"Creativity is allowing yourself to make mistakes. Art is knowing which ones to keep."
---Scott Adams
"Mirkho, seriously?" Napa awang ang ko bibig dahil hindi kami sasakay sa kotse niya kundi mag bi-big bike kami papunta sa kahit saan.
"Why, are you scared Mlaire?" Tanong niya habang inaayos yung magulo niyang buhok.
"Hindi naman sa natatakot ako Mirkho. Sanay na naman ako sa isasagot mo." Inirapan ko nga, ang kulit kasi eh.
"Sorry Mlaire, but may pupuntahan pa tayo. Tutal ala singko pa lang, dali sakay na!" Utos niya habang sumasakay sa big bike niya!
Kainis naman, buti na lang at dalawa ang helmet niya kundi patay talaga ako nito, arrrgg!
"Oo ito na po, sasakay na po senyorito." Sarcastic kong sagot kay Mirkho. Saan naman kami pupunta? Ang dami talagang pakulo ng lalaking to.
"Ano, hindi ka ba kakapit sakin? Bahala ka." Aniya ni Mirkho.
Sinunod ko na lang lahat ng gusto niya, putak ng putak. Parang babae eh ang super daldal. Pero okay rin naman siyang kasama, joker rin ang isang ito.
"Mlaire, baba na. Kanina pa ako nangangalay dito oh!" Pinakita agad sa akin yung mga paa niyang nakatukod.
Kinusot ko muna ang mga mata ko, naka tulog talaga ako sa biyahe. Ang tagal tagal kasi kaya ang sakit tuloy ng pwet ko. Bumaba na ako at inalalayan naman ako ni Mirkho at napa nganga ako sa nakikita ko ngayon!
Dahil doon, bigla ko na lamang niyakap si Mirkho. Oh my holly, I miss this place so much.
"Thank you Mirkho, I really miss this place. I thought you don't know-." Naputol ang sasabihin ko dahil pinutol niya ako.
"For you Mlaire, alam ko namang busy ka at ayaw mo pang bumalik dito sa ilugar na ito."
Nakita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala. Of course he cares for me because we're friends.
"No, it's okay Mirkho. Naka move on rin na naman ako, this time sigurado na ako."
"Good for you Mlaire, I just want you to be happy. As your friend, I don't want to see you being hurt by other people. You know that." Aniya habang minamasdan ako ng mabuti.
"Thank you." Sabi ko at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
Ang lugar na ito ang saksi sa lahat na nangyari sa amin ni Marxo. This place. Marami kaming magagandang memories dito, dito kami unang nagkita at dito ko rin sinabi sa kanya ang matamis na oo.
Marami rin ang ipinag bago ng mga puno, noon maliit pa lamang ang mga iyon at ngayon malalaki na ang mga ito. Isa itong park na kung saan hindi pa gaanong sikat noon, pero dahil may isang turista ang kumuha ng mga litraro ng park na ito at inupload sa facebook.
Kaya iyon, marami na ang tumangkilik sa park na ito. Napakalawak na at ang maganda ay malapit ito sa dagat kaya marami ang pumupunta dito para mag pahangin at mag relax.
"Mlaire, upo muna tayo. Kanina pa tayo dito pero nakatayo pa rin tayo, halika na." Hinila niya nga ako at umupo kaagad sa isang bench malapit sa pamilyar na halaman.
"Mirkho, diba ito yung halaman na tinanim ko noon dito? Do you still remember it?"
"Oo nga, wow ang ganda ng flower." Lumapit siya doon sa halaman at inamoy amoy ang isang bulaklak. "At ang bango pa Mlaire!"
It symbolized my love for him, but this time that love is not that extreme or strong. Nagbago na dahil mag kaibigan na lang kami and I'm happy Mirkho. Tumingin siya diretso sa mga mata ko, parang ine examin niya ang reaksyon ko.
"It's okay Mlaire, at least you did your part as a girlfriend. Loosen up young lady. Smile naman diyan at nang makapaglibot libot tayo." Luko luko talaga itong si Mirkho, he always make me smile everytime we're together.
Iyon nga ang ginawa namin, naglibot libot lang kami hanggang sa mapagod kaming dalawa. Ang sakit na ng paa ko, buti na lang at di masyadong mataas ang heels ko.
Mlaire, let's go home. I know you're tired. Okay?" Tanong niya habang pinapaandar ang kanyang big bike.
Tumango na lamang ako at tiningnan ko ang wrist watch ko. It's already 6 pm. Buti na lang at di masyadong traffic sa lugar na ito kaya kalahating oras lang ang itinagal namin sa pag ba-biyahe.
"Mirkho, pasok ka muna sa loob." Yaya ko sa kanya at agad naman itong tumango at sabay kaming pumasok sa loob.
"Emma, paki-handa naman ng pagkain. May bisita kasi ako ngayon. Salamat."
At pumunta muna ako sa kwarto ko para mag bihis muna. Pagkatapos kong mag bihis ay kaagad rin akong bumaba para tumulong na sa pag hahanda.
"Mirkho, let's eat first. Nakakahiya naman kung di kita pakainin ngayon baka sabihin mo kay tita at tito na ginugutom kita. Hahaha." Pabiro kong sabi sa kanya at ang gago kinurot ang mag kabila kong pisngi.
"You are really crazy, woman!" Aniya at patakbong pumunta sa dining room. Takot lang niya sakin kaya tumakbo. Hahahaha!
Tahimik kaming kumain ni Mirkho. Niyaya ko ang ilang kasambahay ngunit tapos na daw silang nag hapunan. Kaya kami lang dalawa ni Mirkho sa dining room.
"Mlaire, I heard that Shelley came back to states. Really?" Inosenteng tanong ni Mirkho at nakataas pa ang isang kilay. Aba, ibang klase.
"Yes, why?" Tanong ko pabalik habang nililigpit ang pinagkainan namin.
"Nothing. By the way Mlaire, I really need to go. May importante pa kasi akong pupuntahan. Okay lang ba?"
"It's okay, ano ka ba? Hahahaha oh sige na." Pagtataboy ko sa kanya.
"Thank you sa dinner Mlaire." Inaayos naman niya ang kanyang damit na medyo nagusot at ang kanyang buhok rin na sadyang magulo.
"You're welcome, sige na umalis kana baka pahugasin pa kita ng pinggan diyan." Sumimangot naman kaagad ang kanyang mukha, hahahaha pikon.
"Oo ito na mahal na reyna." At agad pinaharurot ang kanyang big bike.
"Drive safely Mirkho!" Sigaw ko, kahit malayo na siya sa bahay.
Ngiti ngiti pa akong pumasok sa loob ng biglang mag ring ang telepono sa may sala. Agad ko naman itong sinagot.
"Hello? This is Mlaire Villachin. What can I do for you?" Mahabang lintya ko.
Limang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya. Papatayin ko na sana ang tawag ng may narinig akong nagsa salita.
I will make sure that you will beg in front of me. Woman!
Iyon lamang ang narinig ko at toot tooot tooot na lamang ang kasunod na tunog. Nabigla ako, hindi ito ang unang pagkakataon na may tumawag dito sa bahay na ganun ang mga sinasabi.
But this caller a while ago is different. Something strange about his voice. Nacu- curious ako kung sino man siya. But again in again I will never let that thing happen.
Umakyat ako papuntang kwarto pag katapos ng tawag na iyon. Hindi agad ako nakatulog dahil hindi mawala ang boses ng lalaking tumawag kanina. Parang narinig ko na iyon. Hindi ko lang matandaan.
Hindi ko na namalayan at nakatulog na pala ako sa sobrang pag iisip.
Kinabukasan, maaga akong nagising at maaga rin akong pumasok sa opisina.
Medyo marami rami na rin ang mga empleyado pag dating ko. This is what I want from my employees because they are all an early bird.
Dumiretso kaagad ako sa office at tiningnan isa isa ang mga papeles na sa tingin ko ay bago lang na inilagay doon.
Binasa ko ang mga ito at may isang papel doon na nakapaloob at nagpaagaw pansin sakin.
Parang letter ata.
To the CEO of Villachin Company,
I just want you to inform that Mr. Wilton, CEO of Mary's Mall did not accept your proposal.
Maries Angelon, General manager of Mary's Mall.
Napamura ako ng wala sa oras. Bakit naman ngayon pa? It's a big client for Pete's sake. Malaki na ang nagastos ko sa deal na ito. 50 Million ang nagastos ko dito sa deal na ito.
Napamura ako ulit ng pumasok ang pansamantala kong assistant sa loob ng opisina ko.
Ma'am andito po si Ms. Rama. Aniya at nakita ko kaagad na pumasok si Ms. Rama at lumabas naman kaagad ang assistant ko.
Ma'am, hindi na po ako mag papaligoy ligoy pa. We have a problem, a big problem. Simula niya na parang kinakabahan pa. Tumango lamang ako at nanatiling nakatutok sa susunod na sasabihin niya.
'Yong isang mall, na ginagawa ngayon ay bigla na lamang daw pong bumagsak dahil hindi raw maganda ang mga materyales na ginamit. Marami rin ang nasaktan sa aksidente at ang engineer naman ay parang bola kung mawala."
Dahil doon ay bigla akong napatayo, bakit ganito?
"Ikaw na ang bahala para sa mga trabahador na na aksidente. Lahat ng gastos, tayo ang magbabayad. At yong engineer, may track na ba kayo?"
"Sa ngayon po wala pa, malaki pong halaga ang natangay ng engineer na iyon. Ang 150 million pesos na para sa materyales ay 50 million lamang ang kanyang ginamit at ang 100 million ay siguradong nasa kanya ito."
"Nag padala na po ako ng isang makakapag katiwalaang engineer na titingin sa site. Si Mr. Brion at kailangan siya doon."
Nakaka stress, ang laking halaga non.
"What? 100 million ang natangay ng engineer na iyon? Ako na ang bahala sa site, I will go there now with Jinah. Paki track sa engineer na iyon. We can do this Ms. Rama." Tumango ito at ngumiti ng bahagya.
Inayos ko muna ang damit ko at kaagad na lumabas. Kasama ko si Jirah papuntang site. Malayo pa lang at nakita ko ng halos kalahati ng parte ng mall ang bumagsak.
Bumaba kaagad ako at tiningnan ko kung sino ang trabahador na naroon. At hinanap ko si Mr. Brion. Nakita ko kaagad ito malapit sa isang sulok.
"Mr. Brion, pwede ba itong magawa ulit?" Palinga linga ako habang tiningnan ang mga hollow blocks na nasa gilid.
"Ms. Villachin, it will be too risky and dangerous if we are going to continue this building. The materials that used by Mr. Asis is not good and concrete. Talagang bibigay ang building na ito. See that?"
Tinuro niya ang isang poste na sa tingin ko ay maganda ang materyal na ginamit ngunit bigla niya itong pinukpok gamit ang martilyo at nabigla ako, dahil nasira ang poste ng ilang pokpok lang ng martilyo.
"See Ms. Villachin? Hindi na ito pwe-pwedeng ipagpatuloy. Maaring maulit lamang ang aksidente kapag ipagpapatuloy pa natin ang mall na ito." Aniya ni Mr. Brion habang nililibot ang kanyang paningin sa buong building na ito.
Tumango na lamang ako . His right, it's dangerous to continue this building. Busy ako sa paglilibot sa buong building ng dumating si Mr. Tan - ang kasosyo ko sa mall na ito.
"Ms. Villachin, what happened here? Tama ba na tinakbuhan ng engineer ang aksidente na ito?" Aniya, halatang nafrufrustate siya sa nangyari.
"Yes Mr. Tan, but don't you worry inaksyunan na namin po ito. Ako na ang bahala sa mga trabahador na naaksidente. Just give me time."
Malaking tao si Mr. Tan sa mundi ng business. At sigurado akong hindi siya papayag sa gusto kong mangyari.
"No. Just give me back my money. Nasira ang plano ko dahil dito. At ang mga materyales na ginamit ay hindi maganda at konkreto. Where did you get that engineer, ha? You are the CEO, you must know about this." Pagalit na tanong ni Mr. Tan.
"Please calm down Mr. Tan, just give me time and I will assure to you that this building will be build quickly." Mas magandang materyales ang gagamitin and mas magaling na engineer ang hahawak dito. This is business.
"No, I don't want anymore to deal with you Ms. Villachin. Ngayon ibigay mo sa akin ang perang inilaan ko para dito. As soon as possible." Aniya at padabog na umalis sa site.
Wala na akong magagawa. Pagkatapos ng usapan na iyon ay bumalik na ako sa opisina. Ipinatawag ko kaagad si Ms. Rama.
"Good morning Ms. Rama. May access na ba kayo sa engineer na iyon?" Aniya ko habang hinihilot ang aking sentido.
"Yes ma'am. Nandito pa rin po sa Maynila si Mr. Asis. May mga tauhan na po akong pinadala doon para kunin siya." Lintya niya na parang nabunutan ng tinik.
"Okay Ms. Rama. Good job. You ca-." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang nag ring ang telepono malapit sa aking mesa.
"Hello? Good morning ma'am."
"Good morning, so what the news?" Sabi ko habang pina paupo si Ms. Rama.
"Ma'am, nakuha na po namin ang engineer. Papunta na po kami sa presinto ma'am." Aniya sa kabilang linya.
"Sige, pupunta ako ngayon sa presinto. Make it sure na hindi na yan makawala!" At pinatay ko na ang tawag.
"Ms. Rama, you can go now. Pupunta ako ngayon sa presinto to see Mr. Asis." Tumango ito at lumabas na ng opisina ko.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at patakbong tinahak ang elevator. Hindi ko na isasama si Jirah, I know marami rin siyang ginagwa.
Hinanap ko agad ang kotse ko at nakita kong naka park ito sa harapan ng building . Pinaandar ko ng paulit ulit pero di pa rin nag i-start. kainis naman! Arrrggggh
Nagtawag na lamang ako ng taxi at mabuti naman nakasakay kaagad ako.
"Manong sa presinto po ako." Mahina kong lintya.
Tumango lamang si Manong driver. Habang tumingin sa daan biglang nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko naman ito.
"Good morning Jinah, bakit napatawag ka?" Aniya ko.
"Sorry po ma'am pero may problema po tayo. Iyong proposal po sa Rice & Corn Corporation hindi daw tinanggap ng CEO." Halatang nag aalala ang kanyang boses.
"What? Kailan lang Jinah?" Sh*t ang dami kong problema ngayon!
"Ngayon lang po ma'am. Nabasa ko po sa isang email galing sa R & C Corporation." Aniya ni Jinah.
"Okay Jirah, tapusin ko lang itong lakad ko at babalik kaagad ako diyan." Pinatay ko na ang tawag.
D*mn, ang laking tulong ng R & C Corporation sana sa kompanya ko, bakit hindi nila tinanggap ang proposal ko? Ang ganda ng presentation ko last Month.
Mary's Mall did not accept my proposal and R & C Corporation did not accept my proposal too. Bullsh*t, sayang talaga ang lalaking kompanya nito.
Arrrrrhhh, Inubos ko ang oras ko sa pag iisip kung pano ko ito maso-solusyunan kaagad habang tinatahak ang presinto.
Nang papalapit na ako sa presinto, may nahagip akong isang pamilyar na tao. Papasok sa isang restaurant at may kasamang babae.
Hindi ko maitanggal ang mga paningin ko sa taong iyon. Pamilyar na pamilyar talaga siya sa akin! Bumalik lamang ang wisyo ko nang magsalita si Manong driver.
Maam nandito na po tayo. Aniya habang ngumingiti.
Tumango ako at binigyan ko siya ng isang libo.
Keep the change. Aniya ko at tinahak ang presinto.