webnovel

CHAPTER 3:

Chapter 3:

Matapos ang klase ay nag-ayos na ako ng gamit,  nauna na rin si Shean sa baba at may kakausapin pa siya. If I know, sisilay lang siya. Ilan nalang kaming nandito sa loob ng classroom at halos lahat ay naglilinis. Wala na rin si Kelvin, ang asawa ko na talagang iyon hindi man lang marunong magpaalam.

Nasa gitna ako ng pag-aayos ng sumulpot sa harapan ko si Janah at Kyla. Para silang mga kabute kung saan saan sila sumusulpot. Pinagtaasan nila ako ng kilay nilang mga peke naman, burahin ko yan eh.

She crossed her arms. "Steph, you kn---"

"For how many times do I have to tell you na huwag na huwag mo akong tatawaging Steph, cause we're not that close." I cut her off. Akala niya yata magpapatalo ako sa peke niyang mukha.

"Wala kang pakaelam sa gusto kong itawag sa iyo. Ang sa akin lang layuan mo si Kelvin, hindi kayo bagay."

Saglit akong napahinto sa sinabi niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay, ang kapal din niyang sabihin sa harap ko iyon. Kung tarayan lang naman ang labanan hindi ako magpapatalo sa kanya.

"At sinong bagay sa kanya? Ikaw? C'mmon Janah, huwag kang ilusyunada." Mataray ko ding sabi sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at panggagalaiti.

Kung nakamamatay ang tingin siguro mala-demonyo na ang tawa ng babaeng ito dahil siguradong patay na ako kanina pa.

"Alam mo maganda ka." Nakita ko ang bahagyang pagngiti niya sa sinabi ko. "Kaya lang ang ganda mo peke, dinaan sa make up gano'n, bakit hindi mo subukang burahin iyang makapal mong make up ng makita naman namin ang tunay na kulay mo? O kaya bawas bawasan mo, baka mas maganda ka pa ku---ARAY! " Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya.

Nakita ko ang pagtawa ni Kyla nang sampalin ako ng amo niya. Namula yata ang mukha ko sa ginawa niya, tinignan ko siya nang masama. Ano bang kamay meron ang babaeng ito? Bakal? Sinubukan kong pigilan ang sarili ko pero dahil ramdam ko ang hapdi ng pisngi ko ay mabilis na dumapo ang kamao ko sa mapula niyang mukha.

"Ohmygash, Janah." Nag-aalalang tanong ni Kyla sa kaibigan at hinimas pa ang pisngi nito.

"Ang kapal talaga ng mukha mong babae ka. Masakit yun ha." Sinugod niya ako at hinablot ang buhok ko.

Hindi ako nakakilos nang sabunutan nila akong pareho. Unti unti kong naramdaman ang paghapdi ng anit ko, tingin ko konting sabunot nalang hihiwalay na any buhok ko sa anit.

"Mayabang kang babae ka, ang dapat sa'yo kinakalbo." Nanggagalaiti nitong sigaw habang patuloy parin silang dalawa sa pagsabunot sa buhok ko.

Pakiramdam ko ang hilong hilo ako sa ginagawa nila. Umiikot na ang paningin ko at kahit magsalita at hindi ko magawa. Sa oras na makakawala ako sa kamay ng dalawang ito makakatikim sila ng high kick sa akin. Huwag lang talaga akong mabitawan ng isa sa kanila.

"Hoy." Napahinto silang dalawa ng may sumigaw. Hindi ko alam kung kaninong boses iyon pero salamat nalang sa kanya. "Tigilan niyo na nga si Steph, walang kalaban laban sa inyo yung tao, pinahtutulungan ninyo."

Napaupo ako ng bitawan nila ang buhok ko. Umiikot parin ang paningin ko at feeling ko masusuka ako sa ginawa nila sa akin.

"Pasalamat ka may dumating para iligtas ka kundi makakalbo ka."

Tinignan ko lang siya ng nakakaloko, tignan lang talaga natin kung magawa niyo pa ulit sa akin ang ganito.

Binaling ko naman ang atensyon ko sa lalaking tumulong sa akin at gano'n nalang ang tuwa ko ng makita ko si Kurt na papalapit sa akin. Mas lalo yata siyang gumwapo ngayon kaysa kanina nung nakausap ko siya. Ang tikas ng katawan niya at---erase Steph, umayos ka, nasaktan ka na lahat lahat, ganyan parin ang iniisip mo?

Nagulat ako ng buhatin niya ako ng parang bagong kasal, hindi agad ako nakapagsalita nang magtama ang paningin naming dalawa, tila ba may kung anong naghahabulan sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag pero sadyang mabilis ang pagtibok nito.

Masyadong malapit ang mukha naming dalawa sa isa't isa, konting maling galaw ay maaari niya akong mahalikan. Agad kong iniwas ang paningin ko sa kanya.

"Ibaba mo na ako dito, kaya ko naman eh." Pinilit kong umakto ng natural. Shit, my heart is beating so fast. Para akong mauubusan ng hininga.

"Sigurado kang kaya mo?" May pag-aalalang tanong nito sa akin."

"Oo, buhok ang sinabutan sa akin hindi paa."

Mahina siyang tumawa at binaba ako. Huminga ako nang malalim at hinarap siya, binigyan ko siya nang isang nakakalokong tingin.

"Oh? Bakit ganyan ang tingin mo?" Pagsusuplado nito sa akin.

Hindi ko inaasahan pero napatitig ako sa mukha niya ng sabihin niya iyon. Wala akong ibang tinitigan ng gano'n kundi si Kelvin lang.

"Tama sila, gwapo ka nga." Wala.sa sarili kong sabi, kahit ako ay nagulat din sa tinuran ko. Bad, Steph.

"Matagal na." Mahina siyang napatawa.

"Ang kapal mo." Inerapan ko siya at naglakad nalang palabas ng classroom.

Alam ko na nakasunod lang siya sa akin pero sinikap kong huwag siyang lingunin. Ewan ko, pero tingin ko kapag nilingon ko siya ay mapapatitig nanaman ako sa mukha niya. Ayaw kong mangyari pa iyon, nakakahiya.

Nakita ko si Shean sa hindi kalayuan, nakaupo iyon at nakikipagtawanan kausap ang isang lalaki. Malayo man ay sigurado akong si Yohanne iyon. At close na pala silang dalawa ngayon, diba sana all, napapansin ng crush.

Ako kaya? Kelan kaya ako mapapansin ni Kelvin?

Nakaka-inggit naman siya. Ako itong nagsisikap para mapansin ng crush ko tapos siyang walang ginawa ay close na sa crush niya.

Napahinto ako at pinanuod lang siyang nakikipagtawanan kay Yohanne. Parang nakakahiya namang guluhin silang dalawa.

"May pupuntahan ka ba?" Hindi na ako nahulat sa presensya ni Kurt sa likod ko. Bumuntong hininga ako bago siya harapin.

"Wala naman, aayain mo ba ako?"

"Hmmm." Umakto itong nag-iisip. "Panuurin mo nalang akong mag-practice ng basketball." Inakbayan niya pa ako.

Nang makarating kami sa gym ay sinalubong agad siya ng mga ka-team mates niya. Pinakilala niya ako sa mga ito, masaya sila kausap at puro sila kalokohan tulad ni Kurt. Inasar pa nga nila ako at tinanong kung kelan ko balak sagutin ang kaibigan nila.

Paano ko sasagutin, hindi naman nanliligaw. At kahit naman manligaw hindi ko siguro siya mabibigyan ng pagkakataon, gusto ko si Kelvin lang.

"Kuuuuurt." Napalingon kaming lahat ng may tumawag kay Kurt. " Uyy, siya yung cr---ahmm, kausap mo kanina sa corridor diba?" Tanong nung lalaki kay Kurt na itinuro pa ako. Ngumiti siya ng nakakaloko.

Nginitian ko siya at hindi nalang pinansin ang sinabi niya.

Nag-umpisa nang maglaro ang mga ito at napapahanga ako dahil talagang magagaling sila. Mukhang hindi pa sila seryoso sa ginagawa nilang laro dahil puro lang sila tawanan. Hindi makikitaan ng pagod sa mga mukha nila. Kung minsan ay sinusulyapan ako ni Kurt at nginingitian gano'n din naman ang ginawa ko dito.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at minessage si Shean. Pinauna ko na siyang umuwi dahil nanunuod pa ako ng basketball. Tinatad parin akong umuwi.

"Steph!" Napatitig ako kay Kurt nang isigaw niya ang pangalan ko. Napatingin tuloy sa akin ang ibang babae dito sa gym. "Para sa'yo." Tanging sabi niya.

Nagpalakpakan ang mga babae ng mai-shoot niya ang bola sa ring. Napangiti din ako at napapalakpak, sino ba namang hindi hahanga sa kanga? Na-shoot niya ang bola kahit na sa akin siya nakatingin. Gano'n talaga siya kagaling.

"Uyy, may inspirasyon ang MVP natin." Rinig kong sigaw ng isa sa mga ka-team niya. Umiling lang siya pero malapad ang ngiti.

Nang matapos ang praktis nila ay mabilis silang sumapit sa akin, nagtatawanan.

"Uy, Stephanie ngayon ko lang nakitang ganadong ganado mag-practice iyang alaga ko. Anong pinakain mo diyan?" Tanong ng coach nila sa akin.

" Ah--hehe, wala naman po." Nahihiya kong tugon.

"Dapat pala palaging nanunuod si Stephanie ng pratis para ganadong ganado si Kurt maglaro." Natatawang kantyaw ng isa sa mga team mate.

"Oo nga, Kurt. Uyy, Stephanie sa laro namin manuod ka, para manalo kami." Pag-aaya nila sa akin.

"Huwag niyo ngang biruin si Steph ng ganyan." Saway ni Kurt sa mga ka-team mate pero ngumiti lang ako.

Kung magiging kaibigan ko si Kurt kailangan ko na yatang masanay sa mga ka-team niya.

"Hayaan mo na sila Kurt." Tinignan ko ang team. " Sige manunuod ako, kailan ba?" Tanong ko pa sa kanila.

Naghiyawan naman sila, tinignan ako ni Kurt na parang magtatanong kung sigurado ako sa ginagawa ko. Nginitian ko lang siya.

"Yun naman pala. Masyado kang protective, Kurt." Nagtawanan sila kaya nakisabay narin ako. "Sa makalawa na yung laban namin, huwag kang mawawala ha." Tumango lang ako.

Madami pa kaming napag-kuwentuhan ng mga ka-team ni Kurt samantalang siya ay seryoso lang na pinapanuod ako. Hawak ko lang ang braso niya na parang komportableng komportable ako sa presensya niya.

Kung minsan ay napapasulyap ako sa kanya at siya naman ay umiiwas ng tingin. Hindi ko maiwasan ang humanga sa pagsasama nila ng mga ka-team niya. Para silang magkakapatid kung magturingan.

"Tara na?" Inilahad ni Kurt sa akin ang palad niya at nakangiti ko naman iyong tinanggap. "Guys mauna na kami, umuwi na rin kayo. Baka mambabae pa kayo." Paalam nito sa mga kaibigan. Ako din ay kumaway sa kanila bilang paalam.

"Pagpasensyahan mo na sila ha. Madadaldal lang talaga iyon." Nahihiya niyang paumanhin.

"Ayos lang iyon, ang saya nga nila kasama eh. Puro sila kalokohan." Natatawa kong sabi. Nag-enjoy naman talaga ako sa samahan nila.

"Tara?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Saan naman ako dadalhin ng lalaking ito

"Wait. Saan tayo pupunta? Anong ora---"

"Ililibre kita ng ice cream, balita ko favorite mo iyon. And no worries, ihahatid kita sa inyo. Ako ang bahala sa parents mo." Pagputol niya sa sasabihin ko.

Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya, sayang ang libre. Atsaka ihahatid naman niya ako, gentleman din pala ang lalaking ito.

Nakarating kami sa pinakamalapit na ice cream shop. Siya na ang umorder at ako ay naupo lang habang naghihintay sa kanya.

Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan habang nakikipag-usap sa babae sa counter. He has humble personality, kahit sino ang kausap niya nakangiti siya.

Kahit sino naman siguro magkakagusto sa lalaking ito. Gentleman na tapos gwapo pa. Swerte nang magiging girlfriend ng lalaking ito.

Nakangiti siya ng ibigay sa akin ang ice cream chocolate flavor at nakangiti ko ring tinanggap iyon. Inumpisahan kong kainin iyon, ang sarap ng libre.

Nagkuwentuhan pa kami habang sabay na kinakain ang ice cream na binili niya. Pinagmasdan kong muli ang bawat galaw niya mula sa pagbukas ng bibig niya habang nagkukuwento siya. Ang bawat pagngiti niya.

"Kanina ka pa titig nang titig sa akin, baka mauna pa akong matunaw sa ive cream mo." Pagbibiro niya.

Napaiwas naman agad ako ng tingin sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko at kanina pa nga ako titig ng titig sa kanya.

"Naninibago lang ako. Hindi kasi ako madalas kumausap ng lalaking bago ko lang nakilala." Paliwanag ko sa kanya. Siguro nga ay gano'n lang ang rason ko.

"Masanay ka na sa akin ganito talaga ako sa kahit kanino. " Ngumiti nanaman ito. Hindi ba nagsasawa ang lalaking ito sa kakangiti? Baka malimutan kong crush ko si Kelvin at ipagpalit ko iyon sa lalaking ito.

Pero hindi mangyayari iyon, loyal ako kay Kelvin. Kahit hindi niya ako gusto.

"Ang dami sigurong nagkakagusto sa'yo noh?"

"Nagkakagusto? Siguro."

"Magaganda siguro sila."

"Maganda, pero wala sa kanila ang gusto ko."

Tumaas ang kilay ko. Choosy pala ang lalaking ito, magaganda na ang lumalapit ayaw pa.

"Bakit naman? Sayang magaganda pa naman sila." Lumungkot pa kunwari ang boses ko.

"Hindi lang sila yung tipo kong babae." Tumingin ito sa akin. "Maganda sila but there's only a girl who caught my attention. And she's prettier than those girl."

"Girlfriend mo?" Curiosity strikes me.

"Wala akong girlfriend."

Pwede ako nalang? Charr.

"Edi, sino yung babaeng tinutukoy mo?"

"Atsaka mo malalaman."

Hindi na ako muling sumagot pa. Hindi ko parin naman siya gano'n kakilala para kulitin tungkol sa personal na buhay niya. Nginitian ko nalang siya at muling kumain ng ice cream.

Halos manlaki naman ang mata ko nang makita ko si Kelvin sa kabilang lamesa, masama itong nakatingin sa akin habang kunwaring kumakain ng ice cream. Hindi ko man masyadong maaninag ang mukha niya pero sigurado akong siya iyon.

Napakunot ang noo ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Ngumisi pa ito habang nagpapabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Kurt. Ano naman kayang problema ng lalaking ito? At himala lang na nagkaroon ng expression ang mukha niya ngayon. Mukhang galit nga lang.

At bakit naman kaya nandito ang lalaking ito? Sinusundan niya ba kami ni Kurt at nagseselos siya dito?

Wala sa sariling napangiti ako sa naisip ko. Umaasa nanaman kasi ako sa walang kasiguraduhan, sa bagay na malabong mangyari.

Muli ay napatingin ako kay Kurt. Kung itong lalaki na ito siguro ang naging crush ko, madali ko lang makukuha ang loob. Kaya lang si Kelvin talaga ang gusto ko, isang lalaking tila may galit sa mundo.

Nilabas ko ang phone ko at binrose ang chatbox namin ni Kelvin. I started to type a message for him saying, Selos ka noh?. Then I laughed.  Tinignan ko siya at nginitian.

"Konti nalang Steph, mapagkakamalan ko nang nababaliw ka." Napahinto ako sa sinabi ni Kurt. Nakalimutan kong kasama ko nga pala siya.

"Hindi naman. Si Shean kasi nag-chat, hinahanap na daw ako sa amin. Yari ako pag-uwi." I lied.

" Tara? Ihatid na kita pauwi. Ako ang bahala sa parents mo."

Muli akong sumulyap kay Kelvin at kinawayan siya bilang paalam.

A//N: Bihira akong mag-update not because tinatamad ako, wala lang talaga akong load madalas. Happy readings.

Next chapter