webnovel

Chapter 6: Bamblebie

"Bamby, tama na.. ano ba?.." pigil ko dito. Kanina nya pa ako kinikiliti sa paa at nakakainis na!

Weekend kasi ngayon at pareho kaming inip na inip na dito sa bahay. I tried to ask papa kung pwede ba kaming magtravel dalawa ni Bamby pero pinagbawalan nya ako. I don't know why. Di naman na ako o kami mga bata para hindi umalis nang di sila kasama. Nakapunta na nga sya ng East coast, ako hinde pa. How unfair diba?.

"Kasi, I'm so damn bored.." anya at inis na humiga sa mga binti ko. We used to do it this way when we were still young at kung susumain ko, ngayon lang ulit sya naglambing sakin.

"E di tawagin mo jowa mo.."

"May jowa ba ako?. Ikaw kaya, kailan magkakaroon?.."

Bwiset! Heto na naman sya sa pagbabalik ng mga tanong.

"Umalis ka na nga dito.." akma kong inalis ang ulo nya sa binti ko pero lalo pa syang kumapit doon.

"Para biro lang e.. ang seryoso masyado.. psh!.." bulong nya na dinig na dinig ko naman.

"What!?.." angil ko. Ibinaba ang hawak na cellphone saka sya tinignan ng masama. Tiningala nya ako't nagpacute.

"Wala.. ang sabi ko. gwapo ka.."

Nang-uto pa! Bwiset! Kung di lang ako bored, e kanina ko pa to hinila palabas ng silid ko. Palibhasa, maawain ako. Kaya eto. Hinahayaan ko lang syang mahiga sa tabi ko.

We both stayed silent for a couple of minutes. Ako, abala sa pagiiscroll ng social media dahil umaasa pa rin akong may makikita akong bakas nya. Ilang araw din kasi. Yung dating walang buhay na profile nya. Nawala na nang tuluyan. Hinanap ko pa sya sa friend list ng mga kuya nya pero walang nagpakita. Sa kagustuhan kong malaman kung ano ngang nangyari. Napunta ako sa profile ni Rozen. His brother kung saan kabaligtaran nito ito. He's active and she's not. Totally!

I messaged him. Nagkamustahan kami a little bit but when I asked him about her sister he became mute. Hindi na sya nagreply o tinignan man lang ang mensahe ko. Kaya tahimik ako dahil umaasa pa rin ako sa mga reply nila.

"Kuya.." bigla ay kalabitni Bamby.

Napakurap ako. Bahagya din akong nagulat sa kanya. Ang akala ko. Kanina pa sya umalis. Hindi pa pala.

"Hmmm?.."

"May kontak ka pa ba kay Joyce?.." she asked suddenly without thinking what I'm thinking right now. O well! Diko sya masisi dahil wala nga syang iedya sa amin.

And, kaya siguro nasabi nyang ganun dahil noon, ay kinausap nya si Joyce through me. At minsan lang nangyari iyon. Di na naulit pa kahit kinukulit nya ako.

"Wala na.." bagsak ang mga balikat kong himig. Isa sa mga katotohanang pilit kong binabalewala. Lumunok ako at dinig na dinig ko iyon sapagkat mahina sakin ang magpanggap. Na ultimo itong katabi ko ay narinig pa yata.

Bumangon sya sa pagkakahiga saka naupo sa gilid ko. Mismong tabi ng baywang ko. She crossed her legs. Suot ang itim na pajama at orange na hoodie. "Why are you sad?.."

Narinig ko naman yung tanong nya. Sadyang, di ko lang alam paano magreact sa naging tanong nya.

"Mukha ba akong malungkot?.." nginitian ko sya.

Humaba ang kanyang nguso kasabay ng kanyang nakakaasar na ngisi. "Alam mo.. di ka lang malungkot.."

"What?.."

"Sa nakikita ko pa sa'yo.. mukhang malaki pa ang problema mo.."

"What?.."

"Psh!.. stop that what thing.. kutusan kita dyan eh.."

"What did you say?.." mabilis akong umupo dahilan para mapatalon sya paalis ng higaan ko.

"Hahahahahahahahah.. ang seryoso mo.." she laughed! May nakakatawa ba?.

Mabuti pa sya. Abot hanggang mata ang kanyang ngiti. Kung sana lang.. kung sana lang andito sya.. sana ganyan din ako ngumiti ngayon.

Sinamaan ko pa sya ng matalim subalit tinawanan nya lang ako ng tinawanan na para bang nagbibiro ako. Tumayo ako't tinuro sya. "You!.. get out.."

Namaywang sya't tinuro din ako. Ang tibay!

"Eh?. wala naman akong ginagawa ah. hahahaha.."

"Just. Get. Out!." pikit mata kong sigaw. Gigil na gigil.

"Ahahahaha... saan ako pupunta kung ganun?.."

"I don't know.. just leave me alone.."

"E kung gumala kaya ako mag-isa?.."

"I don't even care.." tumawa na naman sya. Nang-aasar!

"O edi sige.. I'll call Klare and Bryce para magroad trip kami.."

"What!?.. No!.." agap ko. Baka kung ano gawin sa kanya e, ako ang mapapagalitan.

"Why?.. I thought you don't even care?.." ngisi nito. Humalukipkip pa! Ang tibay nga! Sige lang! Pag nasa tamang huwisyo lang ako. Ako ang mantitrip sa'yo!

Tinalikuran ko sya at bumalik ng higaan. Masyado kasing wild ang mga taong binanggit nya. At sya?. Inosente! At, ayaw na ayaw ni papa ang maturuan sya sa mga bagay na hindi pa nya dapat matutunan. Nabantaan ako ni erpat kaya kahit labag sa kalooban kong wag syang paalisin.. No choice na naman si ako! Hay! Hanggang pa rin ba, wala akong ibang pagpipilian?.

Nagkibit balikat sya at kulang nalang sumayaw sa kanyang mga hakbang papalapit sa may bintana. Hinawi nya ang kurtina at tumayo sya doon. "Gusto ko nang umuwi.." she said after a heavy sigh.

Hindi ako umimik!

"I miss Jaden and all.." dagdag nya. Normal lang akong huminga hanggang sa may nasabi syang pangalan. "And Joyce too.."

Tahimik akong pumikit at nagdasal na sana wala na syang idadagdag pa.

But.

"But, I miss seeing you.. wearing your smile too.." anya saka muling humarap sakin.

Aw!

Nginitian nya ako. Hindi ngiting pang-aasar kundi ngiting sinsero. Na talagang namiss nya nga ang ngiti ko. Really?. Baka prank to ha?. Gusto kong itanong ito sa kanya pero natigilan ako ng bigla syang maglakad palapit para yumakap sakin. "Kuya, why are you so sad?.." humigpit ang yakap nya't isinubsob ang mukha sa dibdib ko. "What can I do to make you smile again?.."

"Bamblebie.." tawag ko dito ngunit di sya natinag. Humigpit lalo ang yakap nya.

"I don't know what you've been through but I wish--." she paused. "--I wish, that someday, you'll be okay and make fun of me again.."

Napanguso ako sa sinabi nyang iyon. Talaga lang ha?. Maasar nga kita bukas!.

Matunog akong ngumisi sa pagpipigil ng ngiti at tawa. Nakanguso nya akong tiningala. "What ha?.." nangilid ang luha nya kaya pinunasan ko iyon nang mahulog na.

"Wala.. ako rin eh.. I miss teasing you.." lalo lamang nag-unahan ang luha nya. Kaya lalo akong natawa.. Pinalo nya ako sa braso. I miss hugging her this way. Na para bang, sya ang daan para mabawasan ang pangungulila ko sa kanya.

Next chapter