"Ibon~!"
"Bon! Bilisan mo!"
Bungad kaagad sakin nila Violado at Christina pagka pasok na pagka pasok ko sa classroom namin. Malapit na kase mag-umpisa ung klase namin kaya andito na sila sa classroom.
"Baket?"
Tanong ko sakanila habang naglalakad na ako papunta sa upuan ko sa first row.
"Basta! Bilisan mo na lang!"
Sabi ni Christina sakin.
"Dala ka na rin ng biscuit!"
Sabi naman sakin ni Violado. Ano nanaman kaya kwento ng mga 'to? Bilisan ko na nga para malaman ko na bago pa mag-umpisa ung klase namin.
"Ano na ung sasabihin niyo?"
Tanong ko sakanila Christina at Violado sabay upo na sa bakanteng upuan sa tabi ni Violado at saka bigay na sakaniya ng biscuit.
"Wala ka kay Violado! Text mate pa rin sila ni Jervien!"
Sabi sakin ni Christina habang may malaking ngiti sakaniyang mga labi.
"Oh?"
Yan na lang po ang nasabi ko kay Christina sabay tingin ko na kay Violado.
"Eto, tignan mo."
Sabi sakin ni Violado sabay abot na niya sakin ng phone niya kaya kinuha ko na un at nakita na ung text messages nilang dalawa ni Jervien sa isa't isa.
"Nakabili ka ba nung triangular bandage?"
Tanong ko kay Violado habang iniiscroll ko pa rin ung mga text messages nilang dalawa ni Jervien.
"Hinde! Wala naman akong pambili, eh! Nangheram nga lang ako sa kakilala ko."
Sagot ni Violado sa tanong ko sakaniya. Tumango na lang ako at saka binalik ko na sakaniya ung phone niya.
"Nagchachat pa ba kayo nun?"
Tanong naman sakin pabalik ni Violado habang may ginagawa na siya sa phone niya.
"Di na masyado, baket?"
Sagot at tanong ko pabalik kay Violado habang tinitignan ko pa rin siya.
"Talo ka pa pala ni Violado, eh!"
Natatawang sabi naman sakin ni Christina. O-oh? Hindi ako nainform na kompetisyon pala 'to.
"Sana all na lang! Ahahahha!"
Yan na lang ung nasabi ko habang pinipilit ko ung sarili kong tumawa. Itawa mo na lang ung nararamdaman mo, Ibon, kung ano man ung nararamdaman mo ngayon.
"Bon, ayoko ng biscuit na 'to. Pili ako dun sa bag mo, ha."
Sabi ni Violado sabay tayo na sa upuan niya habang hawak na ung biscuit na binigay ko sakaniya kanina.
"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo! Akin na lang yang biscuit!"
Sabi naman ni Christina kay Violado sabay hablot na nito ng biscuit.
"Ano ba yan, Christina! Edi sana kanina mo pa kinuha sakin ung biscuit diba!"
Inis na sabi naman ni Violado kay Christina habang nakatingin na siya dito. Wala lang pake si Christina kay Violado kaya binuksan na niya ung biscuit at saka kumain na. Inalok naman ako ni Christina ng sarili kong biscuit kaya kahit papano gumaan-gaan din ung pakiramdam ko?
"Ibon, okay lang sayo un?"
Tanong bigla sakin ni Christina pagkalunok niya ng biscuit sa bibig niya.
"Alin?"
Tanong ko pabalik sakaniya habang tinitignan na siya.
"Na magkatext sila Jervien tsaka Violado."
"Ewan ko."
"Anong ewan mo?! May jowa na un si Violado diba! Hahayaan mo lang ba na text mate silang dalawa ni Jervien habang may ka-LDR un si Violado?!"
"May magagawa ba ako? At saka sabi naman ni Violado kaibigan na lang daw tingin niya kay Jervien, eh."
"Pinaniniwalaan mo un?"
"Siguro."
"Kung ako sayo pipigilan ko na un si Violado."
Sabi ni Christina sakin sabay subo ulit ng biscuit. Kumain na lang ulit ako ng biscuit at nanahimik na lang. Kahit na pigilan ung isa, kung ung isa naman ayaw magpapigil, wala ring silbi. Ilang saglit pa ay nag ring na ung bell, meaning, umpisa na ng first subject kaya bumalik na ako sa upuan ko sa first row.
Lumipas ang apat na oras may kalahati ay natapos na rin sa wakas ung klase namin para sa araw na 'to. And since wala akong kasabay umuwi ngayon kase si Ashley may gala kasama mga kaibigan niya sa section nila at si Lara naman meron ding gala kasama sila Cess, Jershey, Elline at iba pa nilang kaibigan… heto ako ngayon naglalakad galing sa school namin papunta sa sakayan ng bus pauwi.
Bakit ako naglalakad imbis na sumakay ng jeep? Para makapag exercise na rin kahit papano at maenjoy ung alone time ko kase why not diba? Sa school wala ako masyadong alone time at lalu na rin sa bahay. Wala akong oras para makapag isip-isip mag-isa.
Lumipas ang mga oras ngayong araw na blanko lang ung isipan ko hanggang sa makita kong online si Jervien sa fb kaya chinat ko na siya.
~OCT 10 AT 10:48 PM~
: Jervs
Jervien: ???
Jervien: Oyy
: Nakwento sakin ni Violado na nagtetext ka raw sakaniya
: Ahahahaha
Jervien: Ahh yun ba
Jervien: Pabili sana ako ng Triangular bandage ehh
Jervien Hahahahaha
Jervien: Galit sya eh
: Ahahahaha
: Rereklamo na nga un kanina kay kuya regit, eh
Jervien: Hahahaha
: Sabi niya gulo mo raw kausap ahahaha
Jervien: Ewan ko dun
: Sige na tutulog na kami
Jervien: Sige goodnight
Jervien: Hahaha
: Goodnightt ahahahaha
Jervien: Sige lang
At hindi na ako nag reply pa kay Jervien kasi kinukuha na ni papa ung phone naming dalawa ng kapatid ko. Bakit ba kasi hindi kami pwedeng magpuyat!? Nakakairita naman!
Ilang saglit pa ay bumangon na ako sa kama ko para maghilamos. After ng skin care routine ko, kala mo talaga meron, eh, nahiga na ulit ako sa kama at… yep. Eto na ang simula ng overthinking ko.
Hindi ko na alam kung ano gagawin ko… gusto ko magselos kaso… ayoko na maranasan ulit ung naranasan ko kay Joaquin. Seselos-selos ako, eh, wala namang kami. Gusto ko rin sana ipakita at iparamdam kay Jervien ung feelings ko para sakaniya kaso baka mangyari ulit ung nangyari sakin last year. Ung last crush ko nag-take advantage sakin, eh.
Natatakot na akong iexpress ung romantic feelings ko para sa isang tao. At saka isa pa, si Jervien na mismo nagsabi sakin na wala akong maaasahang sakaniya kaya wala ring silbi kung gagawin ko ung mga dati kong ginawa sa mga lalaking nagustuhan ko dati.
Bakit ba ang malas ko pagdating sa lovelife? Bakit palagi na lang one-sided love ung nararanasan ko? Kelan ba ako makakaranas ng mutual ung feelings namin ng taong gusto ko? Nakakairita namang maging ako.
~Having mixed feelings to the point where you yourself aren’t able to identify your own emotions is the worst experience ever.~
Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
THIS IS BASED ON A TRUE STORY.