webnovel

Chapter 10

Chapter 10:

Abby's POV:

"YCAP's Director called." Ani Rigel habang kumakain kami ng tanghalian.

"Oh really? Hmm, base sa malapad mong ngiti, pakiramdam ko ay may maganda kang ibabalita ah."

"You're right. He said that the organization wants to feature our quarantine dance on their website and they are willing to pay any amount for it."

"T-that's great! Sabi ko naman sa'yo 'diba maganda ang ginawa mo, tignan mo nakursunadahan nila." Ang Youth and Children Association Philippines ay isang organization na naglalayong protektahan at magbigay ng mga magagandang oportunidad para sa mga bata at kabataan sa bansa, they do counselling, workshops, seminars, recreational activities, and etc. Target nila especially ang mga mahihirap kung kaya't marami ang nag-iisponsor sa kanila, kasama na do'n iba't-ibang sikat na personalidad at mga kumpanya, isa na do'n ang aming kumpanya.

"But I turned their offer down. I mean, I accepted the part na i-feature ang video but hindi na ako nagpabayad. Being featured by one of the most respected organizations here in the Philippines is so so much already. And the crazy thing is that they asked me to make a campaign ad for them. At first, I also want it to be free but they insisted to pay whether I want it or not so I have no choice but to accept the offer."

"Oh my gosh! I'm speechless. I mean, congratulations!" Hindi na ako magtataka kung sunod-sunod na magsisidatingan ang offer sa kaniya habang nandito siya sa Pinas. As I have said isa siya sa pinakamagaling na animator sa buong mundo, malamang ay balitado na ito sa buong bansa. Iga-grab ng mga kumpanya at organizations ito habang nandito siya sa loob ng bansa.

"Thanks. All thanks to you because without your help, hindi ako makakagawa ng gano'ng content." Aniya saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. 

"Nambobola ka nanaman, eh kaya mo namang gawin 'yon kahit wala ang tulong ko. Oo nga pala, pa'no 'yan 'pag may mga iba pang kumpanya at organizations na mag-offer sa'yo? Tatanggapin mo ba?"

"Believe me when I say it's because of you that made me do such wonderful things." Ba't parang ang lalim naman ng sinabi niya eh yung video lang naman ang pinag-uusapan? Eksena nanaman 'to si Rigel. "Anyway,  about the offers, of course I would gladly accept each one of them but only one at a time."

"That's good then." Ani ko.

Marami pa kaming napag-usapan sa hapag habang kumakain and I just realize na masaya din palang kasama 'tong maeksenang Rigel na 'to.

~

"Is that all what you've got?"

Sobrang nangangalay na ang buong katawan ko kakagawa ng mga pose pero hanggang ngayon ay wala pa rin daw akong matinong kuha ayon sa pinaka-maeksenang tao sa buong mundo. 

Eh paano ako makakapag-pose ng maayos kung nandito kami sa bubong? Sinong matinong tao ang gugustuhing mag-photoshoot sa bubong habang tirik na tirik ang araw? Malamang wala! Unless ikaw si Rigel at napilit mo ang isang tulad ko na gawin ang kahindik-hindik na bagay na ito.

"Pwedeng taympers? Ang hangin kaya dito sa taas sobra, baka mahulog tayo! Kung walang tali itong sumbrero ko, kanina pa nilipad! Tapos itong dress ko, nililipad! Hindi naman tayo nagshoshoot for PHcare 'diba.  Tsaka ito, tignan mo tagaktak na pawis ko kasi nakabilad ako sa araw unlike you na naka-payong ng malaki! Tsaka kanina pa tayo dito pero ang arte mo, ni isa ay wala ka pang napipili!" Jusko, kung tutuusin ay buwis buhay itong ginagawa namin ngayon. Nandito kami sa bubong ng rest house sa second floor, para kaming mga tanga. 

"You want your photos to be unique right? Then stop complaining. I'm also risking my life here as well as my camera so you can have your unique photo with that dress."

"Ah so sinusumbatan mo ako? Sino ba kasing nagsabing sa bubong? Eh ang daming magandang spots sa resort na pwede nating puntahan, bakit kasi sa bubong." Pakiramdam ko ay may mainit pa sa init ng araw ang init ng ulo ko ngayon. Gosh! Kung nandito lang sila Jackie at Joyce ay paniguradong mayroon na akong pang-instagram na picture. 

He sighed. "Okay, just do your best this time. Do any pose that you can, and please I want you to do seductive, hot, cute, happy, and carefree pose then we're done. Also, kindly reove your hat para mas maexpose ang mukha mo. This is the last shot, so show what you've got!" Malakas na sabi niya atsaka ipinosisyon ang camera. Damn. The I guess I really need to do my best dahil konti na lang ay matutusta na ako dito sa arawan, mabuti na lang ay heavy-duty itong make-up ko. 

Habang nagpopose ay iniisip ko kung paano ko ba magagantihan itong si Rigel after nitong photoshoot. 

Masyado niya akong iniistress ha. Tsaka ayaw ko namang masayang itong white cocktail dress ko kaya tinodo ko na talaga ang pag pose kahit halos magkandahulog-hulog na ako. Well, ayos lang naman kung mahulog ako kasi pool naman ang huhulugan ko sa baba.

*Pose*

*Click*

*Pose*

*Click*

*Pose*

*Click*

*Pose*

*Click*

*Pose*

*Click*

"Done! Oh god! You're amazing Abby. Kung sana ay kanina ka pa nagseryoso ay kanina pa tayo tapos." Nakangiting sabi ni Rigel at saka niya ako sinenyasan na lumapit sa kaniya.

Damn. Ako ba talaga 'yan? O baka naman ay may auto pampaganda ang lens ng camera ni Rigel at nagmukha akong tao sa pictures. 

"Like what you see?" Ani Rigel. Tumango ako bilang sagot. Kung alam mo lang, sa likod ng mga kaakit-akit kong ngiti ay isang madilim na balak kung paano ka patutumbahin. Charot!

Masyadong maganda ang mga kuha niya para gantihan siya. Pagbibigyan ko siya ngayon, saka na lang ako gaganti kapag siya rin ang nangailangan.

"Thank you! Ayos ka rin palang photographer, yun nga lang ay mababaon sa hukay ang isang paa ng model mo. Grabe ka sir!" 

"Of course, buwis buhay talaga ang kailangan para makakuha ka ng magandang picture."

"Sus, dami mo lang talagang alam. Tsaka ano pala, malupet ka na managalog ah, natututo ka na. Kaya mo na magsalita ng diretsong tagalog. Para ka nang kanong pinoy." Pagbibiro ko sa kaniya. In his third week of staying here ay napakalaki na ng inimprove ng Filipino Vocabulary niya.

"How could I not learn if the person I always spoke with is you. You speak tagalog well so ayon haha."

"Malamang, pinay ako edi magtatagalog ako." Parang shunga 'to si Rigel haha. Sabagay, lagi ko ba naman siyang tinatagalog, malamang ay araw-araw nag-iimprove ay vocabulary niya. Nandito siya sa Pinas kaya siya ang mag-adjust. Amerikano siya edi mag-english siya, pinay naman ako edi magtatagalog ako pagkat ayon kay Rizal ay "Ang 'di magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa masansang na isda." O'diba hashtag dugong Pilipino talaga ako.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Next chapter