webnovel

chapter 44

"Rose magpahinga ka muna," nakarating kami sa magic academy ng ligtas at may kakaunting galos lamang sa katawan. Napagpasyahan kong ako mismo ang maghatid kay Rose sa kaniyang kwarto.

"Nakita mo din ba 'yon?" palabas na sana ako ng biglang nagsalita si Rose.

"ano 'yon Rose?" lumingon ako sa kaniya na may kasamang pagtataka.

"sila mama kasama ang tatay natin?" ani Rose. Ngayon ko nasiguradong tama ang hinala ko, na marahil kaya sumakit din ang ulo niya ay sabay kaming nakita ang nakaraan.

"oo," seryoso kong sagot at humarap na ako ng tuluyan sa kaniya.

"ano kayang dahilan para mangyari 'yon?" tanong din niya sa sarili niya. Lumapit ako upang hawakan siya sa kanyang balikat at pakalmahin.

"Rose, pahinga ka na muna. Bukas na yan kailangan mo ng pahinga," wika ko. Ngunit bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagpupumilit.

"hindi Alice e, kung ipagpapa bukas pa 'to wala ng mangyayari dapat hanapin natin 'yong puno't dulo nang lahat na nangyayari ngayon! Si mama nawala dahil doon!" sigaw niya na ngayon ay nakatayo na sa aking harapan at hindi na mawari ang kaniyang nais gawin dahil para siyang isang bata na humihingi ng tulong.

"Rose calm down please, please.." sambit ko at hinawakan ko na ngayon ang kaniyang pisngi para pakalmahin. Sa ginawa kong 'yon nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon niya.

"dito ka matulog please," nagulat naman ako sa pagbanggit niyang 'yon, ako naman ay hindi makapaniwala dahil sa kaniyang sinabi. Ang Rose na hindi ko kasundo noon, ang Rose na matapang.. Ngayon ay pinakita niya na sa akin ang kahinaan niya.

"sigurado ka ba?" nakayuko na siya ngayon sabay tango na sigurado siyang gusto niya ako dito matulog.

"Alice kaya ko ba?" inangat niya ang kaniyang ulo at nakita ko agad ang mugto niyang mga mata dahil sa pagiyak.

"Rose.. Noong nawala si mama.. Magisa lang ako, wala akong kasama at karamay sa buhay. Ginawa kong lakas ang pagka wala ni mama para makapasok ako dito sa academy," nakita ko ang mga matang seryoso ni Rose na nakatitig sa akin ngayon.

"I'm sorry.." halos bulong na 'yon ngunit narinig ko pa rin. Napansin ko ang biglaang pagkinang ng palad ko, kasabay din ng pagkinang sa palad ni Rose.

"ano 'to?" halos sabay ang pagkaka tanong namin noon ni Rose. Parehas kaming napatingin sa aming kamay dahil dito. Nang onti unting nag hugis kwintas ang kumikinang sa aming palad. Dahil doon, nagka tinginan kami ni Rose tila alam na kung ano ang dahilan.

Kinaumagahan, pinuntahan kami ni Jacob para sabihing pinapapunta kami mamayang tanghali sa opisina ni president. Hindi ba uso sa kanila ang pahinga?

"kamusta si Rose?" nandito kami ngayon sa canteen nila Nadia at Leon, si Jacob ay nauna na dahil pupuntahan daw ang guro sa magic class para humingi ng panibagong mga materyales.

"bago ako umalis iniwanan ko siya ng pagkain. Mamayang tanghali pa daw siya lalabas," hindi na sumabay sa akin si Rose marahil kailangan muna niyang mapag isa at mukhang maayos naman na ang lagay niya ngayon kumpara kahapon.

"hindi ba uso sa kanila ang pahinga?" nagulat ako sa nagsalitang si Jacob.

"I know right," ani ko dahil parehas din kami ng iniisip. Napansin ko naman ang pag ismid ni Nadia dahil sa amin.

"sa hindi inaasahang pangyayari dahil sa bugso ng damdamin.. Lahat ng plano ay nasira," ani president Leonora. Kumpleto kami ngayon, ang akala ko nga'y hindi darating si Rose ngunit ang huli pa palang pupunta ay si Jacob.

"kung sinabi mo lang na mangyayari 'yon edi sana walang palpak. Nangsisisi ka e kapabayaan mo rin naman," halos lahat kami ay napatingin sa gulat dahil sa sinabi ni Rose. Tiningnan ko naman si president na ngayon ay seryosong nakatingin sa labas ng bintana. Ano bang pinaplano niya?

"ito ang mapa," may nilabas si ma'am Corazon at may nilapag sa lamesa. Malaking papel iyon at nasisigurado kong mapa nga ang nilapag niya.

"para saan?" tanong ni Leon.

"dito kayo babase para sa kwebang tatahakin niyo para sa pinuno ng mga magic stealer," tiningnan kami isa isa ni vice president.

"kailangan niyong magingat dahil mismong pinuno at lugar na ng mga magic stealer ang pupuntahan niyo, kasama na kami at ang guro niyo sa magic class."

Ngayon, nagulat ako sa pagbabago ng misyon. Kasama na sila president at vice president pati ang guro namin sa magic class.

Ang pinagtataka ko lang bakit kailangan pa naming hanapin ang kweba gamit ang mapa kung pwede naman sila nalang sundan namin, weird.

"It's part of your training," nagulat ako sa narinig kong boses sa aking isip. Napatingin ako kay ma'am Corazon at napagtanto kong siya ito. Hindi lang pala niya kayang bumasa ng isip, kaya din pala niyang makipagusap gamit ito.

"you hear it right?" naglalakad na kami sa hallway upang magayos ng biglang tumabi sa akin si Rose.

"ikaw din?" tanong ko dito at napairap na siya. Bakit? Ano bang malay ko.

"kaya nga tinatanong ko dahil narinig ko, naninigurado lang.." ani Rose.

"edi alam mo na rin ang sagot kaya nga ikaw din?" sabi ko na may halong sarkasmo.

"Alice!" napasigaw siya dahilan upang tumigil din ang mga kasama namin sa paglalakad.

"what?!" natatawa kong tanong. Ang mga kasama ko ay napakamot na lang sa ulo dahil sa amin ni Rose. Napansin ko din agad ang pagtahimik ni Nadia sa aking gilid. Bakit?

Ang mga bagong espada at kagamitan sa archery ay nilagay kona sa aking likod, halos lahat ng 'to ay bagong kuha ni Jacob. Nagsuot ako ng leather pants na itim at itim din na T-shirt sinamahan ko ng itim na jacket. I really like wearing black clothes kasi dito ako komportable.

"halika na," ani ko kay Nadia. Nagayos na din siya ng mga gamit niya. At nakita ko ang pilit na ngiti niya sa akin.

"Nads may problema ba?" hinila ko siya paharap sa akin, dahil kanina ko pa napapansin ang itsura niyang hindi mapalagay.

"kinakabahan ako," nakita ko ang mukha niyang punong puno ng pangamba.

"Nads..." hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at kinurot ito ng bahagya.

"malaking importansya mo sa grupo para sa misyon na 'to kaya kung manghihina ka, manghihina din kami. Nads, matapang kang tao.. Hindi. Matapang kang enchanter," nakita ko naman ang gulat sa kaniyang mukha dahil sa aking sinabi.

"enchanter?" tanong neto.

"noong nawalan ako ng malay dahil nahulog sa bangin, hindi ko alam kung bakit bigla akong nanaginip tungkol sa nakaraan kung saan buhay pa sila papa at mama kasama ang magulang ni Rose. Enchanter ang tawag sa atin at alam ko na kung bakit kami ang nagmamay ari ng magic charm," huminga ako ng malalim at tiningnan si Rose na seryosong nakikinig.

"dahil sa mga tatay namin, dahil sa pagtatanggol nila sa academy kung bakit sa amin naka tadhana ang magic charm, dahil kami din ang nakatakda para maging tagapag tanggol sa academy at ayokong mangyari ang nangyari noon na kailangan may magsakripisyo upang mapagtagumpayan ang misyon na 'to. Kaya Nads.. Grupo tayo dito, 'wag kang panghihinaan ng loob dahil kung wala ka hindi magiging matagumpay ito," huminga ng malalim si Nadia bago magsalita.

"tara na," hinila ni Nads ang aking palapulsuhan upang lumabas na at agad kong naisip na kahit papaano nakatulong ang mga salita ko para mawala ang gumugulo sa isip niya.

Next chapter