webnovel

26

KABANATA 26: The old man

The atmosphere between us was uneasy. Alam kong naiinis parin si Lyreb dahil sa katigasan ng ulo ko ngunit gusto kong ipaglaban na hindi niya na kailangang mag-alala at magalit dahil nakauwi na kami ng maayos. Hindi nga lang naming nakuha iyong libro, at sigurado akong hinahanap narin kami ng mga pulis dahil naalarma sila sa biglang kaguluhan sa aming mansion. Ngunit hindi iyon ang pinoproblema ko, hindi lang ang mga pulis ang naghahanap sa akin kundi pati na rin ang organisasyon na kinaroroonan ni Lyreb. I want to ask him how does his plan goes ngunit wala akong lakas ng loob. Watching him silently traipsed his hair all over makes me feel his frustration.

"I am so sorry…" Kusa iyong lumabas sa aking bibig. Mabilis siyang lumingon sa akin nang hindi umaalis sa bintana. Tinawid ng kaniyang malalalim na tingin ang distansya naming dalawa. I am standing at my room habang siya'y nakaupo sa bintanang nasa sala sa likod ng mahabang sofa, "Sorry, makikinig na ako sa'yo…" Muli kong saad.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Totoo, mabilis na akong makikinig sa kaniya ngunit panghahawakan ko ang sinabi niyang sasamahan niya ako sa paglibot ng mundo. Humakbang ako palabas ng aking silid at dahan-dahang tinahak ang distansyang namamagitan sa amin.

"What's on your mind, Lyreb?" Hindi ko mapigilang tanong.

He sighed and furrowed as he stared the wilds through the window, "Your safety…"

Napayuko ako, "I am safe here… with you," tugon ko.

"I am thinking of surrendering you to the police," aniya.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa suhestiyon niya o maiinis. A part of me is happy, dahil makikita ko na kung nasaan ang aking pamilya at makakapamuhay na muli sa labas ng kakahuyang ito. Ngunit nasisiguro kong hindi ako ligtas kahit sa kamay ng sinong pulis, dahlia ng organisasyon na mismo ang naghahanap sa akin. Isa pa, hindi ko na makita ang sarili kong nasa panganib nang wala si Lyreb. All my struggles and pains, he was always there to save me. Kung isusuko niya ako sa mga pulis, alam kong hindi siya sasama at babalik sa kaniyang organisasyon. Bukod sa hindi parin ako sigurado sa aking kaligtasan ay mas lalong hindi ako sigurado sa kaniyang kaligtasan.

"Iyon na lang ba ang naiisip mong paraan?" I asked.

He stared at me, mesmerized every inch of me, "Wala na akong ibang maisip para sa kaligtasan mo,"

"Paano ka?" Mabilis kong tugon.

Nag-iwas siya ng paningin, "Huwag mo akong alalahanin. Hahanapin ko iyong itim na libro,"

"Pagkatapos?" Hindi na ako makapaghintay pa, "Sasama ka na sa akin?" Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili. Muli niya akong nilingon, at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mukha, tila ba hindi sigurado sa bagay na iyon.

"A princess and a criminal… cannot be together, Damsel," aniya sa malungkot na tinig.

Bigla namang akong nanginig ng bahagya dahil sa kaniyang sinabi at hysterical na lumapit pa ng ilang hakbang sa kaniya, "You are not a criminal, you are also a victim…"

Habang tumatagal ang aming pagsasama ay marami akong narerealize na bagay para sa kaniya. We were both victims, but our big difference is he was tortured, brainwashed as he lost his memories… while I was saved by him. He has the worst fate throughout this journey, kaya naman palaisipan parin sa akin kung bakit niya ako piniling iligtas. He had the chance to kill me, to hurt me, to rape me… not that I wanted to because I will definitely sue and kill him as well, but he choose not to. Meaning, he has still his human side, he's not all demon. Not literally a demon, of course he is pure human but his deeds were such inhuman as he was made to be by that damn organization. He choose to save me, to hide me kahit na ako na ang kaniyang mission.

How does Lyreb handle all of these?

"I have accepted the fact that you and I cannot be together as the days go by, Damsel…"

"You dim-witted fool!" Sigaw ko at iritado siyang sinugod sa bintana. Walang pasabi ko siyang pinaghahampas dahil sa inis, namuo ang luha sa aking mga mata at napaiyak ng tuluyan nang sanggain niya ang mga hampas na ibinabato ko sa kaniya, "Paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan? You are hopeless! I am hoping for us to have  a better life, and then there's you…"

"Damsel! Masakit na!" he exclaimed and gripped my hands as he embraced me and pulled me against his chest, " I am so sorry okay… sorry, but  I was just saying the truth."

"Na ano?! Na hindi tayo pwedeng magsama?" I sobbed and began to escape from his embrace to hit him with my smashes again, "How dare you! Sana pala ay pinatay mo nalang ako noon kung hindi mo lang naman paninindigan ang pagkupkop sa akin! I lost everyone… I don't want to lose you too!"

"What are you talking about?" He said as he tried to stop my smashes. Umalis siya sa bintana at niyakap ako ng mahigpit upang pigilan ang aking mga hampas, "Iniisip ko lang ang nararapat para sa iyong kaligtasan,"

"When will you consider ours then? US?"

He caressed my back, "Please don't make me say this…"

I smashed his chest again like a caged beast trying to escape from its coon, "Spill it!"

"There was never an us. There will be always you and me, hindi tayo pwedeng magsama. Hindi ako pwede sa'yo, at pipiliin ko ang kaligtasan mo kaysa kaligtasan ko. Nahihirapan na ako, please don't make this harder for me…"

Nahinto ako sa paghampas matapos niya iyong banggitin. Tama ba ang narinig ko? Nilinaw niyang walang namamagitan sa amin? So he was  an indenial beast after all. It was just me who wants to be with him while all he want was my safety. It does make sense now, but not to me. Hindi ko iyon matanggap. Nanghihina akong kumawala sa kanyang mga bisig, hindi parin nahihinto sa paghikbi.

"So you made us clear, there was never an us…" Matalim kong saad.

Magaan niya akong pinakawalan at akmang hahaplusin ang aking mukha ngunit matalim akong umiwas. He was shocked when I took a step away from him. Naestatwa siya sa kaniyang kinatatayuan habang ako'y patuloy na umaatras.

"Look, it's not what you think…"

"Then what do you think do I think?!" I harshly wiped my tears away, "Fine, ibigay mo na ako sa mga pulis at mamuhay ka ng buhay na gusto mo. I didn't tamed the beast after all, I never changed his perception to have a new life amidst circumstances. I thought I got you already, Lyreb…"

His face became serious, " I was born for this, Damsel,"

"NO!" I squealed, "You were born to be a normal, successful person. Look at you, no memories… it's just you hating the world by doing bad things and obeying your invisible boss!" Patuloy akong umatras at habang siya'y humahawak sa kaniyang ulo, "You were brainwashed, you thought you've grown up as a beast but deep inside you're not! You know you are not! You should have killed me, tortured me, dapat rin ay ibinigay mo na ako sa boss mo pero hindi mo ginawa… dahil nariyan paging ang pagiging ikaw Lyreb, your heart is still beating and you're human! Don't fool yourself, we are not yet sure of your identity."

"Stop…" he confusedly said and harshly sat down while holding his head.

"Minsan ba ay ginusto mo ring alamin kung sino ka ba talaga?"

I suddenly became worried and went straight at him. Mukhang bumabalik na naman ang kaniyang mga ala-ala.

"Hindi ako nagrereklamo sa paraan ng iyong pagprotekta sa akin, natutuwa ako dahil gusto mo akong protektahan. Ngunit hindi ko gusto ang kagustuhan mong protektahan ako habang unti-unti mong hinuhulog sa kapahamakan ang iyong sarili para lang sa akin. We can have a normal life, huwag mo namang ipagkait iyon sa akin. Gusto kitang… makasama,"

I exploded when I saw tears from his eyes, mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. I sat in his lap and buried his face on my chest while caressing his head, "I am so sorry, hindi ko sinasadya… hindi ko na rin alam ang mga sinasabi ko," I sobbed.

Pilit niyang nilalabanan ang sakit ng kaniyang ulo at nararamdaman ko ang kirot niyon dahil humihigpit ang pagkakahawak niya sa aking bestida. He placed his hands around my waist and his grips tightened whenever his head hurts. Ako ang naiiyak sa sakit na kanyang nararamdan, ngunit gusto ko lang namang ipaunawa sa kaniya na pwede kaming magsama. At gusto ko siyang makasama, ayaw kong ipagkait niya sa akin ang bagay na gusto ko… I just want to be with him what's wrong of being with him? If in him I find solace, so as he.

He yelled in excruciating pain while I continuously caressed his head.

Pareho kaming napalingon nang marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa niyon iyong matandang lalaking binaril niya kanina, ang matandang lalaking nakausap nang gabing iyon… ang lalaking sa tingin ko'y kumuha kay Lyreb.

"I knew it," the man hissed and pointed his gun at us.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa nanghihinang si Lyreb. Nataranta ako nang makitang dumudugo na ang kaniyang ilong, ibig sabihin lamang ay matalim na umaatakeng muli ang kaniyang mga ala-ala at talagang nahihirapan na siya.

"Rupert," he whispered.

Next chapter