Joshede POV
"Bakit niya ginawa 'to, Manang? Saan ba ako nagkulang? Sinikap ko naming gampanan ang katungkulan ko bilang asawa," naiiyak na sabi ni Joshede.
Mabigat sa dibdib ang pang-iiwang ginawa ni Arci. Hindi ba alam ng babaeng 'yon kung gaano siya kahalaga sa akin?
"Nagawa mo nga kayang lahat, Joshede? Hindi kaya nagkulang ka pa rin?"
"Sa anong paraan, Manang?"
"Sa pagbibigay sa kanya ng assurance na mahal mo nga siya."
"Pero pinakasalan ko siya. Itinira ko siya rito. Ibinigay ko lahat ng bagay na alam kong makakasiya sa kanya. Pormal akong nagsabi sa kanyang mga magulang ng tungkol sa amin."
"Pero hindi niya nakikita 'yon, Jos. Sa tuwing mag-uusap kami ni Arci, nababanggit niya kung hindi mo raw ba alam na nasasaktan siya. Sa hula ko, sa ginagawa mong pakikitungo kay Rissa. Nagseselos siya sa babaeng 'yon."
"Sigurado kayo, Manang na nagseselos siya?"
"Alalahanin mo na babae rin ako, Jos."
"Pero siya ang pinili ko. Dinispatsa ko na nga ang babaeng 'yon. Kaya nga hindi na nagpupunta rito ay dahil tinapat ko na ito na mahal ko si Arci. Hindi ba at namroblema pa nga ako kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat? Malaking halaga ang naging kapalit para huwag na niya akong guluhin pa."
"Pwes, hindi alam ni Arci 'yan. Isa pa, noong nagtungo rito si Rissa at nagkulong kayo sa kwarto, isinama ng loob 'yon ni Arci."
"Wala naman kaming ginawang masama. Iniiwas ko lang naman siya sa pagkabayolente ni Rissa. Kaya lang nga napayapa ang babaeng 'yon ay nang sabihin kong mas mahal ko siya kay Arci. Kaya nga namroblema ako noon, Manang. Kung paano kong didispatsahin si Rissa."
"Hindi ako si Arci. Anumang ganda ng paliwanag mo ay hindi kita maa-appreciate."
"Manang ano ang dapat kong gawin sa pangyayaring 'to?"
"Ikaw? Ano bang talaga ang posisyon ni Arci sa puso mo? Bakit mo ba siya pinakasalan? Dahil sa obligasyong moral lamang o dahil sadyang mahal mo siya?"
Napayuko ako. Nagsalikop ako ng mga kamay. Hindi ko gustong aminin sa sarili ko ang mga bagay na ito pero sa pakiramdam ko, mahal ko si Arci. Pagmamahal na hindi ko man naisasatinig ay pinatutunayan ko sa tuwing aangkinin ko siya.
Hindi ba nararamdaman ni Arci 'yon at nagawa niya ito sa 'kin? Mali naman ata na mapagbintangan siya ng hindi totoo. It cost her one hundred thousand pesos para lang layuan ako ni Rissa.
Rissa was just one of those women na laging naka-ready everytime na kailangan ko ito for a one night stand. Pero hanggang doon lang ang naging papel niya sa buhay ko. At nagmula nang ikasal kami ni Arci, wala na akong gustong maikama. Ganoon kalaki ang naging epekto niya sa akin. Ngayon ko lang isinugal ang aking pangalan at nagpakasal kay Arci.
And yet, hindi ko pinahalagahan si Arci. "Alam mo, Manang, kung iniisip ni Arci na susundan ko siya sa probinsya, nagkakamali siya. Kusa siyang umalis, pwes, matuto siyang bumalik."
"Ganyan ba ang desisyon mo? Baka magkalabuan na kayo ng tuluyan."
"Hindi ako pwedeng sumuko dahil wala akong ginagawang masama sa kanya."
Nagkibit balikat si Manang at saka nagtungo sa kusina.
Arci POV
"H'wag makasipot-sipot rito ang lalaking 'yan at talagang sasalubungin ko siya ng itak!" galit na galit na sabi ni Papa.
"Huminahon ka naman, Lucas. Para ka namang papatay lang ng manok niyan. Manugang mo si Joshede, alalahanin mo."
"Sa ginawa niya sa anak natin, hinding-hindi ko siya mapapatawad! Kabago-bago ay nambababae na siya! Iyan kasi ang napapala ng suwail!"
Natakot ako sa naging reaksyon ni Papa. At natakot din ako para kay Joshede. Pero naisip ko, bakit ako matatakot? Hindi naman ako susundan ni Joshede 'no. Umasa pa ko. Baka nagpapasalamatat pa nga 'yon dahil hindi na siya mahihirapang iresolba ang problema niya.
Nagawa ko lang ipagtapat sa aking magulang ang lahat-lahat para hindi sila magtaka kung bakit bumalik ako rito sa amin.
Ang masaklap nito, binabanggit na naman ni Papa ang tungkol sa anak ng kanyang kumpare. Sa pagkakataong ito, wala na akong magagawa. Unless kung susunduin ako ni Joshede at ipaglaban. Nakakaiyak naman talaga itong nangyari sa akin. Hindi ko na kaya. Sa kakahintay ng aking prince charming, palpak pa!
Okay na sana si Joshede. Mahal na mahal ko na siya at sura na sure na secured na ako sa piling niya. Kaso peke naman ang damdamin niya. Ginagawa lang niya akong parausan ng pangangailangan ng katawan niya. At masakit 'yon sa akin.
Tatlong araw na ako rito sa probinsya at habang nagtatagal ako rito ay lumiliit ang pag-asa kong sunduin ako ni Joshede. Hindi ko na makikita ang lalaking una kong minahal.
Sa araw din na ito, hindi ko inaasahang susulpot sina Marian, Eula at Nina. Niyaya nila ako sa bakuran ni Lola Caring at pinagbigyan ko na naman silang tatlo. As usual, ipinaghanda nila kami ng makakain ni Lola Caring at nagpakuha rin siya ng mga prutas. Pagkatapos naupo na kami sa swing.
"Ano ba itong naririnig namin tungkol sa 'yo. May asawa ka na raw?" bungad ni Eula.
"Truth 'yon nga mga girls."
Napanganga silang tatlo pati na din si Lola Caring. "Totoo pala ang tsismis!" bulalas ni Lola Caring.
"Paano nangyari?" tanong ni Nina.
Ayaw ko na sanang ulitin pang ikwento pero napilitan akong sabihin sa kanila ang detalye sa aking mga kasama.
"Ay, buti na lang nakatakbo ka sa kwarto ni Joshede."
"Oo nga. Kung nagkataon, ,naging hostess ka na pala at baka hindi ka na namin makikita."
Naisip ko rin 'yon. Kaya nga hindi ko naman ini-entertain ang mga sama ng loob ko kay Joshede. May dapat din akong ipagpasalamat dahil nailigtas niya ako sa kapahamakan.
"Malungkot ka sa paghihiwalay ninyo, Arci?" tanong ni Marian.
"Syempre. Mahal ko na kasi siya. May nangyari na sa amin. Alam mo 'yon? Hindi na gaanong kadaling kalimutan si Joshede."
"Kung ako sa 'yo, hindi ako aalis. Matira ang matibay sa amin ng babaeng 'yon. Hangga't hindi si Joshede ang nagpapaalis sa akin ay hindi talaga ako aalis."
"Ang kaso, hindi kaya ng naturalesa ko, e. Nasasaktan ako."
"Hayyy... Kaya ayoko muna 'yang boyfriend-boyfriend na 'yan. Sakit lang ng ulo 'yan," sagot ni Eula.
"Ows? Kaya pala kapag lumalabas tayo ng factory, nagkakahandahaba ang leeg mo sa kakasilip doon sa katapat na bahay para makita mo ang 'yung prince charming."
"Ah, iba 'yon. Hindi ko naman balak na gawing boyfriend 'yon, eh."
"Eh, ano? Kabit lang?"
"Ay, hindi! 'Yun ang magiging asawa ko."
Napanganga sina Eula at Nina.
"Okay ka lang Marian? Gising ka pa ba o tulog pa?"
"Gising na gising 'no! Bakit hindi kayo naniniwala? Masama bang mangarap ng gising?"
"Naku, ang lala ng isang ito. Ibahin na nga lang natin ang topic at baka matuluyan 'yan."
Nagkibit balikat na lang si Marian. Tingin ko ay napaka-cool ng naging pagtanggap nito sa mga reaksyon namin. Inabot kami ng hapon sa swing. Kahit na paano ay nalibang ako sa mga kakwelahan nila. Nakaupo sa tapat ko si Marian at panay ang pakwela nang biglang nanlaki ang mga mata niya.
"Grabe! Ang gwapo ng isang 'to!" react niya.
Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon ng mga mata ni Marian.
Napaunat ako sa pagkakaupo. "Joshede...."
"'Yan si Joshede?!" tanong ni Marian.
"Oo," pormal kong sagot. Hindi ako nagpahalata kay Joshede na na-eksayt ako sa pagkakakita ko sa kanya.
May dalawang dipa pa ang layo niya sa amin. "Emerghed! Naka-jackpot ka girl! Salubungin mo ng yakap at halikan at baka magbago pa ang isip at biglang mag-about face!" pabulong ni Marian.
"Ayoko. Baka isipin pa niyan, atat akong makita siya."
"Sige ka. Pang iinis ako, ako sasalubong d'yan."
"Tumigil ka, Marian. Babatukan kita d'yan, e."
Humakbang si Joshede palapit sa amin. Anak ng tokwa! Kagwapo talaga ng asawa ko. Totoo si Marian. Naka-jackpot ako sa pangit na ito.
"Arci, lumapit na! Ayan na! Kausapin mo na!" siniko ako ni Eula.
Tinulak naman ako ni Marian.
"Huminahon nga kayo! E, ano kong lumapit na siya. Hayaan niyong siya 'yung unang magsalita!"
***Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE to your friends.***
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!