webnovel

Kapitulo 2: Dear Doctor Heart

"Kumain ka na." alok ni Wiz.

Kinuha niya ang arroz caldo upang iabot kay Francis. Buong araw na siyang matamlay at hindi kumakain kaya nag-aalala na sila.

"Ayaw ko..." mahinang sinambit niya. "Ang sakit-sakit ng puwet ko. Baka kapag natae ako, lumabas pa ang bituka ko."

"Gasgas lang 'yan. Naturukan na kita ng anti-tetanus at pinainom ng antibiotics. Mga dalawang araw lang, aayos na ang pakiramdam mo." paniniguro ni Wiz.

"Uuwi na ako pabalik sa Tsina. Hindi yata ako nararapat na manirahan dito." may bahid ng pagtatampong sinambit niya. "Bakit kasi sinama niyo pa ako?"

"Kadarating mo lang, pagkatapos ay aalis ka na?" naiinis na tinanong ni Uno. Napalabas pa siya kaagad sa banyo pagkatapos umihi dahil na-highblood siya sa nabanggit ng pinsan."Tanggalin mo na nga sa kukote mo ang pagbalik dahil hindi na mangyayari iyon!"

"Kalma lang. Nilalagnat na nga siya." pagpigil na ni Wiz upang hindi na mas mapagalitan si Francis.

Masama ang loob niyang tinalikuran ang mga kausap. Nagdaramdam pa rin siya dahil sapilitan na dinala sa ospital nang mapansin na inaapoy siya ng lagnat kanina pang madaling-araw. Kahit na anong paliwanag niya na simpleng lagnat lang iyon ay tumawag na pala sa 911 si Mike upang madala siya ng ambulansya sa ospital.

Pumasok ang isang poging doktor na may pagka-chinito rin ang mga mata. Sa unang tingin ay medyo intimidating ito dahil sa pormal nitong kilos at pananamit. Katulad ng ibang lalaking Semira, siya rin ay naulanan ng kagwapuhan. Makinis ang kayumanggi niyang kutis at maganda rin ang built ng katawan. Dahil sa lakas ng kanyang appeal, noong teenager pa siya ay pansamantala siyang nagmodelo sa Giorgio Armani at Versace.

Huminto siya dahil he's too hot to handle. Nagsawa na siya sa kaka-pose at project sa camera.

At, bitter siya dahil iniwan siya ng nobyang modelo rin at nagtungo sa America upang subukan ang Hollywood. Dahil doon ay ayaw na niyang pasukin muli ang mundo ng fashion.

Minabuti na lang niyang mag-aral ng medisina katulad ni Wiz. Kasalukuyan siyang residenteng doktor na specialization ang internal medicine sa ospital na pag-aari nila. Nais kasi niya na maging cardiologist pagkatapos ng kanyang residency dahil hilig niya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa puso.

Mapatotoong puso man na tumitibok o heart to heart talk pa, handang-handa siyang makinig at makatulong.

Ang tawag nga sa kanya ng mga hospital staff ay "Doctor Heart".

Siya ay ang nakatatandang kapatid ni Mike na si Luis. Hindi nalalayo ang edad niya kina Wiz at Uno na nasa late twenties na.

Lumapit siya kung saan nagmakaktol pa rin si Francis.

"Mike..." nakangiti niyang pagbati muna sa bunso.

"Hi, Kuya!" pagkaway niya sa kapatid.

"Kumusta?" pagbaling naman niya ng atensyon sa pasyente. "Long time, no see!"

Lumingon si Francis at pilit na ngumiti bilang tugon.

"Anong nangyari sa iyo?"

Nanatili siyang tahimik at nagkunwaring natutulog na lamang upang hindi na masundan pa ng mga katanungan.

"Nilalagnat e." pagsagot na ni Wiz para sa kanya.

"Lagnat? Sana pinainom mo na lang ng paracetamol."

"May nangyari kasing hindi kaaya-aya." Inakbayan na ni Wiz si Luis upang mag-usap ng masinsinan at hindi na mapahiya pa si Francis. "Discreet na lang, Brad. Pina-x-ray at pina-test ko siya..."

"Inuubo ba siya? O nabalian ba?"

"Hindi...huwag kang mabibigla ha...natusok kasi siya...ang duda ko may naiwan na alambre pa sa anus at naimpeksyon."

Wala pang isang segundo na nabanggit ni Wiz ang sitwasyon ay napabulalas na ng tawa si Luis. Halos maluha siya sa paghalakhak dahil sa nangyari sa pinsan.

"Anong nakakatawa?" nakasimangot na pag-uusisa ni Francis. Umupo siya at tinignan ng masama ang doktor.

"Umamin ka na!" pagbibintang ni Luis. "Nag-eeksperimento ka ng mga bagay na maaaring ipasok sa iyong puwet!"

"****!* napamura si Francis kahit na hindi niya nakagawian iyon. "Hindi ko gagawin 'yun! Aksidente ito!"

"Huwag ka ng mahiya. Marami naman akong kaso na ganyan. May insidente lang kahapon na pinasok ang buong bote ng Ginebra sa puwet niya! Ayun, sa operating table ang bagsak niya! Hahaha!" Kinuha niya ang telepono sa mesa at pinindot ang numero sa nurse station. " Nurse, pakidala nga 'yun resulta ng x-ray at lab results dito sa Room 101!"

"Naku, Doc. May beinte pa po na nakapila. Yun isa nga po, lampara ang pinasok kaya nagliyab. Emergency."

"Paki-next in line ito." binilin niya. "Pinsan ko ang pasyente. Si Francis Mico Semira."

"Sige po, i-check ko po kung available na."

Umupo si Luis sa higaan ni Mike pagkatapos niyang kausapin ang nurse. Kinumusta niya ang byahe nila sa probinsya ng Miao-miao.

Nagtungo kasi sila roon upang makiusap sa duwendeng nagsumpa sa mga kalalakihang Semira na maging sawi sa pag-ibig. Nais sana nilang matanggal na iyon dahil sawang-sawa na sila sa kamalasang nararanasan nila.

"Success ba na matanggal niyo ang sumpa?" excited niya na naitanong. "Hindi na ba tayo masasawi sa pag-ibig?"

"Oo na hindi, Kuya." tugon ni Mike.

"Ang gulo." Napakamot siya ng ulo sa nabanggit ng kapatid.

"Ganito kasi. Pumayag si Miss Elf na palitan ang sumpa pero kailangan daw naming makahanap ng babaeng mamahalin namin sa loob ng isang taon."

"Isang taon? Madali lang 'yan!" Kinuha ni Luis ang cellphone sa bulsa at pinakita ang isang "dating" app. "99.99% success rate daw 'yan. Maari niyong subukan!"

"Sinungaling 'yan! 99.99% success? Siguro sa malilibog! Mahigit isang buwan na kaming naghahanap diyan at ang mahal pa ng binayaran ko. Porn site yata 'yan. Puro lawlaw na boobs ang nakikita ko. May naka-post pa na mga nudes ng lalaki. Nagpo-pop-out bawat minuto. Nakakadiri!" nangingilabot na pinahayag ni Uno.

"Ganoon ba? Buti hindi ako nag-subscribe! Makahanap nga ng iba." Nanghihinayang na in-uninstall niya ang nasabing app. Kumurap-kurap siya at napaisip. Maya't-maya ay isang pilyong ngiti ang nasilayan sa kanyang mukha. "May nudes ba ng magagandang babae?" curious na naitanong pa rin niya.

"Loko ka!" natatawang sinagot ni Uno.

"Nandito kapatid mo, ulol!"

"Biro lang! Good boy kaya ako."

"Kuya, hindi ba mahuli ka ni Mama na nanood ng pelikulang "Kangkungan sa Madulas na Talahib" noong trese anyos ka pa lang?' pagri-reveal ni Mike na labis na kinagulat nina Uno, Wiz at Francis. "Pagkatapos, noong kinse ka, ninakaw mo ang nakasabit na bikini ng kapitbahay kaya napatawag ka sa barangay? Noong sixteen ka nam-"

"Kailangan mo pa talagang ikuwento?" hiyang-hiya na pinigilan niya na magsalita pa ang kapatid. Pinilit na niyang ibahin ang usapan dahil alam niya na marami pang nalalaman si Mike.

"Kangkungan sa Madulas na Talahib?"  masayang napabulalas si Wiz. "Napanood ko rin 'yun. Hahaha! Tinakas ko pa sa kwarto ni Dad ang CD na pinakatatago-tago niya! Nakita mo ba? Pink na pink-" Tinakpan na ni Uno ang bibig nito dahil batid niya na SPG na ang susunod na mga salita at hindi dapat marinig ni Mike.

"Pweh!" nandidiri na napareklamo si Wiz nang dumampi ang palad ni Uno sa mga labi nito. "Malinis ba ang kamay mo?"

"Teka. Nakalimutan ko palang maghugas kanina noong umihi ako." naalala niya bigla. "Sorry 'Tol, excited akong pagalitan si Francis kanina kaya napalabas ako ng banyo kaagad."

"Yucky!" Pinunasan ni Wiz ang bibig gamit ang t-shirt. "Kaya pala lasang pineapple! Ano ba 'yan? Nakalasap ako ng "Masangsang na Pinya sa Dalampasigan"!"

"Napanood mo rin 'yun?" naitanong ni Luis.

"Oo, may nakita rin ako na kulay pink." napatawa siya ulet ngunit nagpigil na. "Uy, huwag!" Sinagi na niya ang kamay ni Uno nang tangkain na tapalan muli ang bibig. "Mananahimik na ako! Mapapahilamos tuloy ako ng mukha ng ten times! Nasaan ang safeguard?"

"May eleven months pa naman kaya siguro naman, makakahanap na kayo ng nobya." pagseseryoso na ni Luis kunwari dahil iniiwasan na niyang may umumbok habang naaalala ang nakita nila ni Wiz na mga kulay pink. "Teka, ano bang mangyayari kapag nabigo kayo?"

"Magiging isang pulgada na lang ang ating pagkalalaki..." nakangiti pa na binalita ni Mike habang kinakain ang maasim at panat na ponkan na kasama ng hospital food, na para sana kay Francis.

"A-Ano?" namumutla na halos maisigaw ni Luis. "Hindi maaari! Pilitin niyong magka-girlfriend mula sa araw na ito, sa ayaw niyo man o sa gusto!"

Nang mga oras na iyon, si Doc ang mukhang may malalang kaso ng iron deficiency anemia at malapit ng mahimatay.

Next chapter