webnovel

Chapter 27:

Maaga akong nagising at ang saya ng aking araw sana lang tuloy tuloy na'to.Maaga akong pumasok sa University at himala maaga din pala nagsipasok ang mga ulupong.Mukhang puyat pa sila ah dahil sa mga hitsura nila.

"Good morning Queen"bati nila.

"Good morning din"wika ko sa kanila.

Umupo ako at nagulat ng biglang dumating ng maaga ang subject teacher namin at hingal na hingal.Siguro tumakbo pa to.At mukhang Importante eh.

"ATTENTION!!!"wika nito na dahilan para mapatingin kami lahat sa kanya.

"Lilipat ng University ang kabila at dito sila lahat lilipat."

"Ano!!!Hindi ako makakapayag na dito sila lilipat,"galit na saad ni Zack at nakakuyom pa ang kamao nito.

"Wala na tayong magagawa Zack.Biglaan din at pumayag na ang Dean.Kaya Section Z maglinis kayo ng buong school at wala ng klase"wika nito at pagkatapos ay umalis din agad.

"Nice,nice walang klase pero nakakainis kami lang ang maglilinis sa school?Aba ang daya nun ah.Ang unfair!!"wika ko na ikinatingin nila.

"Yehey wala ng klase!!!"sigawan ng mga Ulupongs na para bang mga bata.

Pero si Zack nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit at poot.

"Hindi ako makakapayag na dito sila papasok.Mga walang hiya!Hangga't walang hustisya hindi sila pwede dito!"sigaw ni Zack habang binalibag ang upuan na dahilan para mapatingin kami lahat sa kanya.Kita sa kanyang mga mata ang galit na nadarama.Walang nagtangka sa mga kaklase kong demonyo.Himala na lang kung maging anghel pa sila.Kaya ako na lang ang lumapit at niyakap ko ng mahigpit si Zack.

Naalala ko kasi ang turo sakin ni Mommy na yakap lang ang pampakalma sa mga taong ganyan o di kaya naman ay hagod ganun.Kahit na may pagkademonyita ako nakikinig naman ako sa mommy ko.Aba upgraded na din kaya ako demonyitang anghel na.

"Tumigil ka na Zack please"mahinahon kong saad habang nakayakap pa din sa kanya.

"U---uyyy si Arra lang pala ang makakapagpakalma kay Boss"pang-aasar ng mga demonyito.

"Ayieee ship,ship,ship,ship!"hiyawan nila.

"Anong ship na pinagsasabi niyo diyan?Banca ako no,duh!"

'Ship daw mas better pa ang banca uy'.

"Tangek ang ibig naming sabihin bagay kayo.Bibigay ka din Queen Arra kay Boss Zack,"wika ni George.

"#TEAM ZARA LANG MALAKAS"saad naman ni John.

"Hays ship ship pa kayo eh lulubog din naman.Bangka kasi.#BANCA LANG MALAKAS BLEE"para kung bata na sabi para magsipagtawanan sila at gayundin si Zack.Inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Sana all niyayakap"pagpaparinig naman ni Calyx.Jusmiyo na batang to nagseselos.

"Wala lang yan kaya wag kayo mag-isip ng kung ano ano diyan"wika ko.

"Aba'y ang defensive mo naman,"saad ni Edrix the hugotero.

"Ang defensive nga pero natalo pa din sa pag-ibig mas pinili ba naman ang lalaking di naman sya kayang ipagtanggol at sasaktan lang siya.Nandito naman ako ngunit bakit kulang pa din sa kanya,"dagdag pa nito.

Ayan na naman po siya humuhugot na naman.Hays pag-ibig nga naman.Teka bakit puro pag-ibig eh ako nga ang daming ex pero di ko sila iniisip pake ko sa kanila eh madami pa dyan duh.Hindi deserve ng babae na maghabol sya sa lalaki hindi sya aso para manghabol at mamalimos ng atensyon.Hays teka nga nahahawa na din ako kay Edrix jusmiyo bayrus nga.

Humarap ako kay Zack at bigla niya akong hinawakan na aking ikinagulat.

"Thank you Arra"wika nito at ngumiti pa.

Teka tama ba tong narinig ko?Si kingkong nag thank you at ngumiti pa sa kin?Baka mamaya panaginip lang to ah.Pinisil ko ang sarili ko para malaman kung panaginip ba o totoo.

'Ang saket totoo nga!'

"Someone's POV"

"Madam?Sure ka na ba na aalis na tayo?"

"Oo bakit?"

"Akala ko ba sa katapusan pa bat napaaga yata"

"Ayoko na patagalin pa no.Tsaka excited nako na makita si Zack no."

"Buti na lang malakas si Daddy sa Dean ng kabilang University.Mas maraming babae mas exciting.Kaya humanda ka na Arra saking pagbabalik.Mapapasa akin ka din MY ZACK"

.....

Matapos ang kadramahan eh isa isa kaming nagsilabasan para simulan na maglinis.

"Ang unfair!!!Bakit tayo lang ang maglilinis?"sigaw ko at nagsigayahan din ang lahat.Kaya tuloy parang may echo.Maagang nagsiuwi ang mga estudyante kainis ah kami na naman ang naiwan.

Pero ayos lang kasi nag-eenjoy naman kami.Para kaming mga bata na nakawala dahil nagsilaruan ba naman.Sa totoo lang ang saya nila kasama.Sila yung kaklase ko na parang kapatid ko na din kahit na araw araw nila ako inisin ayos lang dahil ako naman ang nananalo sa kanila.Classmate ft. Tropa ft. Kapatid.At ayoko mawalay sa kanila o kaya naman lumipat ng section.

May kanya kanya kaming team.Hinati kasi namin sa apat ang lahat so di bale tig anim na grupo kami.May kanya kanya kaming mga toka kaya ayos na yan para mas mapadali ang trabaho.

Si Zack,ako,Clyde at Aries ang kasama ko.Lilipat sana ako kaso alam ko na magkakagulo kaya hayaan ko na lang muna.Nagsipuntahan na ang lahat sa kani kanilang toka ang lahat.

Habang naglilinis ako merong mga nakaharang.Yes,mga ito na naman ang mga power puff girls.Make up make up pa eh di naman bagay sa kanila.

Sakit na naman sa ulo.Mas masakit kapag walang ulo.Gulo na naman ang gusto ng mga to.Kung kailan good mood ako saka pa sila gagawa ng gulo.Pwede bang ireschedule na lang?Sa susunod na araw na lang wag muna ngayon.

"Oh anong ginagawa niyo dito?"matapang kung pagtatanong sa kanila.At wala sa bokabularyo ko ang pagiging duwag duh.Ako pa na walang inaatrasan sa laban.

"Bakit masama?Lilipat na kami bukas kaya natural lang na bisitahin namin ito no"pagtataray ng lider nila.

Ang kapal kapal ng make up di naman niya ikinaganda.Aba mas maganda pa ako sa kanya at cute pa duhh!

"Nakikita mo na naglilinis pako dito.Kaya wala,tumabi ka nga dyan!"habang nagwawalis.Ayoko muna ng gulo pero kapag kailangan lalaban ako aba'y wala sa bokabularyo ko ang matalo no.

Nagsitabihan naman sila mga aso nga masunurin sa amo eh.

"Sinabi ko ba na talikuran mo ako?"galit na saad ng lider.

"Sinabi ko din bang hindi ako tatalikod?Ha?"balik ko sa tanong niya.Wow ako pa ba.Sabay talikod ulit eh nagwawalis ako eh.

"Ang bastos mo ah"sabay hila saking magandang buhok.

Ang sakit ah humanda ka saking bruhildang Clown ka!

"Aba gusto mo talaga ng away ah!Sige pagbibigyan kita"sabay ganti sa kanya.Sabunutan pala ah sige ba game ako dyan.Hinila ko rin ang buhok niya at ang mga kasama niya eh nanonood lang at gayundin sila Zack.

Tutulungan sana ako ni Aries ngunit pinigilan ng Kingkong.Aba kung kailan kailangan ko ng tulong saka pa di tutulungan.Humanda talaga kayo sakin kung sa bagay laban ko to kaya it's my turn and time.

Gumanti din ang bruhilda pero di ako papatalo no kaya naman nangarate nako.Buti na lang marunong ako kaya safe ang buhok ko ngayon.At hinila ko ng malakas ang buhok niya ang haba ba naman.Ayan kasi pahaba pa more ng buhok.

"Oh sino satin ngayon ang talo?"

"Humanda ka bukas!Hindi pa tayo tapos."At tinulungan siya ng mga kasama niyang kapwa clown na itayo dahil napaupo siya sa ginawa ko.

"Hoy for your information walang TAYO!"

"Bakit wala naman talagang kami ah?"

Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko.Aba ang mga walang hiya di man lang ako tinulungan.Pinanood lang pala ako sa laban.

"Anong pinagtitingin tingin niyo diyan?Linis na tapos na ang palabas!"

At nagkanya kanya na naman ulit.At pagkatapos nun ay nagsipaglinisan na naman kami.Sinapian ata ako ng anghel kaya naglinis na naman.

To be continued...