webnovel

Chapter 68: Saved by the bell

Are you happy without me? If you are, then I'll distance myself from you but I will still love you secretly.

Isipin na ng ibang tao na tanga at martir ako pero eto talaga ako. Mahal ko sya kahit sinaktan na nya ako. Kung ang kalungkutan ko man ang paraan nya para maging masaya sila. Wala akong ibang magawa kundi indahin ang lahat ng lungkot at sakit nun. Ayos lang na ginawa nya iyon kahit sa totoo lang ay di ko talaga maintindihan. Di ko nga maintindihan sarili ko eh. Sinaktan na nga ako. Ako pa tong umaasa na pwede pa silang magbago. Siguro panahon na lamang ang makakapagsabi ng ganun. But I'm still hoping na darating ang araw na maririnig ko rin mula sa kanya ang dahilan nya kung bakit nya nagawa iyon sakin. Ngayon kasi, di ko sya magawang tanungin dahil una, nahihiya ako. Pangalawa, iyon pa rin nahihiya talaga ako. Pangatlo, sasaktan ko lang ulit sarili ko kapag tinanong ko pa sya.

Ang dinig ko. Masaya na raw sila doon dahil finally they're with their head of their family. Masaya naman talaga kapag kumpleto ang pamilya. Been four days simula nung umalis sila. Maging ako sa bahay nila. Ayaw nila akong paalisin pero nagpumilit na rin ako. Kailangan na ako ni mommy at ng pamilya ko.

Sa apat na araw na dumaan. Naninibago pa rin.ako. Nasanay ako sa ambiance ng kanilang bahay. Ang light and fresh. Di katulad dito sa bahay na ang bigat lagi ng pakiramdam ko. Feeling ko, anumang oras. May mangyayaring di maganda sakin.

"Hey, hatid na kitang school.." ani kuya Rozen sakin. Nginitian ko sya't sumabay sa alok nya. Makalibre man lang ng pamasahe.

"Nasa Australia na pala ang mga Eugenio noh?.." tanong nya nang pasakay na sya sa may drivers seat.

"Yeah.. four days ago pa.."

"Hmm.. buti di ka nalungkot?.." ngiti nya. Alam kong di nya naman sadya ang mga tanong nya. Wala ngang bahid ng malisya e. Ako lang tong nag-iisip ng ganun dahil nga, may mali sakin. Maling umasa pa rin, kahit malabo na.

Ngumiti lang ako sa kanya. Mabuti at di na rin sya nagtanong pa tungkol sa kanila o maging sa taong iyon. Diretso nya akong hinatid ng school saka binilin pa na magtext pag magpasundo na.

Maswerte pa ako na may mga taong katulad pa nila sa paligid ko. Taong nag-aalala sakin kahit di nila sabihin ng harapan. Taong kahit di mangako. Kaya nilang iparamdam ang kanilang mga salita base sa kinikilos nila. Mga taong laging andyan, handang umintindi kahit minsan ay mahirap din akong intindihin. I'm too lucky for that!

"Good morning, Joyce.." sumulpot itong si Aron sa kung saan nang maglakad ako papasok ng gym. Napahawak ako sa strap ng aking bag dahil sa gulat.

"Natakot ba kita?. ahahahaha.. pasensya na.. nakita kasi kita sa malayo na bumaba ng sasakyan.. tawagin sana kita kaso kinakausap ka pa kanina.. kuya mo?.."

Kagat labi akong tumango. "Hmm..." tango nya rin.

Tinignan ko sya sa gilid ng aking mata. Diretso ang daan nya habang inaayos ang buhok. Kamusta bff mo?. Talaga bang masaya na sya duon?. Di nya ba ako namimiss?. Gusto ko iyong itanong sa kanya subalit kingina!. Pinangungunahan ako ng takot. Takot na baka balewalain nya lang ang mga iyon at malala pa ay pagtawanan ako. Malay ko nga naman.

"Hatid na kita sa room nyo.." alok nya ng lagpasan ang room nila.

"Wag na. Malapit naman na.."

"Hatid na kita.. malapit lang naman.." ngiti nya. Di na tuloy makita mga mata nya. Wala na akong magawa kundi magpahatid nalang.

Nag-umpisa ang klase hanggang sa matapos iyon ay sya pa rin ang laman ng utak ko. Kahit pinipigilan ko. Binabaling sa iba ang atensyon ko. Wala pa rin. Sya at sya lang ang gumugulo ng buong sistema ko. Kahit pa ang kumain at matulog ay sya pa rin ang tanging sagot upang maibsan ang kalungkutan at pangungulila ko sa presensya nya. Iba ang dating nya. Walang katulad. Walang kapantay.

"So, ano na ha?. natanto mo na ba ang mali mo?.." isang tanghali nang ako'y nasa library. Heto si Mitch sa harapan ko't maarteng nakahalukipkip na. Binalewala ko ang sinabi nya. At piniling ipagpatuloy nalang ang pagsusulat ng mga current events.

"Kumakanti kasi sa may karelasyon na.. tuloy, kawawa ka ngayon.." patuloy nya. Inisip ko nalang na wala sya sa harapan ko. Ayokong makipagtalo. Hindi iyon ang goal ko ngayon. Pag-aaral ang priority ko. Wala nang iba!

"Alam mo na ngang di ka mahal.. sumisiksik ka pa rin.. tsk.. malanding bata.." dagdag pa nya. "Akala mo rin minahal ka nya noh?. hahahaha.. asa!. Ginamit ka lang nya para makuha ako, duh!!.."

Problema ng impaktang to?. Kung sya mahal nya, edi sya na! E di ikaw na! Kayo na!

Gigil kong pinagkiskis ang mga ngipin sa inis! Bumigat din ang paghinga ko't nalukot ang skirt sa ilalim ng upuan.

Ang sarap nyang sampalin. Sipain at saksakin ng hawak kong ballpen. Nakakainis! Ano pa bang gusto nyang patunayan?. Sya na nga panalo eh, pinangangalandakan pa! Tsk! Sinasabi ko sa'yo! Wag masyadong magyabang. Oo, araw mo ngayon. Masaya ka ngayon. Pero may hangganan ang lahat gurl. Di mo ba naririnig o nababasa?. May bukas pa!

Sarap isaksak sa malaki nyang dibdib ang di ko mapangalanan na inis!. Mabuti nalang at nagring na yung bell.

Saved by the bell!

Lucky you!

Next chapter