webnovel

Chapter 89: Not ready

Bumaba ako ng sasakyan para lumanghap ng hangin. Naubusan ako kanina sa loob, sa mga pinaggagagawa namin. Di ko man sadya ay awtomatikong nag-init ang dalawa kong pisngi sa mukha't pakiramdam ko ay lalagnatin na yata ako sa init no'n. Ngayon ko lamang ito naramdaman. Hindi ang bagay na naramdaman ko kanina sa kanya. Yung pakiramdam na para akong nakasalang sa kumukulo pang takuri tapos hindi maialis sa kalan kaya patuloy sa pagkulo hanggang sa sumabog nalang at kumalat sa kalan.

"Hey. buti nakapunta ka?.." nagulat ako sa biglang pagsulpot ng taong kumalabit sa akin. Sya yung pumatay sa sunog na patuloy na lumalaki sa sistema ko.

Inipit ko ang parehong labi bago sya tinanguan. Sigurado akong paos ako ngayon kaya mas pinili kong tanguan sya.

"Where's Lance?. Kanina pa sya hinahanap ni Bamblebie?. yung puso nya raw, kailangan nang sunduin.. hahaha.."

Natameme ako. Sana lang, di nya napansin ang pamumula ng mukha ko o ang pagiging tahimik ko. Baka kasi tanungin nya't naloko na. Di ko pa naman alam ang tamang isasagot sa kanya.

"Jaden, is coming.. sa loob na tayo mag-usap.." bigla ay sumulpot din si Lance sa gilid. Mismong harapan ni Aron.

Nakakalokong ngumisi itong si Aron at agad syang inakbayan. "Naku! Ikaw ha, binata ka na talaga.." ginulo nya ang buhok ni Lance saka hinila na papasok sa magarbong bahay nila.

"Tsk!.." singhal nito sa kaibigan habang pinapanood ako sa pagsunod sa kanila. Binulungan pa sya ni Aron dahilan para itulak nya ito't mabilis maglakad pabalik sakin.

"Nay!! Inlove ang masungit na nilalang!.." mahina nitong sigaw sa mismong garage. Kung saan, halos mapuno na iyon ng mga sasakyan.

"Gago! wag ka ngang maingay dyan!.." bulyaw ni Lance. Unti unti na akong inaakbayan.

Nagfinger sign pa sya sa ere dahilan para batuhin sya ni Lance ng nakitang sapatos sa labas. Umilag sya't tumakbo na palayo. "Fucker!.." habol pa nito na binalewala nalang nya.

"Lance, baka may makakita satin.." tinutukoy ko ang kanyang akbay.

"E ano naman?. Alam naman ni kuya.. tsaka ng iba pang tropa.."

"E kasi, baka makita ni Bamby..." aangal pa sana pero itinikom nalang nya ang kanyang bibig kasabay ng paghapit nya sakin papalapit. Umusog ako papalayo sapagkat kabado talaga ako sa nasa isip nya. Baka mahuli kami eh. Naku naman!

"Gusto mo bang sabihin ko na sa kanya?.." he whispered to my ear. Umiling ako hindi dahil sa hindi ko gusto. Umiling ako dahil di pa ako handa sa kung anumang sasabihin nya tungkol sa amin ng kuya nya. "Para atleast, we're this close.."

"Lance, not now. di pa ako handa.."

"Handa saan?.." he asked back.

Nagbaba ako ng tingin sa bagong gupit na Bermuda grass nila. "Sa. sasabihin nya.."

He remained silent. Segundo ang lumipas pero heto pa rin sya't nakatitig sakin. Naiilang na ako pero di pa rin sya nagsalita. "I'm proud of us Lance pero pwedeng saka nalang.. please?.." I almost beg. Nakalimutan ko nang nasa bahay na nila pala kami.

Wala akong nakuhang sagot mula sakanya. Imbes, isang halik sa noo ang ibinigay nya bago inalis ang kanyang braso sa balikat ko't sinabing, "Okay.. I'll wait until you are ready.."

Eksaktong paglayo nya ng bahagya sakin ay dumating ang iilan nyang barkada. Nagbatian kaming lahat. Nagkamustahan hanggang sa pumanhik na sa pwesto kung saan andun ang lahat.

Maingay ang lahat sa daldalan nang kalabitin ako ni Winly na kanina pa ako kinukulit sa eatafo namin ng taong di maalis sakin ang paningin. "Ano nga kasi?. Basta. Imbitado ako sa kasal nyo ha.. Pag ikaw?. Nakalimutan ako! Naku!!." diin nyang sabi sa huling salitang binanggit. Pinipilit akong paaminin kung kasal na raw ba ang punta namin?. Kasi raw matagal na kami at heto pa rin.. Magkasama. Ng di alam ng iba.

"Hindi pa nga.." halos hilahin ko na ang tainga nya para ibulong Ito sa kanya upang walang makarinig sa kanila.

Ngumuso sya't nginiwian ako. "Bahala ka dyan.. pag ako yan.. magpapabuntis na ako para wala nang kawala.."

"Nababaliw ka na talaga!.." piningot ko ang tainga nya dahilan para umalma ito sakin.

Mabuti nalang at walang nakapansin sa aming dalawa. Masyado silang abala sa mga pangyayari sa buhay ng isa't isa matapos gumraduate ng high school.

Hanggang sa dumating na nga si Bamby at agad nagkagulo ang karamihan. Mula palang sa malayo ay inagaw na nga ang pansin ng mga taong abala. Isang puting dress lang naman ang suot nya pero daig pa nya ang nakasuot ng nakakamatay na bestida sa ganda. Ang mahaba nyang buhok ay lalo pang nagbigay ng buhay sa tunay nyang ganda. Nakakalaglag panga ang kanyang paglapit. Lahat tahimik. Lalo pa ang mga kalalakihan. Makikita sa kanila ang di matatawaran na paghanga.

Humalakhak sya ng makarating sa kumpulan ng mga mesa. Sinalubong sya ng bati, mga papuri at yakap mula sa lahat. Dumaan sya't kinausap ang buong tropa.

"Can I sit beside you?.." mensahe ito ni Lance. Malapit ang mesa nila sa mesa namin nina Winly. Kinakausap na ng mga ito si Bamby.

"Maraming tao Lance.. behave.." I replied.

"O my goodness.." histeryang ani Bamby nang nasa harap ko na pala sya. She hugged me matapos matauhan pagkakita sakin. Naluha ako't agad pinunasan habang yakap sya. Sobra ko syang namiss. Hinigpitan ko ang yakap para sa apat na taong nawalay kaming dalawa.

"Ugh.. gurl.. I really miss you.. talk to you later okay.." she said while wiping away her tears. Sabay kaming natawa at tumango. Before heading over, hawak nya pa rin ang kamay ko't ayaw pakawalan. "Go.. we'll catch up later.." paniniguro ko sa kanya. She smiled sweetly before letting my hand go.

"You're fine?.." he texted again. Bumaling ako doon sa cellphone sa ilalim ng mesa bago sya nireplyan.

"I'm fine. "

"You look not.."

"I'm just emotional.. namiss ko bff ko eh.."

"Water then?.." kulit nya.

"Just stay still there Lance.. I'm pretty fine.."

"When I see you're not okay.. you can't stop me from what I can do baby, stop crying please.. I'm damn attempted to hug you..." nag-angat ako ng tingin at eksaktong sa mata nya iyon tumama. Umusli ang nguso nya't medyo humaba. Napansin ata iyon ni Aron kaya binulungan nya ito't tinapik pa sa balikat. Itinuro ang magkaharap na Jaden at Bamby.

Doon na rin nabaling ang atensyon ko hanggang sa pareho na silang pumasok sa kanilang bahay.

"Be good to her, Lance.." bilin ko sa text bago nakipag-usap kina Winly at Karen.

Next chapter