webnovel

Chapter 4: Vigilant

Ala singko y medya na ng hapon. Nagpaalam na ako sa kanila. Kalahating minuto nalang kasi, out na ni Joyce.

"Ingat ka bro." tinapik ni Jaden ang balikat ko habang sabay kaming naglalakad patungong garahe. Ang mag-ina nya ay parehong tulog pa. Hindi ko na ginising dahil baka biglang umiyak ang Knoa.

"Salamat. Pakisabi nalang kay Bamby, na nauna na ako " bilin ko. Tumango lang sya. Nakatayo sya't parehong nasa loob ng bulsa ang mga kamay.

"Nasabi nya ba sayong may out of town ang barkada this weekend?." anya ng paatras na ang sasakyan ko palabas. Tinutukan ko ang pagparada sa gilid ng daan bago sya tinapunan ng atensyon.

"Wala syang nabanggit." iling ko. Napabuntong hininga naman ito. "Bakit parang biglaan naman?." tanong ko.

"Si Winly ang nagyaya. Off nya raw kasi. Tsaka, stress daw sya. Kailangan nya raw mag-unwind."

"Ganun ba?. Sino-sino ba mga umoo na?."

"Sina Dave at Bryle lang ang huminde. Karamihan na, sasama."

Napaisip ako. Kung sasama kami, makakalanghap din kami ng sariwang hangin tulad nila. Di naman kami stress pero para sa supportive na kaibigan naming iyon, pupunta kami.

"Ge. Kakausapin ko pa ang may bahay ko kung papayag ba sya o hinde."

"Pumayag na sya. Hindi nya ba sinabi rin sa'yo?." duon ako napanganga. Paanong pumayag na sya?. I'm damn no words to say. Napansin ata nya iyon kaya nagpaliwanag na rin. "Nasa gc ang convo ng lahat bro. Di ka ba nagbabasa roon?." mabilis akong napailing. Sus.. Hay... perks of not opening any messages in your messenger unless it's your lovely wife. Erk!. Nakakahiya!. Bawas pogi points to ha. At, kay Jaden pa. Naku! Malaman to ng asawa nya. Bugbog sarado na naman ako ng mga pang-aasar nya.

"You should read those para updated ka. Napag-iiwanan ka ng lahat kapag wala kang social life."

"What?." napataas kilay ko. Anong walang social life?. Gusto ko itong isigaw sa pagmumukha nya pero masyado na akong napahiya, kanina pa.

"Both of you should learn how to have a social life bro. I'm not saying here that you both don't have. What I'm explaining here Is that, life is short. We should enjoy life. Kailangan lumabas at iwanan muna sandali ang lahat para huminga."

"Tsk. Ang daming alam. Kaya ba iniwan mo mag-ina mo kanina without any food?. For you to breath?."

Duon sya napaayos ng tayo. Bull's-eye. Ngayon. Ikaw naman ang igigisa ko.

"You know nothing bro."

"Sige nga. Anong bagay ang hindi ko alam. Sabihin mo ngayon mismo." tunog pagbabanta ko. Kahit kasal na sila ng kapatid ko. Nakikita ko pa rin ang takot sa kanya sa tuwing kaming dalawa lang ang nag-uusao. I don't why. I guess. It's a sign of respect. For me. And I for him too.

"Your wife and my wife had a convo earlier this morning. I don't know the exact details but before leaving them behind. Your sister told me that you're heading here with some food. It says that it's an order from your lovely wife. Magluluto na sana kami kaso pinigilan ako ni Bamby. Baka raw kasi masayang lang ang lutuin ko kapag dumating ka. Kaya ayun. Iniwan ko na sila dahil biglang tumawag si Ate, sinabing inatake raw si Papa ng high blood."

Natigilan ako. So, from the very beginning. Alam lahat ng kapatid ko ang pinaggagagawa ko?. Hay... kaya pala ganun nalang kung mang-asar ito. Naku!..

"Kamusta na sya?. Sorry. Di ko alam." hongi ko ng paumanhin.

Bumalik muli sakin ang hiya. Napapalunok nalang ako sa tuwing naiisip kong, minsan mali pala talagang maniwala sa mga akala. Pahamak. Asar!.

"Luckily. He's okay now. Baka paggising ng dalawa mamaya. Pupunta kami ng bahay. Doon na muna kami matutulog. Kailangan ni Mama ng kasama. Lalo na't nasa duty si Ate." paliwanag nya. Tumango ako at sinabing, dadaan kami mamaya duon after kong sunduin si Joyce. Tuluyan na nga akong nagpaalam sa kanya.

Hinintay ko nalang sya sa loob ng sasakyan dahil I feel like my head will explode. Hindi naman gaanong mainit. Actually, makulimlim pa nga pero kapag talaga umatake ang sakit ng ulo mo. Walang panahon ito.

"Are you okay?. Take this." naghihikahos syang sumakay ng sasakyan at iniabot ang gamot at bottled water na bukas na.

"Thanks honey." kinuha ko ang nasa paerho nyang kamay saka ininom nga iyon. She said too na kailangan ko munang magpahinga kahit konting oras lang. Inalok nya sakin na sya na raw ang magmaneho para samin pero matindi ko sya g tinangihan. Imbes. Tinanong ko sya about the thing na nasabi ni Jaden kanina.

"May outing ang barkada pala this coming weekend?." I ask first. Sinadya kong hanggang duon lang muna ang sabihin.

"Hmmm.." sagot nya habang hinihilot ang hinliliit sa kanang kamay ko.

"And you said yes?." usisa ko. Nakapikit pa rin ako't nakasandal ang ulo sa headrest. Habang pinapakinggan ko ang boses nya. Kumakalma ang pitik ng ugat sa sakit ng ulo ko.

"Yes honey ko. Tutal, wala naman akong pasok until Sunday, so it's okay to both of us to hangout with them."

"That's sounds cool. What about Bamby? Sinabi mo pala sa kanyang magdadala ako ng food for them?."

It's okay to ask things out kesa itago ang lahat tapos mag-aakala ng mga bagay na hindi naman pala totoo diba?.

"Yep!. Request ng baby Knoa mo."

"Bakit di mo agad sinabi sakin na sinabi mo sa kanya?."

"Do I have to say those things?."

"Yes honey. Para aware naman ako."

"Okay. Next time baby. For now. I'm sorry." malambing nyang himig sabay halik sa pisngi ko ng tatlong beses. After the kiss. Pinagpahinga nya ang ulo nya sa may balikat ko. "Di ko naman po alam na gusto mo palang malaman ang mga bagay na ganun."

"Ofcourse baby. Aware ka naman na siguro na bully ng buhay ko ang Bamblebie diba?."

"Hmm.. am pretty aware baby."

"That's why.."

"You sounded like she defeated you once again huh?."

"Kinda.."

Natawa sya. "No doubt. She's Bamblebie for a reason. hahahaha.."

"Yeah right." pagsang-ayon ko rito. Tama naman kasi sya. Talo na naman ako sa pang-aasar ng kapatid ko. Tama din si Jaden na, I don't know anyhing dahil behind my back, marami na pala ang nagaganap without even my knowledge. I'm not naive tho. It's just that. I'm too bored to look on other things now simula nung may asawa na ako. I feel like, magkakasala ako kapag tinuon ko sa iba ang atensyon ko but I was wrong pala. Kahit pala kasal ka na. You still have to be vigilant anytime and anywhere because if not, mapag-iiwanan ka talaga ng tao lalo na ng panahon.

Next chapter