webnovel

Kabanata 234

Makalipas ang ilang minuto,

Naka upo na sa sala ang mga kuya ni Kelly kasama si Ethan "Kuya, aalis na po kami sasama ko si Jacob." Ang sabi ni Kelly.

"Ano? Bakit sasama pa si Jacob?" Ang sabi ni Kian.

Lumapit namang agad si Jacob para umarte gaya ng pinag usapan nila ng tita Kelly niya kanina "Daddy, sige na po nakaka bored na po dito eh sila tita Kelly at Tito Vince naman po ang kasama ko eh tsaka uuwi naman po kaming agad eh. Di ba po tita?"

"O—Oo naman."

"Oo nga naman bro iuuwi ko rin sila dine agad wag kayong mag alala i-tortured niyo muna yang si kuya Ethan." Ang sabi ni Vince.

"Baby Bro naman." Ang tugon naman ni Ethan.

"Payagan mo na tol minsan lang namang umalis yang mga yan." Ang sabi ni Kim at napatingin siya kay Kelly pero iniwasan sya nito.

"Nga naman tol kakain lang naman yang mga yan sa labas tapos mag lalaro right Siopao?" Ang sabi naman ni Kevin.

"Opo."

"Tsk... sige na nga basta mag iingat kayo ha? Vince iuwi mong agad yang dalawang yan."

"May kotse nga pala yang lukong yan sayo na ba yon?" Ang sabi ni Keith.

"Hindi sakin yun kay kuya yun pang buy en sell hiniram ko muna. Hehe."

"Hoy sabi nga pala ng ate mo wag mo kakalimutan yung pinabibili niya sayo." Ang sabi naman ni Ethan.

"Sus... alam ba ni ate na nandito ka?"

"Sshhh... wag kang maingay uuwi rin naman akong agad eh pinaghahanap ba naman niya ako ng icecream na flavor eh tinola jusme san naman ako hahanap ng ganun? Jusmiyo marimar!"

"Gross! Tinola flovor sa icecream? Aba matindi!"Ang sabi ni Keith.

"Oo bro, ang hirap pala kapag yung asawa mo kung mag lihi eh ang selan tapos kapag may nabili ako na bilin niya iba na daw ang gusto niya grabe di ko na alam gagawin ko mga bro."

"Hahaha... ganyan nga mas malala pa nga si Faith eh alam mo ba kung san sya naglihi?"

"San?"

"Sa dinuguan tapos alam mo yung partner hindi puto."

"Eh? Ano?"

"Guys ano daw?"

"Condensed milk." Ang sabay-sabay sambit nila Kelly at ng mga kuya niya.

"Blurrrgghhhh...." Ang reaksyon nila Vince at Ethan.

"Oh, di ba ang weird sobrang nakaka diri yung lasa tol nung tinikman ko. Ginawang champorado yung dinuguan. Wagas!"

"Tinikman mo?" Anila.

"Oo wala na akong nagawa pinilit ako ni Faith kasi ng mga panahon na yon umang uma sakin si Faith buti nalang at maputi si Tum-Tum at syempre kamukha ko."

Iniba naman nila Kian ang usapan agad "Sige na Kelly umalis na kayo para maka uwi kayong agad. Vince ikaw ng bahala sa kanila."

"Sige kuya." Ang sagot nila Kelly at Vince.

At umalis na nga sila Kelly at bumalik na sa pag uusap nila sila Kain na hindi pinapansin si Keith.

"Tara sa likod mga tol." Ang sabi ni Kevin.

"Oo nga may bagong itlog dun ang mga manok ni Kelly." Ang sabi ni Kim.

Sumangayon naman sila Kian at iniwanan na nga nila si Keith "Guys!!! Kamukha ko namang talaga si Tum-Tum eh bakit ba ayaw niyong maniwala?"

"KEITH!!!" Ang sigaw ni Faith.

"Bakit?"

"Yung diaper ni Tum-Tim!!! Nasan na???Kanin pa!!!"

"Ay... Oo nga pala nalimutan ko... SANDALI LANG BABE."

"BILISAN MO!!!"

"Nanganak na syang lahat galit pa rin siya sakin naglilihi pa rin ba sya?" Pabulong bulong pang sambit ni Keith.

"KEITHANIEL!!!"

"Oo andiyan na... Haysss..."

Sa Condo namanni Patrick,

"Dude, ano tapos ka na ba?" Ang sabi ni Dave habang naghahanap ng makakain sa ref ni Patrick.

"Mag hintay ka nga! Akala mo naman ang layo nung pupuntahan eh jan lang yun sa labas ng condo ko." Ang sagot naman ni Patrick na nasa kwarto at nag bibihis.

"Mag isa lang sya dine pero ang pagkain niya pang limang tao na at pang isang buwan na yung stock. Iba talaga pag anak ng may ari ng mall ang daming foods at appliances."

"Hoy! Yung may bawas lang ang bawasan mo diyan!"

"Napaka damot talaga ng taong ito mag isa lang naman sya dine maka pag mando mg pagkain kala mo naman kakainin kong lahat. Pero mukhang masarap lahat."

"May sinasabi ka?"

"Wala!"

At kumuha nalang ng icecream si Dave at naupo sa sofa "Dude, dito ka ba lagi na uwi?"

Lumabas na ng kwarto niya si Patrick na naka blue na may white sa baba na shirt na hoodie at naka pants "Oo may problema ka?"

"Wow dude!!! Bago yang hoodie mo?"

"Luma na, ngayon ko lang naisuot di ko na nga matandaan kung sino nag bigay sa akin nito."

"Oo nga di ka naman mahilig sa mga hoodie di ba? Ang angas dude ombre ang kulay albor naman sure ako si ate May nag bigay niyan sayo."

"Pag nag sawa ako."

"Sakin nalang ganda niyang pang motor eh."

"Kapag di mo ko tinantanan di ko ibibigay sayo."

"Dude naman para kang others."

"Tara na nag mamadali ka di ba?"

"Naalala kong bigla si Master lagi siyang naka hoodie siguro kaya yan ang sinuot mo kasi miss mo na sya noh?"

Binato sya ni Patrick ng unan "Bwiset ka! Bahala ka diyan!"

"Sandali lang dude intayin mo ko!"

Samantala sa magkaparehong oras sa kotse ni Vince,

"Pis, ang init-init naka hood ka na naman." Ang sambit ni Vince habang nag dadrive at katabi sa front seat si Kelly samantala nasa likod naman si Jacob.

"Tito Vince naman parang may bago naman po wala naman pong damit na walang hood si tita Kelly eh."

"Nga naman bakit ba nag salita pa ako no?"

"Heh! Mag tigil nga kayong dalawa diyan bakit ba walang aircon ang kotse mo?"

"Papagawa pa kasi ito ni kuya. Hehe... Tsaka pang buy en sell naman ire kaya okay lang bukas naman ang bintana eh."

Kelly smirked "Jacob, dont open your window there okay?"

"Opo."

"Bakit naman di naman maki kidnap yang si Jacob ang laki niya para sa bintana."

Bineltukan ni Kelly si Vince "Bungol! Di nga kasya sa bintana mabubuksan naman ang pintuan. Tungaw!"

"Ay... oo nga, baby don't open ha?"

Jacob smirked at him "Anyways, ano ba ang bibilhin mo sa mall at kailangang kasama pa ako?"

"Ah... Eh.. kasi sabi ni ate Alice isama daw kita at ikaw raw ang mamili ng mga design."

"Design? Nang ano?"

"Yung feeding bottle."

"Ano? Bakit ako?"

Sa isip-isip ni Vince "Para may reason akong sumama ka sa akin. Pinilit ko pa nga si ate para nag pabili talaga saya sakin ng feeding bottle."

"Hoy!"

"Ha? Ahhh... kasi nga sabi ni ate magaling ka daw sa ganun eh."

"Ako? Alam naman natin na wala akong pasensya sa ganyan kaya sige sabihin mo anong binabalak mo ha? Sure akong may iba kang agenda kaya mo ako sinama dine."

Hiyiee!!! I hope you enjoy wag kakalimutan na mag bigay ng comment at vote using you powerstones pag may time. mehehehe... Reviews na din po kung pwede hahaha... Salamat po sa inyong lahat. Godbless. <3

lyniarcreators' thoughts
Next chapter