7:00 PM na at nagsi labasan na kaming magkakaklase sa classroom dahil hanggang ngayon ay wala pa rin kaming subject teacher sa MIL.
"Babye~!"
Paalam ko sakanila Violado, Juliana, Christina at Chin bago pa kami makalapit sa hagdan. Agad akong tinignan nila Violado, Christina at Juliana habang si Chin naman ay dahan-dahan lang tumingin sakin dahil sinabihan ko na siya kanina.
"Hindi ka sasabay samin ngayon sa paglabas, Ibon?"
Takang tanong ni Violado sakin habang tinitignan pa rin nila ako. Umiling ako sakaniya nang may ngiti sa labi ko habang naglalakad na ako paatras.
"Sabay kami ngayon uuwi ni Ashley, eh."
Sagot ko sa tanong ni Violado habang nakangiti at nakatingin pa rin ako sakanila. Tumango na lang si Violado habang tinitignan pa rin niya ako.
"Sige, ingat kayo Bon!"
Sabi sakin nila Christina at Juliana habang kumakaway na sila sakin at nauna nang bumaba ng hagdan.
"Ingat sa pag-uwi."
Sabi sakin ni Chin sabay hawak na sa pulso ni Violado na kumakaway na sakin.
"Ingat din kayo sa pag-uwi~!"
Paalam ko sakanila sabay kuha na ng phone ko sa bulsa ng blouse ko at naglakad na papunta sa room nila Ashley na dati kong room nung grade 11. Junior high school friend ko si Ashley sa dati naming school at saming siyam na magto tropa, kaming dalawa lang ni Ashley ang lumipat ng school habang ang iba naman ay naiwan sa dati naming school.
Sumilip na ako sa unang pintuan ng classroom nila Ashley at nakita ako ng iba niyang mga kaklase. Pagkatingin ko sa teacher's table ay nagche check ng kung ano ung subject teacher nila habang si Ashley naman ay natutulog ata sa puwesto niya sa likuran. Tumayo lang ako dun sa tabi ng unang pintuan nila at nag cellphone na lang. Ilang saglit pa ay tumingin ulit ako sa puwesto ni Ashley at nakitang tinuturo na niya ung pangalawang pintuan sa likuran na malapit sakaniya.
Mabilis akong tumakbo papunta dun sa pangalawang pinto nila at saka inabangan na siya dun. Pagkabukas ni Ashley ng pinto ay agad niyang nilabas ung bag niya at saka sinarado ulit un. Bilis neto, ah. Kinuha ko na ung bag ni Ashley at naghintay pa ako ng ilang saglit bago siya lumabas. Agad na niyang kinuha ung bag niya sakin at saka hinatak na ako papunta dun sa hagdan. Natawa na lang ako sakaniya habang bumababa na kami ng hagdan.
"Ibon! Hulog ka ng langit! Buti na lang nakilala ka nila Shane kaya sinabi nila sakin."
Sabi sakin ni Ashley habang patuloy pa rin kami sa pagbaba ng hagdan.
"Ilang minutes na lang magta time naman na ahahaha! Ba't nag cutting ka pa ngayon?"
Natatawang sabi ko kay Ashley habang hinahabol ko na siya sa pagbaba ng hagdan dahil ang bilis niyang bumaba. Ba't kaya nagmamadali 'to? Hala! Oo nga pala! Rush hour na! Mahihirapan kami nitong umuwi!
"Eh, sa nainip na ako! Bilisan mo! Baka wala na tayong masakyang jeep!"
Sabi sakin ni Ashley habang binibilisan na namin ang pagbaba sa hagdan. Nang makarating na kami sa first floor ay tumakbo na kami papunta sa field hanggang sa makalabas na kami ng gate ng school namin at nakatawid na sa kalsada.
"Hirap namang umuwi ng ganitong oras."
Sabi ko kay Ashley habang naghihintay na kami ng masasakyang jeep kasabay ng iba pang estudyanteng pauwi na rin.
"Ganun talaga. Rush hour na, eh."
Sabi naman sakin ni Ashley habang naghahanap na siya ng jeep na masasakyan namin. Nang may nakita na siya ay agad niya akong nilingon.
"Halika na, Ibon!"
Sabi sakin ni Ashley sabay takbo na papalapit sa jeep na nakita niya. Mabilis ko ring sinundan si Ashley at sa wakas ay nakasakay na kami ng jeep. Maganda talaga 'tong kasama si Ashley. Sayang hindi ako palaging naka kasama nung gumagala tropa namin nung andun pa kami pareho sa dati naming school.
"Barya ung sayo?"
Tanong sakin ni Ashley habang nakaupo siya sa tapat ko at nakatingin na siya sakin.
"Oo."
"Akin na."
Sabi sakin ni Ashley habang nakatingin pa rin siya sakin. Inabot ko na sakaniya ung bayad ko at kinuha naman niya saka ipinaabot na niya sa ibang pasahero ung bente niya. Kapagod, ah. Okay na rin un. Need ko rin naman ng exercise, eh. Habang nasa byahe ay nagsecellphone lang kaming pareho ni Ashley hanggang sa makarating na kami sa sakayan ng bus. Nagsi babaan na kami at naghintay nanaman kami ng masasakyan.
"Ano? Kamusta ka naman ngayong panghapon ka na?"
Tanong sakin ni Ashley habang tinitignan na niya ako. Natawa ako ng kaunti at saka lumapit na sakaniya.
"Okay lang naman. Nag-aadjust pa. Nung ano nga, eh, nung meron kaming group activity sa Philo, ako lang ung nag-iisang pang-umaga dati sa group namin."
Sagot at kwento ko kay Ashley habang pareho na kaming nag-aabang ng bus na masasakyan pauwi. Natawa bigla si Ashley, hinawakan na braso ko at saka tumingin na sakin, dahilan para mapatingin na rin ako sakaniya.
"Hindi ka naman nun umiyak tulad nung nangyari nung grade 11?"
Natatawang tanong ni Ashley habang nakahawak pa rin siya sa braso ko at nakatingin pa rin siya sakin. Natawa na lang din ako nung naalala ko ung nangyari sakin nun.
"Shempre hindi, noh! Ahahahaha! Nakapag-adjust na ako sa school natin ngayon!"
Natatawang sagot ko sa tanong sakin ni Ashley habang inaalala ko ung memory na un at nag-aabang na ulit ng bus. Mas lalu pang natawa sakin si Ashley dahilan para alisin na niya ung pagkakahawak niya sa braso ko at saka tinakpan na niya bibig niya gamit ang dalawa niyang kamay. Nang medyo kumalma-kalma na siya ay kinalabit na niya ako, dahilan para tumingin ulit ako sakaniya.
"Ano na nangyare sa group niyo?"
Tanong sakin ni Ashley habang nakatingin pa rin siya sakin.
"Awkward nung una pero nung nagtagal naman na… naging okay na. Sila nga ung unang nag reach out sakin nun, eh. Ba't nga ba hirap akong mag reach-out sa iba?"
Pagtutuloy ko sa kinekwento ko kay Ashley at tanong ko sa sarili ko habang nakatingin na ako sa baba.
"Napaka mahiyain mo kase kaya ganun. Buti na nga lang talaga nag reach out sila sayo."
Sabi sakin ni Ashley habang nakatingin na ulit siya sakin. Nginitian ko na lang siya habang kinakamot ko na ung ulo ko.
"Ikaw ba? Kamusta ka naman?"
Tanong ko kay Ashley habang tinitignan ko na siya nang may ngiti sa labi ko.
"Okay lang naman. Maganda rin pala pumasok ng hapon, eh. Ang problema nga lang talaga ay ung pag-uwi."
Sagot ni Ashley sa tanong ko sakaniya habang nag-aabang na ulit siya ng bus.
"Ayan na, ayan na! Tara na!"
Sabi sakin ni Ashley nang makakita na siya ng bus na pwede naming sakyan pauwi. Agad kaming tumakbo pareho papalapit sa bus at nag-abang na sa pintuan nun para makapasok. Nang magsi babaan na ung mga pasahero ay unahan talaga sa pag-akyat sa bus. Buti na lang mabilis si Ashley at nakasunod agad ako sakaniya kaya nakasakay na rin kami sa wakas!
Sumiksik na kami ni Ashley sa gitnang banda ng bus hanggang sa makarating na kami sa dulo nun dahil ang luwag-luwag doon! Seryoso! Bakit ba ayaw ng ibang pasahero na mapunta sa dulo ng bus kung malayo pa naman ung bababaan nila? Ilang saglit pa ay umandar na ung bus at si Ashley naman ay naglabas na ng salamin at blush?
"Taray~ nakuha pang mag make-up habang nakatayo sa bus! Ahahaha!"
Natatawang sabi ko kay Ashley habang pinapanuod ko lang siyang mag-ayos sa sarili niya.
"Kasi naman ang haggard ko nang tignan! May date pa naman kami ngayon ni Yohan!"
Pagdadahilan sakin ni Ashley habang pinapantay na niya ung blush na nilagay niya kanina. Nung biglang huminto ung bus ay agad kong hinawakan and balikat ni Ashley habang nakahawak ako sa upuan para hindi siya matumba. Pano ba naman kasi ung mga hawak niya ay ung salamin niya, pang blush at saka ung lip tint niya. Ganito rin kaya mangyayari sakin pag may bf na ako at may date kami after class?
"Ahh… kaya pala nagmamadali…"
Nakangising sabi ko kay Ashley habang tinatanguan ko na siya at hawak ko pa rin ang balikat niya. Tumigil na siya sa pag-aayos ng blush niya at naglagay na ng lip tint. Ilang saglit pa ay umandar na ulit ung bus at mabilis na ipinasok ni Ashley ung pang blush niya at lip tint sa bag niya at napahawak na sa upuan.
"Po+@!^@ naman!"
Sabi ni Ashley habang masama nang nakatingin sa unahang part ng bus. Inalis ko na ung pagkakahawak ko sa balikat ni Ashley at saka tinakpan ko na ang bibig ko dahil tinatawanan ko na siya habang pinapanuod ko pa rin siya.
"Huy! May bata!"
Natatawang saway ko kay Ashley habang nakatingin na ako sa batang kandong ng nanay niya sa harapan namin na nakatingin din samin. Tinignan na ako ni Ashley matapos niyang itago ung salamin niya sa bag niya tapos tinignan na ung batang tinitignan ko na nakatingin pa rin saming dalawa.
"Ay. Sorry."
Natatawang sabi ni Ashley sabay sara na ng zipper ng bag niya at saka humarap na sakin. Natawa na lang ako sakaniya dahil tinitignan na siya ng batang tinitignan ko.
~Do you also miss your old group of friends?~
Hello po~!! Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
THIS IS BASED ON A TRUE STORY.