webnovel

열하나: An Innocent Prisoner

Nagulantang ang lahat sa mga sinabi ni Princess Hae Ra. Ano bang ginagawa niya? Sinusubukan niya bang ipahamak ang sarili niya?

"Anong ibig mong ipahiwatig, Princess Hae Ra?" Tanong ng Emperor sa kanya. Hindi! Hindi niya pwedeng sabihin kung ano ang nalalaman niya! Baka kung anong gawin sa kanya ng Woo Chan na yun!

"Kasama ko po si Master Seo Jeong noong mga panahong iyon." Paliwanag niya. Gusto ko man siyang pigilan, hindi ko magawa. Nakatali ako at nilgyan naman ako agad ng busal sa bibig para hindi na ako makasingit pa sa usapan nila dahil hindi naman talaga ako bibigyan ng karapatang magsalita dito.

Nagpatuloy pa siya sa pahayag niya.

-- SONG HAE RA --

Hindi ko na maatim na pinaparusahan nila ang isang taong inosente. Lalo na't si Seo Jeong ay kaibigan ko at kapatid siya ng aking matalik na kaibigang si Seo Na.

"Totoo ang aking mga sinabi, kamahalan. Ipinatawag ko siya sa aking silid bago ang nangyaring pananalakay. Nakarinig kami ng isang malakas na kalabog kung kaya't agad kaming lumabas. At doon namin nakita, ang walang buhay na mga katawan ng dalawang palace guard." Paliwanag ko. Sana lamang ay maniwala ang mahal na emperor. Naaawa ako sa kalagayan ngayon ni Seo Jeong. Kahit pa naman mayroon kaming hindi pagkakaintindihan tungkol sa nangyari noong natagpuan ko siya sa aking silid, siya pa rin ay malapit sa aking puso..bilang kaibigan. At ngayon, pinagbibintangan siya ng lahat kahit pa wala siyang kasalanan.

-- FLASHBACK --

"Nasaan na si Master Seo Jeong?" Naiinip na sabi ko sa isa sa mga court lady. Napakatagal niya. Mukhang gusto niya pang dagdagan ang mga kasalanan niya sa'kin.

"Malapit na po siya. Maghintay lamang po kayo ng ilang sandali, Kamahalan." Maghintay? Kanina ko pa iyon ginagawa.

Maya-maya pa, biglang may nagbukas ng pinto. At si Seo Jeong nga ang iniluwa niyon. Buti na lamang at nandito na siya, kung hindi ay baka sumugod na ako sa kanyang silid.

Yumuko siya sa akin.

"Maaari bang iwan mo muna kami?" Sabi ko sa aking tagapagsilbi at yumuko siya bilang pagpayag tapos ay umalis na.

Nanatili namang nakatayo sa harap ko si Seo Jeong at walang emosyon ang mukha. Ano ang kanyang ginagawa?

"Kung may nakikita kang upuan sa harap ng mesa ay pwede mo naman iyong gamitin." Sabi ko sa kaniya at mukhang nagulat siya.

"Ha? Ano ulit yun?" Aba! Hindi pala niya narinig ang aking tinuran?

"Ang sabi ko, maaari ka nang umupo." Giit ko at mukhang natauhan siya kaya dali-dali siyang umupo. Hindi ko alam pero ngayon lang ako natawa sa kanya ng ganito.

"Ano po ba ang pag-uusapan natin, Kamahalan?" Pormal na tanong niya. Bakit ganiyan siya magsalita sa akin ngayon?

"Maaari bang huwag mo akong tawaging 'kamahalan' o kahit ano pang pormal na katawagan?" Sabi ko sa kanya at nanlaki ang kaniyang mga mata. Bakit tila kinakabahan siya? "At maaari rin bang lagyan mo ng kahit katiting na emosyon ang iyong mukha?"

"Ahhh, b-bakit niyo po ba inuutos ito s-sa akin?"Kabadong tanong niya.

"Hindi ako kumportableng nakikipag-usap sa mga taong walang emosyon at masyadong pormal. Lalo na kung ang taong iyon ay malapit sa akin." Paliwanag ko. Sana naman ay maintindihan niya na. Nakakapagod ring magpaliwanag.

"Ah sige. Uhh, b-bakit mo ba ako p-pinapunta dito, H-Hae Ra?" Ayos na sana pero mukhang nag-aalangan pa rin siya. Tsk.

"Nais kong pag-usapan ang hindi inaasahang nangyari noong huli nating pagkikita," Sambit ko at mukhang lalo siyang hindi nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Ahhh, isa lamang po yung aksidente. Patawarin niyo po ako, kam--Hae Ra." Paliwanag niya.

"Hindi mo na kailangan pang manghingi ng tawad. Pasensya na rin sa mga nasabi ko, ako'y nabigla lamang," Napatango naman siya.

"Ayos na po sa akin yun. Pwede na po ba akong umalis? May gagaw--

"Hindi! Mananatili ka rito dahil mayroon pa tayong pag-uusapan," Sabi ko at mukhang hindi siya natinag.

"Aalis na po talaga a--

Hindi na siya nakapagsalita at nakagalaw pa nang hawakan ko ang kamay niya upang pigilan siya.

"A-Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Wag ka nang magpumilit pang umalis dahil hindi pa nga tayo tapos mag-usap!" Sabi ko at binitawan ang kamay niya.

Matapos nun ay napilitan pa siyang umupo. "Ano bang tungkol dun?"

"Sabihin mo sa'kin kung bakit ka ba narito sa kwarto noong mga panahon na yun." Sabi ko sa kanya at napakamot siya sa ulo niya.

"Ang kulit mo, kamahalan. Sinabi ko na ngang may hinahanap lang ako noon." Nakukulitan na siya? Tss. Wala akong pakialam.

"Hindi iyon kapani-paniwala," Giit ko. Gusto kong malaman kung ano ang sadya niya. Nararamdaman kong parang may maling nangyayari sa palasyo at kailangan kong malaman kung ano iyon. "Baka naman ako talaga ang iyong sadya? Sige na, maaari mo namang aminin sa'kin ang iyong nararamdaman." Sambit ko sabay ngiti sa kaniya.

Ginagamitan ko lamang siya ng mga ganitong salita upang mapaamin siya. Alam ko kasing hindi siya kumportable sa sinasabi ko na iniisip kong ako'y kanyang gusto. Kaya para madepensahan ang sarili, malamang ay sasabihin na lang niya sa'kin ang tunay na dahilan.

"A-Ano bang sinasabi mo dyan? Ikaw ang nakatakda na maging susunod na Crown Princess ng Kor--Joseon. Paano mo nasasabi yang ganyan?" Kunot-noong sabi niya kaya naman natawa ako.

"Paano?" Sabi ko sa kanya. "Ganito."

Hinila ko ang damit niya at..

Inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Ngayon mo sabihin sa akin na wala kang pagtingin."

"K-Kamahalan.." Halata ang pagkabigla sa mga mata niya.

"Sab--

"AHHHH!"

Agad ko siyang binitawan nang may marinig kaming malakas na sigaw.

"Anong nangyari?" Gulat naming tanong.

Tumakbo naman kami palabas nang aking silid at namataan namin..

Ang dalawang nakahandusay na palace guard. Tila wala na silang buhay.

Agad namang lumapit si Seo Jeong sa kanila. Sinusubukan niyang tignan kung may pulso pa sila.

Tumingin ako sa paligid. Wala kang kahit sinong makikita. Wala na rin dito ang court lady na nagsisilbi sa akin kanina. Sinasabi na nga't may hindi talaga magandang nangyayari rito sa palasyo.

"S-Seo Jeong.." Natatakot na sambit ko. Hindi ko alam pero nanginginig na ang buong katawan ko.

"Kamahalan, pumasok ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala dito.." Utos niya sa akin..

"P-Pero--

"Sundin mo na lang ako, kamahalan! Sige na, pumasok ka na!" Sigaw niya ulit.

"Ano ba kasing nangyayari? Bakit parang napapadalas ang gulo rito sa palasyo? At ang masama ay bakit sa panahon pa ng epidemya?" Naiiyak na tanong ko. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

"Gusto mong malaman ang sagot sa mga tanong mo? Pinapatunayan ko lang naman ang mga maling ginagawa ng halimaw na nakatira rito sa palasyo!' Sagot niya.

"Halimaw? Anong ibig mong s--

"Sige na, pumasok ka na." Susubukan ko pa sanang magsalita ngunit hinila na niya ako at ipinasok sa aking silid. Agad rin niyang isinara ang pinto.

Sa mga oras na ito, binabalot ang puso ko ng sobrang takot, pag-aalinlangan at pag-aalala..

Lalo na kay Seo Jeong...

-- END OF FLASHBACK --

"At paano naman kami nakasisiguro na tama nga ang sinabi mo, Hae Ra? Hindi ba't ikaw ay malapit sa pamilya nila?" Nagsususpetyang sabi ng Empress. Handa nila akong ipakasal sa kanilang anak ngunit hindi nila ako pinagkakatiwalaan?

Nagulat naman ang lahat nang biglang kumalabog ang bakal na pinagtatalian kay Seo Jeong. Parang may nais siyang ipahiwatig..

Nakabusal kasi ang bibig niya at nakatali siya upang hindi makatakas.

"Igapos niyong mabuti ang lapastangan upang hindi ito makagalaw pa at makapagsimula ng ingay." Utos ni Crown Prince Woo Chan sa iba pang mga guwardiya at agad naman nila siyang sinunod. Sa pagkakataong ito, kadena na at hindi lubid ang ginamit nila upang hindi talaga siya makapalag pa.

"Mmmmm!" Rinig kong sigaw niya kahit nakabusal ang bibig. Gusto ko siyang lapitan.. nararamdaman kong may gusto siyang ilahad.

"Totoo ang lahat ng aking tinuran. Kaya pakiusap, kamahalan!" Pagbaling ko sa emperor. "Paniwalaan ninyo po ako.."

"Sige, tawagin ang mga imbestigador para magkaalaman na kung ano ang tunay na nangyari." Utos ng Emperor.

"Ngunit, kamahalan." Gulat na sabi ng Empress.

"Hindi niyo ba ako narinig? Tawagin ang mga imbestigador!" Muling sigaw ng Emperor.

"Masusunod po, kamahalan!" Sagot naman ng ilan sa mga kawal at tuluyan nang umalis.

Habang ang ibang guwardiya naman ay mukhang dadalhin na si Seo Jeong sa piitan.

Hindi ko pa rin talaga maialis ang tingin ko sa kanya. Naaawa ako sa kalagayan niya at nangangamba ako na marahil ay walang magawa ang pagtatanggol ko sa kanya kanina.

Agad naman nag-alisan ang lahat ng dumalo rito ngayon kabilang na ang Emperor at Empress at mukhang pag-uusapan nila kung ano na mangyayari.

Hindi naman ako nag-dalawang isip na umalis na rin.

Kailangan kong puntahan si Seo Jeong, kailangan ko siyang makausap..

Pagpunta ko sa kanyang piitan, nakita ko ang grupo ng mga guwardiya na nakabantay.

"Kamahalan," Sabi nung isa sa kanila at hinarangan ako. "Ano pong ginagawa ninyo rito? Ipinag-utos po ng mahal na empress na wala pong papahintulutang pumasok dito sa silid."

Ano? Hindi maaari. Hindi ko mawari ngunit may hindi ako magandang pakiramdam sa empress. Parang gusto niya pa ang mga nangyayaring ito. Dahil ba tila may tensyon sa pagitan nila ni Lady Han?

"Magkano ang kailangan ninyo?" Kabisado ko na ang mga ito, nakukuha lamang sila sa pamamagitan ng ginto at salapi. Nakita ko namang nagbago ang ekspresyon ng mga mukha nila. Tsk.

"Uhm, kayo na po ang bahala, kamahalan." Nakangiti pang sabi niya.

"Oh ayan," Binigay ko sa kanila yung ginto na nakalagay sa aking maliit na lalagyanan. "Paghati-hatian niyo na yan. Wag kayong mag-alala, ililigtas ko kayo sa Empress."

Pagkasabi ko noon sa kanila ay agad naman nilang binuksan ang malaking tarangkahan.

Pagpasok ko ay nakita ko..

Si Seo Jeong..

Nakahandusay siya sa sahig at punong-puno ng sugat at pasa. Nagdurugo rin ang ilan sa kaniyang mga sugat.

Malamang ay ipinag-utos ng Empress na saktan siya upang paaminin. Paaminin siya sa kasalanang wala naman siyang kinalaman.

Nilapitan ko siya..

"K-Kamahalan?" Nanginginig at nanghihinang sambit niya.

"Hindi ba't sabi ko sa iyo na huwag mo na akong tatawaging 'kamahalan'?" Naluluhang sabi ko.

"B-Bakit mo g-ginawa yun?" Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Ang alin? Ang ipagtatanggol ka? Natural naman na ganoon ang gagawin ko. Inosente ka. Hindi ikaw ang nararapat na maparusahan." Paliwanag ko sa kanya.

"H-Huwag mo nang i-intindihin yun pagkat ako n-naman ang m-mananagot at hindi ikaw. Wag m-mo na akong t-tulungan. I-Ikaw lang ang mapapahamak." Sabi pa niya.

Anong gusto niyang gawin ko? Tumahimik lang ako habang siya'y nagdurusa? Panoorin ko siyang maparusahan sa hindi niya kasalanan?

"Hindi ko maaaring gawin iyon, Seo Jeong! Ang totoong maysala ay ang karapat-dapat sa kaparusahan!" Sagot ko muli sa kanya. Napa-pikit naman siya.

"Napakakulit mo talaga, k-kamahalan. Kahit k-kumampi ka pa s-sa'kin ay hindi natin sila m-matatalo," Natawa pa siya ng bahagya. "P-Pareho lamang tayong m-mapapahamak.."

Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Bakit? Kilala mo ba ang tunay na may kasalanan? Sino siya? Sabihin mo!" Pagpupumilit ko. Kung kilala niya pala kung sino ang dapat na maparusahan, bakit hindi niya sinabi?

"H-Hindi mo na k-kailangang mala--

"Kailangan kong malaman at kailangang malaman ng lahat. Papayag ka bang maparusahan ka at ang pamilya mo para sa kasalanan ng taong iyon?" Sabi ko sa kanya ngunit parang hindi talaga siya natauhan.

"Mas l-lalong m-mapapahamak ang p-pamilya ko kung l-lalabanan nila ang t-taong yun. G-Ganun din ang mapapala mo k-kung itutuloy mo ang p-pagtatanggol sa a-akin.." Paliwanag niya ulit.

"Sino nga ba kasi iyang tinutukoy mo? Sino ang totoong maysala at sino ang halimaw na nakatira sa palasyo na sinasabi mo?" Dire-diretsong tanong ko sa kanya.

"M-Mangako ka..na pag s-sinabi ko sa iyo ang totoo..walang ibang m-makakaalam." Sabi niya.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam..hindi ko kayang manahimik.

"H-Huwag mo na lang h-hahayaang may masamang mangyari sa pamilya ko. B-Bantayan mo sila." Dagdag niya. "Sige na, m-mangako ka.."

"P-Pangako.." Napakahirap para sa akin na sabihin iyon..

"Ang t-taong yun.." Huminga siya ng malalim. Halatang kinakabahan siya sapagkat maaaring mapahamak kaming pareho sasabihin niya. "..si Lee Woo Chan."

Ano? Si Crown Prince Woo Chan?

"Ha? Paano na--

"N-Nasagot ko na ang tanong mo. P-Pwede ka nang u-umalis.." Sabi pa niya.

"Ngunit--

"S-Sige na, H-Hae Ra.."

Wala na akong nagawa kung hindi lumisan. Hindi ko na batid kung ano na ang gagawin ko. Sa tingin ko hindi ko mapipigilang magsalita..

Alam kong hindi ko ito kakayanin..

"Kamahalan! Hae Ra!" Nagulat ako nang paglabas ko dahil nakita ko si Seo Na. Pinipigilan siya ng mga guwardiya't tagapagsilbi na lumapit sa akin.

"S-Seo Na.." Patawarin mo ako, aking kaibigan."Bitawan niyo siya." Utos ko at sumunod naman sila.

Bigla namang tumakbo papalapit sa akin si Seo Na at lumuhod..

Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Kamahalan! Nalaman kong alam mo kung ano ang totoong nangyari. Nakikiusap ako sa'yo na gawin mo ang lahat para matulungan ang kapatid ko.." Umiiyak na sambit ni Seo Na. Halos madurog ang puso ko sa kalagayan ng aking mga kaibigan ngayon..

"Pero.." Pag-aalangan ko

"Nae oppa-neun eodi issni?"

*Translation: Where is my brother?*

"Geuneun an-issda." Sagot ko sa kanya.

*Translation: He is inside.*

Papasok sana siya pero.. hinawakan ko ang braso niya.

"Geuleona dangsin-eun ol su eobs-seubnida." Kalmado ko pa ring sabi.

*Translation: But you can't come*

"Wae?" Tanong pa niya.

"Hindi ka nila papasukin, Seo Na." Paliwanag ko.

"Pero galing ka sa loob di'ba?" Sabi pa niya.

"Nagawan ko lamang iyon ng paraan. Ngunit ikaw, sa tingin ko'y imposibleng pagbigyan ka nila." Paliwanag ko at lalo pa siyang napaiyak.

"Tulungan mo ako, kamahalan! Pakiusap!" Sigaw pa niya.

Napayuko ako. "Mianhae.." At umalis na.

*Translation: I'm Sorry..*

"Hae Ra!" Paulit-ulit niya pa akong tinawag pero hindi ko na siya nilingon.

Malungkot ako ngayong naglalakad sa pasilyo ng palasyo. Hindi ko tuloy kung papaano ko pa matutulungan ang pamilya Han. Hindi sila karapat-dapat sa magiging kaparusahan sapagkat sila'y inosente at tapat sa aming imperyo.

Nagulat naman ako nang biglang dumaan ang empress na tila galit na galit. Ano naman kaya ang nangyayari?

Nagtago naman ako agad.

"Hindi niya na dapat pang pinaniwalaan ang walang kwentang pahayag ng babaeng iyon!" Sigaw ng Empress. Ang sinabi ko ba ang tinutukoy niya? "Geuneun saeng-gaghago issji anhda!"

*Translation: He is not thinking!*

Lumabas ako nang makaalis na ang empress at ang mga nakasunod sa kanya.

Bigla namang may nakakuha ng atensyon ko. May nahulog siyang tubo, yung pinaglalagyan ng mga liham at mga anunsyo.

Binuksan ko ang tubo at pati na rin ang papel sa loob nun.

At nung nakita ko ang papel..halos gumuho ang mundo ko sa mga salitang nabasa ko..

한서정

- 주금 패놀티

[ TO BE CONTINUED…]

Next chapter