webnovel

New Environment

Lumipas ang byahe ay nakarating na rin kami sa bababaan namin nila Paul at Pal. Nang makababa na kaming tatlo sa jeep na sinakyan namin…

"Nakikita mo ung malaking mall na un? Un na ung Alaya Mall. Maglakad ka na lang papunta dun makikita mo na agad ung entrance."

Sabi sakin ni Paul habang tinuturo na niya sakin kung saan ako maglalakad. Tumango na ako nang magets ko na ung sinabi niya sakin at saka tinignan na siya.

"Ah, okay. Salamat~!"

Pasasalamat ko kay Paul habang tinitignan ko pa rin siya at saka nginingitian ko na.

"Sige una na kami."

Sabi ni Paul sakin sabay turo na niya ng hinlalaki sa likuran niya, dahilan para tumango na lang ako habang nakangiti pa rin sakaniya. Excited na ako!

"Ingat kayo sa pag uwi~!"

Nakangiting pamamaalam ko kila Pal at Paul habang kumakaway na ako sakanilang dalawa.

"Ingat ka rin Tagum! Enjoy!"

Sabi naman sakin ni Pal habang nakangiti na rin siya sakin at saka kumakaway na rin.

"Ingat kayo."

Sabi naman sakin ni Paul, tumango na lang ako sakaniya habang nakangiti pa rin ako at saka naglakad na silang dalawa ni Pal papalayo sakin. WTF! Hindi ko na alam kung ano na 'tong nararamdaman ko ngayon! Kalma lang Ibon!

Nang makalma ko na ng kaunti ang sarili ko ay tumawid na ako sa kalsada at naglakad na sa direksyon na tinuro sakin ni Paul. Ilang saglit pa ay nakita ko na ung entrance ng Alaya Mall. Finally! Nakarating na rin sa wakas!

Bago ako makarating sa entrance ng mall ay tumawid nanaman ulit ako ng kalsada at naglakad na papunta sa entrance. Nasan na kaya si Jervien? Pumasok na ako sa entrance at akma ko na sanang kukunin ung phone ko sa loob ng bag ko habang naglalakad na ako sa loob ng mall nang makita ko na si Jervien sa di kalayuan. Naglalakad na siya papunta sa entrance habang nakatingin sa phone niya.

Ayan na siya! Papalapit na siya! Kinikilig ako! Kalma lang heart! Ano ba naman 'tong bag na 'to! Di ko makuha ung strap neto! Hala! Nakita na niya ako! Pisting strap ng bag na 'to! Ba't ba ayaw magpa kuha nitong strap ng bag ko!?

"Kanina ka pa andito?"

Tanong ko kay Jervien nang makatayo na siya sa harapan ko habang inaabot ko pa rin ung strap ng bag ko. Pisting strap 'to.

"Kakarating ko lang."

Sagot ni Jervien sa tanong ko sakaniya habang tinitignan na niya ako. Sa wakas! Nakuha na rin kitang pisting bag strap ka! Tumango na lang ako kay Jervien sabay dahan-dahang iniwas ung tingin ko sakaniya. Ba't hindi pumasok sa isip ko na magiging ganto kami ka awkward?

"Ano gusto mong unahin?"

Tanong sakin ni Jervien, dahilan para mapatingin ulit ako sakaniya at saka tinaasan ko na siya ng pareho kong kilay.

"Ikaw? Ano gusto mong unahin?"

Tanong ko pabalik kay Jervien habang tinitignan ko pa rin siya at nakatayo pa rin kami sa daanan.

"Kung ano gusto mong unahin."

Sagot ni Jervien sa tanong ko sakaniya habang tinitignan niya pa rin ako. Wow… ung mga mata niya… isama mo pa ung stripes niyang t-shirt na kulay black and orange na nakikita dahil sa isang butones ng uniform niya na hindi naka butones tapos i-match mo pa ung denim jacket niya pati ung black skinny jeans at sneakers niyang all black. Now that's what I call an ideal bad boy look! Well, para lang po sakin, ha. Ewan ko na lang sainyo kung ano ung bod boy look na gusto niyo.

Ay, halaa! Oo nga pala! Ano ba gusto kong unahin? Kung kain muna kasi uunahin, baka isipin ni Jervien na gutom nanaman ako. Arcade na lang kaya unahin namin? Oo, arcade na lang unahin namin.

"Arcade na lang."

Sagot ko sa tanong sakin kanina ni Jervien habang nginingitian ko na siya. Tumango na lang si Jervien sakin.

"Halika na."

Sabi ni Jervien sakin sabay lakad na, dahilan para sundan ko na siya. Ang onti lang ng tao dito sa loob ng Alaya Mall, di katulad sa mga MS na sobrang dami. Parang pang mayayaman lang 'tong mall na 'to, ah.

Sorry po! First time ko lang po makapasok sa gantong mall! Pagpasensiyahan niyo na po ako! Ang ganda naman kasi dito… sarap sigurong tumambay palagi dito. Tamang ikot lang habang tumitingin ng mga bagay-bagay tas tamang snack lang habang nagpi-people watching.

Seryoso Ibon, masyado kang good girl. Hindi ka naggagagala, eh. Deretso uwi ka kaagad after class, eh. O di kaya naman ung mga pupuntahan niyo ng tropa mo nung grade 11 ay ung mga lugar lang na familiar sainyo. Kaya di mo naeexperience masyado ung teenage years mo, eh. Di bale, 16 ka pa lang naman.

Hindi ko alam kung nasaan ung arcade na sinasabi ni Jervien pero wow! Umiikot pa lang kami dito sa mall na 'to na eenjoy ko na! Sorry po ulit. Naninibago lang po kasi talaga ako sa environment na ganito. Pero kasi ang ganda lang talaga ng lugar! Kung malapit lang bahay ko dito, araw-araw akong tatambay dito kahit mag-isa lang ako o kaya kasama mga kaibigan ko.

Matapos namin umakyat ng ilang beses sa escalator ay nakarating na kami sa fifth-floor ng mall at…

"Ayun na ung arcade."

Sabi ni Jervien habang nakatingin na siya sa arcade na sinasabi niya habang naglalakad pa rin kaming dalawa. Lumingon na ako sa direksyon na tinitignan ni Jervien at saktong natapat ako sa isang delivery stand sa gilid kaya hindi ko rin nakita. Perfect timing.

"Ba't ba ang liit ko?"

Tanong ko sa sarili ko habang naka tingkayad na ako at pilit pa ring tinitignan ung tinignan na arcade kanina ni Jervien. Biglang napalingon sakin ng konti si Jervien, dahilan para mapatingin ako sakaniya at saka tinigil ko na ung pagtitingkayad ko at nagpatuloy na lang ulit sa paglalakad.

Dahil sa kahihiyan ko ay binagalan ko ung paglalakad ko para hindi magka tama ang tingin namin ni Jervien. Ba't ko ba kasi sinabi un? Hindi naman kasalanan maging maliit, eh! Nakakainis!

"Andito na tayo."

Sabi ni Jervien sakin nang tumigil na kaming dalawa sa tapat ng arcade sabay tingin na niya sakin, dahilan para mabilis kong nilipat ang tingin ko sa arcade. Nang makita na ang loob ay napangiti na lang ako at saka binalik ko na ulit ung tingin ko kay Jervien.

"Tara na."

~Let yourself appreciate the new environment that you're introduced to. You don't see that kind of scenery every day.~

Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

iboni007creators' thoughts
Next chapter