Kinabahan talaga ako nang bumalik ng kubo. Tanghaling tapat pero maalinsangan. Maulap ang kalangitan na para bang nagbabadyang uulan. Ngunit heto pa rin ako at pawisan.
Kinse minute pa bago ang magring ang bell.
Naghintay nalang ako kahit gusto ko ng pumasok sa loob ng library na yun. "Uy Joyce.." si Jaden pala. Naglalakad paakyat ng kubo. Umayos ako ng upo. Biglang kinabahan. Kinginang kaba to!. Di talaga mawala sakin.
"Jaden, ikaw pala.." para namang di kami nag-aaral sa iisang school. Ano ba Joyce!
Tumango sya't naupo sa dulo. Mismong tabi ng pintuan ng kubo. "Kamusta na?. Ayos ka lang?.." nabigla ako ng iyon ang sabihin nya. Napakasimple lang naman pero pakiramdam ko, double meaning iyon. Double meaning ba iyon o ako lang tong ganun mag-isip. Tsk.
"Yeah.. Ayos lang ako.." talaga ba?. kontra na naman netong isip ko. Malapit na yata akong mabaliw neto.
"Hmm.. ayos lang ba kung magtatanong ako?."
"Nagtatanong ka naman na... kaya hehehe.. ayos lang.." muntanga ka na Joyce. Swear!
"Bakit mo iyon nagawa kay Bamby?.." Oh damn! Now I'm doomed!!
Nabangag ng ilang sandali ang pandinig ko. Walang ibang marinig kundi ang tibok ng aking puso. Malakas at dumadagundong.
Naubusan ako ng sasabihin. Gayong nag daming tumatakbo saking isipan. "Sa akin?. Sa amin? Bakit?.." patuloy nyang tanong nang di ako sumagot. Shit po!!!
Tumigil na nga kanina ang paghinga ko. Nadagdagan pa ng idugtong nya iyon. Damn! Anong sasabihin ko?. Denise, what the hell!
"Sorry.." sa dami ng nasa isip ko. Iyon lamang ang pinasafe na sabihin sa kanya. Ano pa nga bang tinatago mo Joyce?. Kung gusto mong maging maayos kay Bamby. Be true kahit ngayon lang. "Sorry kung nagawa ko iyon at nasaktan ko kayo.."
"Nasaktan mo nga kami.." dinig kong mahina nyang tinig. Nagbaba ako ng tingin. Sa mga palad nakatingin. Magkasalikop ang mga iyon dahil sa panginginig.
"Hindi ko iyon sinasadya.." totoo. Hindi naman talaga.
"Hindi sinasadya?. Anong dahilan mo kung ganun?.. dahil ba kay Denise?.." huminto sya. Natigilan rin ako't natulala na naman. Pero ang sumunod na sasabihin nya ang di ko inasahan. "O dahil kay Lance?.."
Oh my gosh!! Damn!!. Paano ba to?.. Paano ko tatakasan ang isang to?.
"Sino man samin ang dahilan nya.. Labas ka na dun.." ngayon naman. Di ko na naman inasahan ang taong nagsalita. DAMN baby!. Wag kang magsalita please!
Gaya ng dati. Presko na naman syang naglakad paakyat. At damn!. Kingina!. Patungo sa kinauupuan ko. Dala yung notebook ko.
Huli na ba ako?. Teka?. May kasalanan ba ako?. Kami?. Wala naman sa pagkakaalam ko.
Umawang ang labi ni Jaden na pinapanood ang paglapit nya sakin. "Ako man ang dahilan nya. o hinde. alam kong wala pa rin syang ginawang masama.."
"Ibig mong sabihin, si Bamby ang may kasalanan ng lahat?.." di ko inasahan ang tanong na iyon galing kay Jaden. Damn!. Bakit ba sila nagkasagutan ng ganun?.
Pumikit si Lance ng mariin. Di talaga nagustuhan yung huling salita nya. "Isa lang naman ang may kasalanan dito eh.."
"Si Denise?.." agap ni Jaden.
Umiling itong si Lance. Kinakabahan ako sa isasagot nya. Kingina!
Nakayuko sya kanina tapos ng mag-angat ng tingin. "Ikaw lang naman.. wala nang iba. "
"Lance.." mahinahon kong tawag sa kanya. Natahimik si Jaden. Ngunit andun pa rin ang masamang titigan nilang dalawa. "Ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito kaya ikaw talaga ang sisihin ko."
"Lance tama na.." yugyog ko sa braso nya.
"Alam mo bang patay na patay sa'yo yang si Denise?.. Nang dahil sa'yo, nagagawa nyang gumawa ng masama kay Joyce, sa ibang tao. Lalo na sa kapatid ko.." di makapagsalita si Jaden. Damn!. Ngayon, hawak ko na talaag ang braso ni Lance. Pinipigilan. Baka sumugod bigla. Mas malala.
"Hindi naman kami ni Denise pare. Walang kami.. at---."
"Pwes patunayan mo!.." inis na sagot nya dito. "Patunayan mong hindi ikaw ang dahilan ng pagiging masama nya sa kapatid ko.. ayusin mo yang gusot na yan bago mag-init ang aking ulo.."
Anong gagawin ko?.