Matapos nung christmas party namin ay medyo stressed ako kasi kailangan namin humabol nila Micah sa research namin kasi sabi nung dalawang research teacher's namin, dapat daw sa parating na February ay kumukuha na kami ng survey.
Lumipas ang mga araw ng tahimik lang ung gc namin sa research kasi sure ako busy rin ung mga kagrupo ko sa kani-kanilang mga buhay lalu na't malapit na magpasko. Shempre hindi ko rin kakalimutan sarili ko, noh~ tamang panunuod lang ng mga video compilations ng BTS tapos isama mo na rin ung TOMORROW X TOGETHER at SB19~!
"Ibon! Maglinis-linis na!"
"Hindi pa po ako tapos kumain ng almusal!"
"Anuman niyu! Dalian mo na! Magtatanghali na hindi ka pa rin kumikilos!"
"Teka lang naman… mag-aalas nuwebe pa lang naman ng umaga, eh."
Mahinang sabi ko sa sarili ko sabay inom na ng energen. Ayaw pa kasi ako painumin ni mama ng kape, eh. Okay na rin un. Masarap naman 'tong iniinom ko ngayon, eh.
"Te! Bilisan mo na!"
"Eto na nga!"
Pabulong na sigaw namin ng bunso kong kapatid sa isa't isa. Dadagdag ka pa, eh. Hindi na nga masyadong maganda ung gising ko ngayong umaga, susubukan niyo pa pasensya ko. Tsk. Nakakairita naman. Desperas ng pasko tapos ganito umaga ko.
Nilagay ko na ung mug ko sa lababo at naglakad na ko papunta sa kwarto dito sa first floor ng bahay namin na ginawang bodega kasi dun nakalagay ung walis tambo at dustpan para makapag-umpisa na ako sa pagwawalis. Nasan na ba ung bluetooth earphones ko at ng mapahupa ko ung inis na nararamdaman ko ngayong umaga.
Lumipas ang umaga ng may kani-kaniya kaming ginagawa nila mama at ng bunso kong kapatid. Oo nga pala. Last October pa nakaalis si papa dito sa bansa at nagtatrabaho na siya dun sa cargo ship. Ewan ko kung saan basta wala na siya dito sa bahay namin.
Tanghalian, wala naman kami masyadong pinag-usapan na tatlo pero matapos naming kumain ay nilinis na ng bunso kong kapatid ung lamesa at ako naman ay naghugas ng mga pinggan. Tamang pakinig lang ulit ng mga kanta gamit ng bluetooth speaker ko. Walang araw na lumilipas ng hindi ako nakikinig ng kanta ng isang beses o higit pa. Yeah… mahilig po talaga ako makinig sa music at may mga times rin na naka depende sa music ung mood ko. So… yeah… masyado na akong nagshe share about sa sarili ko sainyo. Ahahahaha! Sorry.
Gabi na at malapit na sumapit ang kapaskuhan, tapos na rin si mama magluto ng noche buena namin ngayong taon at naghihintay na lang kami na mag-alas dose para kumain. Hindi pa pasko pero nagchachat na ako sa mga kaibigan ko ng 'merry christmas' sakanila. Excited kase ako. At shempre…
~DEC 24 AT 11:49 PM~
: Merry Christmas Jervien
Hindi siya online pero binati ko na rin. Nagbabakasakaling basahin niya at replayan niya ako after nung huling chat ko sakaniya.
"Merry Christmas~!"
Sabay-sabay na sabi namin nila mama at ng bunso kong kapatid nung nakita namin sa orasan na alas dose na. Matapos ng picture-picture naming tatlo ay nagsi kani-kaniya na kaming kuha ng mga kakainin namin ngayong hating gabi.
~DEC 25 AT 3:07 AM~
Jervien: Thank you
~DEC 25 AT 5:18 AM~
Jervien: Merry Christmas din sayo
Jervien: god bless hahaha
Hala! Nag reply si Jervien! Kaso mga tulog na kami nun nila mama! Hala teka! Kinikilig ako! Ano irereply ko!?
~DEC 25 AT 8:04 AM~
: Salamattt ahahaha
: God bless din sayo
Parang ang corny naman ng nireply ko sakaniya. Nakakahiya ka Ibon!
Oh, by the way, maaga pala kami nagising ngayon kasi ung mga kamag-anak namin excited mamasko. Pami-pamilya pa naman sila kung bumisita kaya aasahan mo na na maraming bata ung mamamasko rito.
Tanghalian, dumating na ung tatlong pinsan namin na anak ng isa sa dalawang kuya ni mama.
"Auntie, pwede po ba sumama samin sila Ibon sa mall?"
"Saang mall?"
"Sa MS South-SADE po."
"Sige."
Sagot ni mama sa tanong ng pinsan naming babae na panganay sakanilang tatlong magkakapatid. Buti inaya nila kami na magpunta sa mall para gastusin ung napamaskuhan naming lima at shempre makapag bonding-bonding na rin kami. Parang tradition na rin kasi namin 'to kahit na last year lang kami nagsimula. Nakakatuwa lang kasi wala kaming magulang na kasama, kami-kami lang na magpipinsan. Hehehe~
So… mga alas onse na ng gabi kami nakauwi at buti naman hindi nagalit samin si mama kase eto na talaga ung pinaka late na uwi namin. Sa malayong mall kase kami nagpunta, eh… hehehe~ una-unahan pa ng Lucky leaf Mall. Also, hindi pa kami matutulog kasi ka-video call pa ni mama si papa kaya tamang cellphone-cellphone lang rin kami ng bunso kong kapatid at nung nakita kong online si Jervien…
~DEC 26 AT 12:52 AM~
: Hehehe
: *You sent a photo*
Sinend ko sakaniya ung screenshot ng views ng Runaway With Me. Wala lang. Gusto ko lang siya iupdate about dun… kase… siya ung iniisip kong main character dun, eh. Nasa 1,052 views na nga un, ehh. Nakakagulat lang kasi ang bilis dumami nung mga views. Nakakatuwa lang.
Lumipas ang mga araw… hindi nanaman nag reply sakin si Jervien. Hanggang sa dumating na ang huling araw ngayong 2019… sabihin na nating new year's eve. Ahahaha.
Halos sa lahat ng free time ko ngayong araw ay napupunta sa pagtingin ko sa fb kung hindi na naka deactivate ung account ni Jervien pero parang wala ata siyang balak na mag-activate ng account ngayon.
Tapos na magluto si mama para sa media noche namin ngayong taon at naka gawa na rin kami ng kapatid ko ng graham balls na lagi ng pinapagawa samin ni mama ever since na natuto ako kung pano gumawa nun nung grade 8 ata or grade 9? Di ko na masyado maalala.
Malapit na mag-alas dose ng gabi at ready na akong isend ung mga long and came from the heart messages ko para sa mga kaibigan ko. Hindi ko sure kung kanino ko nakuha 'tong idea na 'to basta isa sa mga kaibigan ko nagsend sakin ng long message nung new year's eve rin, eh. Basta simula nun ginawa ko ng tradition ko ung long messages na isesend ko sa mga close friends ko.
~Expectations hurts, and so is waiting under uncertainties.~
Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
THIS IS BASED ON A TRUE STORY.