webnovel

Chapter 19❤️?

After 3 years...

Nagising nalang ako na hanggang ngayon ay nakikita ko parin sa panaginip ang mga nakaraan. Hanggang ngayon kahit anong takas ko sa nakaraan, sa panaginip ko lagi akong hinahabol. Nakaupo ako ngayon sa kama habang nakahawak sa ulo ko.

"ano ba Win! Tatlong taon na ang lumipas hibang ka parin sa kanya! Wag ka magpaepekto sa panaginip mo okay?"ganito ako lagi kinakausap ang sarili ko after managinip. Lately, Madalas nalang ako managinip ng nakaraan ko,hindi kaya dahil magkikita na naman kami ngayon? Kakaisip ko siguro kung pano ko sya iiwasan kaya napapanaginipan ko sya madalas?

After ko grumaduate ng highschool ay napagdesisyunan ni nanay  na sa isang school nalang ulit kami ni kuya magsama para daw may bantay ako. Kahit ilang taon na lumipas ay ganon parin si kuya.. Bata parin kung ituring nya ako. Nakakatawa man isipin at minsan nakakainis ay naiisip ko nalang na sweet si kuya.

Pumayag ako na sa school din ni na kuya ako magaral kasi wala din ako magagawa. Tumanda man ako nandito parin si kuya na asungot sa plano ko. Nang malaman nya na gusto ko sa ibang school magaral ay kinausap nya agad si nanay para wala na akong magawa.

Bumaba ako sa kama at pinagmasdan ang sarili ko, tunay nga yung kasabihan na kapag nasaktan.. Lalong gumaganda. Namayat ako.. As in yung payat ko ay bumagay naman sakin hindi ko intensyon na magpapayat bigla nalang ako nagkaganito. Siguro nakisama ang katawan ko sakin simula nung nasaktan ako. Medyo namuti din ako at straight na straight ang buhok ko na  halatang buhay na buhay. Madalas din ako napupuri ng mga kaibigan kong baliw at mga classmates ko na blooming daw ako. Weh? Di nga? Hahaha… kaya unti unti ko din napansin ang pagbabago sa akin.

"ikaw! Magbehave ka ah? First day mo ngayon sa college bilang isang HRM student.wag kang gagawa ng kapalpakan ah?! Pati pag nakita mo si ano.. Ay basta yun na yun.. Wag kang kakabahan ah? Wag matataranta! Hayaan mo lang na parang walang nangyari" kinakausap ko ang sarili ko habang nakaharap sa salamin.

"anak! Kailan ka pa naging luka?" nagulat ako ng biglang sumulpot si nanay sa likuran ko. "nay! Ano ba! Mamatay ata ako sa nerbyos eh!"Maktol ko dito habang tatawa tawa sakin.

"patingin nga ako sa dalaga ko.." at inikot ikot pa ako nito. "hay! Ang laki mo na anak..namimiss ko nung bata ka pa habang karga karga kita" malumay na sabi ni nanay habang hinahaplos ang mukha at buhok ko. "yan na naman si nanay!" yinakap ko naman ito kasi alam ko na naglalambing lang si nanay sakin kahit na araw araw nito akong binubungangaan.

"oh.. Sya magayos kana.. Baka malate ka!first day mo pa naman sa pagiging kolehiyala mo. Naku! Kung nandito lang ama nyo siguradong matutuwa yun!" sabi nito sakin habang nakaupo na ngayon sa kama ko na nakangiti pa sakin.

"opo ma! Atsaka si papa miss ko na po sya.." sabi ko kay nanay habang naghahanap na nga damit ko. "sya.. Magasikaso kana at akoy nagaayos pa ng umagahan nyo ng kuya mo" lumabas na ito ng kwarto kaya nagmadali na ako maligo at magayos bago kumain ng umagahan.

Kumakain na si kuya at nanay ng madatnan ko sila "bilisan mo ng kumain.. Susunduin tayo ni harry" sabi nito habang sunod sunod na sumusubo ng pagkain. Mukhang nagmamadali si kuya kaya inilang subo ko nalang din ang pagkain ko. Saktong katatapos lang namin magtoothbrush ni kuya ng marininig namin ang busina ng kotse ni kuya harry.

"wow! Ang aga nyo ah!"bati nito kay kuya "oh.. Ikaw din pala? Good morning!" napansin nya ako ng kumuway ako sa kanya. "good morning din kuya! Makikisabay na din po ako" sabi ko dito, sa lahat ng tropa ni kuya ay kay kuya harry lang ako hindi ilang kasi naman ang nice nice nya lagi sakin eh.

"magkaiba ang schedule natin kaya bumyahe ka nalang mamaya paguwian na"sabi ni kuya sakin,oo nga pala hindi na katulad ng highschool na nagbabike lang kami ni kuya. "opo! Kaya ko na naman bumyahe magisa pauwi" sabi ko dito habang nakatingin sa labas para pag masdan ang paligid. Wala pa nga pala kaming uniform kaya freestyle kami ng 2weeks.

Pagbaba namin ay namangha ako sa dami ng students sa school nina kuya. Halata mo na kagad kung sino ang  freshman dahil sa wala pa kaming uniform. "wag ka tumunganga dyan at baka mabangga ka!" si kuya na nakalingon sakin, nakakapanibago kasi sobrang laki ng school at ang daming students.

*vibrate*

*vibrate*

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko na bagong bili ni nanay kasi college na daw ako kaya need ko na magkacellphone. Oo na.. Ako na yung walang cellphone since highschool at sa PC lang ako nakakapag facebook.

"hello? Oh.. Nandito na ako sa may study table basta hanapin nyo nalang ako, napaaga ako kasi sinabay kami ni kuya sa kotse ni kuya harry bebs mo!" sabi ko dito at pinatay na. Nakaupo lang ako habang nakatingin sa paligid na dumadami na ang tao. Kanya kanyang umpok at kwentuhan na akala mo ilang taon na hindi nagkita.. Kaloka! Habang nakahalumbaba ako ay hindi ko namalayan na napatulala na pala ako.

"hoy! Agang aga baka saniban tayo ng kamalasan!" untag sakin ni she kasama ang dalawang nag aasaran na naman. "hay naku! Ang beauty ko.. Nasisira na mga sis! Agang aga ay ang banas na agad!"habang maarteng nagpupunas ng pawis si beks.

"tsk! Pamakeup makeup pa kasi! Tingnan mo nga! Nalulusaw na! Mamaya magiging clown ka na nyan!" nagtawanan naman kami sa sinabi ni deo. "naku! Hahanap na talaga ako ng mga bagong kaibigan!"sabay irap nito samin.

Wag kayong magtaka kung bakit hanggang ngayon magkakasama kami hindi lang sa school pati sa course ay magkakaparehas din kami. Yung dating lutulutuan namin ng foundation ay napagisip namin kung ano ang gusto namin na course.

"oh! Akala ko ba I. T. Kukunin mo?"puna ko kay deo kasi kasama namin sya ngayon. "hahaha.. Napagisip ko na pag nagiba ako ng course baka maagaw ka ng iba sakin este hindi ako maging masaya.." sabi nito sabay tabi sakin at nagpacute. "tsk! Muntanga ka! Di ka cute!" sabi ni beks na inaasar ito. Kahit na nagpapalipad hangin ang isang ito sakin dati pa ay hindi ko nalang sineseryoso kasi ayaw ko masira pagkakaibigan namin. Hindi sa hindi ko gusto si deo pero gusto ko sya as brother/bestfriend ganern! Kaya di ko pinapapapansin ang mga palipad hangin nito sakin.

Naglalakad lakad na kami ngayon habang hinahanap ang room namin ng makita ko ang ayaw kong makita kaya nagpatay malisya ako na kunyari di ko sya nakita ng alam ko na nakatingin sya ngayon sakin kasi magkakasalubong kami ngayon. Wala syang kasama  at seryoso ang mukha nito habang naglalakad. Nang magtapat na kami habang naglalakad ay naamoy ko na naman ang pabango nito na nakakahalina, since highschool hanggang ngayon ay isang pabango lang ang ginagamit nito.

Tsk! Ano ba! Wag ka nga papaapekto! Pabango lang yun pero ang laki na ng impact sayo.. Self! Wag mo naman ako iwan sa ere.

Buti nalang hindi napansin ng mga kaibigan ko si jesthle kundi baka hindi ko alam mangyari lalo na kung si beks ang makakakita kaya pasalamat nalang muna ako at hindi nila napansin.

Kung naririnig lang siguro ng mga kasama ko na kinakausap ko ang sarili ko sa utak ko ay iisipin ng mga ito na nababaliw na naman ako.

Simula ng araw na nangyari yun ay bibihira na lang kami magkita ni jesthle. Kahit sa bahay ay madalang na lang din sya pumunta basta after non as in parang kinalimutan na nya ang nangyari samin sa batangas yung tipong walang nangyari kung kumilos ito tapos pag nakikita ko ito ay seryoso  at ni hindi ko mabasa ang nasa isip nito.

"haller! Kinakausap ka namin girl" nagbalik lang ako sa reyalidad ng higitin ni bakla ang buhok ko "ano? Tulaley again? Naku win! Iwan mo na ang pagiging tulaley mo.. Sakit mo na ba yan?" pag mamaldita sakin ni beks. "hay naku! Wag nyo na nga ako intindihin! Yun na yung classroom natin oh!" turo ko sa kanila para malihis ang topic sakin, hindi na naman kasi ako tatantanan ng mga ito eh.

"in fairness ang hot at mas gwapo sya ngayon bes" di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si she at may pabulong bulong pa ito sakin habang papasok ng room, ibig sabihin napansin din pala nya si jesthle. "alam mo bes.. Anghel kang tingnan ngayon nung bumulong ka kamukha mo na si satanas" pangaasar ko dito para makabawi sa pagtudyo nya sakin.

"tabi-tabi tayo ah?" si deo na mukhang may pinaplano na naman. "hay naku! Nag assign ka na naman ng cheating arrangement!" alam na alam talaga ni rica ang nasa isip ni deo. "tss..ayaw mo non? May hot kayong katabi" sabay himas nito sa mukha pati sa katawan nito.

"alam mo deo.. Gwapo ka naman talaga At hot! Kaso minsan nakakasuka na pinagsasabi mo!" sabi ni she habang nilalapag na nito ang gamit, kami naman ay natatawa sa pag busangot ng mukha ni deo.

Habang wala pa ang teacher namin ng first subject ay nagkwentuhan at nagmasid masid lang kami sa mga new classmates namin.nakipag kilala na din kami para maging familiar kami sa kanila. Sa ibang school sa bawat subject iba ang nakakasama na students.. Pero samin kung sino ang kasama namin ngayon ay sila din ang kasama namin sa lahat ng subject pwera na nga lang kung may mga nagback subject at kami ang magiging kaklase.

Mag ieleven thirty na ng matapos kami para makapaglunch na, wala naman kami halos ginawa sa mga naunang subject namin kundi pagpapakilala sa sarili lang at introduction ng per subject namin more on photo copies kami parang wala din palang sense ang binili kong notebook.

Naghahanap na kami ng mauupuan sa canteen ngayon. Halos walang vacant seats kasi sobrang dami ng tao buti nalang may natapos ng grupo na kumain kaya napaswerte kami na may naupuan agad.

Pinauna namin muna na makapagorder si rica at she bago kami ni deo, baka kasi kung aalis kaming apat ay may umupong iba sa table namin kaya hinati namin sa dalawa.

"magkano baon mo?" tanong ni deo habang nagtitingin ng pera sa pitaka nito. "ahm.. 150 lang" napangiwi ako sa pag sabi kahit sya ay nabigla din. "talaga?!eh baka kulangin ka nyan sa pag pophoto copy palang malaki na nagastos natin kanina ah." sabi nito na naka kunot noo sakin. "hala! May 100 pa naman Ako dito.. Kasya na naman ata toh?" haha hindi din kasi ako sure kung hanggang san tatagal ang pera ko. "okay! Pag wala ka ng pera mag sabi ka lang sakin ah?" sabi pa nito sakin at kumindat pa ng nakakaloko na tinawanan ko lang.

Nang kami na ang nakapila ay halos di ko malaman ang oorderin sa sobrang daming masarap sa paningin ko, pero dahil nagtitipid ako ay nag gulay nalang ako at nagsoftdrinks. Aabutin ko na ang bayad ng inunahan ako ni deo kaya naging libre ang pagkain ko.. Thank god! May friend akong katulad nito na hindi nagbabago sakin sa panlilibre hehe..

"grabe! Hot nya talaga noh? Suplado lang"

"pag niligawan ako nyan "oo" agad ako ihhh…"

"may friends din yan.. Sobrang gagwapo at hahot din!"

"hanggang tingin nalang ata tayo"

Mga bulungbulungan ng mga tao sa canteen, hindi ko na pinansin at akoy busy kakatingin sa softdrinks na baka dumulas ito sa tray at matapon kaya kinoconcentrate ko paningin dito.

Bago kami makarating sa lamesa ay muntikan pang matapon ang pagkain ko dahil may bumunggo sakin.. Hindi ko naman nakita  dahil nakatingin ako sa tray na bitbit ko bago ko pa lingunin ito ay napag alaman ko na kung sino dahil sa boses nito "landi kasi ang inuuna kaya pati pagtingin sa daan ay nakakalimutan na! Tsk!" sabi nito bago umalis ng tuluyan. Nang makabawi na ako sa nangyari ay nakaramdam naman ako ng inis dito. Bwisit na yun! Kung makapagsalita akala mo walang nangyari! Kung makapagisip akala mo ang utak nasa pwet! Nakaka asar talaga!

"grabe noh? Hanggang dito sikat parin si fafa jesthle" si beks na kilig na kilig "atsaka mukhang mas bumango sya sa paningin ko..yummy!!! Grabe!"sabay kagat labi pa nito.

"alin ang yummy don?! Mayabang parin!" si deo na mukhang asar na ngayon "ni hindi nga nagsorry kay win eh! Walang modo!" habang kagat kagat nito ang barbeque na pinang gigilan ngayon. "oh! Tama na! Magsitigil na kayong dalawa.. Baka magaway na naman kayo! Nakain tayo.. Pinapaalala ko lang" sita naman ni she sa dalawa na napatingin naman ito sakin at maya maya ay kumain na din.

"hoy bes! Parang galit na galit ka ngumuya ah!" puna sakin nito na napatingin naman sakin pati yung dalawa. "baka gutom lang?" sabi ni deo na sinang ayunan ko nalang. Ano ba'to! Ganon ba kalakas ang impact nito sakin kaya pati sa pagkain ay nabubuhos ko ang asar? Hanggang college life ko ata masisira nito! Parang gusto ko na tuloy matapos ang araw na ito!

Next chapter