webnovel

Daniel (Chapter 34)

"DANIEL? Okay ka lang?"

Napaangat ang ulo ko sa nagtanong. Si Anne. Nasa mukha niya ang pagtataka kaya nagtaka rin ako sa kanya.

"Bakit, Anne?" maang kong tanong dito.

Noon ko lamang napansin na kaming dalawa na lang pala ang nasa classroom.

"Nakatulala ka kasi e kanina pa," she replied.

I took a deep breath. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga pawis mula sa noo.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinahid sa noo at mukha.

Nagpalinga-linga ako sa paligid kapagkuwa'y napatingin sa aking relong pambisig.

"Tapos na ba ang klase natin kay sir?" I asked her.

Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko.

"Daniel, okay ka lang ba talaga? Hindi mo ba alam ang nangyari?"

Napatitig ako kay Anne. "Bakit ano'ng nangyari?"

Bumuntong-hininga siya. "Tumalon si Yanyan mula sa rooftop kaya nagkagulo na kanina pa," sagot niya.

Napanganga ako at nanlaki ang mga mata sa narinig. "Si Yanyan?" Ang hindi ko makapaniwalang tanong.

"Oo nga, si Yanyan!" sagot naman niya.

"A-ano'ng nangyari? Bakit daw tumalon?" naguguluhan kong tanong.

Nagkasama pa kami sa rooftop tapos iyon ang balitang malalaman ko.

"Ayun, iniimbistigahan na siguro ng mga pulis." Napatitig siya sa 'kin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Ah... wala," tugon niya at ngumiti. "Wait... ano 'yang nasa leeg mo?" tanong niya na sinipat ang aking leeg.

"Bakit? Ano'ng meron?"

"Is that a kissmark?"

"Huh? Hindi ah, bakit naman ako magkaka-kissmark? Baka kagat lang ng lamok kanina sa CR," sabi ko.

Shit! Ano ba talaga ang nangyari kay Yanyan? Tanong ko sa isipan.

Napapikit ako at pilit inaalala ang mga nangyari. Pero ang huli ko talagang natatandaan noon ay 'yong nilabasan na ako pero hindi pa rin niya ako tinitigilan sa kakachupa.

Ni hindi ko na naalala kung paano ako nakarating sa classroom namin.

Ano ba talagang nangyayari sa 'kin? Bakit laging ganito? Bakit laging wala akong maalala pagkatapos kong makipagtalik? Ang gulo.

"Hey..."

Napatingin ako kay Anne na tinapik ang aking kanang pisngi.

"Daniel, namumutla ka, e. I think you're not feeling well," she said. Nasa mukha niya ang pag-aalala.

"Masama lang ang nararamdaman ko sa tiyan, Anne. Kaya nga 'di ba lumabas ako kanina?"

Ngumiti siya. "Oo, alam ko. Kaya medyo matagal ka rin nakabalik. Iinom mo na lang kaya ng gamot 'yan. Tara, samahan kita sa pharmacy. At saka alam kong pagkatapos nang nangyari kanina kay Yanyan ay wala na rin namang papasok pa na instructor today."

Ngumiti rin ako sa kanya. Humingan ako nang malalim.

"Wait... bakit nga pala lumabas si Yanyan kanina?" mayamaya ay tanong ko.

Bigla ko kasing naisip ang possibility na madawit ako kasi pareho kaming lumabas ng classroom.

"Hmmm... nag-excuse 'yon kanina kasi may tumatawag daw sa kanya na importante. Tapos 'yon na, nagkagulo sa labas kasi nahulog na pala siya galing sa rooftop. Pero alam mo, sa tingin ko may problema ang taong 'yon. Suicide malamang ang nangyari. Actually, 'yon din ang iniisip ng lahat, e."

Lumuwag ang dibdib ko sa narinig mula kay Anne. Pero nagtataka pa rin ako kasi ang saya-saya pa naman ni Yanyan habang magkasama kami sa rooftop.

Wala naman akong napansing may problema siya. Bakit nga kaya? Napakibit-balikat na lamang ako nang mga sandaling iyon.

"Ano na, Daniel? Tara, labas na tayo," sabi ni Anne at tumayo na.

"Sige-sige..." nakangiti kong sabi sa kanya. Tumayo na rin ako.

Sobrang dami pa rin ng mga nagkukumpulang estudyante at instructors sa labas.

Paniguradong si Yanyan ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi ko alam kung bakit pero ang tindi ng kaba ko nang mga oras na 'yon. Pakiramdam ko ay nakatingin ang lahat sa 'kin.

"Daniel..." sambit ni Anne sa aking pangalan.

Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin. Unti-unti namang nawala ang kaba ko.

Nagtuloy nga kami sa isang pharmacy at bumili ng gamot na para sa tiyan.

Ayoko sana dahil nagkukunwari lang naman talaga ako pero sumang-ayon na lamang ako kay Anne.

Pagkatapos namin sa Pharmacy ay nagyaya siyang pumasyal muna kami saglit sa isang mall. Sumama na rin ako kasi maaga pa naman.

Kitang-kita ko ang labis na kasiyahan sa mukha ni Anne. Alam kong kinikilig siya no'n.

Hinawakan niya rin ang kamay ko habang gumagala kami. Napapangiti na lamang ako.

Pakiramdam ko nang mga sandaling iyon ay lalaking-lalaki talaga ako.

"Snack tayo, Daniel," yaya niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Pasensya ka na, Anne, pero pamasahe na nga lang pauwi ang pera ko rito, e," sabi ko sa kanya. Napapakamot pa ako ng ulo.

"Ano ba? Treat ko 'to okay. Ako naman nagyaya, e," she said.

"Nakakahiya naman sa 'yo."

"Susss... h'wag ka na mahiya, okay. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon, Daniel," seryoso niyang sabi.

Bumuntong-hininga ako pagkuwa'y ngumiti sa kanya. "Okay, 'kaw bahala," I told her.

Pumasok kami sa isang fast food chain. Akala ko ay mag-snack lang kami pero hindi ko akalaing ang dami niyang oorderin na pagkain.

Well, timing naman kasi nagugutom naman talaga ako no'n.

"Sige na, kain ka na, Daniel. Baka gusto mong subuan pa kita," nakangising sabi ni Anne.

"Susubuan talaga? Para ka namang si nanay ko niyan," sabi ko. Natawa siya.

"Bakit ang bait-bait mo, Daniel?"

Kumunot ang noo ko. "Mabait? Bakit mo naman nasabi 'yon?"

"Hmmm... e kasi po ang pogi-pogi mo tapos napaka-humble mo. Hindi ka kagaya ng iba na napakayabang kung umasta. Kung tutuusin nga e mas pogi ka pa sa kanila."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Oh bakit ka natawa?" maang niyang tanong. "Seryoso naman 'yon, e."

"Wala lang, natawa lang ako sa sinasabi mong pogi at mabait ako."

"Kita mo na! Ang humble mo talaga," sabi niya.

Hindi na lamang ako tumugon. Nagkatitigan kami ni Anne. Ang ganda-ganda talaga niya.

Bakit kaya 'di ko subukan ang sarili sa kanya? Baka magkaroon pa ng chance na maging straight nga ako 'di ba?

"Daniel, pangit ba ako?" mayamaya ay tanong niya sa 'kin.

"Ang ganda-ganda mo nga, e," tugon ko.

"E, bakit parang ayaw mo sa 'kin? Hindi ka naman yata bakla 'di ba?"

Napabuntong-hininga ako. Kung sabihin ko na lang kaya sa kanya ang totoo na bakla ako?

Pero hindi puwede. Hindi pa puwede. Pero paano ko ba siya sasagutin?

Wala talaga akong masabi kaya ang ginawa ko, dinampot ko ang tinidor at kumuha ng spaghetti.

"Open your mouth, subuan kita," nakangiti kong sabi sa kanya.

Natawa siya. "Sweet mo naman," she said. Halatang kinikilig.

Kinain nga niya ang spaghetti na isinubo ko sa kanya.

"Para na tayong magsyota, Daniel," sabi niya pagkatapos.

Napatingin lang ako sa kanya at ngumiti. Shit! Bakit nga ba hindi ko subukan?

Physically, okay naman talaga si Anne, e. Hindi lang siya saksakan ng ganda, napaka-sexy niya rin at ang linis-linis sa katawan.

As the matter of fact, gustong-gusto ko ang pabangong gamit niya. Ang bango-bango niya talaga.

"Oh, ano na, Daniel? Natameme ka na riyan? Siguro na-realize mo na ngayon na maganda pala ako, 'no?" tanong niya.

"Anne, I think you're perfect. Sinabi ko na kaninang maganda ka 'di ba? Kaya lang-"

"Kaya lang ano, Daniel?"

"Hindi pa ako handa, Anne, e. I just want to focus on my studies," sabi ko.

Naramdaman ko ang kamay niyang pumatong sa kamay kong nasa mesa. Ngumiti siya sa 'kin.

"I know, Daniel, at naiintindihan kita. I just want you to know that I really adore you ever since. I can wait," seryoso niyang sabi.

I could feel that she's really serious that time. Nababasa ko 'yon sa mga mata niya.

Totoo naman talagang gusto kong i-focus ang sarili ko sa pag-aaral.

But I don't think makakasira sa focus ang pakikipagrelasyon. It's just that, ayoko lang siyang lokohin. Ayoko.

Next chapter