webnovel

Kabanata 120

Sa may fishpond,

"Kawsin, bakit pati ang mga tukmol na yan eh andito din?" Ang sabi ni Vince.

"Hindi ko alam si Aliyah lang ang inimbitahan ko dine tsaka bakit ko naman iimbitahan mga yan okay lang si Wayne pero yung iba ayoko syempre." Ang sabi naman ni Kelly at bigla namang sumulpot si Aliyah "Sorry, hindi kasi ako pinayagan nila granny pumunta dine kung hindi ko kasama ang mga yan."

"A---ah...ayos lang naman yun wag lang sila gagawa ng kung ano-ano dahil hindi namin mapa-promise na hindi talaga sila masasaktan." Ang sabi ni Vince.

"Sandali lang maiwan ko muna kayong dalawa diyan ha?"

"Ha? Saan ka pupunta?"

"Ahhh...dun sa kwadra nalimutan ko dun ang cp ko."

"Ano? Kanina pa tayo nandun ngayon mo lang naalala? Hapon na eh at mamaya pupunta pa tayo sa lola ni Harvey."

"Ah...okay lang yun di naman yun mawawala babalik nalang ako agad."

"Sandali bakit kayo pupunta sa lola ni Harvey? Pwede ba akong sumama?"

"Oo mamaya pwede naman di ba Kelly?"

"Um...mas maganda marami para hindi na ko kailangan pang sumama."

"Hindi ka sasama?" Ang bungad naman na sabi ni Patrick.

"Ah...eh...kasi..."

"Ayos lang kung ayaw mo hindi naman kita pipilitin. Sige punta muna ako sa sasakyan titignan ko lang si Manong Berto." At umalis na nga sya na animo'y nalulungkot siniko naman ni Vince si Kelly "Lakad sundan mo!"

"Ba----Bakit??"

"Sigh...di ba may pustahan kayo? At natalo ka!"

"Eh ano naman? Bukas pa naman yun iba ang usapan ngayon sa bukas."

"Sigh...bahala ka na nga Aliyah halika na nga."

"Si---sige Kelly mamaya nalang."

"Sige."

Habang papunta si Kelly sa kwadra nakita naman siya ni Wayne "Kelly."

"Oh, Wayne."

"Ang ganda pala dito sa farm niyo ang daming mga hayop."

"Ahh...oo mahilig kasi ang lolo at mga tiyo ko sa hayop bakit ka nga pala nandito? Andun sila Chollo sa fishpond ah."

"Gusto ko lang mag lakad-lakad at kumuha ng mga pictures sorry kung hindi na ko nakapag paalam nag libot na ko dine."

"Ah...ayos lang yun gusto mong sumama?"

"Saan?"

"Pupunta ako ng kwadra ng kabayo."

"May kabayo rin kayo dine?"

"Um...tatlo si Heyiee, Gidiyap at si Nyorsie."

"Pffft...ang gaganda naman ng pangalan ng kabayo ang unique pero farm ito di ba? Bakit may kabayo?"

"Ahh...wala lang malaki naman kasi ang farm kaya naglagay ng kabayo ang lolo ko."

"Ohhh...oo nga ang laki ng farm niyo parang rancho na eh."

"Sakto lang."

"Pero marunong ka mangabayo?"

"Um...kanina nag karera kami ni Patrick."

"Oh? Marunong ka? Pati si Patrick?"

"Yep, tinuruan ako ng lolo ko nung bata ako pero si Patrick di ko alam kung pano siya natuto pero alam ko may mga kabayo din ata sila kaya siguro nag aral din mangabayo."

"Ohhh...sabi mo nag karera kayo? Sino ang nanalo?"

"Sa kasamaang palad natalo ako. Sigh..."

"So, si Patrick ang nanalo?"

"Um...talo tuloy ako sa pustahan."

"Pustahan? May pustahan rin na naganap?"

"Yeah...nag ka kantsawan lang."

"Pwede ko bang malaman kung ano yung pusta niya at yung sayo?

"Yung sakin pag nanalo ako di ako sasama sakanila doon sa lola ni Harvey kaso natalo ako tapos ang pusta ni Patrick sa kaniya ako bukas ng buong araw."

"ANO? Ay...sorry I mean bakit?"

"Ayos lang yun pumayag naman ako eh tsaka wala naman gagawin yung kung ano sakin nasa teritoryo siya namin."

"Sabagay may point ka naman pero bakit naman pumayag ka?"

"Napasabak na eh ayos lang yun."

At nakarating na nga sila sa kwadra at nakita niya doon ang cp niya "Ayun,,,"

"Ang alin?"

Kinuha ni Kelly ang cp niya "Ere naiwan ko kasi ang phone ko dine kanina."

"Ahhh...may kalakihan din pala ang kwadra niyo dine."

"Oo dati kasi nung bata ako may 5 o 7 kaming kabayo? Ngayon ayan 3 nalang namatay na kasi yung una kong kabayo na si Metra dahil sa katandaan mga anak na nya yang mga yan."

"Ohhh...I see."

"Halika na bumalik na tayo may kailangan pa kasi akong suyuin."

"Suyuin?"

"Um...halika na."

"O---okay..."

Sa isip-isip ni Wayne habang pinagmamasdan si Kelly "Mukhang na huli na ata ako mukhang may nakaparada na sa puso ni Kelly. Sigh..."

.

.

Author: Okay, one down for love rival ni Patrick kay Kelly gusto niyo yun geysh??? Hahaha...pero kawawa naman si Wayne hayaan niyo pag sinipag ako bibigyan ko rin siya ng kabayo...este ng "partner in life" tahimik naman kasi siya kaya konti lang ang exposure niya. Iniisip ko na nga ding patalsikin si Chollo masyadong hambog maka princess naman kay Kelly wagas noh? Ahaha...okay sorry may commercial na naman. Wahaha...xD

.

.

Samantala, nagtatago naman sa may likod si Harvey at Shai hindi sila nakita nung dalawa ni Kelly "Ah...eh...Shai, bakit pala tayo nag tatago dine?"

"Wala lang bawal kasi ako pumunta dine magagalit si Mommy buti nga si Kelly lang eh."

"Bakit naman bawal kang pumunta dine?"

"Madumi daw kasi dine kaya ayaw na ayaw ni Mommy na mag pupunta ako dine."

"Ahh...pero mga damo naman ang pinapakain sa mga kabayo kaya organic sila. Well, I mean hindi sila gaya ng mga aso na kung ano-ano ang kinakain."

"Yeah...ayaw kasi ni Mommy sa mga ganireng hayop gusto niya bulaklak ang alagaan ko kahit gusto ko mag aral mangabayo buti nga si Kelly eh nagagawa niya yung gusto niya."

"Bakit ikaw hinde?"

"Um...may sakit kasi ako sa puso."

"Ano?"

"Oo in born kaya mabilis akong mapagod parati kaya sobra si Mommy mag care na minsan pakiramdam ko nasasakal na ko."

"Pero kanina nakiki pag habulan ka dun sa kapatid mong si Joshua ah pero saglit lang naman yun para lang mahuli ni mommy si kuya di kasi yun papatinag pag si mommy lang ang nang habol sa kaniya."

"Ohhh...gusto mo bang umuwi na tayo baka pagod ka na."

"Pero hindi ko pa nakikita yung anklet ko eh."

"Wag kang mag alala ako nalang ang mag hahanap malapit na ring lumubog ang araw baka hinahanap ka na rin ng mommy mo."

"Sige na nga pero kasi..."

"Ayos lang yan makikita natin ang anklet mo malay mo nandyan lang yun sa lalakadan natin."

"Um."

Sa mag kaparehong oras,

Nasa loob ng van si Patrick at kausap si Manong Berto "Sir, bakit ayaw niyong bumalik sa loob? Ayos lang naman po ako dine."

"Dito nalang po muna ako kilala niyo naman ako hindi rin ako masyadong nakikihalubilo sa madaming tao."

"Sabagay sige po maupo lang kayo diyan at mag pahiga."

"Sige po."

"Nga pala Sir, uuwi rin po ba tayo sa Manila mamaya?"

"Ah...hindi po nag book si Ms. Maricar ng hotel para satin kaya dun tayo didiretso bukas po ng hapon tayo uuwi."

"Ahhh...kasama rin po ba si sir Dave at yung iba niyong kaklase?"

"Ah hindi tayo lang ho ni Dave may mga bahay naman kasi sila Harvey at Mimay dine."

"Ohhh...taga rine din po pala ang iba nyong mga kaibigan?"

"Oho, malapit lang din po dine tsaka manong Berto naman bakit ba nag "po at opo" pa kayo sakin? Para naman kayong bago dyan."

"Pasensya na nakasanayan lang ang kuya mo ayaw niya rin na mag po at opo ako sa kaniya nakakatuwa at ayos na kayong dalawa.

"Ahhh...yun po ba? Sana lang wala na siyang gawin kung ano."

"Nga pala, maari ko bang matanong kailan niyo pa alam na hindi niyo totoong kapatid si Sir. Richmond?"

"Nung nag 7years old birthday po ako naalala ko nasa ospital noon si kuya dahil nag ka dengue siya at kinailangan salinan ng dugo pero narinig ko kila mommy at daddy na O negative ang dugo nya at ni isa sa mga magulang namin o kahit saming mga kapatid niya ay walang ka dugo kaya napag tanto ko pong hindi naman siya totoong kapatid."

"Ahhh...ganoon pala pero sinabi niyo ba sa kaniya at kay Ma'am May na alam nyo ng hindi nyo totoong kapatid si Sir. Richmond?"

"Hindi po, hindi naman na kailangan mabuti ng maging lihim nalang iyon ng pamilya."

"Talagang lumaki kayong matalino at masigasig na bata sir Patrick kaya hindi na ako nag taka na sa inyo ipinamana nila Sir Ricardo ang mga negosyo ng pamilya niyo kasi karapat dapat kayo."

"Na ayoko naman pong mangyare."

"Alam ko ring yan ang isasagot niyo dahil hindi niyo hinangad kahit noong bata ka palang ang mga mamahaling bagay ang gusto nyo lang ang lagi kayong mag kakasamang pamilya."

"Um...mukhang kilalang kilala niyo parin ako ah. Pero gusto ko po sanang itanong kaninong anak si kuya Richmond? Hindi ko po itinanong kila daddy at mommy at hindi rin nila alam na alam ko na ang sikreto nila pero dahil na pag usapan na po natin at alam ko rin namang alam niyo dahil matagal na kayo sa pamilya namin binata pa si daddy kaya sigurado akong marami kayong nalalaman."

"Ah...eh...mukhang hindi ko na rin naman ito maitatago sa inyo sige po ikukwento ko."

"Okay po."

"Nung ikinasal kasi ang mga magulang mo nabuntis na ng daddy mo ang mommy mo hindi pa man din sila kinakasal kaya nagalit ang lolo at ang lola mo kaso nung 4mos na ang tyan ng mommy mo nalaglag yung bata na dinadala ni Madam."

"Po? Bakit ano pong nangyare?"

"Nadulas kasi si Madam sa hagdan at nag dulot iyon ng pag durugo kung kaya't nalaglag ang dapat panganay niyong kapatid na ikinalungkot ng mommy nyo at tinangka niyang mag pakamatay."

"Gaya po nung nawala si Paula?"

"Um...ganon na nga nung bago lumabas ng ospital ang mommy nyo may nakita ang daddy mo na babaeng buntis na pulubi kaya tinulungan niya dahil manganganak na iyon kaso yung babae naaksidente kaya isa lang sa dalawa ang kailangang mabuhay pero nag makawa yung babae na iligtas ang anak niya kaya ang daddy niyo na ang nag desisyon."

Next chapter