Chapter 38:
Abby's POV:
"IT'S A PRANK!"
Halos mapatalon ako nang biglang magpaputok ng confetti si Rigel sa harapan ko.
"What the hell Rigel?!" Napahawak ako sa aking dibdib habang tinitignan siya ng masama. Ikaw ba naman, nagdadrama tapos bigla kang makakarinig ng malakas na putok. Sino'ng hindi magugulat.
"Look Abby, huwag ka ng umiyak dahil pinaprank lang kita." Tumawa ito ng malakas na may kasamang pagpalakpak.
"Prank?" Naguluhang tanong ko.
"Yes, sabi ko naman sa'yo kanina 'diba na tinetest ko ang bagong feature ng Peak-A. Hindi talaga ako naka-live, and also, hindi totoo yung nakita mo sa headlines sa phone mo 'cause I maniulated it while you were sleeping, kahit tignan mo pa." Ngumisi ito at siya na mismo ang nag-abot sa akin ng phone ko.
Napahigpit ang paghawak ko sa phone ko nang mapagtantong totoo nga ang sinasabi niya.
Kalmado ko itong inilapag ulit sa side table bago ningitian si Rigel ng pagkatami-tamis saka huminga ng malalim.
"LUMABAS KA DITONG MAEKSENA KAAAAAAAAAAAAAA!"
Wala akong pake kung bawal akong sumigaw, basta ang gusto ko lamang ay mawala siya sa harapan ko dahil nandidilim ang paningin ko. Nandidilim to the point na gusto kong ipalapa ang isang maeksenang hayop sa leon.
Pero ang maeksena, ni hindi man lang natinag dahil nasa harapan ko pa rin siya hanggang ngayon at nakatulala lang sa akin.
Masyado atang napalakas ang sigaw ko na nagdulot para magsitakbuhan ang mga nurse dito.
"Ano po'ng nangyari sir ma'am?" Tarantang tanong ng tatlong nurse na kakapasok lang.
Doon lang bumalik sa realidad si Rigel. "Ahh, we were just playing scream game and Abby overdid it. Right Abby?" Tumingin ito ng makahulugan sa akin habang may awkward na ngiti.
"Y-Yes po nurse, pasensya na po sa abala." Napakamot ako sa batok habang may awkward na ngiti din sa aking mga labi.
"Ayos lang po sir ma'am. Pero pwede pong pakihinaan ang boses kapag naglalaro kayo? Baka po kasi maistorbo ang ibang mga pasyente sa ibang kwarto." Ani ng isang nurse pero kay Rigel lang ang tingin.
"Yes nurse, we're really sorry for our behavior. Pagsasabihan ko na lang ang pasyente na huwag masyadong mag-ingay." Pacute na sabi nito sa mga nurse. Kung ibato ko kaya sa'yo 'tong cellphone ko nang malaman kung sino ang mas maingay. Lintik ka Rigel, ako nanaman ang masama.
Iyon na lang ang pagtataka ko nang ilang segundo na ang nakalipas pero hindi pa rin lumalabas ang mga nurse. Nasa tapat lang sila ng pinto habang itinutulak ng dalawang nurse ang isang nurse papunta kay... Rigel?
"Yes? Do you still need something?" Malambing na tanong ni Rigel sa kanila. Sige, magpacute ka lang. Mukha kang asong ulol Rigel, kung nakikita mo lang ang sarili mo, jusko.
"Sir p-pwede po bang humingi ng autograph?" Tanong ng nurse na itinutulak ng mga kaibigan niya. "Isa po kasi akong fan, matagal ko na pong gustong magpa-autograph kaso nahihiya po ako-- ano ba, huwag niyo akong itulak!"
Sabi ko na nga ba.
Napairap na lang ako sa kawalan nang muli nanamang nagpa-cute si Rigel sa kanila bago tinanggap ang isang magazine na may mukha niya at saka ito pinirmahan.
"Oh right! Here it is." Ibinalik nito ang magazine sa nurse pero hindi pa rin sila umaalis.
"P-pwede rin po bang magpapicture?" Yung isa sa mga nagtutulak na nurse ang nagtanong naman this time.
"Sure! No problem."
Noong una ay si Rigel at yung nurse na tinutulak lang nila ang kinuhanan ng litrato. Pero nang maglaon ay sunod-sunod na silang nagpapicture hanggang sa gusto na rin nilang mag-groufie.
Isa lang naman ang ibig sabihin nito.
Jusko Rigel, lagi na lang bang ganito ang eksena kapag kasama kita? Lagi na lang ba akong magiging photographer mo at ng mga fans mo? Hindi ka naman masyadong gwapo, pero bakit gustong-gusto nilang magpapicture sa'yo? Kaloka!
Matapos ko silang kuhanan ng ilang litrato ay sa wakas aalis na rin sila.
Pero pinigilan sila ni Rigel. Ano nanaman ba'ng eksena nito sa buhay?
"If you don't mind, pwede niyo ba kaming kuhanan ng litrato ni Abby?"
Ano raw?
Pinanlakihan ko ng mata si Rigel pero kinindatan lang ako nito.
Napatingin sa akin ang mga nurse. Akala ko ay may sasabihin pa sila, pero umoo na lang sila at saka kinuha ang phone ni Rigel para kuhanan kami ng litrato.
"Huwag ka ngang masyadong dumikit!" Bulong ko nang tumabi siya sa akin para daw sa picture.
"Hindi naman ako masyadong dumidikit ah. Tignan mo oh, may gap na one centimeter sa pagitan natin." Itinuro pa niya ang pagitan namin. "Do you have a virus? Wala naman 'diba, so no need for social distancing." Kumindat dito saka tuluyang idinikit ang balat niya sa balat ko sabay ngiti sa camera. Nakunan tuloy ako ng stolen shot. Mabuti na lang ay napakiusapan namin ang mga nurse na kumuha pa ng ilang shots dahil hindi ako prepared.
Ilang segundo rin kaming nakangiti sa camera bago ibalik ng nurse ang cellphone ni Rigel sa kaniya.
Pero sa sandaling maibalik nila ang cellphone ay sabay-sabay silang napasinghap at nagpapalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Rigel.
Oh great!
Humingi ulit sila ng pabor na magpa-picture nang may napagtanto. But this time ay kaming lahat na ang nag-groufie. Si Rigel ang may hawak ng camera at pinalibutan naman ako ng mga nurse.
Fan nga pala ang isang nurse kaya laking tuwa niya nang magkaroon siya ng picture kasama ang mga idol niya noong college pa siya. Tinatanong niya kung may comeback daw ba ang RigBy pero ang tanging naisagot lang namin ay walang namamagitan sa amin, na magkasama kami sa trabaho kaya magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon which is partly right and partly wrong.
Mukhang nadisappoint ang nurse dahil isa daw talaga siyang fan ng RigBy noon. Pero hindi naman na niya ginawang big deal 'yon dahil may sari-sarili na nga kaming buhay ngayon which is nakaka-touch dahil masaya na daw siya kasi alam niyang masaya na rin ang mga idol niya.
Thank God at hindi siya kagaya ng ibang fans na sobrang maintriga at maissue.
Nagpasalamat kami sa isa't-isa bago sila tuluyang lumabas ng silid.
"Patingin nga." Inagaw ko sa kaniya ang cellphone niya kahit tinitignan pa niya ito, ang bastos ko 'diba.
"Hey!" Wala na siyang nagawa dahil nasa akin na ang cellphone niya.
Tama nga ang hinala ko, mabilis na sunod-sunod ang pagpindot ng nurse sa screen kanina kaya napakadaming shots ang nakuha!
Napanguso ako nang makita ang litrato naming dalawa. Ba't gano'n, parehas lang naman kaming maraming stolen shots pero bakit parang may pinapaburan ang cellphone niya?
Ang fresh niyang tignan, samantalang ako ay para nanamang adik sa litrato. Yung totoo, sino ba ang puyat sa aming dalawa? Ako o siya? Siya itong napupuyat magbantay sa akin dito sa ospital, pero ang gwapo--
Hibang ka na ba Abby?! Kung anu-ano nanamang kabaliwan ang naiisip mo.
Hanggang sa pagbalik ko ng cellphone niya sa kaniya ay nakanguso pa rin ako.
"Well? What's with the face?" Natatawang tanong niya. Nagtatanong pa talaga siya, hmp!
"Hindi ba obvious, okay na sana yung pictures, kung hindi lang kita kasama." Sige Abby, lokohin mo sarili mo.
Pero ni hindi man lang ito umangal. Bagkus ay ginulo niya ang buhok ko.
"Silly." Nakangising sabi nito bago bumalik sa pwesto niya sa sofa at doon ipinagpatuloy ang pag-browse ng mga litrato sa kaniyang gallery.
Hindi na kami masyadong nag-usap nang makaupo siya sa sofa. Nasa cellphone na lang niya palagi ang kaniyang atensyon at minsan ay nahuhuli ko siyang ngumingisi habang umiiling.
Dahil bored na rin naman ako ay naisipan kong matulog na lang ulit bago pa siya makaisip at gumawa ng bagay na ikatataas ng kilay ko.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.