webnovel

Chapter 2: Offer

----------------------------------------------------------------------

Kieyrstine's POV

Pabagsak akong humiga sa kama at napatitig sa kisame. Napangiti nalang ako bigla nang maalala ang nangyari kanina sa presinto.

***

"Nagsisinungaling po siya.." hinihingal kong sabi nang makarating sa police station.

Napalingon sa akin ang lahat kabilang na yung babaeng manlokoko na ngayo'y kinakausap na ng mga pulis.

"Siya po ang nagpakidnap sa bata. Manloloko po siya." Dagdag ko pa sabay turo dun sa babae na napatayo pa sa gulat.

"A-ano bang pinagsasabi mo? A-anong ako? P-paano ko yun gagawin?" Sunod-sunod na tanong nung babae at mukhang kulang na lang ay lapitan niya ako at sabunutan.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng mag pulis sa amin nung babaeng manloloko. Ang galing magpanggap. Wow!

"Maniwala po kayo. Siya ang nagpakidnap sa bata dahil gusto niyang humingi ng ransom mula sa mga magulang nito. At naging kasabwat niya pa si kuyang guard." sabi ko.

"N-nababaliw ka na ba? S-saan mo nakuha yang mga pinagsasabi mo ha?!" Sigaw niya sa akin.

"Saan pa ba?" Sabi ko sabay ngisi. "Kuya guard.. Pasok! *insert song: budots"

De joke lang hahaha.

"A-ako po yung inutusan niyang kidnapin ang bata." Nakayukong sabi ni kuyang guard.

"Hayop ka anong pinagsasabi mo! A-anong kasabwat eh hindi nga kita kaano-ano!" Nagsimula nang magwala si Ateng manloloko.

"Babayaran niya lang daw po ako pag natagumpay yung plano namin na kidnapin ang bata at humingi ng pera sa mga magulang nito."

"Hindi 'yan totoo!" Sigaw nung ateng manloloko. "Huwag kayong maniwala dyan!"

***

"Kieyrstine, anak.." Agad akong napatayo mula sa pagkakahiga nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa mula roon sina Mom at Dad.

Nataranta ako bigla at nagsimula nang makaramdam ng kaba.

"M-mom.. Dad." Usal ko at pilit na ngumiti para tanggalin ang kaba. Lumapit ako sa kanila para magmano at magbeso. Kakarating lang sigiro nila galing sa trabaho at pakiramdam ko dahil ito sa ginawa ko kanina kaya pinuntahan nila ako rito sa kwarto.

Napalunok nalang ako nang makita ko ang seryosong mukha ni Dad. "I heard what you've did earlier." sabi ni Mom.

Patay na talaga ako neto. Huhuhu. Dapat kasi di na ako nakialam. Kung anu-ano pa kasi pumasok sa utak ko. Aish!

"S-sorry po kung nakialam ako. G-gusto ko lang naman pong--"

"You did a good job baby.." Nakangiting sabi ni Mom at natigilan agad ako.

Wait.. What?

Taka kong tinapunan ng tingin si Mom pero ang laki-laki ng ngiti niya sa akin. Hindi sila galit? Gusto kong mangiti sa saya ng nararamdaman pero agad ding natigilan nang makita ang seryosong mukha ni Dad.

"Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo, Kieyrstine."

"George! Akala ko ba napag-usapan na natin ito?" Sita ni Mom kay Dad. Agad ko namang pinigilan si Mom. Dahil baka ako na naman ang dahilan ng kanilang pag-aaway.

"Mom, it's okay. Tama naman si Dad. Wala ako sa posisyon na makialam sa kasong iyon." sabi ko nalang para hindi na lumaki pa ang gulo. Dapat di na ako nag expect na magugustuhan ni Dad ang ginawa ko.

"But what you did is right. Sinabi mo kung ano yung tama, ginawa mo kung ano ang tama and there's nothing wrong with that." sabi ni Mom sa akin at parang naiiyak naman ako.

"But it's none of her business Natasha!" Tinignan ako sa mata ni Dad kaya napayuko ako sa kahihiyang naramdaman.

"D-Dad.. A-alam ko pong mali ako. Sorry po, hindi na mauulit. P-pangako." Hindi ako sinagot ni Dad at agad siyang lumabas ng kwarto ko.

Hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

"Kieyrstine.. anak.." nag-aalalang sabi ni Mom at niyakap ako. Pinahiran ko kaagad ang mga luha sa pisngi ko. "Pagpasensyahan mo na ang Daddy mo. Marami lang siyang iniisip. Don't worry I'll talk to him about this." hinaplos niya ang buhok ko saka hinalikan sa noo.

"It's okay mom. Naiintindihan ko si Dad. T-tsaka tama naman kasi siya, hindi ko yun trabaho. Wala akong karapatan na makialam." nakayuko kong sabi. Hinawakan ni Mom ang pisngi ko saka pinahiran ang mga luhang patuloy parin umaagos mula sa mga mata ko.

"Shh.. Tahan na." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Between Mom and Dad. Kay mom lang talaga malapit ang loob ko. Natatakot ako kay Dad, lagi nalang siyang seryoso at lagi nalang ayaw niya sa mga desisyon at gusto ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya sa akin. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sa kaniya para tratuhin niya ako ng ganito.

"Anyway. I have a good news to you." Biglang sabi ni mom kaya napabitaw agad ako sa yakap niya. Tinignan ko ang kamay niya pero wala naman akong nakitang newspaper na hawak niya.

"Eh? Nasaan po?" Tanong ko at natawa lang siya.

"Inspector Will heard about what you did." nakangiti niyang sabi.

"P-po?" gulat kong usal.

Waaa! Nakakahiya! Para akong timang dun sa presinto kanina.

"Waaa mom! Paano niya narinig? Eh nung sinabi ko yun wala naman siya dun eh."

"Hahaha! Yung mga pulis ang nagsabi nun sa kaniya. Tuwang-tuwa sila sa'yo."

Lintek! Ang chika talaga ng mga pulis na yun. Bakit ichinika pa nila kay inspector Will, Naman eh huhuhu!

"And he's offering you to have a training as a DC on their team." nakangiting dagdag na naman ni Mom.

"D-Detective Constable?" Pasigaw kong sabi at tumango naman si Mom. "Waaaaa mom! Totoo po?! Waaaa gusto ko po 'yun Mom! Magiging detective na ba ako?" Napatalon-talon pa ako sa tuwang naramdaman. "P-pero Mom.. P-paano si Dad?" Nalungkot ako bigla sa naisip. "B-baka ayaw niya po. Baka di siya pumayag. Baka pagalitan lang ako. Baka-- baka-- baka is cow."

"Don't worry. I'll talk to him. Payag man siya o hindi. It's still your decision. Gawin mo kung anong gusto mo. Gawin mo kung saan ka masaya. I'm here to support you.. Always." Sabi ni mom at muli akong niyakap ng mahigpit.

**********

Kinabukasan ay late na akong pumasok ng school. Eh kasi naman di ako nakatulog agad kagabi. Paano ang saya-saya ko kasi. Uwu! Di ko akalain na ganito kabilis mangyayari yung pinapangarap ko. Akala ko hindi ko na talaga maaabot ang pagiging isang detective.

Ang saya saya ko lang.. Naiiyak na naman ako jusko.

"Good morning maam!" nagulat ako nang batiin ako ni kuyang janito.

"Oi! Good morning kuyang janitor." Bati ko pabalik sa kaniya nang makasalubong ko siya sa hallway na nagmo-mop sa sahig. "Ay teka--" sabi ko at may kinuha sa bag. "Dahil good mood ako, ibibigay ko 'to sa'yo." Sabi ko at ibinigay sa kaniya yung lunch box na inihanda ko kaninang madaling araw. Bukod sa matagal akong natulog, maaga naman akong gumising. Bale nag prepare ako ng tatlong lunchbox. Isa kay Sheena at dalawa sakin syempre pero dahil mabait si Kuyang janitor, sa kaniya nalang yung isa hehe.

"Wow! Salamat dito maam! Sana good mood kayo araw-araw!" Sabi niya sa akin.

"Hindi naman na yata tama yun kuya." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Hahaha joke lang po maam. Pero maam-- late na kayo ah?" Sabi niya sa akin sabay tingun pa sa relos niya.

"Oo nga eh. Antagal ko kasing nagising. Pagkatapos kong magluto niyan nakatulog ako ulit. Hehehe" sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Eh bakit di po kayo nagmamadali? Kalmang-kalma lang kayo ah?" namamanghang sabi niya sa akin at pinasidhan pa ang kabuuan ko.

"Syempre naman kuya. Kahit naman magmadali ako late parin naman ako. Pag nagmadali ba ako di na ako male-late?" sabi ko sa kaniya at ntigilan naman siya.

"Oo nga no? Sa susunod na male-late ako, di na rin po ako magmamadali hahaha! Salamat sa advice maam!" Sabi niya at sumaludo pa sa akin.

"No problem kuya. Babye!" sabi at agad nang umalis.

--

"So vertebrates and invertebrates are both.." Shet! Si Vertebrates pala guro namin ngayong oras na 'to.

Araw araw kasi ay iba-iba ang oras ng mga subject namin. Ewan ko lang ba't ganiyan kagulo yung sched nila. Pero pakening shet! Ako na naman pagbubuntungan ng galit ng matandang ulupong na 'to.

Naisip kong sa likod na pinto nalang ako dumaan para hindi niya ako mapansin. Bale dalawa kasi ang pinto ng classroom dito sa amin. Isa na derecho sa harap tas yung isa sa likod. Entrance at exit kung ganun.

Agad akong gumapang ng mabilis papunta sa upuan ko nang biglang---

*boogshh*

Napatayo ako sa gulat. "Sinong nambato sa akin ng eraser?!" Inis kong sabi sa mga kaklase kong nakatingin na sa akin.

Umugong bigla ang malakas nilang tawanan.

Aba't pinagtawanan pa ako ng mga walangya..

"Ahh-- walang aamin ha!" Sabi ko at pinulot yung eraser sa sahig.

"Ako." Nanlaki ang mata ko nang magsalita si Vertebrates sa harap at naglakad papalapit sa akin. Sunod-sunod naman akong napalunok.

Jusko.

"A-ahh he he he k-kayo pala vertebrates este Miss Merlinda." Sabi ko at nagpeace sign pa sa kaniya. Inunat ko ang kamay ko at inabot sa kaniya yung eraser niya pero tinignan niya lang ito. Nakatayo na siya ngayon sa harap ko.

"A-Ang ganda naman nitong eraser ninyo Maam hehehe. Ang bago-bago pa nito oh tapos itatapon-tapon n'yo lang? Naku wag ganiyan maam, dapat marunong parin tayong magpahalaga ng mga gamit kahit---"

"Get out!" Sigaw niya at halos malanghap ko ang hininga niya sa ginawa niya.

"Eh maam, kakapasok ko lang eh.." nakanguso kong sabi.

"I said get out!" sigaw na naman niya at tinakpan ko na talaga ang ilong ko.

"Maam naman--" reklamo ko habang nakatakip sa ilong.

"Lalabas ka o drop out ka sa subject ko?" sabi niya at nanlaki naman ang mata ko.

"Sabi ko nga po lalabas nalang." Nakanguso kong sabi. "Eh itong eraser hindi mo ba--"

"Sabi ko LABAS!" Sigaw niya ulit at tinalsikan pa ako ng laway. Leche ang isang ito ah! Aish!

"Okay fine! Di kailangang sumigaw!" Inis kong sabi sabay punas sa mukha ko.

Maco-COVID pa yata ako nito. Jusko. Isasauli ko lang naman yung eraser niya eh. Kung ayaw n'ya edi wag! Di kailangang manalsik ng laway!

Naghanap ako ng mauupuan sa gilid ng hallway. Para doon maghintay na matapos ang oras ng matandang ulupong na 'yun.

Inis kong kinuha ang panyo ko sa bulsa. Nag spray ako ng alcohol at uminom ng vitamin C. Charrot.

"Eh maam-- naghanap lang naman po ako sa google eh tsaka may mga binago naman ako. Di  ko naman kinopya lahat." Dinig kong sabi ng isang lalaki sa kabilang classroom. Classroom na katabi ng classroom namin.

"Kahit na, maaari parin iyong tawaging plagiarism, Vincent." Sagot nung guro.

Hayss.. Sana lahat ng guro katulad niya.. Di katulad ni Vertebrates ang bilis ma high blood kala naman niya kinaganda niya.

"Pag hindi galing sa iyo yung ideya, kahit may idinagdag ka man, pag-aangkin parin iyon. Hindi mo iyan pwedeng angkinin. Ano nalang ang sasabihin sa iyo ng totoong taong may ideya ng bagay na yun? Pwede ka niyang kasuhan sa ginawa mo."

'Pag hindi galing sa iyo yung ideya, kahit may idinagdag ka man, pag-aangkin parin iyan.'

Biglang pumasok sa isip ko yung lalaking nakausap ko kahapon.

**

'Tss liar'

'Siya ang nagpakidnap sa alaga niya.'

**

**

'Nagsisinungaling po siya..'

'Siya po ang nagpakidnap sa bata'

**

**

'Inspector Will heard about what you did.'

'And he's offering you to have a training as a DC on their team.'

**

P-pag-angkin? Pag angkin ba yung ginawa ko?

---

"WOI!"

"Ay kabayong Sheena!" Gulat kong usal at inis na tinapunan ng tingin si Sheena na kakarating lang. Nakasimangot naman agad siyang umupo sa tabi ko.

"Grabe ka namang gaga ka! Hahaha sapakin kita eh!" Sabi ni niya at dinambahan ako.

"Ba't ba ang tahimik mo tsaka ang lalim ng iniisip mo ah? Di ko masisid." Sabi niya at tumawa na naman.

Tinignan ko siya at pinagkunutan ng noo.

"Paano yun nasisisid?" Tanong ko at nakatanggap naman agad ako ng batok mula sa kaniya.

"Sige mambatok ka pa!" Inis kong sabi at inirapan siya. Bwisit! Nagtatanong ka ng maayos tas babatukan ka. Matinong tao ba gagawa nun ah? Sabagay di naman pala tao tong si Sheena. Tch!

"Ano ngang iniisip mo?" tanong niya ulit sabay kuha sa chichirya ko.

"Sheena.." Sabi ko at hinarap siya na may naluluhang mata. "May inangkin kasi ako." ngumuso ako.

"Hoi babae! Angkinin mo na ang lahat wag lang ang Benedict ko--- " agad ko siyang bintukan sa sinabi niya.

"Gaga ka! Anong Benedict pinagsasabi mo?! Unang-una hindi ko aagawin sa'yo yung unggoy na 'yun. Walang may gusto dun ikaw lang." inis kong singhal sa kaniya. Pag kausap ko itong si Sheena, wala sigurong araw na hindi ako naiinis sa babaeng ito. Napakagaling manira ng mood.

"Eh kasi naman nakakabigla yung sinabi mo. Sino ba kasing inangkin mo?" Tanong niya sabay inom naman sa juice ko.

Ikinuwento ko sa kaniya yung nangyari kahapon. Mula dun sa kidnapan na nangyari, dun sa lalake, dun sa inamin ko sa police station at doon sa offer ni Inspector Will.

"Oh? Wala namang masama dun eh.. Tama naman yung ginawa mo. Anong pag-aangkin dun? Tss." nakangiwi niyang sabi sa akin.

"Eh kasi hindi nga sa akin galing ang ideyang yun. Wala nga akong alam dun eh kasi bobo ako." nakanguso kong sabi sa kaniya at dumukot sa chichirya ko pero napansin kong wala na itong laman. Aish! Inis ko naman itong binato sa gaga. Salbahe!

"Hays Tine. Wala kang inaangkin. Ginawa mo yung tama. Isinumbong mo yung bagay na nalalaman mo. Hindi naman pag-aangkin yun gaga ka talaga!" sabi niya sa akin.

"Eh kasi naman Sheena eh. Yung offer kasi ni Inspector Will. Akala niya kasi, ako talaga yung nakabisto nung ginawang panloloko nung babae. Pero hindi naman.. Ano nang gagawin ko?!" Naiiyak kong sabi sa kaniya.

"Oh? Edi tanggihan mo. Yan lang naman pala problema mo, pinapalaki mo pa. Tsk!" Sabi niya sa akin at inirapan ako.

"Eh yung offer kasi.. sayang naman. Alam mo namang pangarap ko talaga maging detective diba? Tapos ito na nga, dumating na. Paano ko pa tatanggihan ha?!" Naiiyak kong sabi at niyugyog siya sa balikat.

"Tine. Minsan kasi kailangan gamitin ang isip. Sige ilagay natin na tatanggapin mo yung offer. Ang tanong, kaya mo ba? Hindi ka ba mapapahiya lang pag nagtrabaho ka na bilang detective? Kasi ikaw na nga nagsabi na bobo ka este-- na wala kang alam at hindi galing sa iyo yung ideya na sinabi mo sa mga police kahapon." pagpapaliwanag niya.

"Tatanggihan ko ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Ikaw mag desisyon niyan. Kung sa tingin mo kaya mo. Edi tumuloy ka, sayang naman kasi talaga eh."

"Waaa mas lalo mo lang pinapagulo eh." sinamaan ko siya ng tingin. Sarap iumpog sa mesa ng babaeng ito. Grr!

"Hay Tine, basta kung alam mong kaya mo, then go. Pag hindi, let go! Parang pag-ibig lang kasi yan.. Pag di mo kayang masaktan, wag kang pumasok sa mga relasyon. Pero kung sa tingin mo naman may lakas ka para tanggapin lahat ng sakit na pagdadaanan mo, edi gora, di baleng masaktan basta may jowa--- aray naman gaga ka! Tinutulungan ka na nga nambabatok ka pa!" singhal niya sa akin at agad na hinimas ang parteng binatukan ko.

"Tch! Pasasalamat ko yun, gaga ka rin." natatawa kong sabi.

Nagtawanan nalang kami pero ang totoo, gulong-gulo na talaga ako.

Aish! Ang hirap magdesisyon.

**********

"G-good evening po Inspector Will." Sabi ko nang makapasok sa loob ng departamento.

Yumuko ako sa harap niya bilang paggalang.

Napalingon rin sa akin yung nga detective sa loob kaya nag bow rin ako at ngumiti sa kanila na nginitian din naman nila pabalik.

"Ikaw yung anak nina Natasha at George diba?" natutuwang tanong niya at tumango naman agad ako.

Pag wala sila sa trabaho, sa normal na pangalan lang sila nagtatawagan pero pag nasa trabaho daw kailangan talaga gamitin ang detective bilang paggalang. 'Yun ang nabasa ko sa notebook ni Mom hihi. Nangingialam kasi ako minsan.

Pinaupo niya ako sa upuan na nasa tapat niya saka nakangiti na naman akong hinarap.

"Nagpunta po ako rito Inspector dahil doon sa offer ninyo sa akin." Sabi ko at pilit na ngumiti pero sa loob-loob ko ay parang nag aaway na ang small at large intestine ko.

"Oo, naalala ko nga." sabi niya sa akin at tumawa na naman. Napaka palatawa naman ni Inspector. Sana ol. " Ikaw ang kauna-unahang babae sa constable team kung sakaling papayag ka sa offer ko." Sabi niya sa akin.

"Tinatanggap mo ba ang alok ko?"

Napalingon na naman sa akin yung mga detectives kaya nailang ako at nag-iwas ng tingin.

Ito na ang pagkakataon ko para matupad ang pangarap kong maging isang detective.

Pero--

"Pasensya na po Inspector pero, tinatanggihan ko po ang alok ninyo." Sabi ko.

To be continued..

___________________________________

A/n: Kindly drop your feedbacks on the comment section.

Next chapter