webnovel

Chapter 23

Nakabalik kami sa magic academy bago dumilim ang kalangitan. Hindi ko pa din makalimutan ang nakakatakot na titig ng matanda sa gubat. Para bang matagal na siyang nagmamasid sa akin dahil sa kanyang mga titig na seryoso.

"Alice? Okay ka lang?" tanong ni Nadia sa tabi ko. Nandito siya ngayon sa kwarto ko, sila Leon ay bumili ng pagkain para dito na lang din kumain. Noong una ay akala ko sasama din si Rose dahil kasama si Jacob pero wala siyang nagawa noong nalaman niya na sa kwarto ko kami kakain. Mabuti na lang alam niya na hindi siya welcome dito.

"Alice, may something ba sa inyo ni Jacob?" muntik na akong mabilaukan dahil sa biglaang pagtanong niya.

"wa..wala," natawa ng bahagya si Nadia dahil sa pagkautal ko. Saktong dumating naman si Leon at nasa likod si Jacob, hindi ko alam bakit umiwas ako nang tingin sa kanya. Hindi ako nakaligtas sa mga mapauring titig ni Nadia sa akin.

"ito bumili na din kami ng coke para sa inyo," wika ni Leon. Hindi ko maitago ang pagkasaya ko dahil sa sinabi ni Leon na may binili din silang coke. Isang araw din ang lumipas mula noong huling inom ko ng coke at pakiramdam ko ay mahihimatay ako.

"itong si Alice parang hindi mabubuhay 'pag walang coke," wika ni Nadia.

Nagulat ako sa pagtabi sa akin ni Jacob at binuksan niya na ang pagkain na binili niya para sa akin, ang mga titig nang nasa harapan namin ay para bang nagtatanong kung bakit ganoon ang inaakto ni Jacob.

Nagkibit balikat na lang ako kay Nadia dahil kahit ako ay naiilang sa mga ginagawa ni Jacob.

"Jacob, seryoso ano bang meron sa inyo?" tanong ni Leon na natatawa.

"hindi ba obvious? Oh gagawa ka nanaman ng ikakasakit mo?" nagulat ako sa sinabi ni Jacob at tanging tawa lang ngayon ni Leon ang maririnig dito sa kwarto.

"Leon tumigil ka na," pagbasag ni Nadia sa malakas na pagtawa ni Leon.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na silang bumalik sa kanilang kwarto. Isasara ko na sana ang pinto ko nang may humablot sa palapulsuhan ko. Si Jacob.

"Jacob bakit? Hindi ka pa ba babalik?" nagulat ako sa biglaang pagyakap ni Jacob sa akin. Lalong humigpit noong tinulak ko siya, naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"sorry Alice, 'wala akong nagawa noong nasasaktan ka sa gubat," wika niya.

"Jacob tapos na yun," bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at ang mga mata niya ngayon ay mapupungay na seryosong nakatitig sa akin.

"pangako, hinding hindi ka na masasaktan. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari ulit sayo."

Parang kinukurot ang puso ko.. dahil sa unang pagkakataon, may isang tao ang handang protektahan ako at ang tao pang hindi ko lubos inaasahan na magiging ganito sa akin.

Kinaumagahan nasa canteen kami ngayong apat nila Nadia, Leon at Jacob. Nakita kong papalapit Si Rose dito sa lamesa namin. Nagtiim bagang ako, dahil noong nakaraan kahit makita niya si Jacob na kasama ko ay hindi naman ito lumalapit.

"May sasabihin ako," umupo si Rose sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Nadia at inusog niya naman ito sa tabi ni Jacob. Napairap na lamang ako sa kawalan.

"sabihin mo na," hindi ko maitago sa tono ng boses ko ang pagkairita. Napansin ko naman ang paglingon ni Jacob sa akin na tila ba parang alam kung bakit nagkaka ganito ako.

"yung kahapon sa gubat, may matanda tayong nakita na nakatira dun diba?" wika ni Rose, napatango na lang ang mga kasama ko at ako ay walang emosyon.

"palapit ako noon sa lalagyan niya ng mga gamit... Nang bigla siyang sumigaw at nagalit kaya pinaalis tayo." huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita.

"kaya siguro siya nagalit at pinaalis tayo dahil..." napapikit siya ng mariin bago magsimula ulit.

"parang yung kwintas na nawawala ay nandoon, may nakalitaw na bahagi ng kwintas at noong nakita niya akong papalapit agad siyang nagalit at pinaalis na tayo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Rose at bigla na lang naginit ang ulo ko.

"kung ganoon, bakit hindi mo agad sinabi sa amin nang makita nga natin kung ayun nga ang kwintas.. Na ninakaw niyong magina!" hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napasigaw ako bigla. Naramdaman ko ang paghawak ni Jacob sa mga kamay ko.

"pwede ba Alice, kung hindi tayo magiingat baka kung ano na nangyari sa atin doon! Nakita mo naman ang titig ng matandang yun! Parang hindi siya ordinaryong nilalang!" pasigaw na din siya kung magsalita.

"kung mayroong dapat magalit dito.. Ako yun, hindi ikaw."

Napatayo ako at umalis pabalik sa kwarto ko. Kahit kelan talaga Rose, makasarili ka.

Rose pov

Sinabi ko na kina Alice ang kagabi pang gumugulo sa isipan ko. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o 'wag muna pero dahil hindi ako makatulog dahil dito ay napagpasyahan ko ng sabihin. Para hindi lang ako ang mastress kakaisip dito, dapat sila din.

Noong nasabi ko na sa apat, papunta ako ngayon sa opisina ni President Leonora upang sabihin sa kanya ang nalaman ko.

"yung matandang nakatira sa gubat, parang kakaiba ang anyo niya at parang nakita ko ang kwintas na nawawala sa lalagyan niya. Noong nakita niya akong palapit dito bigla siyang nagalit at pinaalis kami agad."

Hindi bakas sa mukha ni president ang gulat, dahil malamang nakikita naman niya ang hinaharap.

"binigay ko sa inyo ang misyon na yan, hindi para sabihin mo sa akin. Sa grupo mo dapat yan sinasabi dahil misyon niyo yan. Nagiging makasarili ka nanaman ba Rose?" nagulat ako sa mahinahong boses ni president pero parang may tumusok sa dibdib ko dahil sa kanyang sinabi.

Dahil sa sinabi niyang iyon. Napagpasyahan kong lumabas ng hindi nagpapaalam at bago ko maisara ang pintuan, nakita ko ang nakataas niyang mga kilay sa akin na tila ba isa akong malaking katawa tawa.

Alice pov

Nasa magic class kami ngayon at kanina ko pa napapansin ang walang kagana gana na si Rose. Masyado ba siyang naapektuhan sa sinabi ko kanina? Hindi naman siya ganito marahil may iba pang dahilan.

Nakita ko ang puting pusa na nasa tabi ng puno, at agad kong nakilala kung sino ito. Si Edrian.

Nginitian ko siya at kumaway ako, nakita ko naman si Jacob na napailing na lang sa ginawa ko.

"Alice ayos lang ba si Rose?" wika ni Nadia. Akala ko ako lang ang nakakapansin sa kanyang inaakto ngayon.

"kanina ko pa din napapansin na hindi siya okay," kibit balikat kong sabi kay Nadia, halata din kay nadia ang pagaalala dahil hindi naman ganito ang itsura ni Rose kapag nasa magic class.

Nakakuha ako ng 100 points dahil sa activity namin. Wala pa akong nakukuhang punto na pinakamababa sa 100. Nagulat naman ako kay Rose na nakakuha ng 65 points dahil wala ito sa sarili, sa pagkakaalam ko unang beses niya makakuha ng ganoong punto sa activity.

Hindi dapat ako nagaalala sa kanya pero bakit ganito ang nasa isip ko ngayon? Hindi ba't dapat matuwa ako pero bakit hindi ko magawa?

Natapos ang magic class namin, ganoon pa din ang itsura ni Rose. Pare parehas kaming apat nila Jacob na nagtataka sa inaakto neto.

Sigurado akong hindi yun dahil sa sinabi ko dahil hindi naman siya magpapaapekto para sa ganoong kaliit na bagay.

Next chapter