Natapos na rin sa wakas ung wedding ceremony~! Finally! Maka kakain na rin ako! Linawin ko lang, ha. Hindi po ako patay gutom. Foodie lang po ako.
Andito na kami sa reception at mas nauna pa po kami kesa sa kinasal. Nakasakay kasi sa sasakyan namin ung kakwentuhan ni mama na asawa ng pinsan nila na tumulong magplano ng kasal na 'to, eh.
Hindi ako magsisinungalin, ang ganda ng lugar na napili nila para sa wedding reception. Pero the fact na katabi lang ng restaurant na 'to ung dati kong pinasukan na school at eto ang first time na naka pasok ako dito… wala lang. natatawa lang ako sa part na un. Ahahhahaha! Okay, ayoko na.
"Nasan na raw ung newlywed?"
Tanong nung asawa ng pinsan ni mama dun sa mc na kasama pala namin sa sasakyan kanina. Kaya pala may isang hindi pamilyar na mukha.
"Na trapik pero malapit na raw sila."
Sagot nung mc sa tanong sakaniya nung asawa ng pinsan ni mama. Sana nga malapit na. Excited na akong makakita ng mga pagkain na di ko nakikita sa araw-araw~!
"Oh, Ibon! Kamusta na?"
Pangangamusta sakin ng tita ni mama na sobrang cute kasi mas maliit pa siya kesa sakin. As in mas maliit talaga siya kesa sakin! Hanggang ilong ko lang ata siya, eh.
Sakanilang kambal, siya ung mas may itsura. Opo. May kakambal po siya at pareho lang din po sila ng height. Nakakatuwa nga lang pag may birthdayhan tas nagkaka tabi silang kambal. Ang cute lang. Okay, mabalik na tayo.
"Okay lang naman po ako, kayo po?"
Sagot at tanong ko pabalik sakaniya habang nginingitian ko na siya at tinitignan kasi nakatayo siya sa harapan ko.
"Ayos lang din. May boyfriend ka na ba?"
Sagot at tanong rin pabalik ni lola sakin sabay punas niya ng bibig niya gamit ng pamunas na naka patong sa balikat niya.
"A-ahh… wala po."
Sagot ko kay lola habang nginingitian ko na siya awkwardly. Eto pinaka ayaw ko pag magtitipon-tipon kaming magka kamag-anak sa iisang lugar, eh.
"Manliligaw?"
Tanong pa ni lola habang tinitignan niya pa rin ako. Winiwish ko po na sana meron kaso wala rin, eh.
"Wala rin po."
Simpleng sagot ko sa tanong sakin ni lola habang nginingitian ko pa rin siya awkwardly. Kelan ko ba mararanasan na may manligaw sakin? Ay! Oo nga pala! May nanligaw sakin nung grade six! Kaso di ko naman feel na nililigawan ako nun, eh.
"Ilang taon ka na ba?"
Tanong ni lola sakin sabay punas nanaman niya ulit ng bibig niya gamit ng pamunas niya. Sixteen years of living in this planet at hindi ko pa rin nararanasan ang karamihan sa mga naranasan na ng mga kaedad ko. Bakit po ganito buhay ko?
"Sixteen pa lang po, pero magseseventeen na po next month."
Sagot ko nanaman sa tanong sakin ni lola. Gusto ko sana mainis sa mga tinatanong sakin ni lola kaso hindi ko magawa kasi ang cute niya, eh! Kahit puro na siya wrinkles ang cute pa rin ni lola~
"Ahh. Ayos lang yan. Bata ka pa naman pala, eh."
Sabi sakin ni lola sabay pisil na niya sa braso ko. Bakit ba karamihan sa mga kilala kong tao laging pinipisil ung braso ko?
"Opo."
Sabi ko kay lola habang nginingitian ko pa rin siya awkwardly. Gusto ko na umalis sa sitwasyon na 'to at saka tikman na ung mga pagkain! Hindi ko na keri ung awkwardness!
"Ung kapatid mo? May manliligaw ba un?"
Tanong nanaman sakin ni lola sabay bitaw na niya sa braso ko at saka inikot na ung paningin niya sa loob ng restaurant. Hinahanap ba neto ung kapatid ko?
"H-hindi ko po alam, eh."
Nauutal na sagot ko sa tanong sakin ni lola. Bakit ako tinatanong niya sa lovelife ng kapatid ko? Hindi naman ako siya, eh!
"Ilang taon na un?"
Tanong ni lola sakin. Kelan kaya matatapos ung pag tatanong sakin ni lola? Gusto ko na lang pong manahimik kung ang pag-uusapan lang naman pala ay lovelife ko at ng iba.
"Thirteen pa lang po."
Sagot ko na lang sa tanong sakin ni lola. Matagal pa ba ung bagong kasal? Gusto ko na umupo at maghintay ng tahimik sa pagkain na ihahain mamaya, eh.
"Ay. Bata pa pala."
Sabi ni lola sabay punas ulit ng bibig niya gamit ng pamunas niya.
"Hahaha. Opo."
Awkward na tawa at sagot ko sa sinabi ni lola habang nakangiti pa rin ako sakaniya awkwardly. Ilang segundo pa ang lumipas ay naglakad na papalayo si lola at dumating na rin ang bagong kasal. Finally! Nakaalis na rin sa awkward na sitwasyon na un at makakaupo na para maghintay sa mga pagkain na iseserve!
Nagsi pasukan na ung iba pang mga bisita at ung pinsan ni mama na lalaki na bagong kasal ay nakaupo sa pinaka unahan at gitna ng room na kinaroroonan namin ngayon katabi ung asawa niya.
Yeah, skip na tayo sa part na kung san binibigay na ng mga bisita ung mga wedding gifts ng bagong kasal kasi boring. Hindi ako ung binibigyan ng regalo, eh. Dun na tayo sa part na kainan na. Hehehe~
May fried chicken, tas may chicken curry rin, buko pandan… ayoko ng buko pandan. Na tikman ko na siya dati kaso di ko bet ung lasa. Basta marami pang ulam ung sinerve nila. Ang sasarap! Grabe! Gusto ko ulit makakain dito!
Kung iniisip niyo na kababae kong tao tapos matakaw ako… ano ngayon? Eh, sa gusto ko tikman ung iba't ibang klase na pagkain. That is what you call living people! At walang sino man ang makakapigil sakin sa pag tikim ng mga pagkain na mukhang masasarap!
"Ibon! Kamusta na~?"
Biglang pangangamusta sakin nung isa pang pinsan ni mama na babae na biglang naupo sa tabi ko kasi umalis na ung katabi ko dito sa table namin. Siya ung type ng tita na laging nakahawak sa phone niya tapos laging nakalagay sa tenga ung earphone niya kasi palagi niyang kausap ung jowa niya na hindi ko alam kung saang lupalop ng earth naroroon. Why me…?
"Ah, okay lang po."
Sagot ko sa tanong sakin nung pinsan ni mama sabay tingin ko na sakaniya. Susubo na sana ako, eh! Susubo ko na ung masarap na pagkain sa bibig ko, eh! Ba't naman wrong timing ka tita?!
"May boyfriend ka na?"
Tanong agad sakin ni tita habang ung kamay niya na hawak ung phone niya ay naka patong na sa lamesa. Hindi kaya nahihilo ung jowa nito kasi ang gulo nung video?
"Wala po."
Simpleng sagot ko sa tanong sakin ni tita sabay iling ko na sakaniya. Sana all meron diba po tita?
"Eh, manliligaw?"
Dagdag ni tita sa tanong niya sakin kanina habang tinitignan pa rin namin ung isa't isa. Bakit ba palagi akong na papasok sa awkward na mga sitwasyon?
"Wala rin po."
Sagot ko sa tanong sakin ni tita habang nginingitian ko na siya awkwardly. Sana nga po kahit manliligaw lang meron, eh.
"Okay lang yan. Makakahanap ka rin."
Pagko comfort sakin ni tita. Hindi ko na po sure kung okay pa ako pag nakahanap na ako.
"Opo."
Yan na lang ang nasabi ko kay tita habang tumatango na ako at dahan-dahan ko nang ibinalik ang tingin ko sa plato ko. Nag-aabang na ung pagkain, eh.
"Ano palang course kukunin mo sa college?"
Tanong nanaman ni tita sakin nung akma na sana akong susubo. Tita… why naman po? Gusto ko lang naman lasapin ung sarap ng pagkain dito… bakit tita… bakit ako?
"I.T. po."
Simpleng sagot ko sa tanong sakin ni tita nang mailapag ko na ung kutsara sa plato ko. Onting intay pa mga bebe foods ko, makakain ko rin kayo.
"I.T.?"
Pag-uulit ni tita sa sagot ko sa tanong niya sakin. Eto ang isa sa mga dahilan kung ba't kailangan ninyong alisin ung earphones niyo pag may kausap kayong tao.
"Opo."
"Maganda rin ung course na un! Marami kang mapa pasukan na trabaho."
"Sabi nga po ni mama."
~There are times that only food can bring you so much happiness and can make you feel alive.~
Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
THIS IS BASED ON A TRUE STORY.