webnovel

Kabanata 56

Kinagabihan,

Kevin: Wow....mukhang masarap po ang hapunana natin ah ano pong okasyon?

Habang nilalapag ni Keilla ang mga plato "Wala, namiss ko lang kasi na ipagluto kayo." Aniya.

Kim: Mukhang na miss niyo nga po magluto ang dami niyan Ma pang one week naming pagkain yan eh.

Keilla: Hayaan mo na edi pag may natira ilagay sa ref gaya nga ng sinabi mo pang one week talaga yan.

"Ho?" Anila.

Kian: Pero Ma naman di kaya pag saktan na tayo ng tyan niyan?

Keith: Opo nga grabe one week po talaga?

Keilla: Loko lang kayo naman masyadong exaggerated.

Kevin: Sandali lang po asan si Jacob at si Kellang?

Kian: Opo nga wala dine yung dalawang yon.

Keilla: Ahhh...alam mo bang nauutusan na yang anak mong si Jacob aba'y tinulungan ako niyan magluto at alam niya ang dapat bilhin na kailangan natin dine sa bahay nag groceries kasi kami kanina sinama ko siya.

Kim: Oh? Astig daig ka pa Keith.

Keith: Wow ha? Nagsalita ang marunong tissue nga sa banyo ang binili mo paper towel ano kitchen na yung c.r?

Kim: Tsss....Heh!

Keilla: Tigilan niyo na nga yan nasa harap kayo ng hapagkainan.

"Sorry Ma." Anila.

Keilla: Si Jacob na kay Kelly mukhang may problema ang kapatid niyo eh kaya inutusan ko ang anak mo na i-comfort ang tita niya.

"Kevin???" Anila.

Kevin: Wa---wala akong alam diyan.

Keilla: Sigh...bad mood siya nung dumating eh.

Kevin: Sige ho tatawagan ko si Vince.

Keilla: Oo nga alam niya na ba na dumating ako?

"Opo." Anila.

Keilla: Ahhh...mabuti naman may pasalubong din ako sa kanila eh.

Kevin: Sige po tatawagan ko si Vince.

Samantala,

Sa kwarto ni Kelly,

Naglalaro yung dalawa ng scrabble "Baby, ikaw na." Ang sambit ni Kelly.

Jacob: Ang daya niyo naman eh wag niyo sabing galingan.

Kelly: Di naman eh hayaan mo na para mahasa ang kaalaman mo sa English.

Jacob: Tsk...kung may problema kayo wag niyo kong idamay.

Kelly: A---ano?

Jacob: Ehhh...sabi po kasi ni Mamsie pag galit kayo naglalaro raw po kayo ng scrabble at di daw kayo maawat kahit wala kayong kalaro.

Kelly: Pffft...ahahaha...si Mama talaga kaya ba nakipaglaro ka sakin?

Jacob: Opo, sabi kasi ni Mamsie wala daw po kayo sa mood nung dumating kayo eh kaya i-comfort ko raw po kayo.

Kelly: Ahhh...ganun pala.

Pinisil ni Kelly ang pisnge ni Jacob "Aw...tita naman eh."

Kelly: Ang cute cute mo talaga parang ikaw na ang paborito ni Mama ah.

Jacob: Di po kaya kayo parin ikaw nga rin po ang paborito ko ditong tao sa bahay eh.

Kelly: Asus...halika nga hug mo si tita.

Jacob: Okay po.

At niyakap nga siya ni Jacob "Tita, bakit ka po malungkot?"

Kelly: Ha? Di naman ako malungkot.

Jacob: Weh? Wala po kayong pasalubong sakin eh di niyo nga ko pinansin ng ayos kanina.

Kelly: Ahhhh....hahahah...sorry naman bukas babawi si tita sayo okay ba yon?

Jacob: Kahit wag na po basta gusto ko masaya kayo parati.

Kelly: Asus...ang sweet naman ng pamangkin ko.

Niyakap niya ng mahigpit si Jacob "Aw...tita di na po ako makahinga."

Kelly: Ay...sorry para ka kasing teddy bear.

Jacob: Sabihin niyo lang po sakin pag kailangan niyo ng resbak ako na pong bahala sa kaaway niyo sa school.

Kelly: Kaya mo?

Jacob: Opo, sasabihan ko po ang mga galamay namin ni uncle Renzo.

Kelly: Galamay?

Jacob: Opo, marami po kasi kaming tropa ni uncle sa probinsya at ang bumangga giba.

Kelly: Huh! Alam mo na yung salitang yon? Baby bad yun.

Jacob: Sorry po lagi ko lang po kasing naririnig kila uncle.

Kelly: Sandali nga lang ano bang klase ang uncle Renzo mo?

Jacob: Hmmm...bukod sa pogi napakagalante niya po.

Sa isip-isip ni Kelly "At talagang pogi talaga ang tingin niya sa uncle niya lintek na Renzo yon tinuruan pa ang batang magsinungaling?"

Jacob: At sobrang bait po.

Kelly: Oh? Mukhang bidang bida ang uncle mo sayo ah.

Jacob: Ah...di naman po masyado slight lang.

Kelly: Sus...

Jacob: Pero iniiba niyo naman po ang usapan eh bakit nga po kayo malungkot?

Kelly: Ummm...kasi yung mga kaibigan ko na malapit sakin nagsinungaling.

Jacob: Po?

Kelly: Sigh....ayokong pagusapan baby dahil lalo lang akong nauuma pag naiisip ko.

Jacob: Okay po pero pag kailangan niyo ng help ko andito lang po ako one call away.

Kelly: Ahahaha...ilang taon ka na ba ha? 50? Grabe mas matured ka pang mag-isip sakin lalo na kila kuya Kian at kuya Keith.

Jacob: Di naman po...Hehehe...

Ang hindi nila alam nakikinig ang mama at ang mga kuya niya sa labas ng kwarto "At kami pa talaga ni Keith ang inexample niya sa di pagiging matured?" Ang pabulong bulong ni Kian.

Keith: Tara nga Bro turuan natin ng leksyon yang si Kelly.

Kian: Sige nga halika.

Keilla: Hep! Diyan lang kayo.

"Pero Ma." Anila.

Kevin: May point naman kasi si Kellang di niyo nga naisip na panagutan ka agad ang mga anak niyo.

Kim: No comment.

Keilla: Shhh...halina kayo sa baba na natin sila antayin.

Keith: Pero Ma gutom na rin ako.

"Ano pong ginagawa niyo diyan?" Ang bungad na sambit ni Jacob.

Kelly: Sigh...mukhang nakikinig sila sa usapan natin baby.

Jacob: Pero bawal po yun ang makinig sa usapan ng iba sabi ni Mommy.

Kelly: Mom? Brothers? What can you say?

"Ah...eh...." Ang pahiya hiya nilang tugon.

Kelly: Baby, halika na sa baba gutom na ako eh.

Jacob: Opo ako rin tara na po sa baba Mamsie, daddy and mga tito's?

"Ah....O—oo sige susunod na kami." Anila.

Kelly: Pffft...

At na una na nga yung dalawa sa pagbaba "Sabi ko naman sa inyo wag na tayong makinig sa usapan nila pati tuloy ako napahiya sa apo ko." Ang sabi ni Keilla at iniwan yung apat.

"Ma..." Ang pahabol na tugon nung apat.

Keith: Sandali nga hindi ba't si Mama ang nag yakag satin dine?

"Ba, oo nga noh!" Anila.

Kian: Tsk...tara na nga bumaba.

Kevin: Nga pala kuya Keith paano si ate Faith? Nasabihan mo ng andito na si Mama?

Keith: Yun nga eh di ko alam paano ko sasabihin sa kaniya.

Kim: Bungol! Edi sabihin mo andine si mama at gusto siyang makita nito tapos.

Keith: Eh, kasi baka biglang mapaanak yun ng di pa niya kabuwanan pag nalaman niyang alam na ni mama ang about sa anak namin.

Bineltukan siya ni Kian "Sira! Puro ka ulagaan di mo pa nga nasasabi kung ano-ano na agad naiisip mo diyan."Aniya.

Kevin: Nga naman tamo nga si kuya Kian abswelto na kay Mama dahil kay Jacob.

Kian: Ahhh...ganon gusto mo ring ma beltukan diyan?

Kevin: Wa---wala naman akong sinabing mali ah.

Keith: Tsk...kinakabahan parin kasi ako.

"Hoy!!! Ano pa bang ginagawa niyo diyang apat ha? Bumaba na kayo at kakain na tayo." Ang pasigaw na sabi ni Kiella na mula sa baba.

"O---opo Ma andiyan na." Anila.

Sa bahay nila Patrick,

"Magandang gabi Sir Patrick." Ang bungad na salubong sa kaniya ni Tina ang mayor doma sa bahay nila.

Patrick: Manang, may makakain na po ba gutom na gutom na po kasi ako eh.

Tina: Oo, meron na sakto ang iyong dating naghahapunan na rin ang ate May mo.

Patrick: Eh? Andine po ngayon si ate?

Tina: Um...kararating rating niya laang rin.

Patrick: Sige po titignan ko na po muna.

Tina: Sige.

At nag madali nga itong nagtungo sa dining area "Ate..." Bungad niya.

"Oh, baby bro..." Si May ang pangalawa sa panganay na kapatid ni Patrick.

Niyakap siya ni Patrick "Kamusta ang unang araw sa office new Chairman?" Dagdag pa nito.

Patrick: Wow...kare-kare ba yan ate?

May: Oo halika sa bayan mo ako.

Binigyan naman ka agad si Patrick ng mga kubyertos ng mga kasambahay nila "Ayos, makakain rin ng authentic na kare-kare." Ang sabi ni Patrick.

May: Bakit? Di ba nagluluto niyan si Tita Devine? Hindi ba't paborito niyo ni Dave ang kare-kare?

Patrick: Di naman sa di nagluluto di kasi madalas busy kasi si tita sa work nakatikim kami ni Dave ng kakaibang kare-kare doon sa bahay ng kaklase namin galing kamo walang mani ang petmalu.

May: Eh? Walang mani? Paano naging kare-kare yun ng walang mani?

Patrick: Yung kaklase kasi namin lahat silang magkakapatid ay allergy sa mani pero ang paborito nila ay kare-kare oh di ba? Ang weird.

May: Aba'y oo nga ano? Eto bang kaklase mong ito ay si Kelly Ann Marie Dela Cruz?

Habang nakain si Patrick nasamid siya sa narinig niya "Ahem....Ahem..."

May: Oh, dahan-dahan kasi bilis uminum ka ng tubig.

At pagka inum ni Patrick ng tubig "Pa---paano mo nalaman ate?" Aniya.

May: Ako pa ba? Alam ko ang mga pinaggagawa ng mga kapatid ko wala kayong maililihim sakin may sources ako.

Sa isip-isip ni Patrick "Ano pa nga bang maililihim sa babaeng fan na fan ni "Detective Conan." Sigh..."

May: Ano? Balita ko busted ka raw?

Patrick: At pati yon alam mo? Iba ka ate bakit di ka nalang mag detective gaya ng idol mong si Detective Conan?

May: Heh! Wag ka nga diyan mahilig lang talaga ako sa anime.

Patrick: Tsss...Eh ano naman kung busted?

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
Next chapter