webnovel

CHAPTER 11:

Chapter 11:

"Steph."

Mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin ng makalapit ako sa kanya. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit nuon. Naramdaman ko din ang pagyugyog ng balikat niya, para siyang umiiyak.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla, hindi ko inaasahan na pupunta siya dito ngayon at magpapakabasa sa ulan. Ano bang ginagawa niya dito?

"B-bakit sa kanya ka sumama? Bakit hindi sa akin?" Humihikbi niyang tanong.

Dama ko ang bilis ng tibok ng puso niya, malakas man ang ulan ay rinig ko parin ang mahihina niyang paghikbi, nasaktan ko ba siya ng sobra?

'Ang tanga mo, Steph hindi naman iiyak iyan sa harap mo kung hindi iyan nasasaktan eh.' Bulong ko sa isip ko.

"Kelvin..." Mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"Ang sakit, Steph. Sobrang sakit na lumakad ako papalayo sa inyong dalawa, gusto kong lumingon, gusto kong balikan ka at ilayo sa kanya, gusto kong hawakan ng mahigpit ang kamay ko. Pero hindi ko ginawa, hindi ko ginawa hindi dahil sa naduduwag ako, hindi ko ginawa dahil ayaw kong saktan ka. Gustong gusto kong ipagdamot ka, Steph, gusto ko na akin ka lang, pero ayaw kong ipagkait sa'yo yung kalayaan mo."

Shit! Bakit kailangan makasakit ako ng dalawang tao? Bakit kailangan nilang umiyak pareho sa harapan ko? Ganuon ba talaga kasakit ang dinulot ko sa kanila?

"Kelvin.., bakit ka ba nagpakabasa sa ulan? Tignan mo---"

"I waited for you. Hinintay lang naman kita, masama ba iyon? Gusto ko kasing makita ka, gusto kong makita ka na maayos sa pag-uwi mo. Kahit naman hinayaan kita kanina, mahal na mahal parin kita. Mahal kita, Steph. " Umiiyak niyang bulong sa akin, nanatili siyang nakayakap.

"I'm sorry..." Tanging nasabi ko lang, hindi ko din alam kung ano ang tamang sasabihin sa sitwasyon na ito.

Ako ang dahilan kung bakit sila nasasaktan na dalawa, ako ang dapat sisihin sa sakit na nararamdaman nila. Ang gusto ko lang naman kasi, magustuhan din niya, ang makilala pa niya ako ng husto, pero hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang magiging love story naming dalawa. Ang hirap lang.

"Mahal kita, Steph. Mahal kita simula palang, simula palang ng pangungulit mo sa akin, pero tinago ko kasi ayaw kong mapahamak ka. Pero mali yata ako na ginawa ko iyon, sana nuon pa ako umamin."

Humarap siya akin, hindi man mahahalata ang mga luhang bumabagsak sa kanyang mga mata dahil sa lakas ng ulam alam kong umiiyak siya.

"Steph, akin ka nalang please.., akin ka na---"

"Kelvin!"

Niyakap ko siya ng mahigpit, hindi ko na kaya pa na makita siyang umiiyak dahil sa akin. Hindi ko na kaya pang malaman na may dalawang taong nasasaktan dahil sa akin.

Ako naman ang kumalas sa pagkakayakap naming dalawa, humarap ako sa kanya at malapad na ngumiti. Ngayon, sigurado na ako, sigurado na ako sa nararamdaman at gusto kong mangyari.

Sa isang iglap ay naramdaman ko ang paglapat ng labi ko sa malambot niyang labi. Pakiramdam ko ay tumigil ang oras, tanging pagtibok lang ng puso ang naririnig ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal na naglapat ang labi naming dalawa. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakatitig sa mga mata niya habang siya ay gulat parin sa ginawa ko.

Kung ako man ay tila natauhan sa ginawa ko, bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Kelvin, tara na sa loob ng bahay."

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Hinila ko nalang siya basta papasok sa loob ng bahay namin.

Si mama naman ang agad na sumalubong sa aming dalawa, napatigil pa ito sa panunuod sa laptop ng makita kami ni Kelvin na basang basa.

"Oh, ano ba iyang itsura ninyong dalawa? Saan ba kayo galing? Naku, kayo talagang mga bata kayo, oh. Pumasok nga kayo dito at magpalit kayo ng damit."

Inasikaso ni mama si Kelvin at ako naman ay umakyat na sa kwarto ko at nagbigis. Simpleng damit lang ang suot ko, loose shirt at maiksing short, typical na ayos kapag nasa loob ako ng bahay.

Humiga ako sa kama matapos kong magbihis, nakatingin ako sa kisame at pinipigilan ang sarili na tumili. Hanggang tainga din ang ngiti sa aking labi. Naalala ko ang malambot na labi ni Kelvin, yung halik niya.

Nagpagulong gulong ako sa kama dahil sa nararamdaman kong kilig. First kiss ko iyon at masaya ako na kay Kelvin ko binigay yun. Shit! Ako pa pala ang humalik sa kanya.

Natigil lang ako ng may kumatok sa pinto, istorbo naman. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko si Kelvin na topless. Hindi agad ako nakapagsalita at sa katawan niya lang ako napatitig. Shit! Yummy, pwede ng ulam.

"Enjoying the view?" Napailing ako ng marinig ko siyang nagsalita.

"A-ano ba? Magdamit ka nga, Kelvin." Suway ko sa kanya, hindi ako makatingin sa kanya dahil sa hiya.

"Bakit ayaw mo ba ng view?" Napaatras ako ng unti unti siyang lumapit sa akin.

Malakas ang ulan pero bakit biglang uminit ang paligid? Tila napigil din ang hininga ko sa paglapit niya sa akin. Pilyo ang ngiting ibinibigay niya sa akin, hindi ko rin namanlayan na nakapasok na kami sa loob ng kwarto ko at nakaupo sa kama. Habang ang mukha niya ay ilang inches nalang ang layo sa akin. Isang maling galaw ay mahahalikan niya ako.

Shit! Napatitig ako sa mga labi niya, naalala ko kung paano nagtagpo ang mga labi namin sa gitna ng ulam. Iyon na yata ang pinaka-magandang nangyari sa akin ngayong araw.

"Want my lips again?"

Nalaki ang mata ko sa sinabi niya. "Duon ka na nga." Tinulak ko siya.

Umayos naman siya ng tayo at inilahad ang kamay sa akin. "Tumayo ka na diyan, kakain na daw tayo sabi ni tita."

Kakain lang pala, pwedeng siya nalang ang kai--ERASE! Bad Stephanie Alferez.

Inerapan ko siya bago ko kunin ang kamay niya. Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong hilain dahilan para bumagsak kami. Mukhang plinano niya lahat dahil nakaikot pa siya para sa kama kami bumagsak,

Nakapatong ako sa kanya habang ang dalawang kamay niya ay nakapulupot sa bewang ko. Ang isa kong kamay ay nasa dibdib niya. Naramdaman ko ang paghawi niya sa buhok ko na humarang sa aking mukha.

Nakaka-chansing na ang lalaking ito ah.

"Bakit mo ako hinalikan kanina?" Tanong niya sa akin.

Imbis na sumagot ay tinitigan ko lang ang labi niya. Ano bang ginawa ng lalaking ito sa akin at simula ng halikan ko siya ay hindi na maalis sa isip ko ang malalambot niyang labi.

"Hey, hindi mo na ako pwedeng halikan ulit." Suway nito sa akin ng mapansin niyang nakatingin ako sa labi niya.

"Sino may sabing hahalikan kita?"

Sinubukan kong tumayo pero masyado siyang malakas para makawala ako.

"Pakawalan mo nga ako." Inis kong singhal.

"Why? Ayaw mo ba sa pwesto mo? Gusto mo palit tayo? Ako naman sa iba---ARAY! Bakit kaba nangungurot?"

"Ang pilyo mo."

"Gusto mo naman ang pagkapilyo ko."

"Pakawalan mo na ako, baka makita tay---"

"Papakawalan kita kung sasabihin mo sa akin kung bakit mo ako hinalikan."

Napakagat labi ako at hindi nakapagsalita, paano ba dapat mag-react sa ganitong sitwasyon? Hindi naman kasi ako sanay. At paano ko ba sasabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ko siya nahalikan? Sasabihin ko ba na ginusto ko iyon, na wala lang iyon sa akin o sasabihin ko sa kanya ang totoo na ginawa ko iyon dahil sinasagot ko na siya?

"Dalawa lang ang pwedeng maging dahilan, Steph. Una, dahil simasagot mo na ako at pangalawa ay dahil sinasagot mo na ako."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa sinabi niya, may padalawa-dalawang dahilan pa siya pareho lang naman yung sinabi niya.

"Wala lang iyon, nabigla lang ako dahil umiiyak ka."

Nakita ko ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon niya. Nawala ang ngiti niya at naging seryoso.

"About that..." He paused, ".... I'm sorry, nag-ala---"

"You really want me to kiss you again, huh." Ako naman ang pumutol sa pagsasalita niya.

"What?" Takhang tanong nito.

"Nothing. Sabi ko, huwag mo nang isipin ang nangyari kanina."

" Well, you need to kiss me agai---ARAY! Nakakadalawa ka na ha!"

"Bitawan mo na kasi ako, ang inet inet eh." Suway ko habang sinusubukan paring kumawala sa kanya.

"Bakit mo muna ako hinalikan?" Tanong na naman niya.

Ang kulit naman ng lalaking ito, paano ko ba kasi sasabihin sa kanya yung gusto kong sabihin?

"Pakawalan mo muna ako." Panghahamon ko sa kanya.

Ngumisi naman siya nang nakakaloko, "hmm? No, kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, edi sige, ganito nalang tayo hanggang sa makita tayo ng mama mo."

Hinawakan niya ang ulo ko at nilapat sa dibdib niya, niyakap niya ako ng mahigpit.

Wala siyang suot na pantaas kaya dama ko ang init ng katawan niya, mabilis din ang pagdagundong ng puso niya. Nagi-enjoy ako sa ganitong posisyon naming dalawa. Malapit kami sa isa't isa at parang walang problema. Hinagod niya ang buhok ko.

"Alam mo bang pangarap ko lang ito dati? Pangarap ko lang na makasama ka ng ganito, na mahawakan at mahagkan ka. Pangarap ko lang ito dati pero ngayon... " I paused and looked directly in his his eyes. "Mahal kita, Kelvin. Sinasagot na kita."

Nakita ko ang panlalaki ng mata niya, tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napakalas din siya sa pagkakayakap sa akin dahilan para makakawala ako sa pagyakap niya at makatayo.

Tumayo din siya at tumingin sa akin ng hindi parin makapaniwala. "A-anong sinabi mo? P-pakiulit nga?"

Tila natauhan naman ako sa tanong niya, tumikom ang mga labi ko pero makikita ang ngiti duon. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Nasabi ko ba talaga sa kanya iyon? Nasabi ko talaga sa kanya na sinasagot ko na siya?

"Stephanie, please sabihin mo, tama ba ang narinig ko? Sabihin mo sa akin, sinasagot mo na ako diba? Hindi naman ako nagkakamali sa narinig ko? Diba?"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero sa puntong ito ay sigurado na ako sa nararamdaman ko. Mahal ko ang lalaking ito, mahal ko si Kelvin.

Malapad na ngiti ang binigay ko sa kanya. "Paano kung ayaw kong sabihin?" Pilya kong tanong dito.

Pinulupot niya ang kamay sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. "Sasabihin mo o hahalikan kita?"

Lalo ko namang nilapit ang mukha ko sa kanya, bigla kong naalala kung paano ko kinulit ang lalaking ito ng apat na taon kaya naman hindi na dapat ako mailang pa sa kanya.

"Halikan mo ako kung kaya mo." Panghahamon ko din sa kanya.

"Hinahamon mo ba ako, babae?"

"Hindi mo naman talaga kaya."

" Kaya ko pero..." Nilapit niya ang mukha sa akin, tinignan niya ang labi ko. "...hindi ko gagawin."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi mo lang kaya, aminin mo na."

"Steph, alam mo ba kung gaano ko kagusto na mahalikan iyang mga labi mo? Pero mas gusto kong halikan iyan sa araw ng kasal natin. Cause, you have my respect, Steph."

Natahimik ako sa sinabi niya. He never fails to amaze me.

"Dami mong sinabi, oo na. Tama yung narinig mo, sinasagot na kita. Mahal kita, Kelvin."

"Hindi ko narinig." Nakasimangot niyang sabi, ang kulit naman ng lalaking ito. May problema ba ito sa pandinig?

Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Ang sabi ko, Oo, sinasagot na kita at mahal kita, Kelvin. Mahal na ma---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap. Mahigpit iyon at sa sobrang higpit ay halos hindi ako makahinga. Nang humiwalay siya sa akin ay malapad na ang ngiti nito.

"YES. YES. YES. MAY GIRLFRIEND NA AKO. GIRLFRIEND KO NA SI STEPHANIE ALFEREZ, YES!!! Mahal din kita, Stephanie."

Hindi ko inaasahan ang pagsigaw niya pero mas hindi ko inaasahan ang pagsayaw niya ng gano'n. Hindi ko akalain na ang crush kong cold at snob ay may tinatagong talento at kakulitan.

"Ano bang nangyayari dito? Ijo, bakit ka sumisi---"

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni mama ng bigla siyang yakapin ni Kelvin. Damn! Hindi ko alam na magiging ganito ang reaction niya dahil lang sa pagsagot ko ng 'oo'.

"Girlfriend ko na si Stephanie, tita. YEHEY! THANK YOU. THANK YOU! Pangako tita, hindi ko sasaktan ang anak ninyo." Sumayaw pa ito kahit sa harap ni mama, dahilan para tumawa si mama.

"Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa'yo, Ijo. Pero sigurado ka na ba sa anak ko?"

"Mama, naman!" Suway ko dito, nanay ko ba talaga ito? Bakit parang number one basher ko?

"Joke lang, alam mo Ijo, hindi ako nagkamali ng pagsuporta sa'yo. Bihira ang lalaking katulad mo." Turan ni mama.

"Sigurado na ako sa kanya tita, kahit ano pa ang ugali niya, kahit sino pa siya, sigurado akong mamahalin ko siya."

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Paulit ulit din siyang nagpasalamat sa akin. Maswerte nga ako sa lalaking ito, maswerte ako na siya ang napili kong mahalin kahit pa may nasaktan akong isa.

"Ang pangit ninyong tignan na dalawa. Magbihis ka na, Kelvin at kumain na tayo, lumamig na ang pagkain dahil sa kaharutan ninyong dalawa."

Nagtawanan lang kaming dalawa ni Kelvin, hinawakan niya ang kamay ko bago kami sabay na bumaba at tumungo sa kusina. Masaya ako na sa apat na taon kong paghihintay, yung apat na taon kong pinangarap na sa akin na ngayon. Nakuha ko na ngayon, nasa akin na ang magandang regalo. Nasa akin na si Kelvin Corpin, yung lalaking dati ay pangarap ko lang.

"Ijo, dito ka nalang magpalipas ng gabi, malakas ang ulan baka mapaano ka pa. Para may kasama na din kaming dalawa ng anak ko." Sabi ni papa sa gitna ng kainan namin at kwentuhan.

"Kung iyan po ang gusto ninyo, tita. Baka mahirapan din akong mag-drive." Sang-ayon naman ni Kelvin.

Malapad ang ngiti nito ng tumingin sa akin, ako naman ay nanatiling tahimik. Iniisip ko kung paano ako makakatulog gayong alam kong nandito si Kelvin.

Matapos kumain ay naghanda na kami para matulog, hindi ko naman alam kung ano ang naisip nang magaling kong nanay at sa kwarto ko pinatulog ang magaling na lalaki. May isang bakanteng kwarto naman. At ang lalaki namang ito tuwang tuwa sa desisyon nang mama ko.

"Gusto mo tabi tayo matulog tapos yakapin ki---Ang sadista mo." Reklamo nito ng batuhin ko siya ng unan.

"Diyan ka sa lapag matulog, ang swerte mo naman kung magkatabi tayo."

"Damn! Baby, let me sleep beside you and cuddle you." Ngumuso pa ito habang nagmamakaawa.

But did he really called me 'baby'? Bakit parang kapag siya ang nagsabi ng katagang iyon ay ang sarap pakinggan? I'm really inlove with him.

Sa huli ay sumuko din ako at hinayaan siyang matulog sa tabi ko, yakap niya ako ng mahigpit, ang ulo ko ay nakaunan sa dibdib niya. Gusto ko din naman ang ganitong pwesto.

"Goodnight baby. I love you."

"Goodnight, I love you more."

Hinalikan niya ako sa noo at sabay kaming nakatulog ng magkayakap.

Next chapter