webnovel

Battle of bullies

Nasa school kami ngayon, lunch break na at kasalukuyan kong hinahatid si Teya papunta sa gate.

"Bye, andiyan na si mommy" paalam ni Teya, nilingon ko naman ang magarang Van sa gate at agad na kumaway si tita sakin. 

"Sige..." Nakangiti Kong sagot bago kumaway sa kanya. Hinintay ko munang makaalis siya bago dumiretso sa canteen. Hindi siya naglulunch sa school, di rin siya nagbebreak time at ayaw niyang naglilibot libot sa school ground. Yan ang dahilan kaya mas nagkakasundo kami HAHAHA

•Flashback•

"Pakshet teh, kakagulat ka!" Napahawak pa ako sa dibdib ko ng biglang sumulpot si Teya sa harapan ko. Mukha itong aligaga kaya napakunot ang noo ko sa kanya.

"Anong nangyari sayo?" nagaalalang tanong ko.

"Layuan mo nalang sila,please" nagmamakaawang sambit nito.

"Teka nga, teka nga! Sinong sila?" Hinawakan ko siya sa balikat at hinarap sa akin.

"Si Grint, silang apat ang campus royals! Delekado sila! Iwasan mo nalang sila!" Tiningnan ko naman siya ng bored.

"Wala akong kasalanan para umiwas sa kanila at naging biktima ka man nila...Let me clear it out to you, I'll never stop hanggat hindi ako nakakaganti" seryoso kong sambit.

Napahilamos nalang siya sa mukha. I cuffed her face.

"Relax! Apat na taon na akong college nerd pero Wala pang nambully na di ko ginantihan..." I patted her head bago siya nginitian. Napabuntong hininga naman ito at tumango.

•End of flashback•

Humada sa'kin ang mga siraulong yun, kala nila ha. Hmp.

Grint- 

Pagpasok palang namin sa canteen ay nagtitilian na ang mga babae pero as usual di namin sila pinapansin. Sobrang haba ng pila pero agad naman silang nagsialisan para mauna kami. Parang normal na lumapit nalang kami para mag order ng lunch.

"Uhmmm one stea---" hindi na tuloy ang sasabihin ko ng biglang may sumabat.

"One order of Carbonara, Spaghetti and 2 glasses of cokes, please" mabilis na sabat nito. 

"Teka nga! Kami 'yong nauna hindi ba?" Inis na tanong ko. She's leaning at the counter when she tilt her head and look at me with boredom. Napailing iling nalang ito at di ako pinansin.

"I came first" sambit ko sa nagseserve.

"I ordered first" seryosong sagot nito.

"First come, first serve.MISS" binigyang diin ko pa ang miss para ipamukhang wala akong pake sa kanya.

"Ohhh...You just broke your own rule, Honey" sa wakas ang humarap sa siya sa akin. Talagang kinakareer niya ang endearment nayan ahh. Lumapit ito sa akin at pinaglipat lipat ang tingin sa aming lima.

"When you arrived, you saw that everyone is forming a line and there you all ruining their hard earned spot, tapos heto kayo complaining because I took the spot of just the five of you? Poor mannered creatures... Tsk tsk tsk" napakunot ang noo ko sa mag sinabi nito. Inilapit ko sa tenga niya ang mukha ko.

"Don't provoke me, you know what I can do" bulong ko bago lumayo sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. 

"Am I?" Pagmamaang maangan nito na mas lalong kinainis ko.Papatulan ko na to!, naramdaman ko naman ang pagtapik ni Khero ng marahan sa balikat ko.

"Excuse me miss! Si Fafa Grint ang mauuna dahil mas nauna siya sayo" medyo Malandi at mataray na boses na turan ng nagseserve. Napangisi naman ako ngunit bigla kaming lahat nagulat ng hablutin ni Nerd ang kwelyo ng server. Kahit kailan nagsisiga sigaan siya.

"Papayag lang ako kapag pinauna mo ang lahat ng estudyanting nakapila kanina, Kasi kung Hindi I don't care about your said rules!"pa bagsak niyang binitawan ang babae. Inis na lumapit ako kay nerd ng bigla akong hawakan ni Khero at umiling iling. Lumapit ito sa server.

" ahh miss, pakiuna nalang yung order niyan" utos niya sa server na halos mag kurting heart ang mga mata bago parang wala sa sariling tumango. Tch, girls will always be girls. Nginisian lang ako ni nerd dahilan para mapa irap nalang ako.

Humanda kang babae ka! Gagawin kong impyerno ang buhay mo hanggang sa ikaw na mismo ang luluhod sa harapan ko.

Maya maya pa ay iniabot na sa kanya ang isang tray na may laman ng order niya. Humarap ito sa akin bago iniabot ang isang baso ng coke. Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Kung sa tingin mo matatakot mo ko, Eto coke..." she seriously stated. 

"Paki prito" pag tapos niyang sabihin yun ay umalis na siya na parang walang nangyari. I clutched my fist, bat parang lumalabas pa na ako ang nabubully dito? Ako, ang King ng school!? 

"Wala na akong gana". I stated before I stormed out of that place. I need some air kasi baka makapatol ako sa babae.

-Tristan

Nerd 1: Grint: 0 

" Tsk tsk tsk tsk I can't believed this!"napailing iling nalang ako. Sa tagal naming magkakasama hindi ko in expect na dadating ang time na mabubully ng isang nerd ang King ng school. Isang Grint Jang? Unbelievable talaga.

"Tingin mo dapat sumunod tayo?" Kalabit sa akin ni Ekon. Pinagmasdan ko naman si Nerd na kumakain at hindi alintana ang masasamang tingin sa kanya. Idol.

"Sa palagay ko..."

"Hindi! Kasi...Gutom na gutom na gutom na ako" hinimas ko pa ang tiyan ko.

"Kyahhhh...Pahimas din!" Sigaw ng isang babae.

"Pakarat!" sagot naman ni Nerd dahilan para tumahimik ito. Balak niyan ba awayin ang lahat ng estudyante sa campus? Ang tapang niya naman.

"Patay gutom ka kamo" sinamaan ko naman ng tingin si Ekon. Madalas talaga kaming hindi magkasundo.

"Oo e, gusto mo kainin pa kita!" Middle finger ko sa kanya.

"Gago ang sagwa pag galing sayo" mura niya pabalik. Nakitawa nalang din si Khero na nakikinig lang. Yan naman role niya e, tatawa, aawat, matutulog. 

-Grint

Papunta na ako sa hide out ng bigla kong harapin ang babaeng kanina pa sumusunod sa akin.

"Sa wakas napansin mo din ako" abot langit ang ngiting sambit nito. Heto na naman tayo sa mga babaeng binababoy ang school uniform. Kitang kita ang cleavage niya dahil sa sikip ng uniform niya at bukas ang isang butones ng damit.

"Bakit ba kanina ka pa sunod ng sunod!" Inis na tanong ko.

"Totoo bang kayo na ng Nerd na 'yon? Masama talaga ugali non classmate ko 'yon e!Gusto mo iganti kita sa mga ginagawa niya?" Inis ngunit pabebe parin nitong sambit. Nakangiwi lang ako habang nagsasalita siya.

"Sa tingin mo kailangan ko ng tulong mo? Fuck off! I'm the king of school! She's my target so don't you dare touch her!" Panduduro ko sa kanya.

"Tandaan mong nag uusap lang tayo ngayon para tumigil ka na, naalibadbaran ako sa presensiya mo!"dagdag ko pa bago tumalikod.

"Pero King!" hinawakan niya pa ang sa braso dahilan para maiwasiwas ko siya at humilata sa damuhan.

"Tss. Pathetic!" Asik ko bago tumuloy sa paglalakad. Wala ng magandang nangyari ngayon bwisit!

Next chapter