webnovel

KABANATA 10

Dumating na ang araw ng paghuhukom ah este digmaan . Tudogs. Tudogs. tudogs . Sabi ng puso ko sa sobrang kaba . Pwede pa bang mag backout? Kinakabahan na talaga ako promise . Nakahanay na kami ngayon sa kanya²x naming pwesto . Sa labas ng kweba sa malawak at naglalakihang punot mga halaman nagaabang na ang lahat . Pero hindi ko makita sa mga mukha nila ang takot o kaba . Bagkus nkikita ko yong determinasyon nilang magapi si Zafira at manalo sa digmaan . Kabalikta5an yon namin ni Maya . Dalawang puno lng ang pagitan namin at kitang kita ko sa mukha nya na kinakabahan sya . Gumawa ako ng maiit na tubig at binato yon sa kanya kaya napukaw ko yong atensyon nya . Nagthumbs up ako pahiwatig na wag syang kabahan kasi nga kinakabahan din ako. Mayapa napansin kung unti unti ng dudimilim ang langit kasabay nun ang paglitaw ng isang dragon

"Abante!!!!!!" sigaw ng mga lalaking paru . Ngunit bago pa man kami makatakboy bumaga ng napakalaking apoy ang dragon na agad namang naharang ng mga lapia na nagmanipula sa tubig at nagsilbing panangga namin. Nag pakawala ng malalakas na hangin ang mga sentelia kasabay ng malakas na tubig at naging isang malaking buhawi iyon na lumunod sa dragon. Nagsigawan ang lahat sa galak ngunit hindi p pala doon natatapos ang lahat sapagkat higit sa sampo ang mga dragong sumugod at sunod2x na bumuga ng apoy nagkanya kanya kami ng pwesto at gumawa ng palasong tubig na ginamitan ng mahika ni Catalena't naging crystal. Sa limang elementoy dalawa p lang ang sakop ni Zafira kung kayat ng malaman ng Kaharian ng Leberium ang planong pagsalakay ng kampon ni Zafira ay gumawa din sila ng hakbang at nagpartisipa sa digmaang nagaganap . Magaling sila sa pagmamanipula ng Crystal at pagkontrol ng tubig kayat malaki ang advantage namin sa laban ngunit hindi dapat naming maliitin ang mga mandirigma ng Darksebia malalakas sila at napakadami nila . Sabay²x naming pinakawalan Paitaas ang palasot nagmistulang makapal na ngebe iyon na tumama sa katawan ng mga dragon. Muli kaming umabante ngayoy mistulang mga aswang naman na nababasa ko sa aklat ang kasagupa namin napakarami nila . Nagtipon tipon kaming mga gumagamit ng Pana at gumawa ng pahabang hanay at sabay²x na nagpakawala ng palaso kasunod niyon ang rumaragasang tubig na muling sinabayan ng hangin na tumulak sa kanilang lahat . Sumugod kamit gumamit ng esapadat pinaghahati ang mga katawan nila sobrang bibilis nila kung kayat papalit palit ako ng sandata espada palasot sibat si Maya ang nagsilbing wizard ko ng mga oras nayon . Sya ang gumagawa ng pananggang tubig na mas eksperto syang gumamit . Nagtalikuran kami

"Ok kalang Rhem ?" hinihingal nyang sabi

"Ou . Basta tuloy mo lang yan. Sobrang bilis ng mga batsalom nahihirapan akong sabayan sila . Buti nlng nandito ka ."

"Pero Sobrang dami nila Rhem buti nalang talaga malalakas din ang mga kasama natin kung hindi knina pa tayo natabunan." Sagot nya habang patuloy parin kami sa pakikipaglaban

"tama ka . Pero si Troi napansin mo ba sya . Knina ko pa sya hindi nakikita" pagaalala ko . Nung bigla nalang me napakalaking aso ang tumalon sa harap kot kamuntikan na kaming malamon kung hindi dumating si Troi at pinutol ang ulo non. Grabeh . Sobrang kamuntikan na yon . Akala ko last day n ng buhay ko .

"Ayos lang ba kayo?" pagaalala nya

"Ou salamat"

Medjo madungis na mukha nya at halatang pagod na pagod na . Tumabi sya samin kaya tatlo na kaming nagtatalikuran na yon at patuloy na pinupuksa ang mga batsalom. Mas mainam na paraan toh para malaman namin ang kilos ng kalaban . Habang patuloy na umaabante ang mga lalaking paru . Nasa himpapawid naman ang mga sentelia katulong ang lapia na pinipigilan ang pagAbante ng mga nilalang na lumilipad na hindi ko mawari kung ano me mga buntot sila na kawi ng pagi at pakpak na haya ng agilat ang katawan e parang tigre.

"Bat nyayon kalang ?" tanong ni maya kay Troi

"Sobrang dami ng nakasagupa ko . Kanina ko pa gustong lumapit sa inyo pero hindi ako makaabante . Malalakas sila . Kung hindi siguro sa mahikang tinuro nila kung pano gagamitin tong bracelet wala na ako . Maya Kontrolin mo yong tubig susubukan ko uling gumawa ng maraming palaso Rhem akin ng Kamay mo"

"huh bakit ?" keme ko noh?

"Wag ka ng umangal hindi ito ang tamang oras ." hinawakan nyang kamay ko at lumikha ng napakalaking panang likha ng tubig .sabay naming hinila yon at nagpakawala ng halos isang daang palaso. Me buhay ang tubig . Masasabi ko . Kusa kasi yong tumatama sa target at nakakapagtaka na hindi tinatamaan ang mga paru o maging sino man na kaanib namin. Isa yon sa mga lihim na Mahika ni Catalena . Kayat hanggat maari hindi namin pwedeng ibaba ang guard sa kanya . Kelangan namin syang protektahan para umayon sa plano ang dapat maging resulta ng labanang ito. Ngunit nawala ang konsentrasyon ko ng makita ko si papa . Nakasakay sya sa isang pulang Dragon na umuusok ang pakpak kasama ang isang itim na diwata. Binitawan ko si Troi

"Papa,Papa!Papa!!!" sigaw ko pero parang hindi nyako marinig dahil sa ingay na likha ng labanan.

"Rhem syang papa mo?" si Maya

"Maya tulungan moko . Kelangan kung malapitan si papa "

"Aanong gagawin ko?"

"gayahin mo yong ginawa ni Catalena . Umangat tayo gamit ang tubig"

"Huh? Ah e sige itatry ko" sinubukan nya at gumana yon kayat umangat kaming tatlo.

"Anong pinaplano ninyo?" si Catalena hinarang nya kami.

"Si papa po yon . Nkita ko po sya kasama ng nung itim na diwata"

"Ang diwatang sinasabi mo ay si Zafira kayat hindi ko kayo hahayaang lumapit sa kanya ."pigil nya samin

"pero pano po si papa?"

"wag kang padadaig sa nararamdaman mo . Hindi mo kakayanin si Zafira. Bumalik na kayo sa pwesto nyo at ako ng bahala sa kanya "

"Tutulong po kami" si Troi

"Hindi maaari . Mas alam ko ang katangean ng mahikang ginagamit ni Zafira . Hindi ko magagawa ang nais ko kung magiging sagabal kayo .kayat sige nah . Bumalik kayo sa pwesto nyot ako ng bahala rito." Utos nya samin . Tiningnan ako ni Maya na parang sinasabing sumunod nalang kami. Tumango lng ako at dahan²x nya kaming nilapag.

"Rhem magiging ok lang ang lahat ang papa mo . Maniwala tayo sa kakayahan ni Catalena "

"Tama si Maya Rhem . At yong satin wag mo munang isipin yon . Maskelangan nating magtulungan . Team RTM Tayo diba lahat nasusurvive natin ng magkakasama " gusto kong isiping awkward or badoy namin ngayon tyaka me nalalaman patong RTM? Ano nmn yon Rhem,Troi&Maya?

"Tama! Kaya tara na! Ubosin na natin sila!" excited na sabi ni Maya

"Ano tara ?" pangungumbinsi ni Troi at ayon nagtakbuhan kami papunta sa mga kalaban .

"Humanda kayong mga batsalom uubusin namin kayo!" sigaw ni Maya nagpakawala sya ng malakas na tubig na parang tsunami at ginamit namin yon ni Troi para gumawa ng napakaraming palaso muli yong naging crystal at sa pamamagitan ng malakas n hangin ng sentelia kumalat iyon at isa isNg tumama sa mga batsalom unti unti ng nababawasan ang pwersa nila at napansin kung kasalukuyan ng naglalaban si Zafira at Catalena . Napansin kung humahaba ang sandata ni Zafira at parang buntot yon ng dragon na naglalagablab. Sobra akong nagaalala para kay papa . Pero sa ngayon kelangan kung magtiwala kay Catalena . Alam kung hindi nya hahayaang masaktan si papa. Malakas si Zafira nakikit ko yon sa bilis at lakas ng kidlat nyang sinasabayan ng apoy . Ngunit nasasalag nmn iyon ng Crystal na tubig ni Catalena . Kahit gamitin pa ni Zafira ang lupat batoy tinatapatan nya ito ng rumaragasang tubig at hagupit ng hangin. Nakakalula ang sagupaan nila sasobrang bilis ng kanilang mga kilos . Pareho na silang nakalutang ngayon sa hangin samatalang nasa iba²x nmn ang dragong nagbabantay kay papa .

" Maya kaya mo bang kausapin ang mga lapia? "

"Hala Gaga hindi . ano ako sea creature? Pero tinuruan ako kung pano sila papasunurin" tingnan moto

"yon nga yong gusto kung sabihin"

"Ahh e bakit?"parang timang parin talaga toh .

"Nakikita nyo ba yon, yon yong dragong nagbabantay kay papa . Tulungan nyokong makalapit don ?" turo ko kung san naroon si papa .

"No problem" sagot niya at suminyas kasunod ng paglabas ng lapia mistula yong liyon na may buntot na gaya ng isda at yong dapat mkapal na balahiboy palikpik sa kanya. Sumakay kami don para mas mabilis na makalapit kay papa . Sa tuwing bubuga yon ng tubig minamanipula namin iyon upang maging palaso iyon na syang pumupuksa sa mga nkaharang na batsalom.

"Maya kunin mo yong atensyon nung dragon para makalapit ako kay papa"pakiusap ko

"Ou sige pero pano ka?" pag aalala nya

"Me plano ako wag kang mag alala" sagot ko sabay kindat . Nangiti nmn yong babaeta

"Sasamahan kita"presenta ni Troi

"Hindi na mas kailangan ka ni Maya" pagmamatigas ko kayat sumangayon nalamang sila ,kinuha nila ang atensyon nung dragon kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makalapit kay papa . Matanda na sya . Medjo namumuti ng buhok at dry ang balat pero sa isip ko kamukha ko talaga si papa . Pareho kaming gwapo.choss baka me umangal' . Para syang balisa at nanghihina habang kinakalag ko yong tali sa kanya . Ano bang ginawa sa kanya ng Zafira na yon?

"S-sino ka?" natigilan ako dahil sa tanong nayon ni papa . Hindi nya bako nakikilala o namumukhaan manlang? Ano ba talagang ginawa nila sa kanya?

"Pa ako po to si Rhem anak nyo po " naiiyak kong pagpapakilala

"Rrhem ?Aanak ko? Ikaw nga ba talaga yan?" sobrang pagtataka ni papa

"Opo pa. 8 yrsold palang po ako nung iniwan nyo kami ni mama . 16 na po ako ngayon pa"paliwanag ko natapos ko ng kalagan si papa at agad nyakong niyakap ng mahigpit iyak na talaga ko ng iyak . SobrNg tagal kung hinintay ang pagkakataon nato na mayakap si papa . Mayapa kumawala narin sya at gaya ko may luha rin sa mga mata nya at nakita kung me galak sa mga mata nya

" Pero Papaanong nakarating ka rito?"

"Sa libro mo pa . Sinamahan ako ng mga kaibigan ko kaya nakarating ako dito . Pero mamaya na po tayo mag usap Pa sumama kayo sakin ilalayo po muna kita dito" agad nmn kaming tumayo ni papa prenotektahan ko siya gamit yong shield na gawa sa tubig habang nakela Maya pa ang atensyon nung dragon. Habang tumatakbo kami ni papa ay isa²x namang binubura ni Troi ung mga batsalom na papalapit palang samin kaya mabilis kaming nakausad ni papa . Agad ko syang dinala sa loob ng kweba at doon nagtago .

"Pa dito kalang po muna kelangan ko pong tulungan ang mga kaibigan ko" muli ko syang niyakap at iniwan na sya . Sa paglabas ko ng kweba ay dumating ang isang sentelia na syang naging bantay ni papa marahil pinadala yon ni Catalena . Kayat mas naging panatag ako ngayon. Ginamit ko ang bracelet para manipulahin ang tubig at lumikha ng tubig na pakpak para mas mabilis na makarating kina Maya.

"Rhem butit nakabalik ka agad ang kunat ng isang toh "bungad sakin ni Maya

"Rhem anong plano?" Si Troi

"Kaya mo pabang maglabas ng maraming palaso ?" tanong ko kay Troi

"Ou pero kelangan natin ng maraming tubig" sagot nmn niya

"Ito ba?" pagmamayabang ni Maya sobrang mangha ko naman nung tumambad sa harap namin ang napakataas na tubig

"Maya seryoso ?" ngumiti lang sya. Muling hinawakan ni Troi ang kamay ko at lumikha kami ng malaking pana . At sunod²x naming pikawalan sa katawan ng dragon ang d mabilang na palaso .malakas ang naging impact non pero hindi parin naging sapat para puksain yong dragon.

"Makunat nga Maya"

"Sabi ko sayo eh. "

"Ano ng sunod na plano " tanong ni Troi . Pero bago paman ako makasagot sumunggab na ang dragon at napinsala ang lapia na syang sumalag sa atake ng dragon. Bumagsak kami at yong isang paa ni Troi e naipit sa katawan nung lapia . Malakas ang impact ng pagkabagsak namin kayat medjo sumasakit ang katawan kot nahihilo ako at ganon din si Maya dahan²x kaming bumangon .

"Troi tutulungan ka naming makaalis jan . " hindi sya pwedeng mawala . Hindi p nga kami mawawala agad sya ?no way !. Hindi ko pa sya natitikman,choss

"Wag na Rhem aatake na naman yong dragon kelangan nyo ng makaalis " utos nya na tila nahihirapan na sa kalagayan nya

"Ano ka hilo? Hindi pwede .Maya tulungan moko . Iangat natin si Troi. " para namang sinabuyan si Maya at mabilis na rumisponde . Pilit naming inangat yong katawan ng lapia pero sobrang bigat . Anong gagawin namin . Nakita kung umindayog na yong dragon hudyat ng susunod nyang pag ataki .

"Rhem wag na kayong makulit . Umalis na kayo dito parepareho tayong mamamatay kapag hindi kayo nakinig"

"Ayoko . Hindi ka namin pwedeng iwan dito kailangan pa kita kaya please tulungan mo yang sarili mo.Maya iangat pa natin" pilit parin naming tinutulak yong katawan nung lapia pero halos hindi nga yon gumagalaw. Natatakot nako . Anong gagawin ko

"Rhem please "

"Troi tumigil ka nga . Gumagawa kami ng paraan para maialis ka dito kaya please tumahimik k nalang at magpursiging mailabas yang paa mo,Rhem isa pa " Inangat p namin pero ang bigat talaga .

"Maya nasubukan mo na ba sa sentelia?"

"Hindi pa pero itatry ko tinuruan nila ko sana gumana" sumipol sya ng malakas pero walang nangyare. Bumuga na ng napakalakas na apoy yong dragon papunta sa direksyon namin . Katapusan n nmin. Nagkatinginan nalang kami ni Maya . Pareho naming ayaw umalis . Hindi namin pweding iwan si Troi sama²x kaming pumunta rito kayat kailangang buo rin kaming makabalik kasama si papa.

Sheeeeeeeewwwww!!!!! Hagupit ng isang malakas na hangin At sinundan ng napakaraming palaso

Napaangat kami ng tingin at nakita kung si papa yon!

"Papa mo Rhem! Niligtas tayo ng papa mo!" si Maya na tuwang tuwa

"Ayos kalang ba anak?" sigaw ni papa mula sa itaas . Nakasuot rin sya ng kalasag habang nkasakay sa sentelia. Marunong din pala si papa? Malamang nauna sya samin dito e.

"Maya pwede bang alalayan mo ng tubig si papa ? Ako ng bahala kay Troi" yon nga ang ginawa nya . Nagpakawala sya ng rumaragasang tubig na tumama sa katawan ng dragon sinundan iyon ng malakas na hanging likha ng sentelia at nagmistula iyong ipo²x pilit kumawala ang dragon at sunod²x na bumaga ng apoy pero hindi sapat yon para makawala sya bagkus naging dahilan yon para lubos syang manghinat tuluyang mamatay . Agad na mang inangat ng sentelia ang walang buhay na lapia kayat tuluyan na ngang nakawala siTroi inalalayan ko sya habang protektado nmn kami ni Maya

"Ano nga yong sinasabi mo kanina?" anas nya habang inaalalayan ko syang makatayo .nagkatitigan kami pero saglit lng yon dahil ako n mismong umiwas

"Wwala . Ano bang pinagsasasabi mo?" pagmamaangan maangan ko

"Sabi mo kailangan mo pako?" sabi nyang nangingiting ewan . Para tong temang wala nmn lng pinipiling lugar . Kahit b nmn sa digmaan? (Pero deep inside kinikilig ako)

"Hindi yon ang sinabi ko. Ang sabi ko kailangan kapa namin . Nasa digmaan tayo nakalimutan mo na. Ang dami pangang kalaban oh"palusot ko sana umobra

"Ok?" sagot nya na parang duda . Tuluyan na syang nakatayo kaya back to reality kami.Tuloy parin ang digmaan at patuloy parin kaming lumaban hanggang katapusan halos dalawang araw din ang tinagal ng digmaan sa pagitan ng luthea at Darksebia ngunit natapos iyon sa resultang kami ang nanalo . Lubhang napinsala si Catalena sa sagupaan nila ni Zafira ngunit hawak nya nmn ngayon ang ulo nito. Nagsigawan ang lahat sa sobrang kagalakan sapagkat sawakas ay nagapi nila si Zafira at nabawi ang buong kaharian . Kinagabihay nagkaroon ng isang malaking salo²x . Ipinatawag nya kaming tatlo nila Maya tyaka Troi . Kasalukuyan kasi kaming nasa tent ko at masayang naguusap nila papa . Nung malaman naming pinapatawag kami ay agad kaming pumunta sa tent nya pero nagpaiwan lang si papa .Kasalukuyan syang nkaupo sa likod ng isang mesang mistulang salaming tubig . Me mga pagkain at prutas ding nakahanda roon .

"pinatawag nyo daw po kami?" Bungad kung tanong sa kanya

"Ou Rhem . Maupo kayo" aya nya samin sumunod nmn agad kami

"Nais ko lamang magpasalamat sa inyo dahil sa partesipasyon nyo sa naganap na digmaan . Malaki ang naging tulong ninyo upang magapi namin ang mga mandarigma ng Darksebia higit sa lahat si Zafira . Napakalaki na ng pinsalang tinamo ng bawat kaharian dahil sa kanyang kapangahasan ngunit ngayon na nagtatapos ang kanyang kasamaan . Wala na sya at wala naring manggugulo sa kahit anong nilalang na nabubuhay dito sa Luthea at maging sa ibang kaharian" mahabang talumpati nya

"Naku wala po yon maliit na bagay diba Guyz?" si Maya usyosera kasi to

"Ou nga ho tyaka kung hindi po sa mga sandatang pinahiram ninyo ganon narin po sa matinding training hindi po kami makakalaban" si Troi

"Tama ho . Nagpapasalamat din po kami kasi tinulungan nyo po kaming mabawi si papa don sa Zafirang yon"

"Tunay ngang karapat dapat lamang kayo na handugan ng mga sandatang iyan "

"Ho? Ano pong ibig nyong sabihin ?" usisa ni Maya . Nagkatinginan kaming tatlo

"Ang hiyas na iyan na suot ninyoy hindi ko na babawiin pa . Iyay magsisilbing pasasalamat ng buong kaharian sa katapangang pinamalas ninyo sa digmaan. Nais ko lamang na sanay pagkaingatan nyo iyan . At gamitin sa mabuti sapagkat ang mga sandatang iyan ay hindi nabuo upang gumante o kumitil ng buhay dahil lamang sa pansariling interes bagkus nilikha iyan upang ipagtanggol ang bawat naaaping nilalang" pagpapaliwanag nya .

"Ibigsabihin amin na po to?" si Troi halatang natutuwa sya

"Ou batang Tagalupa" matipid nyang sagot .

"Mis Catalena ibigsabihin din po ba nito Makakauwi na kami samin?" tanong ni Maya na bakas ang pagasa sa mukha

"Ou Maya . Ngunit sa ngayon magpahinga muna kayo at magpakasaya . Pagkatapos noy ako na mismo ang maghahatid sa inyo sa tarangkahan patungo sa mundo nyo"

"Yes!"sobrang tuwa ni Maya at nkipag aper samin ni Troi. Bago kami umalis ay pinakain nya muna kami hindi na kami nagpakeme pa syempre gutom narin kasi kami e. Pagkatapos naming kumain humingi ako ng pabor kung pwede magadala akonng para kay papa . Agad naman syang pumayag . Pagkatapos nun nagpaalam na kami.

Nagkakatuwaan ang lahat mistulang sumasayaw yong mga babaeng parung lumulutang sa ere . Naingganyo yong dalawa kaya nagpaiwan sila . Ang hilig din sa party e. Ako nmn hinatid ko muna kay papa yong pagkain nagkataon nmn na nasa labas sya nakaupo sa isang mesa agad akong lumapit sa kanya at binigay yong pagkain tinabohan ko narin sya at Nag kamustahan kami inalam ko ang naging kalagayan nya nung mga oras na bihag sya ni Zafira at sinabi nyang hindi naging madali iyon . Sobra syang nangulila samin at sa ilang taong bihag syay Ganon din ang hirap nya sa kamay ni Zafira . Ginamit sya nito upang gumawa ng npakaraming sandata kasama ng iba pang paru pra sa digmaang naganap . Pero kahit ganon ang nangyare ramdam kung masaya na si papa at nkikita ko yon sa mga mata nya. Sobrang saya korin kasi sa wakas kasama ko na siya at hindi kami uuwing bigo nila Maya at Troi dahil nailigtas namin si papa. Kinamusta nya rin sakin si mama kinwento ko nmn sa kanya ang naging buhay namin ni mama mula nung mawala sya. Nakita kung nangilid ang mga luha ni papa siguro sobra syang nagsisisi dahil sa sobrang tagal nyang nawala ay ganon din nya kami katagal n napabayaan . Humingi sya ng tawad sakin at gusto nya ring iparating ko yon kay mama nagaalangan syang bumalik dahil wala nasyang mukhang maihaharap pa kay mama. Pero pinainitindi ko sa kanya ang lahat na hindi kami galit sa kanya na kailan man hindi kami nagtanim ng galit sa kanya na kailangan parin namin sya lalo na ako .

Natapos ang paguusap namin na wla ng bigat sa loob ko o tampo na nabuo mula nung mawala sya . Ngayon naiintindihan ko na ang lahat sigurado akong ganon din si mama. Alam kung maiintindihan nya ang lahat hindi si mama yong tipong nagtatanim ng galit . Ngayon pat kasama ko na si papa siguradong matutuwa yon kapag nagkita na sila..

Nagulat naman ako nung bigla akong hilahin ni Maya . Tumingin ako kay papa at ngumiti lng syat tumango sinyalis na ok lang .

"Aray bruha .! Bka madapa ako hoy dahan²x naman" reklamo ko Binitawan nya naman agad ako .

"Sayaw tayo bakla .!" para namang nagpanting tenga ko

"Sira hindi ako bakla . Bi lang ulit ulitin ko pa ?pag narinig ka ni papa tatampalin talaga kita" inis ko

"Hala sya an layo na natin sa papa mo oh..tyaka Masyado kang depensive . Bakla bading bisexual what ever you are sayaw na tayo . Wag ka nang maarte . Sorry nalang ok?" paliwanag nya

"Ou na . Pero wait naiintindihan mo ba yong tugtog nila?" Pagtataka ko . Kasi hindi ko magets e. Basta me bit hindi kolang maintindihan yong sinasabi

"Shonga hindi . Sumabay k nalang sa bit . Namis ko to girl!!" gigil nya . Landii tlaga ng bruhang to? Habang sumasayaw kami. Pumasok nmn sa isip ko si Troi

"Hoy Maya diba magkasama kayo ni Troi? San nayon?"

"Uiy sya. Hinahanap..??" pangaasar nya.

"Sira natural baka mamaya me naliligaw pang batsalom jan tas atakihin yon mapano pa yon?" pagaalala ko . Seryoso nmn ako e . Bat ba binibigyan ng ibang kahulugan yon ni Maya. Tss😒

"Worried (✔),Hinahanap(✔)" asar nya pa parang timang toh

"Hoy anong ginagawa mo ?"

"Wala! Ang OA mo na kasi . Parang nawala lang saglit yong tao ? Alam mo kasi kung ako sayo umamin kana . Crush mo din nmn sya diba ?" pangungulit nya pa

"Hindi noh?" tanggi ko

"Pakipot(✔)"

"loka²x ka talaga noh?"

"para ka kasing ewan . Ayon sya oh kausap nung papa mo" turo nya don sa direksyon kung san ko iniwan si papa . At totoo nga magkausap nga sila . Mukang seryoso yong dalawa ano namang kayang pinaguusapan nila? Pero Hindi nako nagusisa pa .nagpakasaya nalang kami ni Maya buong gabi .pagkatapos naming sumayaw nagpasya akong umupo muna sa me mesa malapit sa tent ko ayaw ko pa kasi sanang pumasok at balak ko lang sanang magpahingin muna . Pero hindi ko namalayan na nkatulog na pala ako .

Next chapter