webnovel

Chapter 30

[Sylvan]

Papunta na ako sa fifth class ko ng tawagin ako ni Lindoln mula sa likod ko at nakita ko ng sama sama silang tatlo nila Lliane at Nina na tumatakbo papunta sa akin...

Lindoln: Buti na lang(hinihingal)... kanina ka pa namin hinahanap...

Sylvan: Huh? Bakit naman?...

Nakakapagtaka, bakit naman kaya nila kasama si Nina.

Lliane: Makinig ka Sylvan,... kailangan nating tulungan si Emia...

Sylvan: Si Emia?...

Nina: Pinilit lang nila akong sumama dito...

Lliane: Ano ka ba Nina... kailangan mo ring magpakatotoo ngayon, alam kong nag aalala ka rin kay Emia...

So ganun pala,... well, hindi na ako magtataka kung bakit nila kasama si Nina ngayon...

Nina: Ewan ko sayo...

Lliane: Talaga?...

Nina: Hindi nga eh...

Sylvan: Hmm...(smile) Buti naman at mukhang nagbago ka na rin Nina...

Nina: Huh!???

Lliane: Hindi ba Sylvan...

Lindoln: Hey, mukhang nawawala na tayo sa topic ah...

Lliane: Oo nga pala! Sylvan! Kailangan mong malaman...

(A FEW MOMENTS LATER)

[Sylvan]

Uwian na at ngayon ay naglalakad na akong mag isa...

Sigh... (smile) Alam na rin pala nila lahat kung nasaan ngayon si Emia at mukhang nag aalala talaga sila...

Ganun din siguro ang iniisip ni Elliot na may ipapakilala ng fiancee kay Emia kaya siguro ganun ang ikinilos niya nung nakaraang wednesday sa library...

It's because I'm undecided and always playing safe that I'm one step late...

I guess its time that I should decide now...

So, this is the time for me to comeback...

CELLPHONE CALLS...

"This is Sylvan... can I talk to him?..."

----------

[School grounds] Lindoln

Nakakatuwang makita na nagkakasundo sila Lliane at Nina kahit pa nga tinatago ni Nina ang emosyon niya...

Kaya lang hindi duon nakatuon ang isipan ko ngayon...

Lliane: Lindoln, may problema ka ba?... Kanina ka pa kasi tahimik...

Nina: Bakit hindi mo pa sabihin kay Lliane kung anong iniisip mo...

Lliane: Huh!?... May alam ka ba Nina?...

Nina: May ideya lang ako...

Lindoln: Sigh!... Sapalagay ko wala na akong maitatago pa.... Tungkol ito kay Sylvan...

Alam niyo naman na nalaman na niya ang tungkol kay Emia bago pa natin siya makausap kanina...

Lliane: Nakakainis nga eh... akala ko pa naman makikita ko siyang mawala sa pagkamahinahon niya...

Lindoln: Mali ka Lliane,... hindi na siya mahinahon ngayon... Tinanggal na niya kahapon ang guard niya at ngayon eh hindi na siya naghihintay sa panunuod sa mangyayari, siya na ngayon ang gumagawa nun...

Lliane: Huh?...

Lindoln: May palagay akong gagawin ni Sylvan ang bagay na iyon...

Lliane: Ang alin?...

Lindoln: The reason why Sylvan live all by himself.

----------

[Zephyni Family's Mansion] Sylvan

Nasa tapat ako ngayon ng malaking gate sa labas ng mansion ng aming pamilya at maya maya pa ay kusa na iyong bumukas para papasukin ako.

Isa iyong automatic gate at sa gilid ay may nakalagay na device para makausap mo ang nasa loob ng mansion kung gusto mong pumasok.

"Young master, kanina pa kayo hinihintay ng inyong ama sa balcony."

Sabi sa akin ng aming butler ng makarating ako malapit sa mansion at dahil sa hindi na ako kalayuan ay kitang kita ko ang isang lalaki na nakatayo duon sa may balkonahe na nakatingin din sa akin.

Matapos kong pumasok ay agad akong sinalubong ng aking mama at niyakap ng mahigpit at kinamusta ang kalagayan ko sandali.

"Dito ka na kumain Sylvan, nagpahanda ako ng marami dahil sabi ng papa mo eh darating ka..." sabi ni mama bago ako umakyat sa balcony.

"Ahh..."

REALIZATION

"Yung mga gamit mo pala pinakuha na ng papa mo sa bahay na tinutuluyan mo kaya dito ka na matulog..."

"Ok Ma..."

Matapos kong makarating sa may balkonahe ay bigla kong naisip ang lahat ng bagay at naliwanagan sa lahat ng pangyayari na naganap sa akin. Kaya pala parang may bumabagabag sa isipan ko nitong mga nakaraang buwan... ngayon ko lang nasiguro ang lahat.

Tsk! Mukhang nagawa na naman niya akong paikutin sa mga kagustuhan niya...

"Bago ako bumalik, gusto kong malaman—" sabi ko pero pinutol ako agad ni Papa sa sasabihin.

"Sapalagay ko naman nakuha mo na ang lahat ng pangyayari... Kung bakit kita inutusan na mabuhay mag isa at kung bakit kita pinapasok sa eskwelahan na iyon..."

Sabi ni Papa ng lumingon sa akin.

"Paano ang tungkol kay Emia?" tanong ko.

"Wag kang mag alala hindi ko balak na pakialaman ang relasyon mo sa kanya...

Plinano ko talaga na magkakilala kayo pero hindi ko inaasahan na magkakakilala kayo agad... mukhang yun talaga ang gusto ng pagkakataon..." sabi niya sabay ngumiti sa akin.

"Wala na pala akong dapat na gawin pa dito..." Sabi ko matapos kong tumalikod.

"Pumunta ka lang ba dito para malaman ang totoo... siyanga pala walang alam dito ang batang iyon..."

"Alam ko..."

Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako sa may balkonahe at bumaba para kausapin si Mama. Nagtanong lang siya ng mga ginagawa ko sa school at matapos nun ay sabay sabay na kaming kumain at matapos nun ay paakyat na sana ako sa kwarto ko para magpalit ng damit bago umalis ng tawagin ako ni Mama sa may sala habang nakaupo duon si Papa sa may sofa.

"Kunin mo ito..."

Sabi ni Mama matapos ibigay sa akin ang isang maliit na box na kasinlaki lang ng palad ko.

"Para saan ito?..."

Matapos kong buksan ang kahon ay nakita ko duon ang isang mahabang tela na kulay pula na parang pantali sa buhok na kagaya ng suot ni Mama kaya lang kulay yellow ang nasa kanya.

"Hindi mo pa rin ba alam king para saan yan?..." tanong ni Mama.

Matapos niyang sabihin iyon ay may biglang pumasok sa isipan ko na isang kwento nung bata pa ako na ikinuwento sa akin ni Mama noon at medyo namula ako ng maalala ko yun.

"Galingan mo anak..." sabi ni Mama ng makita niya ang reaksyon ko.

"Ito yung invitation..." sabi ni Papa na kinuha yung invitation card sa may drawer sa sala at iniabot sa akin.

Sigh!... Hindi ko alam kung ano pang maitatago ko sa mga magulang ko...

----------

[Airport/Evening] Sylvan

Nagulat ako ng pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay nakita ko na agad sila Lindoln na nasa may airport din at mukhang nagtatalo talo sila.

Lliane: Sigurado ka bang pupunta talaga dito si Sylvan!?... Biglaan naman ata ito! Gabing gabi na eh...

Lindoln: Sigurado ako...

Nina: Narito na si Sylvan.

Lumapit na ako sa tatlo pero mukhang naiinis si Lliane ng tumingin sa akin...

Lliane: Bakit ang tagal mo!?... Kanina pa kami naghihintay dito.

Sylvan: Sorry, may ginawa pa kasi ako, pero teka hindi ko naman sinabing hintayin niyo ako dito...

Lliane: Ah basta!...

Sylvan: Ano bang ginagawa niyo dito?...

Lliane: Hindi ba obvious, eh di syempre sasama kami...

Lindoln: Tama yun... tignan mo nga si Nina at nakaready na rin...

Nina: Shut up!...

Lindoln: Isa pa eh naisip ko na rin na wala kang dadalhin na gamit para sa party kaya naman nagdala na ako...

Sylvan: Wala talaga akong itatago sayo...

----------

[Lliane]

Umalis na ang flight namin papuntang London habang magkakasama kami pero mukhang may nakalimutan ata kami...

"Teka wala nga pala tayong invitation!!!!" sabi ko ng maisip ko yun.

"Ako lang naman ang meron dito..." sabi ni Nina.

"Meron din ako." sabi ni Sylvan.

"Okay naman pala ang lahat eh..." sabi ni Lindoln.

"Wew buti naman..." sabi ko matapos kung malaman na makakapasok naman pala kami sa birthday banquet ni Emia.

----------

[London 6:00pm] Emia

Sigh... gusto ko sanang matawagan si Lliane ngayon kaya lang naiwan ko ang cellphone ko sa bahay... kumusta na kaya silang lahat?...

Nasa may balkonahe ako ng mansion namin ng mga oras na iyon at nakatingin sa langit.

Minadali kasi ako nila Lolo na pumunta dito sa London eh... gusto ko pa naman sanang marinig ang sasabihin ni Sylvan kinabukasan... Ah!... gusto ko na talagang umuwi...

Next chapter