Lucy Gabriela Celeste
PERO, hindi pa ako nakaka-layo ay pinigilan ako ni James nang humarang ito sa dinadaanan ko.
"Lucy, ngayon pa ba? Hindi ba nangako tayo na hindi natin iiwan ang samahan natin? Please, hindi man sa ngayon pero sana ay 'wag mong iiwan ang grupo.." humalukipkip ako. Tinignan kong mabuti si James na bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at senseridad. Alam kong ayaw niya akong mawala sa grupo.
"James is right, Lucy. Hahayaan mo bang magkawatak-watak ang grupo? Remember, it's not about your team as a great crime syndicate, but rather the investigators are keep on eyeing us--especially you, Lucy.."
Natigilan ako sandali sa sinabi niyang iyon. Alam kong sa di-inaasahan ay pwede ring matimbog ang grupo--o isa man sa amin. Kahit na anong tago namin, alam kong hindi mag-luluwat at hindi sila titigil na imbestigahan kami, mahanap lang ang bawat isa sa amin.
Pero, hindi 'yon ang punto ko. Wala akong pake kung mahuli nila ako pero 'wag lang ang grupo. At alam ko naman na matitinik rin naman silang tatlo sa bagay na 'yon. Kaya, hindi ako ganoong nababahala sa ngayon.
Pero, gusto kong malaman kung bakit bigla nalang aalis sa grupo si Lewis. Kung bakit pinayagan niya nalang na itapon kami ng ganun-ganun nalang sa ibang sangkot rin sa paggawa ng krimen?
"Gusto ko munang umuwi.." huling bitaw ko ng salita bago ko sila iniwan at nilisan ang lugar na iyon.
**
MAG-AALAS dos na rin nang umaga ng makarating ako sa bahay na inuuwian ko.
Madilim na ang paligid at wala nang halos katao-tao. Hindi tulad ng kapag umaga ay, nagkakalimpum-punan ang mga tao sa kabi't-kabila nilang pinagka-kaabalahan sa buhay.
Bumaba ako nang taxi ng iabot ko ang bayad ko sa driver. Saka iyon pinatakbo nang driver nang naka-labas na ako.
Binuksan ko ang gate ng bahay at pag-daka'y isinara ko iyon nang maka-pasok na ako sa loob.
Tinungo ko ang loob ng bahay nang ihakbang ko ang mga paa ko papunta doon. Hinawakan ko ang door knob sabay binuksan ko 'yon.
Pumasok ako sa loob dala-dala ang maliit kong shoulder bag na naka-sabit sa balikat ko.
Siya nga pala, bale dito ako naka-tira sa isang masukal na lugar kung saan maraming bahay ang nag-tatayuan at halos magka-kadikit na ito. Dahil isang squatter area ang tinitirhan ko.
Ibinagsak ko ang sling bag ko sa higaan, hinubad ko ang suot kong damit at pati ang pang-ibaba ko nang tinungo ko ang cr para maligo.
Ilang sandali ay, lumabas na ako ng cr nang maipulupot ko na sa katawan ko ang tuwalya.
Nag-bihis ako at pagkatapos ay umupo ako sa harap ng salamin. Saka ko isinuklay ko ang mga buhok ko.
Tumayo na ako nang matapos kong suklayin ang buhok ko. Tinungo ko ang kusina para mag-hapunan.
Nagluto ako ng itlog at sausage na naka-istock sa ref. Naalala ko na ilang buwan na rin pala akong hindi nakakapag-grocery dahil sa kaabalahan ko sa sunod-sunod naming operasyon. Baka siguro, bukas ay mamimili ako. Tutal, may pang-gastos na rin ako sa pambili ko ng pang-grocery ko, matapos naming pinagparte-partehan ang pera sa droga na nakuha namin kay Moore ng ibinenta namin ang droga. At umabot sa halagang milyon iyon.
Pagkatapos kong lutuin yung ulam, inilagay ko na iyon sa ibabaw ng mesa at saka ako kumain.
Ilang minuto lang ay natapos na rin ako sa pagkain at inilagay ko na ang mga pinag-kainan ko sa lababo, saka ko hinugasan iyon. Kasunod ay, inilagay sa lalagyanan nito.
Tinungo ko ang kwarto ko at umupo ako sa higaan ko. Kinuha ko yung sling bag ko na inilagay ko doon. Bago ko maisipan na itabi na 'yon, binuksan ko ang zipper at kinuha ko ang cellphone.
Hindi ko alam kung anong nag-tutulak sa akin para tawagan si Lewis, pero isang bagay lang ang tumatakbo ngayon sa isip ko.
Kailangan ako ng grupo.
I-dinial ko ang numero ni Lewis, itinapat ko sa tenga ko ang cellphone at nag-ring ito.
"Oh, Lucy. It's nice to hear your voice again.."
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy, head Lewis. Sang-ayon na ako sa gusto mong mangyari." Diretsa kong sabi sa kanya. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya nagsalita.
"It's good to hear, Lucy. 'Yan rin ang hinihintay ko na sabihin mo.." may sigla niyang sabi.
"Kilala mo naman ako, boss. Alam kong ayaw mong may pumapalpak.." pabiro kong sabi. Narinig ko ang pag-tawa niya sa kabilang linya.
"Kilalang-kilala mo talaga ako, Lucy Gabriela Celeste. Kaya hanga ako sa'yo eh.."
Hindi mai-tatangging ganun ako kakilala ni Lewis, at ganun rin ako sa kanya. Kahit na may katandaan na ito, dahil sa sisiyenta'y singko na ito, ay ayaw niyang tinatawag siyang kuya o sa anuman, kundi gusto niya na tinatawag siya sa pangalang Lewis.
Kaya ganun nalang rin na maluwag ang loob ko sa kanya, at halos siya na rin kung tutuusin ang nagiging ama ko dahil sa magandang trato niya sa'kin, pati kila Nick, Blade at James.
"Well, beside you already agreed. Hindi na rin ako magpapatumpik-tumpik pa. Bukas niyo na kaagad makikilala ang bagong Boss at mga ka-bandits nito. Be ready, Lucy. It's your time to show up what you've already learned to me.."
"Okay. I will, Lewis." Sabay pinatay ko na ang linya ng tawag namin sa isa't-isa.
Napa-ngisi ako. It's your time to shine, Lucy Gabriela Celeste. Kailangan mong ibalik sa operasyon ang head na si Copacio Lewis.