webnovel

EPILOGUE

My phone rings. As I pick up my phone, I answer it quickly.

"Ange, bukas na 'yong Live Pure Movement ha?" Paalala ni Limuel sa 'kin. It's 11 in the evening.

Ilang buwan na rin simula no'ng nag-suicide ako. Kung hindi dahil kay Gian ay baka namatay na akong duguan sa cr namin. Dinala niya agad ako sa hospital ng makita niyang duguan ako.

Gian also helps me to cope. It's hard but at least I am trying. Hindi ko na ulit mararamdamang mag-isa ako sa laban ko.

"Noted, Limuel."

"Okay ka na ba?" Mababakas sa boses niya ang pag-aalala.

Sa tuwing may nagtatanong sa akin kung kumusta na ako, kung okay na ba ako o kumain na ba ako, lumalambot ang puso ko.

"Oo, okay na ako. Salamat, Limuel."

"Kay Gian ka magpasalamat."

After our long chitchats, we bid our good-byes.

Limuel is like my brother. Kapag kailangan ko ng tulong ay agad niya akong tutulungan.

Kaya siguro ang lakas ko kay God, kasi may kaibigan akong magpa-pari. Yes, gusto niya raw magpari.

Akala ko nga dati ay may gusto siya sa 'kin. Bakit ba ako nagbigay malisya rati? Gustong magpari ng tao eh. Hay naku, self.

"Sweet heart..." My mom calls me outside.

Dali-dali akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto.

"Matutulog ka na?" Tanong niya sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwalang magkasama na ulit kami sa iisang bahay. Nao-overwhelmed ako sa mga nangyayari sa akin.

Tumango ako, "Opo, mommy."

Mariin ko siyang tinitigan. Okay na rin siya mula sa pagkaka-hospital. Parehas na kaming nakakarecover sa lahat ng pinagdaanan namin.

Hindi na talaga binalikan ni dad si mom. Nagsisisi na raw si Dad pero alam niyang malaki ang naging epekto sa amin ng ginawa niya kaya nahihiya na siyang bumalik.

"Good night," aniya at hinalikan ako sa noo.

Para akong bumalik sa pagkabata. Nakaka-miss 'yong ganitong feeling. Nakaka-miss si mommy.

Matapos kung isara ang pinto ay may biglang tumawag na naman sa 'kin.

Gian's calling...

Sinagot ko ito agad, "Hello?"

"Hey. How are you?" Bungad niya.

"Okay lang, ikaw diyan?" Umupo ako sa kama.

I'm fallin'. Siya 'yong taong unang beses na nangamusta sa 'kin. Ni-reject ko man siya noon ng maraming beses sa kadahilanang ayaw kong ma-attach siya sa 'kin dahil magiging hadlang siya sa plano ko at dahil naging tanga ako kay Paul ay nandito pa rin siya. Kahit ilang beses ko na siyang ni-reject at sinaktan. Hanga ako sa kanya, hindi siya sumuko. Hindi niya ako sinukuan.

"Really?"

Tumango ako at ngumiti. Oo nga pala, hindi niya ako nakikita.

"I'm happy for you. Just want to remind you that, just as the most beautiful rainbows are born from rain, the most beautiful lessons are born from pain."

"Where's the ctto?" I chuckles.

"Ctto." Sabay kaming tumawa sa pagitan ng mga linyang siyang nag kokonekta sa amin.

My heart is happy now.

I can sleep peacefully.

Hindi na ako nalulungkot. Minsan na lang at sa tuwing malulungkot ako ay laging nandiyan si Gian para pasayahin ako. Nandiyan din ang mga kaibigan ko na oras-oras ay tinatawagan ako para kumustahin. Lalong lalo na si mommy na alam kong hindi na ako iiwan.

Sila ang napakalaking blessing ni God para sa akin. Magkaibigan man kami sa ngayon ni Gian ay alam kong darating ang araw magtatagpo rin ang aming mga puso.

Hindi naman namin minamadali ang lahat. Alam niyang gusto ko na rin siya pero alam niya rin na kailangan muna naming mag-heal, pareho.

"I love you..." Natameme ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Thank you," ayon na lamang ang tanging nasambit ng labi ko.

"Ouch!" He commended.

"Thank you for everything. You are one of the reason why I'm still breathing. Thank you for showering me with your genuine love when I needed. I owe you my life."

May pumatak na luha sa mata ko. Hindi na dahil sa sakit, kung hindi dahil na sa saya.

"Ginagawa ko 'yon dahil mahal kita. Gagawin ko ang lahat, makamtan lang ang kaligayahan mo." Dugtong niya pa.

Napangiti ako sa sinabi niya. He is my saviour.

"Goodnight and see you tomorrow." Matapos no'n ay agad kaming natulog ng payapa.

~~~~*~~~~

Kinabukasan ay maaga akong naghanda para sa Live Pure Movement.

"Hello Youths! Welcome to Live Pure Movement!" Panimula ng emcee.

"Alam ko marami sa inyo ang nalulungkot ngayon dahil sa pag-ibig. Akala natin nahanap na natin 'yung the one natin pero hindi pa pala. 'Yong akala pala nating 'the one' ay sasaktan lang pala tayo." I'm guilty.

Hindi kay Gian pero kay sir Paul. Akala ko mabuti na ang intensyon niya sa akin. Akala ko siya na 'yong the one. Pero hindi ko alam na uulitin niya pa rin pala 'yong ginawa niya sa akin. Magiging trauma pala ulit siya sa akin

Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Nalaman ko lang ng offer-an ako ni Gian ng panyo. Gian is sweet and gentleman. Nung una ay akala ko gago siya.

Looks can be decieving nga naman. Kung sino pa 'yong akala mong mabait ay siya pa pala 'yong gago at kung sino pa ang mukhang gago ay siya pa pala ang mabait.

"Kung naghahanap kayo ng True Love, ang Diyos lang ang kayang magbigay no'n. Kaya niyang isakripisyo ang buhay niya, upang luminis ang mga kasalanan natin. Kaya niyang mahalin tayo ng higit pa sa inaakala natin. At sa mga nalulungkot diyan... Sa pag-ibig na akala natin totoo na... Sa mga umibig pero nasaktan at nabigo... Sa mga umibig pero puro pait lang ang nararansan at sa mga umibig pero sa maling oras, sa maling panahon, sa maling pagkakataon at maling tao... Lagi niyong tandaan na nandiyan lagi ang Diyos, hindi niya kayo sasaktan! Sa mga nagmamahal ng palihim o sa mga nagmamahal pero hindi minamahal, gusto ko lang sabihing mahal kayo ng Diyos!"

Nagsigawan ang mga taong nandito sa Araneta. Madaming tao ang nandito, karamihan ay mga ka-edad ko, siguro ages 13-20. Maski ako ay nakisigaw na rin dahil nakakarelate ako sa mga sinasabi ng emcee.

"Tayo ay tumayo at magdasal."

Nagsitayuan kami. Nag-sign of the cross na at nagsimula na ring magdasal ang emcee. Maya-maya ay biglang may tumunog.

Alam ko 'yung kanta dahil nakikinig ako ng mga hillsong dati.

All for love the Father gave~~

This song was my favorite.

For only love could make a way~

All for love the heavens cried~~

For love was crucified~~

Inilibot ko ang mga mata ko sa tao rito. May mga nakapikit ang mata, nakataas ang isa o dalawang kamay nila, may mga nakahawak sa mga dibdib nila, halatang dinadama talaga nila 'yung kanta.

Oh how many times have I broken Your heart~

But still You forgive~

If only I ask~

And how many times have You heard me pray~

Draw near to me~

How many times ko na bang nasaktan si God? Sa lahat ng ginawa kong kasalanan ay paanong pinapatawad niya ako? Kahit tinangka kong magpakamatay, na isang malaking malaking kasalanan still, binibigyan niya pa rin ako ng blessings. Hindi pa rin niya ako pinapabayaan, hanggang ngayon humihinga pa rin ako.

Everything I need is You~

My beginning, my forever~

Everything I need is You~

Nakigaya na rin ako sa kanila. Pinikit ko ang mata ko at dinama ang kanta. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at ang kaliwang kamay ay inilagay sa dibdib ko, sa tapat ng puso ko.

Let me sing all for love~

I will join the angels song~

Ever holy is the Lord~

King of Glory~

King of all~

Naki-kanta na ako sa kanila. Inalala ko lahat ng masasakit na naranasan ko.

All for a love a Saviour prayed

Abba Father have Your way~

Though they know not what they do~

Let the Cross draw man to You~

May tumulong luha sa mga mata ko. Inialay ko ang sarili ko sa Diyos Ama. Nagdasal ako at humingi ng tawad sa mga kasalanan ko. Pinagsisisihan ko na ang lahat. Siguro kung hindi dahil kay Gian ay patay na ako. At siguro kung namatay na ako, hindi ko na mararanasan ang ganito ka-peaceful at kasayang araw. Para akong hinahawakan at niyayakap ni God. Naging mas malapit pa ako sa kanya na hindi ko lubos inakala.

Nagdasal na kami ng taimtim.

Matapos no'n ay pinaupo na kami. Pinunasan ko na rin ang mata ko dahil sa luhang tumulo kanina.

"Hello guys!" Panimula nang magta-talk. In-introduce siya ng emcee kanina.

Madami pa siyang sinabi bago ko makuha ang punto niya.

"Nakikita niyo ba ang papel na ito?"

Tumango ako, as if ako lang yung kausap ng speaker.

"Anong nakikita niyo rito?" Tanong niya ulit.

May hawak-hawak siyang bondpaper at sa gitna no'n ay maliit na tuldok. Marker ang ginamit niya kaya halata ang tuldok dito.

"Anong una niyong napansin?"

"Tuldok po!" "May itim!" "May dumi!"

"Napansin niyo ang kakarampot na rumi rito. Ganyan ang tao, napapansin natin agad ang maliit na tuldok dito. Wala man lang nakapansin ng malaking puti."

Ouch. Natamaan ako do'n ha.

"This dot represents sin. This whole bondpaper represents the good side."

I got his point. Totoo nga naman, ang mga tao ang tanging napapansin lang ang bad side instead of good side. I'm guilty. Kahit gaano pa karaming kabutihan ang nagawa ng isang tao, sa isang pagkakamali lang hindi na nila maaalalang gumawa ka ng mabuti.

Madami pa siyang sinasabi at talagang tinututukan ito ng lahat.

"This one thousand pesos." Inangat niya ang one thousand at nilukot ito.

"Kapag ba ito nilukot ko, tatanggapin o kukunin niyo pa rin?"

"Opooo!"

"Kapag ba ito inapak-apak, nilukot o dinumihan ko ay pupulutin niyo pa rin?" Sabi niya habang inaapak-apakan ang isang libong piso.

"Ang kumuha nito, sa kanya na."

May tumakbo papuntang stage at agad itong kinuha. Nagtawanan lang kami.

"Seryoso, iyo na 'yan."

Nagpalakpakan at nagsigawan ang lahat.

"Ang bondpaper at ang isang libo ay nagsisilbing tao. Alam niyo bang sa Diyos, para tayong isang libo. Mahalaga tayo para sa kanya. Kahit gaano pa man tayo kadumi, tatanggapin at pupulutin niya pa rin tayo. Kaya niyang linisin tayo kahit gaano pa tayo kadumi. Just repent your sins to him. Lahat tayo ay mahalaga at lahat tayo ay tatanggapin niya. Kahit ikaw pa ang pinakamaduming tao sa mundo! So, ask forgiveness now kasi tatanggapin ka niya! Lilinisin ka niya! You will be pure again!"

Biglang namatay ang ilaw dahilan upang magsigawan ang lahat.

"WELCOME TO LIVE PURE MOVEMENT: FINDING YOUR ONE TRUE LOVE!"

Sumindi na ang ilaw. Para itong christmas lights at ang lively ng kanta.

Through You, I can do anything~

I can do all things~

'

Cause it's You who gives me strength~

Nothing is impossible~

Lahat kami ay pumapalakpak at sinusundan ang beat.

Through You, blind eyes are opened~

Strongholds are broken~

I am living by faith~

Nothing is impossible~

"Clap your hands! Praise the Lord!"

I'm not gonna live by what I see~

I'm not gonna live by what I feel~

Deep down I know that You're here with me~

I know that You can do anything~

Sumasabay ako sa palakpak at pagtaas ng kamay. May iilang tumatalon-talon pa.

Through You, I can do anything~

I can do all things~

'Cause it's You who gives me strength~

Nothing is impossible~

Through You, blind eyes are opened~

Strongholds are broken~

I am living by faith~

Nothing is impossible~

Oh-oh-oh-oh-oh-oh

Nothing is impossibe, oh-oh-oh-oh

Maya-maya pa ay biglang bumagal ang kanta.

"May mensahe sa inyo ang ating Panginoon. Sabay-sabay niyong kunin sa ilalim ng inyong upuan..."

Yumuko ako para hanapin ang mensahe na sinasabi ng emcee. Habang tumutunog pa ang kantang still, pero mahina na lang dahil may sinasabi ang emcee.

I feel so overwhelmed. Umiiyak na ako. Tumataas na ang balahibo ko. Sobra akong natotouch sa mga nangyayari.

Matapos kong makuha ang envelop na naglalaman ng letter ay agad ko itong pinagmasdan. May sticker na smiley face sa gitna ng envelop.

"Buksan na natin." Hudyat ng emcee.

Pinunasan ko ang luha ko at binuksan ito. Ang ganda ng papel na ginamit. Ang kinis at ang lambot. Parang espesyal talaga kami.

"Sabay-sabay nating basahin ng buong puso."

My beloved,

How are you? We haven't talked lately, and I miss you. I know you are busy with a lot of things, and that's okay. Know that I am with you all the time- even of you think I am not. Remember that time you thought you were alone? I was there. In case you haven't figured it out yet. I never leave your side. I just want to take this moment to tell you that I love you and you are very dear to my heart. Take a moment and look around you, you will feel my presence in the wind and the heat of my heart from the radiance of the sun. I made all of these for you to make you feel how much I love you. That is how special you are to me. I don't know if you are aware of it, but I hear your thoughts all the time. It pains me that you think you are not worthy of love. I don't care what others may think or say. Don't listen to them. It is only my word that matters. I sent my only Son two thousand years ago to tell you that you are worthy of My love. Am I not enough for you? I know the world can be cruel. I also know that there are times wherein you feel alone, abandoned, rejected, burdened, hurt and broken. Just stay with Me, my child. Believe me when I say that I have a great plan for your life. You are my greatest masterpiece and I am not finished with you yet. Things will only get better from here. Trust in My love for you. Come here now, my child! And I'll throw the biggest party heaven has ever seen. With Me, you will find peace. I desire to be with you always. You are mine as I am yours... I love you. I have always loved you. Don't you ever forget that. Now, my question is... Will you allow me to be your one true love? I am waiting for you.

Love,

Your Father

(GOD)

Matapos naming basahin ay bigla akong humagulgol. Madami na rin sa amin ang umiiyak. Habang binabasa ko ang letter ni God para sa akin ay marami akong narealize. Pinagsisisihan ko na rin ang ginawa ko. Sa mga panahong pakiramdam ko ay nag-iisa ako, nandiyan pala si God. Lagi ko siyang nadidisappoint sa mga ginagawa ko. Nakita niya ang ginawa kong pagpapakamatay at alam kong hindi niya ito nagustuhan. Nasaktan ko rin siya dahil doon. Kung kaya ko lang ibalik ang oras ay hindi ko gagawin 'yun. I should have a brave soul. Sobra akong thankful dahil binigyan niya ako ng chance para maramdaman ulit kung gaano niya ako kamahal. Thankful ako dahil nandiyan pa rin siya sa akin. Kung hindi ko sana ginawa ang mga ginawa ko ay hindi ko sana siya lalong nasaktan. Nagsisisi ako dahil nagpabulag ako sa kalungkutan at nagpakain ako sa kadiliman. Sana ay hindi ko na lang ginawa 'yun dahil masasaktan si God.

At hinihiling ko na sana ako na ang huling taong magsusuicide. Sana ako na ang huling taong makakaramdam ng kalungkutan. Sana ako na ang huling taong makakaramdam ng pag-iisa.

At sana, piliin na nilang mabuhay kahit gaano kabagsik ang mundo. Sana manatili silang nakatayo at humihinga kahit gaano kasakit mabuhay.

Sana katulad ko ay maramdaman din nila na nandiyan lagi ang Diyos... Na sa kahit anong laban ay kasama natin siya at hindi niya tayo pinapabayaan.

I am a living proof. Siguro kaya binigyan ako ng chance ni God na mabuhay ulit dahil may purpose siya at para makita ko ang purpose ko sa mundo. I want to inspire other people who's struggling like me. I need to tell to anyone that we are all worthy no matter what happens.

I need to tell that life is beautiful even the world is so cruel. Our life is worth living.

"Ano? Hinihintay niya lang ang sagot niyo..."

Sabay-sabay kaming sumigaw ng YES. Yes, yes ang sagot naming lahat.

Next chapter