webnovel

Chapter 19.5

Chapter 19.5:

Abby's POV:

"Come to Texas with me babe."

Ilang segundo rin ang lumipas bago ako magasagot sa sinabi ni Nich.

"Nich..." Tanging naiusal ko.

"Of course babe, I already know your answer." Pagak siyang tumawa. "No problem babe, I understand. You have to focus on the company." Kahit malambing ang pagkakasabi niya ay ramdam ko pa rin ang lungkot doon.

Pero mas nalulungkot ako kasi minsan lang humingi ng pabor sa akin si Nich. Minsan niya lang akong ayain sa mga gan'tong bagay dahil lagi niyang iniintindi ang sitwasyon ko, na kailangan kong mas pagtuunan ng  pansin ang kumpanya namin. He's indeed a very understanding boyfriend, damn.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. 

"Sasama ako."

"As expected, but it's okay-- WHAT?! Oh f*ck, tama ba ang narinig ko? Just what did you say babe?"

"Bahala ka diyan, hindi ko na uulitin. Hindi ka kasi nakikinig ng mabuti haha." I chuckled as I immediately drop the call. 

Ilang beses pa siyang tumawag pero hindi ko na sinagot dahil hinihila na ako ng antok. Bahala siya, for sure hindi 'yon makakatulog. 

Buhat na rin ng buong araw na kapaguran sa trabaho ay nakatulog ako agad.

~

"Watch your steps babe." Ani Nich habang inaalalayan akong bumaba sa hagdan ng eroplanong sinakyan namin.

Sa wakas, after so many many hours na pagsakay sa eroplano ay nakarating rin kami sa aming destinasyon, sa Texas USA.

Mabuti na lang ay sa business class seat kami nakaupo kaya mas naging komportable ang biyahe namin kahit na matagal.

Nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin for the mean time ay agad kong hinanap ang kama at nag-dive papunta sa isa sa mga ito. Yes, ang kinuhang room ng kumpanya na naghahawak kay Nich ay may dalawang kama. Nirequest kasi ito ni Nich dahil kasama niya ako. 

Habang nasa lobby kami ng hotel ay tinanong ko siya kung bakit dalawang bed pa ang nirequest niya kung pwede namang isang kama for two person na lang ang kinuha niya. Pero ang sinabi niya lang ay "Malikot ka matulog." But I know, he respects me that much kaya hindi niya muna nais tabihan ako sa kama. 

He's so sweet. 

"Nagugutom ka ba babe?" Tanong niya habang inaayos ang mga damit niya sa aparador na nasa kwarto.

"Hmm, maya na lang babe." I mumbled habang nakapikit. 

Dahil siguro sa pagod sa biyahe ay agad akong nakatulog ng mahimbing at nagising na lang nang naramdaman kong may humahaplos sa mukha ko.

"Good morning babe." I sleepishly said to him.

"Good evening babe." Ani naman niya. "Bangon ka na diyan at mag-prepare ka na dahil magdidinner tayo sa baba." He kissed my cheek saka siya tumayo at ipinagpatuloy ang paglalagay ng skin care sa kaniyang mukha. 

Basa pa ang buhok niya, halatang bagong ligo. Habang nasa tapat siya ng salamin ay hindi ko maiwasang mamangha kay Nich.

Ang kinis ng mukha, hiyang-hiya yung clear skin ko sa malaporselanang kutis niya. Iba talaga kapag model ka, alagang-alaga ang kutis. 

Si Nich kasi yung tipo ng model na hindi na kailangan ng make-up para maging kaakit-akit sa camera. Kada nagshoshoot siya ay natural lamang ang kaniyang look. Pero syempre ay dinadaan niya pa rin sa skin care. 

Gwapo naman talaga si Nich, hindi 'yon maipagkakaila. Though pure pinoy siya, ay may physical traits siya na gaya ng sa mga European. Kaya siguro ay napupusuan siya ng mga international modelling companies.

Ang sabi niya ay this is his second time na pumunta dito sa Texas. Ang una ay noong limang taon na ang nakakaraan, pero magkaibang kumpanya daw ang pinuntahan niya dati sa pinuntahan niya ngayon.

"Baka matunaw ako babe." 

"Ang kapal mo haha." Nilapitan ko siya habang humihikab. "I wonder, kung ibebenta siguro ang mukha mo ay aabutin ng milyun-milyong dolyar." 

"Lah, pa'no mo naman nasabi babe?" Aniya habang patuloy pa rin sa pagmamasahe ng mukha niya na may cream na ewan ko kung ano'ng tawag.

"Eh kasi naman, ang ganda ng mukha mo. Kung ikukumpara mo sa kutis ko ay, parang ikaw pa ang mas babae sa atin." 

Natawa siya sa sinabi ko. Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilaang balikat.  "Grabe ka naman babe, masyado mo akong finaflatter. Pero alam naman natin na ang mukha mo pa rin ang pinakamagandang mukha para sa akin 'diba." 

"Sus, ayan ka nanaman. Diyan ka nanaman magaling sa pambobola mo." Bahagya ko siyang itinulak at saka na dumeretso sa banyo para maligo. Itong si Nich talaga, ang galing mambola kahit kailan. 

~

Isang linggo din naming nasolo ni Nich ang isa't-isa dito sa Texas. Sa loob ng isang linggo ay marami rin kaming napuntahang lugar gaya na lamang ng San Antonio's River Walk, The Alamo, Space Center Houston, Big Bend National Park, Padre Island National Seashore, The Texas State Capitol in Austin, The Sixth Floor Museum, Dallas, Guadalupe Mountains National Park, at marami pang iba..

Nakakapagod at the same time ay naging masaya ang buong linggo namin ni Nich, but time flies so fast when you're happy.

Parang kanina lang ay kakarating lang namin dito sa Texas, pero ngayon ay uuwi na ako ng Pinas.

Yes, isang linggo lang ako dito sa Texas dahil 'yon lamang ang ibinigay sa akin ni mama na leave ko. Hindi rin kasi ako pwedeng mawala sa kumpanya ng matagal dahil maraming kailangang gawin at tapusin.

Pero isang malaking pagpapasalamat ko na rin dahil pinayagan ako ni mama na sumama sa kay Nich dito sa Texas though in just a short period of time only.

Si Nich naman ay kailangan ng ikondisyon ang katawan sa susunod na linggo dahil mag-uumpisa na ang photoshoot niya. 

Parehas kaming halos walang pahinga buong linggo dahil sinulit talaga namin ang time habang magkasama kami. Pero model si Nich kaya kailangan niya na ring ipahinga ang sarili para sa papalapit na photoshoot niya.

"Hey babe, look at me." 

"Ayaw ko." At saka ako ulit umiwas ng tingin sa kaniya. Parang any time kasi pakiramdam ko ay maiiyak ako.

Iniharap niya ang mukha ko sa kaniya at saka ako niyakap.

"Don't be like that babe. Sige ka, kapag nakikita kong malungkot kang uuwi ng Pinas ay baka hindi na ako sumipot sa photoshoot at sumama na lang ako sa'yo pauwi." Kung pwede lang Nich, iyon rin ang gusto ko. "So smile okay? Magkikita rin tayo after two months. Atsaka may video call naman, so makikita mo pa rin ako kapag hindi ka busy. Alam mo namang lagi akong may time para sa'yo 'diba."

"Eh kasi mamimiss kita." Totoo, mamimiss ko talaga ng bongga si Nich hays.

"Mamimiss rin kita babe. Kaya smile ka lang okay?  Gusto ko bago ka sumakay ng eroplano ay nakangiti ka, ayaw kong makita na malungkot ka. Isipin mo na lang ang happy moments natin together."

Ilang minuto rin kaming nagyakapan sa airport bago ako tuluyang sumakay ng eroplano pauwi ng Pinas.

Bawat hakbang ko papalayo kay Nich ay pakiramdam ko ay napakabigat.

Iba ang pakiramdam ko this time, I hope epekto lang  'to ng pagkakamiss ko sa kaniya agad.

Sana nga, sana nga talaga.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Next chapter