Apat na araw na kaming naglilinis ni Shiro sa buong dorm pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na kami ang natalo. Dalawang flag lang ang nakuha namin samantalang ang kabilang grupo ay tatlo. Mas lalong hindi katanggap-tanggap ay hindi namin pinag-usapan ang consequences na nakuha namin pagkauwi namin galing gubat. Shocks! Nilinlang lang kami ni Kuya! Naalala ko pa ang sinabi niya habang nakangisi.
"Congratulations to all of you, guys but sad to say, we will not talk about the consequences you've made right now. Pinag-utos iyon ng aking nakakatandang kapatid na siyang namumuno rito. Magpahinga na rin daw kayo pagkatapos niyong kumain. Bukas na bukas magsisimula nang maglinis ang natalong grupo. Hope you enjoy the cleaning!"
Anong nakaka-enjoy sa paglilinis aber?! Nakakainis talaga! Hindi ko alam kung magtitiwala pa ba ako kina kuya.
"Lyka, ako na maglilinis ng CR. Magpahinga ka na muna," rinig kong sabi ni Shiro nang papalapit na siya sa 'kin.
"Hindi na. Ako na maglilinis. Ikaw na lang bahala sa mga malalaking bintana sa sala." Tuloy-tuloy lang ako sa pagma-map nitong sahig sa kusina. Sankatutak na butil na ng pawis ang nilalabas ng katawan ko mula kaninang umaga. "Anong oras na ba?"
"1 pm."
"Tsk." Kailan kaya ito matatapos? Aish!
"Xynon, gusto mo ba ng mangga?" tanong ni Mona pagkapasok niya ng kusina.
Palihim kong naitaas ang kanang kilay ko habang naglilinis.
Napansin kong lumapit siya sa cabinet kung saan nakalagay ang mga kutsilyo saka kumuha ng dalawang manggang hinog. "Ipagbabalat kita, Xynon!"
Saktong pag-angat ng mukha ko ay siyang pagpasok ng lalaki sa kusina habang nakapamulsa at blanko ang mukha. "Yes, please."
Yes, please tss.
"Ilang mangga ba gusto mong hiwain ko for you?"
"Gusto ko ng mangga, Mona hindi mo ba ako pagbabalatan?" rinig kong tanong ni Shiro na nasa gawing kaliwa ko kaya napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya nang malapad pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Pagbabalatan kita mamaya, Shiro. Ilan bang mangga ang gusto mo?" wika ko. Kumindat pa ako sa kanya at ngumiti nang matamis.
Napakunot naman ang noo niya nang kaunti pero agad din siyang ngumiti kaya nawawala ang mga mata niya. Singkit kase pero cute.
"Tss," rinig kong reaksyon ng asungot at lumapit sa 'kin. "Freak, ang dami mong sinasabi r'yan ang dami mo pang lilinisin."
Dinuro ko siya gamit ang hawakan ng map. "Bakit ikaw ba maglilinis? Kung umalis kayo ni Mona at sa sala nagbalat ng mangga sa tingin mo maiistorbo kami, ah?" Lakas ng apog nito, ah!
"Wait, so you're trying to say that it's our fault? My fault?" inosenteng tanong ni Mona habang tinuturo ang sarili at hawak sa kanang kamay ang mangga habang sa kaliwa naman ay ang kutsilyo.
"Depende kung anong pagkakaintindi mo." Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa pagma-map nang tapakan ni Xynon ang dulo nito. "What the fuc-"
"Ituloy mo. Parang hindi ka babae kung magmura, ah."
"Attitude." Hindi ko alam kung sadya bang pinarinig 'yon ni Mona o malakas lang talaga ang pandinig ko kahit bulong lang ang ginawa niya pagtalikod niya pabalik ng sala.
Sinamaan ko siya nang tingin kahit medyo nakalayo na siya. "Linta." Bagay lang sa kanya ang linta palaging nakadikit sa asungot. Tss.
"Ano bang problema mo, freak?
Noong isang araw mo pa sinusungitan si Mona wala naman siyang ginagawa sa 'yo," kunot-noong sabi niya.
"Maglilinis muna ako ng mga bintana sa sala, Lyka," pagpapaalam ni Shiro saka umalis.
Hindi ko siya sinagot at binuhat ang balde papuntang CR.
"Hindi mo ba ako sasagutin? Tinatanong kita." Ramdam kong nakasunod lang siya sa 'kin at tinitingnan ang ginagawa ko.
"Masyado akong busy para paglaanan ka ng oras."
"Kahit ilang minuto lang hindi mo ako kayang bigyan ng oras mo?"
Napatigil ako saglit at humarap sa kanya. "Bakit? Mukha bang importante ang itatanong mo para bigyan kita ng oras ko? Hindi nga ako humihingi ng oras sa 'yo, eh."
"Kase kusa kong binibigay kahit wala kang sinasabi."
W-What?
"Look, gusto ko lang sagutin mo ang tanong ko. Kung may problema ka kay Mona pwede mo naman siyang kausapin hindi 'yong susungitan mo na-"
Natawa ako nang mapakla. " Bakit? Ikaw ba hindi mo ako sinusungitan, ah? Sa amin ngang lahat ako lang yata ang pinapakitaan mo ng kasungitan, eh! Tapos nang ako na ang masungit, kukwestyunin mo?!" Tangina! Ang kapal naman 'ata ng mukha niya?! Nakakapang-init ng ulo ewan ko ba!
Saglit siyang tumigil at tumitig sa 'kin.
"Ano? Hindi ka makasagot kase totoo, ha? Tapos pagdating kay Mona, hinagod niya lang likod mo nang mabilaukan ka sa pag-inom ng canned juice naging anghel ka na sa kanya! Tangina! Ano 'yon, Xynon?! May favoritism ka?! O may gusto ka sa kanya?"
Huminga siya nang malalim at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa. "It's not what you think. Tamang hinala ka."
"Then explain! Hindi 'yong pinagmumukha mo akong tanga! Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa 'yo para sungitan mo tapos sa kanya ang bait-bait mo! Ang ganda pa ng ngiti mo kapag siya ang kaharap mo tapos kapag sa 'kin blanko lang? Walang emosyon ang mga mata mo sa tuwing tumitingin ka sa 'kin!"
"I told you hirap akong magtiwala sa mga tao lalo na sa babae. It's better to see no emotion, gain no pain."
"So ang sinasabi mo pinagkakatiwalaan mo na si Mona kase may emosyon ka nang pinapakita? Baka nga siya pa ang trumaydor sa 'yo pagdating ng araw, eh!"
Unti-unti siyang naglakad palapit sa 'kin kaya dahan-dahan din akong umatras hanggang sa maramdanan ko na lang ang bowl sa likod ng binti ko. "A-Anong ginagawa mo?"
Narinig kong tumunog ang door knob. Ngayon ko lang na-realize na nasa loob na pala kami ng CR.
"Why are you acting this way, freak? You're giving me false hopes."
Hirap akong napalunok. Anong false hopes ang sinasabi niya? "Nakainom ka na naman ba tulad noong nga nakaraang gabi? Anong sinasabi mo?"
"Akala mo ba hindi ko napapansin ang masamang titig mo sa 'min ni Mona mula nang matapos ang game natin? Kulang na lang patayin mo kaming dalawa sa titig mo, eh."
Ang intense niya makatitig. Fucking shit! Amoy na amoy ko rin ang hininga niya sa sobrang lapit ng mukha namin. Tangina baka mabaho ang hininga ko! Nakakahiya! "I-Ilayo mo nga 'yang m-mukha mo!" sabay tulak ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag. "Maglilinis pa ako, asungot! Umalis ka na rito! Istorbo ka."
"Lalayo lang ako kung may sasabihin ka sa 'kin ngayon."
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Anong sasabihin ko sa 'yo? Ano bang gusto mong marinig galing sa 'kin?" Bumaling ako sa kabilang direksyon para hindi na ako makatitig sa mga mata niyang nilulunod ang pagkatao ko. Damn. "Lumabas ka na nga. Baka isipin pa nila na may ginagawa tayong kababalaghan. Psh."
"Bakit may ginagawa naman tayo, ah?"
Napalingon ako sa kanya at sumilay sa 'kin ang nakakademonyong ngisi niya. "Ikaw ba 'yan, Xynon? Tsk. Bumalik ka na sa Mona mo. Baka ngumawa na naman 'yon."
Biglang nawala ang ngisi niya at napalitan na naman ng blankong mukha. "She's not mine. She's not my asset. Why do you keep on mentioning her?"
"Aba malay ko. Ang sweet niyo, eh. Tumabi ka nga!" Tinulak ko na siya nang malakas kaya lumayo na siya sa 'kin kahit papaano.
"Kayo rin naman ni Shiro, ah? May pagbalat ng mangga at kindat ka pang nalalaman."
"Anong gusto mo? Ikaw pagbalatan ko ng mangga at kindatan ko? Pinagbalat ka na ng jowa mo ng mangga, ah? Magpakindat ka rin sa kanya kung 'yan lang ang pinuputok ng butse mo."
"Masakit sa mata."
"Kayo rin masakit sa mata." Pinaikutan ko siya ng mata at hinawakan ang door knob para buksan. "The eff? Ni-lock mo ang pinto?"
"Na-lock lang yata ng kusa."
Anong kusa? Tsk. Nakakainis talaga. "Mga rason mo, asungot." Binuksan ko na ito nang tuluyan at bumungad sa 'kin ang mukha niyang nakangisi.
"Nakailang rounds kayo? Marami bang nailabas na glue?"
"Anong glue?" tanong ko sa kanya.
Mas lalong lang lumawak ang ngisi niya sabay tingin kay Xynon. "Hindi ko alam na sa CR niyo unang malalasap ang langit." Bumaling naman siya sa 'kin nang natatawa. "Masarap ba ang langit, Lyka?"
"Tarantado ka, Lorenz. Tumigil ka parang hindi babae 'yang kaharap mo," sabi sa kanya ni Xynon.
Nang dahil sa sinabi niya, unti-unti kong na-realize ang tinutukoy ni Lorenz.
"Hahahahahahahahahaha joke lang pre, masyado kang seryoso. Hahahahahaha. Joke lang 'yon, Lyka, ah? Pfft hahahaha." Halos mamula na siya kakatawa habang nakahawak pa sa tyan.
"Abnormal ka! Bastos!" Umalis kayong dalawa rito! Baka kay paglinisin ko! Alis!" Hinawakan ko sa kanang braso si Xynon para palabasin ng CR at sinipa-sipa ko naman ng mahina si Lorenz.
"Namumula ka, Lyka. Patay tayo r'yan! Hahahahaha!"
"Isa na lang, Lorenz hahambalusin kita nitong map sinasabi ko sa 'yo!"
Bago pa siya magsalita ulit, hinawakan na siya sa kwelyo ni Xynon at hinila paalis dito. Mga pasaway!
****
"Lyka, can we talk?" bungad sa 'kin ni Lovelle pagkapasok niya ng kwarto.
Umupo naman ako at sumandal sa unan.
Lumapit siya sa 'kin at naupo sa gilid ko. "Nag-away ba kayo ni Mona?"
"Why?" Hindi ko inaasahan na ito ang pag-uusapan namin.
"Sinabi niya sa 'kin na kausapin daw kita kung may problema ka sa kanya kase sinusungitan mo siya mula nang makabalik kayo rito galing sa gubat. May problema ba?"
Kumunot ang noo ko saglit saka huminga nang malalim. " Wala naman."
"Akala mo rin ba hindi ko napapansin? Hinihintay lang kitang magsabi sa 'kin baka kase ayaw mong pag-usapan. Laging mainit ang ulo mo kay Mona kapag magkasama sila ni Xynon."
Yumuko ako at pinaglaruan ang isa pang unan na nasa lap ko.
"Ayaw ko sanang mag-aasume pero Lyka napapansin mo ba ang pagbabago sa sarili mo? Tingnan mo ako."
Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko at nagtama ang mata naming dalawa. Nagsisimula na ring sumikip ang dibdib ko dahil mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapan na 'to.
"Napapansin mo ba ang pagbabago sa 'yo?"
"Hindi ko alam kung anong tinutukoy mo, Lovelle. Besides, I'm tired maghapon kaming naglinis ni Shiro. Next time na lang tayo mag-usap, ah?" Akmang hihiga na sana ako nang hawakan niya ako sa braso.
"No. Hindi mo ako tutulugan. Bestfriend mo ako. Siguro naman may karapatan akong pagsabihan ka at pakinggan ang side mo 'di ba? Iiwas ka sa topic? Hanggang kailan mo iiwasan? Kung malala na ang lahat?"
"Ano bang gusto mong malaman?" Napapikit pa ako nang mariin nang umupo ako ulit nang maayos kase sumasakit at bumibigat na ang mga mata ko. Pagdilat ko nakatitig pa rin siya sa 'kin.
"Ba't ka nagkakaganyan?"
"I don't know."
Nagsalubong naman ang dalawang kilay niya at napapikit. Alam kong nagpipigil na siya ng inis kapag ganito na ang mukha niya. "Umayos ka nga. Ayusin mo ang pagsagot. Paano kita maiintindihan kung ganyan lang isasagot mo sa 'kin?"
"Hindi ko talaga alam, Lovelle. Kilala mo naman ako kapag may ikukwento ako sa 'yo sasabihin ko."
"What about Xynon? Was he the reason?"
Napasuklay ako ng buhok nang marinig ko ang tanong niya. "Anong kinalaman niya?" Pinaglalaruan ko pa ang dulo ng buhok ko at tinatanggalan ng split ends nang magsalita siya ulit.
"Nagkakagusto ka na ba?"
Natigilan ako at napatingin sa kanya. "Paano mo naman nasabi 'yan? Lovelle, baka nakakalimutan mo may gusto pa ako kay Martin 'di ba?" Paano nadamay ang asungot na 'yon sa usapan namin? Wala naman akong gusto sa kanya.
"Hindi ako bulag para hindi makita ang kakaiba sa 'yo. Hindi rin ako bingi sa tuwing nakakapagbitiw ka ng mga salitang hindi mo inaasahang sabihin."
Hinawakan ko siya sa magkabilang kamay at tumitig sa kanya. "Wala akong gusto sa kanya okay? Kung meron man akong gusto sa kanya eh, 'di sana nasasaktan na ako ngayon at nagsese-" Saglit akong natigilan nang ma-realize kong may mali sa sinabi ko.
"Ba't ka natigilan? Na-realize mo bang tama ang sinabi mo sa nararamdaman mo?" Siya naman ang humawak sa 'kin ngayon. "Kung ano man ang nararamdaman mo sa kanya pigilan mo 'yan, Lyka. Alam mo namang bawal 'yan 'di ba? May napapansin ka rin ba sa kilos ni Mona? Kung ipagpapatuloy mo 'yan, may pagkakaibigang masisira." Umalis siya matapos niyang sabihin 'yon.
May pagkakaibigang masisira? Bakit may gusto si Mona o si Xynon ang may gusto sa kanya?
Makaraan ang ilang minuto pumasok si Shiro nang may dala-dalang pagkain. "Hey, you haven't eaten yet."
"Dinalhan mo pa ako?" nakangiting tanong ko.
"Kanina ka pa hindi lumalabas mula nang pumasok ka rito. It's 8 pm already. Kain ka na muna."
"Maraming salamat." Kanin, sinigang, mechado, saging at freshmilk pa ang hinanda niya para sa 'kin. Nakakatakam naman 'to.
Tahimik niya lang akong pinapanood habang kumakain ako.
"Huwag mo akong tingnan nahihiya ako hahahaha."
"Sorry hahaha. Eatwell."
Pagkatapos kong mauubos lahat nagsalita siya nang hindi tumitingin sa 'kin. "Anong gagawin mo kapag may nagugustuhan ka, Lyka?"
"I will make moves."
Bigla siyang lumingon sa 'kin nang may bahid na pagkagulat sa mukha. "Seryoso? Paano kung bawal?"
"Lalayo siguro." Kapag nagkataon siguro na nasiguro ko na ang lahat ganito rin ang gagawin ko.
"Kokontrolin mo nararamdaman mo?"
"Kung 'yan ang dapat gawin, oo. Bakit may gusto ka na kay Mona?"
Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya kahit nakangiti siya. "Crush hahaha. Mawawala rin naman 'to 'di ba? Mababaw lang itong nararamdaman ko kaya alam kong mawawala rin agad."
"Paano kung hindi?" Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil 'yon.
Napatingin siya sa kamay ko at hinawakan niya rin pabalik saka tumingin sa 'kin. "Maybe, it's worth risking for. She's worth risking for."
Napangiti ako nang kaunti. "You're not afraid, aren't you?"
"It's scarier when you chose not to risk when in fact you have a chance. It's better to try when you knew you'll lose in a game unlike you knew you'll lose but you don't give it a try."
"What if you're risking for a wrong person?"
Sinabit niya ang buhok ko sa tenga na tumatakip sa mukha ko habang titug na titig sa 'king mga mata. "We wouldn't know if we were risking for a wrong person until we see the result of our action."
"Paano kung sobrang basag na basag na ang puso mo sa oras na malaman mo ang resulta tapos wala ka man lang masasandalan? Paano ka aahon? Paano ka magsisimula ulit?" Ngayon ko lang nakita kung gaano kaganda ang mga mata niya. Mga matang nangungusap na hahaplos sa puso mo.
"We were born to strive alone even in the hardest part of our lives. We were meant to do something without asking for other's permission but we were born also to deal with the most painful thing that life can give. We are meant to heal our hearts and fix ourselves without the help of other people. Just like an independent human being who is striving to make a better living."
He's so deep. I never thought he has a side like this. Napangiti na lang ako nang malapad at niyakap siya. "If the time comes when your heart scatters, don't forget that I'm just here for you. Willing to be your mom and dad, friend or bestfriend, a brother and a sister that you can lean on." Inilayo ko ang mukha ko sa kanya pero magkadikit pa rin ang katawan naming dalawa. Hindi ko alam pero komportableng-komportable talaga ako sa tuwing hinahawakan at niyayakap siya. Siguro kase pareho na rin kami nang pinagdadaanan kaya mas lalo kong napapalapit sa kanya.
"Ako nga dapat ang magsabi n'yan 'di ba? Ako 'yong lalaki kaya dapat ikaw ang iingatan ko nang husto. Ikaw 'yong aalagaan ko kapag nakakalimutan mo nang alagaan ang sarili mo."
"Bakit ang swerte ni Mona sa 'yo?"
Natawa naman siya kaya nakita ko ang mapuputi niyang ngipin. "Crush ko lang naman siya. Malay mo ikaw pala ang mahalin ko at hindi siya."
"Baliw" sabay hampas ko sa braso niya.
Pareho kaming natawa at tumitig saglit sa isa't isa nang biglang bumukas ang pinto.
"Oh, sorry if I disturb your sweet momentum but Shiro, Lorenz is looking for you. The game will start any minute."
Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap kay Shiro nang hindi ko inaalis ang mata ko sa kanya.
"Sige. Salamat, Xynon." Humarap siya sa 'kin at nagpaalam. "Balik na ako sa kwarto namin, ah. Magpahinga ka na. Goodnight." Then he kissed the top of my head.
Naunang umalis si Shiro habang si Xynon ay nanatiling nakahawak sa doorknob at nakatingin sa 'kin.
"I didn't know you two are in a relationship."
Napairap naman ako ng wala sa oras. "It's not what you think. Tamang hinala ka."