webnovel

Prologue

"How do you feel?" I asked, confused.

Nandito kami ng kaibigan ko sa bahay nila dahil nilalagnat siya at wala ang magulang niya para alagaan siya.

"Nahihilo at ang sakit pa din ng ulo ko," sabi niya habang nakapikit pa rin.

"Angelica, sorry sa abala ha? Wala kasi sila nanay at tatay eh."

Sinapo ko ang noo niya. Sobrang init niya pa rin.

"Wala 'yon. Kung kailangan mo ng kasama, I'm always here." Ngumiti ako. Siguro ang sarap sa feeling nang may nag aalaga sa'yo kapag wala 'yong magulang mo 'no?

Ako kasi kapag wala ang magulang ko, mag isa ko lang hinaharap lahat.

Wala naman akong kapatid kasi hindi kaya nila mommy at daddy na magkaanak kasi baog si mommy. And yes, ampon lang ako.

"Faith! Faith! Nasaan ka?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng babae sa harap ko.

"Oh my gosh, okay ka lang ba?" Sinapo ng babae ang noo ni Faith. Kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala.

"Okay lang po ako ate," nakapikit na saad ni Faith.

She's as pale as snow. Nag-aalala ako sa kalagayan niya kasi sobrang init niya.

"I'll prepare soup for both of you. And hi?" Marahan niyang ibinaling ang tingin sa akin.

First time ko lang nakapunta sa bahay nila Faith kaya hindi pa ako kilala ng mga tao dito sa bahay nila, icluding her ate.

"Hello po, ate? I'm Angelica." Nakangiting saad ko.

I wish I have an ate, too.

"Hi Angelica. Ako nga pala si Hazel. Sorry sa abala ha? After kong magluto ng soup at after mong kumain, pwede ka ng umuwi," aniya.

Ang sweet ng boses niya at ang hinhin niya lang magsalita.

Ang ganda ng kutis niya at bagay sa kanya ang kaniyang hanggang brasong buhok. Hindi sa lahat ng babae bumabagay ang maiksing buhok.

Ang ganda din ng fashion sense niya. I like the way she dressed up and carry herself.

"Wait a second!" Sabi niya at lumabas ng kwarto ni Faith.

Pinagmasdan kong matulog si Faith. Ang ganda niya din tulad ng ate niya.

Siguro, ang ganda ng lahi nila.

Dahil sa tagal ng paghihintay ay 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nag unat ako. Humikab pa ako bago umupo.

Nagulat na lang din ako dahil nasa kama na ako.

Nilibot ko ang mata sa paligid at agad na hinanap ang bag ko.

"Who are you?" Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga.

Nagulat ang lalaki sa bigla kong pagsalita.

Kitang kita sa mukha niya ang pagkabigla at pag aalala.

"Why are you looking at me like that?"

"Hey, one by one. To answer your first question, I'm Gian." Nilahad niya ang kamay niya ngunit hindi ko iyon binalingan ng pansin.

Nakatingin lang ako sa kaliwa niyang kamay na hawak ang envelope na naglalaman ng letters ko.

Does he already know my secrets?

Next chapter