webnovel

Chapter 7 - By His Force

Chapter 13

By His Force

Nakatuon ang atensyon ni Peter sa pagkain na nasa harap niya habang nakikinig ang tainga sa pinag-uusapan ng girlfriend niyang si Sammy at si Edward. Sa tuwing naririnig niya ang boses ni Edward ay hindi niya mapigilang umirap ng palihim lalo na kapag tumatawa ito. Ilang segundo pa ay tumikhim siya ng mahina, nahinto ang dalawa sa pag-uusap.

"Ikaw babe, okay lang ba sa'yo?" tanong sa kanya ni Sammy.

Inangat ni Peter ang kanyang mukha at ngumiti sa kay Sammy.

"Oo naman, walang problema" sagot niya dito.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pag-iling ni Edward. Pinag-uusapan kase nila ang outing na pinaplano ni Sammy kasama ang buong klase nila.

Ayon kay Sammy, malapit naman na daw kase ang summer break at third year college na sila ngayon so naisip niya na baka daw pwede silang mag-outing after final exam sa susunod na week bagay na hindi na nila magagawa kapag tumuntong na sila ng fourth year college.

"Yey! Sige mamaya ibabalita natin sa buong klase panigurado papaya ang mga 'yon" Sammy.

Huminga si Peter ng malalim. Pagkaraan ng ilang segundo ay nagpatuloy ulit ang kwentuhan ng dalawa. Umiling si Peter, parang hindi siya nag-eexist sa dalawa.

Maya-maya pa.

"Siya nga pala, okay lang ba kayong dalawa nitong si Edward? Napansin ko hindi kayo madalas magkasama gaya ng dati?" biglang sabi ni Sammy.

"Uhm ha?" Peter. Tinapunan niya ng tingin si Edward. Tumingin din ito sa kanya sabay ismid.

"Oo naman, walang problema sa aming dalawa… hindi ba Pete?" ani ni Edward habang nakatingin ng makahulugan sa kanya sabay balik ng tingin nito kay Sammy. Kumunot ang noo ni Peter dahil kailanman hindi siya nito tinawag sa kanyang palayaw.

"Hmm… okay lang kami sadyang busy lang at tsaka kakarating niya lang ng Pilipinas di ba? kaya nag-aadjust lang kami sa isat-isa" dagdag ni Peter.

"Oh! okay? Akala ko kase…anyway normal lang naman ang mga mis-understanding between bestfriends minsan right?" masiglang sabi ni sabi ni Sammy. Tumango-tango na lamang si Peter.

"Oo naman, normal lang naman ang misunderstanding sa magkakaibigan basta ba honest kayo sa isa't-isa at sa mga taong nasa paligid ninyo 'yon bang walang tinatago" Edward.

Ihininto ni Peter ang kanyang pagkain at tumayo bigla. Gusto na niyang sumabog sa inis lalo nang marining niya ang mga sinabi ni Edward.

"Oh what's wrong babe?" tanong ni Sammy.

Napansin niya ang pag-ngisi ni Edward.

"Kukuha lang ako ng maiinom at tsaka pupunta na rin ng comfort room kapag hindi pa ako nakabalik mauna ka nalang Babe" ani ni Peter at nilisan na ang lamesa kung saan nakaupo silang tatlo.

Dumeretso siya ng comfort room. Nakita niya ang trash bin sa tabi ng pinto at iyon ang binuntunan niya ng kanyang inis tumalsik ito na animoy sibat na pinana sa konkretong pader sa loob ng comfort room sa sobrang lakas buti na lamang at wala pa itong laman. Nagulat naman ang mga freshmen students na nasa loob ng CR nagmadali ang mga ito na lumabas ng makita ang ginawa ni Peter sa trash bin.

Binuksan niya ang gripo at isinahod ang dalawa niyang palad at inihilamos ang maligamgam na tubig sa kanyang mukha.

"damn!" aniya sa harap ng salamin.

Naiinis siya kay Edward, sa inaasal nito sa kanya, lalo na sa harap ng kanyang girlfriend. Para bang sinasadya nitong inisin siya.

Gulong-gulo ang isip niya, mula pa ng nakaarang gabi. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos nito.

Bigla ay napalingon siya sa pintuan ng CR ng bigla itong sumara at ang mas ikinagulat niya ay ang pigura ng kaibigan niyang si Edward na mabilis lumapit at hinawakan siya magkabila niyang balikat.

Itinulak siya nito hanggang sa mapasandal siya sa sulok ng pader sa loob ng comfort room.

Inilapit nito ang mukha sa mukha ni Peter.

Kita niya ang naniningkit nitong mga mata. Hindi mapigilan ni Peter ang sarili. Kaya naman itinulak niya ito pabalik. Ngunit hindi tila manlang natinag si Edward at patuloy parin ito sa ninanais nitong gawin.

"EDWARD! Anong ginagawa mo!" Peter. Hindi ito sumagot sa halip mas lalo pang inilapit ang sarili at ang mukha nito kay Peter. Halos mataranta ang buong sistema niya ng maramdaman na ang sunod-sunod na mabibigat na paghinga ni Edward sa kanyang labi.

Iniwas niya ang kanyang mukha ngunit agad din naming hinawakan ni Edward ang kanyang baba para iharap na muli ito sa kanya.

Tumawa ito ng mahina pagkatapos ay ngumiti.

"EDWARD! Kung ano mang kahibangan ang nasa isip mo pwede ba itigil mo na 'to?" Peter.

"Kahibangan? Hindi ba ito din ang gusto mong gawin sa akin noon? Naaalala mo noong highschool… lasing na lasing ako? Dahil nakipag-break sa akin ang girlfriend ko?" anito. Nanlaki ang mga mata ni Peter sa sinabi nito sa kanya.

Hindi siya makapagsalita dahil aminado siya, totoo ang sinabi ni Edward. Nang mga panahong iyon doon nagsimulang makaramdam siya ng espesyal na pagtingin sa kanyang kaibigan. Oo, Sinubukan niyang gawin iyon ngunit hindi niya itinuloy dahil mas naging matimbang sa kanya ang pagkakaibigan nilang dalawa.

"Anong pinagsasabi mo? Nasiraan ka na yata ng bait!" aniya.

"Talaga nasisisiraan ng bait… well let us see kung sino ang masisiraan ng bait ngayon sa ating dalawa" Edward.

Siniil nito ng mainit na halik ang mga labi ni Peter.

Hindi siya makalaban dito dahil hawak na rin ngayon ni Edward ang dalawa niyang kamay, nakapako sa pader na kinasasandalan niya. Ramdam niya ang sensasyong dumadaloy sa buo niyang kalamnan. Ang simpleng pagdampi ng mga labi ni Edward sa mga labi niya ay ang dahilan nang unti-unti niyang pagsuko hanggang sa tuluyan na ngang nasakop ni Edward ang lahat sa kanya. Napapikit at napasinghap siya ng malasahan nito ang mint sa dila ni Edward.

Hindi niya inaasahan na ganoon ito karunong humalik, walang bahid ng pagaalinlangan. Napansin niya ang pagkalas nito sa pagkakahawak sa isa niyang kamay gayon pa man ay hindi na magawang manlaban pa ni Peter dahil tuluyan na nga siyang natangay palayo sa kanyang ulirat.

Gumagapang, unti-unti sa loob ng kanyang polo ang kamay ni Edward. Kung kanina ay hindi siya gumaganti sa halik ng kanyang kaibigan ngayon ay nakikipag talastasan na siya dito.

Napadilat siya ng maramdamang natanggal na ang lahat ng butones ng kanyang uniform. Doon ay naitulak niya si Edward. Tumawa ito ng sarkastiko. Yumuko na lamang si Peter dahil sa kahihiyan, dali-dali niyang ipinasok ulit ang mga butones ng kanyang polo.

"Nagustuhan mo naman hindi ba?" Edward.

Nilapitan niya ito at inambahan ng suntok sa mukha. Unti-unting tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Sinamantala nito ang kahinaan niya. Napakasama ng ginawa nito sa kanya.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to sakin! Ikaw na mismo ang nagsabi hindi ba? Tapos na ang pagkakaibigan nating dalawa kaya wala kang karapatan Edward! WALA KANG KARAPATAN PARA PAGSAMANTALAHAN ANG KAHINAAN KO!" ani ni Peter. Tuloy-tuloy at hindi mapigil ang pagtulo ng mga luha niya. Sapo ni Edward ang mukha nito na tuwang-tuwa parin sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha ni Peter lumapit itong muli kay Peter.

"You only have five days to break up with Sammy, kapag hindi mo ginawa 'yon malalaman ng lahat kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao ng isang Peter Sebastian na hinahangaan ng lahat" ani Edward.

Halos madurog ang puso ni Peter sa mga narinig nito. Anong gagawin niya…

.

.

.

.

.

.

.

.

Itutuloy

Have some idea about my story? Comment it and let me know. Happy 14k reads. Thank you so much for your support guys.

FrustratedAngel18creators' thoughts
Next chapter