngayon, I suggest that you should stop, little girl," mas lalong humigpit ang hawak ko sa baril dahil sa panghuling salita na sinabi niya. Kung paano nila ako ngitian date, ganon rin ang nakikita ko ngayon. Hindi ko man alam kung paano nila ako nahanap but I swear, I won't let them do something nang hindi ako lumalaban.

"I won't ever let you repeat what you did to me, kaya kung ayaw mong pasabugin ko ngayon ang ulo mo, umalis ka na dito," banta ko pa na ikinatuwa niya.

"You grew up bolder, kaya nga siguro gustung-gusto ka ni big boss eh," tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, at alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin na 'yon.

"And as far as I know, ikaw ang may kailangan sa amin, at hindi kami... " bahagya pa siyang humakbang ng isang beses habang diretso ang tingin sa akin, "Ang may kailangan sa'yo," may dinukot siya mula sa bulsa nito at itinaas ang kamay niya kaya napatingin ako doon. Tila nanlambot ang katawan ko nang makita ang isang maliit na bote na hawak ng hinlalaki at hintuturo nito. Mas lalo naman akong nanginig nang makita ko ang isang kulay tubig na likido sa loob noon kaya muli akong napaatras.

Nagbabadya na ring manikip ang dibdib ko katulad ng nararamdaman ko date ngunit pinilit kong manatili sa mismong kinatatayuan ko. Looking into their eyes is like a freak*n drug to me just because of that thing. I have to fight this, kahit ano mang mangyari.

"Keep that thing away from me," banta ko pa sa kanya na hindi niya ginawa. Sa halip ay tinignan nito ang mga kasamahan sa likuran hanggang sa matawa silang lahat. Mabilis na natanggal ng daliri nito ang takip ng bote kaya agad ko ring nalanghap 'yon na minsan ko nang kinahumalingan date. Nakagawa pa ng ingay ang pagkahulog ng takip sa sahig.

Inilahad niya 'yon sa akin kaya pinilit kong umatras kahit na gustung-gusto kong agawin sa kanya. What the hell are you thinking, Serenity Gale?! Kailangan kong iwasan 'to! I won't let it happen again. Just think about what will happen if you're gonna take it again, Gale.

Resist the g*ddamn temptation!

Bigla niyang ininom ang laman noon at kitang-kita ko ang bawat paglunok niya. Nang matapos siya ay inalis niya 'yon mula sa bibig nito. Napapikit pa ito habang nakatingala at malalim na huminga na tila gumaan ang pakiramdam. Inilahad niya ulit 'yon sa akin kaya nakita ko na may tira pa 'yong kalahati.

"You should take it. I know you need it," saad niya na nakuha pang ngumiti kaya ganon na rin ang ginawa ko.

"I'm not like you, huwag niyo akong itulad sa inyo."

Nang mapansin kong may balak siyang lumapit ay bigla ko nang pinindot ang gatilya habang nakatapat sa hawak niyang bote kaya mabilis siyang napaatras. No worries, sinigurado ko naman na hindi pa ito ang katapusan niya. Nakagawa ng ingay ang nabasag na bote at tumagos rin ang bala sa kamay nito na ngayon ay tumutulo na ang dugo mula roon kaya bigla siyang napahawak dito at napayuko kasabay ng malakas na pagsigaw. Dahil doon ay umatras ako na malayo mula sa distansya niya. Their look became wilder as I did that to him, and I know that it wasn't a good decision for me to do that.

"F*cking woman!" sigaw pa niya na sinamaan ako ng tingin. Aktong lalapitan siya ng isang miyembro nito ay itinaas niya ang kabilang kamay kaya natigilan 'yon, "It's ok, we're gonna have to deal with her later," bahagya pa siyang hinihingal sa pagsasalita.

Aktong lalapit ang isa sa akin ay pinaputukan ko ito sa kanyang binti dahilan para mapaluhod siya. Hindi na rin itinuloy ng iba ang paglapit sa akin dahil sa nangyari, "Don't you dare touch me, dahil sisiguraduhin kong ulo ng pinuno niyo ang susunod na tataniman ko ng bala," banta ko pa na itinapat sa kausap ko ang baril bago muli sa kanila. Napatingin sila sa kanya na ngayon ay muli nanamang nakangiti. Sinenyasan niya sila hanggang sa umatras ang mga ito habang matatalim ang tingin sa akin. Napahilamos siya ng mukha kaya nagkalat ang dugo roon hanggang sa harapan niya ako. Kitang-kita ko pa ang pagdaing nito dahil sa ginawa ko.

"What would the army, Alzini and El Nostra think once they found that you are in fact worse than a criminal? You are a general's daughter, you should have told your father about the truth about your crimes and surrender yourself. That way, mas malaki pa ang tsansa na mabilis kang makakalaya sa kulungan because you have your father as your connection," itinutok ko naman sa kanya ang baril, "Shut your f*cking mouth, would you?! Your brotherhood was the one who ruined my life!"

What's he up to for bringing back the past? To hit me harder? That's absurd.

Pero hindi ko pa rin maiwasang magtaka kung bakit wala silang mga hawak na armas ngayon. I find it odd and it gives me chills. Something's wrong. They might have a plan, and I have to find out because they are confident with it.

Tila gusto ko na ring sumabog sa galit dahil sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti nila, bumabalik lahat ng ginawa nila sa akin noon. Kung kinakailangan kong makipagpatayan ngayon, then do so. Hindi ako pwedeng mapasakamay nila. Not again.

"Ruined your life? Really? We let you live a normal life when you were supposed to be generating income for the brothehood as a b*tch. May utang ka sa amin na kailangan mong bayaran. Ikaw ang may kailangan sa amin, at alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. You also know why we are here, right? We pay you, you pay us back, as simple as that. Kailangan pa ba naming ipaintindi sa'yo?" may pagbabantang saad nito.

Napatingin ako sa paligid para maghanap ng malulusutan sa pagtakas pero isa lang ang pintuan sa harapan namin at nakabantay silang lahat. Mayroon din sa likuran ko pero kailangan kong bilisan dahil kung hindi ko magagawa 'yon, paniguradong mahuhuli nila ako.

"Don't ever think of trying to escape, Gale. Nagawa mo kaming takasan at pagtaguan sa loob ng ilang taon, we won't let you go this time. And because of our excellent plan, no one will know kung nasaan ka. In the end, the army, Alzini and El Nostra will kill one another thinking that one of them has you on their hands," dahil doon ay nakaramdam ako ng galit na pinipilit kong pigilan.

I have to pull myself behind from pulling the trigger for the second time. Tama na ang nangyari noon, hindi na 'yon pwedeng maulit ngayon.

"How does it feel to be threatened by everyone around you, Serenity Gale?" tanong pa niya.

Since I was a child, I am already surrounded by dangerous people because of my dad. It's the fact that I can't keep as a secret. I should have been expected all of this. Ang alam ko lang, hindi malapit ang loob ko kay dad kaya malayong magamit ako laban sa kanya but the more I keep myself away from him, mas lalo akong napapahamak. Everyone's using me as a weapon just because of an underground secret. But I won't let them control me.

"You promised. Nangako ka sa amin kapalit ng impormasyon na gusto namin kaya pinakawalan ka ni big boss kahit ayaw niya. He badly desired you to work for the brotherhood but because of that promise, we all had to let you go. Pero anong ginawa mo?Tinakasan mo kami," muli siyang lumapit at natigilan sa mismong harap ko. Kinuha ko naman ang pagkakataon para itapat pataas sa ibaba ng baba niya ang baril kaya bahagya itong napatingala.

"I warned you," saad ko. Mula sa pagiging seryoso nito ay muli siyang ngumiti.

"Shoot me. Prove yourself that you are really a killer. Wala ka rin pa lang pinagkaiba sa amin. You are really fit for the job," gustung-gusto kong pindutin ang gatilya pero aaminin kong natigilan ako sa sinabi niya. I never did something like that, but I feel so affected. Why am I guilty?

"Kung hindi mo pa ako tatapusin ngayon, ikaw ang tapos sa amin mamaya. Tandaan mo 'yan!" mahinang banta niya habang patuloy ako sa pagpipigil, "Just give us what we want. Sasama ka sa amin, tutuparin mo ang pangako mo at ibibigay namin ang kailangan mo. Then we're all done," dagdag pa niya.

"Do you really want to know the reason kung bakit wala na akong balak na tuparin ang pangakong 'yon? It's because I wasn't able to find out anything. Kaya kahit anong gawin niyo sa akin, wala kayong malalaman dahil wala akong alam," pahayag ko dito.

Dahil doon ay mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang-pisngi ko gamit ang isa nitong kamay at malakas akong itinulak sa pader kaya nawalan ako ng balanse. Dahil doon ay aksidente kong napindot ang gatilya ng baril dahilan para magkatitigan kami. Tunog ng baril ang narinig sa buong lugar ngunit kasabay noon ay tila tumigil ang oras sa buong paligid namin. Unti-unti siyang yumuko kaya ganon na rin ang ginawa ko hanggang sa makita ko na lang ang pagtagos ng dugo mula sa tagiliran niya. Maski ang pagkakapisil niya sa pisngi ko ay lumuluwag na rin.

Muling nanginig ang kamay ko hanggang sa mabitawan ko ang baril na hawak. Mabilis ko siyang itinulak para buksan ang pintuan sa likuran ngunit pagkabukas ko dito ay may isang lalaking kasamahan nila ang bumungad sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang leeg ko kaya napahawak ako sa dalawa niyang kamay. Kumuha ako ng lakas para sipain ang pagitan ng binti nito na nagawa ko naman kaya kumaripas na ako ng takbo.

"Bring her alive to me! Huwag niyong hahayaang makatakas siya!" sigaw ng kung sino. Alam kong hindi ang pinuno nila ang nagsabi noon dahil iba ang boses niya.

But what about him?! H-Hindi ko naman sinasadya.... I-I warned him pero lumapit pa rin siya. It's his fault. A-At wala akong alam sa nangyari. Puno man ako ng pagbabanta pero wala akong balak na totohanin ang lahat ng 'yon. I'm sorry... h-hindi ko talaga sadya.

Nang makita kong hinahabol na nila ako ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo kahit na hirap na hirap ako dahil sa bahagyang lumulubog ang aking paa sa puting buhangin. Tumingin ako sa likuran at nakita ko sila kaya minabuti kong ituon na lang ang atensyon sa harapan kahit na hindi ko alam kung saan ako patungo. Mas mahihirapan lang ako kapag tinignan ko pa sila. I know they won't let me go because of what I did to their second leader. Wala naman talaga akong balak na gawin 'yon sa kanya. If he didn't just insist...

Killing doesn't run in my blood.

Hindi ko na lang namalayan na sa patuloy na pagtakbo ko ay kusa na lang tumulo ang aking mga luha. Ganito pala sa pakiramdam kapag wala kang matatakbuhan sa oras na kailangan mo ng tulong. I thought the Alzini wouldn't let me be in someone's hands pero nasaan sila ngayon? I know that I shouldn't be expecting because I am just a mere weapon to them, but I believed to their promises because they are known for keeping their words. Sila na lang ang inaasahan ko ngayon.

Van said to me na Alzini lang ang nakakaalam sa lugar na 'to, but why are these men here now? How did they find me?

Bakit wala pa rin sila hanggang ngayon?

Did they give me to them? No, they can't. Hindi nila magagawa 'yon, dahil nangako sila. Noon pa man, nangako na sila kapalit ng tulong at paghihiganting ibinigay ko para sa kanila. I know they will come as they promised. Kailangan ko lang na maghintay. Be patient.

Kusa akong natigilan sa pagtakbo nang mapansin na may mga sasakyang nakatigil sa mismong harapan ko na medyo malayo pa rin sa aking distansya. May mga lalaking puno ng tattoo ang nakasandal doon na tila may hinihintay. Nang mapatingin silang lahat sa akin ay alam ko na kung sino sila. Tumingin ako sa likuran ngunit papalapit na rin sa akin ang iba pang humahabol. Sa oras na ito, wala na akong ibang matatakbuhan kundi ang dagat na lang, yet it's also my weakness. Muli ko naman silang hinarap, ibinabaling-baling ko ang tingin sa magkabilang direksyon. Kahit saang daan ako dumako, laging delikado, but I had to decide. Mas tatanggapin kong mamatay na lang sa dagat kaysa mapunta sa kamay nila

Honestly, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. I thought I was stronger, pero hindi pa rin pala. What more sufferings do I need to go through para lang mahanap ang kalayaan na gusto ko?

I can't even fight though I want to.

I need help.

Tulungan niyo 'ko.

If anyone can witness this, please help me. K-Kasi hindi ko na kaya. Nahihirapan na ako.

Ang hirap lumaban. Ang hirap umasa. Ang hirap mabuhay.

I promise to do anything basta tulungan niyo lang ako. PARANG AWA NIYO NA.

B-Because I think, I won't be able to handle this one anymore. Isa lang ako, marami sila. Anong laban ko? I know I'm gonna lose soon, but I still want to fight. Pero paano?

N-Nakakapagod na. Nakakapagod tumakas at magtago. Hindi naman ako kriminal, pero bakit ganito? B-Bakit kailangan kong tumakbo at magtago na lang palagi?

What did I do wrong for this world to make me suffer?! May mali ba sa akin?! Masama ba ako?!

After being useful, am I really useless now? Kaya ba wala ng tumutulong sa akin? How f*cked up this life is?

"T-Tulungan niyo 'ko," mahinang saad ko. Tuluyan na ring nanlabo ang aking paningin dahil sa tuluyang pagluha. Sila lang ang nakikita ko at wala ng iba.

Nang makita ko ang unti-unti nilang paglapit sa gawi ko ay kinailangan ko ng mamili kaya tinalikuran ko sila. Nanginginig kong sinalubong ang malamig na tubig mula sa dagat at napansin kong papalapit na rin silang lahat sa akin kaya mas mabilis ko pang nilusong ang tubig. Nang umabot na ang tubig sa baywang ko ay tumingin ako sa likuran at napansin kong pinapanood lang nila ako na mas lalong nakapagbigay sa akin ng hindi magandang pakiramdam.

Once they are not doing something, it doesn't mean that they are doing nothing.

"AWWW!!!!" bigla na lang ako napasigaw nang maramdaman ang isang matulis na bagay na siyang tumusok sa binti ko hanggang sa sumibol ang kulay pulang likido mula sa ilalim ng tubig. Tila may humugot rin ng patalim sa binti ko na mas lalo pang nagbigay ng hapdi at kirot. Hahawakan ko pa sana para salatin ang sugat na natamo ngunit siya naman ang pag-ahon ng kung sino sa harapan ko na siyang ipinanlaki ko ng mata nang makilala siya, "Good choice of choosing the sea as your path," sabay pagngisi nito.

He's not the second leader, pero sa pagkakaalam ko, he's that loyal to their big boss.

Napatingin ako sa kamay niya nang itaas niya 'yon at nakita ko ang isang blade na hawak nito. Aktong tatalikuran ko siya para takbuhan ay mahigpit nitong hinawakan ang buhok ko at biglang inilublob sa tubig. Nagpumilit akong umangat ngunit sadyang malakas siya. Doon ko lang napagtanto na mali ang daang tinahak ko when the pain physically and emotionally became deeper.

Sobrang sakit na... at sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko alam kung ano ang uunahin. Tila nalulunod ako sa sarili kong luha.

The sea cried with me.

Muli niya akong iniangat kaya mabilis akong kumuha ng hangin at nakapaglabas na rin ako ng tubig mula sa bibig dahil sa dami ng nainom ko, "We know your weakness, kaya huwag kang umasang may laban ka ngayong nasa tubig tayo," muli niya akong inilublob sa tubig kaya pinilit kong umangat kahit hindi ko magawa. Water will always be my weakness. Nararamdaman ko na rin ang pamamanhid ng katawan kaya siguradong mas mahihirapan ako kapag nagtagal pa ako sa ilalim ng tubig, sumabay pa ang sugat sa binti ko kaya mas nahirapan akong magpumiglas. Hindi ko na rin alam kung saan ibabaling ang galaw ko.

Hinila niya ang buhok ko pataas kaya kumuha ulit ako ng hangin at nagtuluy-tuloy na sa pag-ubo. Kinaladkad ako nito papalayo sa tubig hanggang sa itulak niya ako dahilan para madapa ako sa buhangin habang patuloy pa rin sa pag-ubo. Nakakaramdam na rin ako ng pamamanhid at pagkahilo, "Tatakasan mo pa talaga kami?" napansin ko ang paanan ng isang tao sa mismong harapan kaya napatingala ako. May inihagis siyang tali sa harapan ko bago ako tinalikuran, "Talian niyo 'yan, yung mahigpit na mahigpit hanggang sa mamaga ang kamay. We'll deal with her later," hindi na ako nakapalag nang may apat na humawak sa akin lalo na't nakakaramdam ako ng panghihina at pamamanhid. Pinadapa nila ako habang tinatalian ang dalawang kamay ko sa likuran, "Ipagdasal mo na sana maayos ang lagay ni boss, dahil kung hindi, mas malala pa ang aabutin mo sa amin," dagdag pa ng mga nasa likuran ko at nakuha pang magtawanan. Hindi ko na lang 'yon pinansin dahil nakatingin lang ako sa harapan habang umaasa pa rin sa isang tulong.

Tulong na alam kong hindi na darating, kaya muling nanlabo ang paningin ko sa pagpatak ng luha.

It should have been better if I drowned myself earlier.

Matapos nila akong talian ay sapilitan akong hinila patayo at itinulak papasok sa isang van kaya napaupo ako doon, "Let's go. The enemy is surely in rampage, poor little girl," ang pinakahuling narinig ko na lang ay ang pagsasara ng pintuan.

To be continued...

Next chapter