webnovel

Kabanata 54

Kabanata 54

Totoo ngang nakakagaan ng loob ang nangyaring pag-uusap sa amin ni Uncle—Daddy, I mean. Noon ko rin naamin sa sarili kong matagal akong nauhaw sa pagmamahal ng isang tatay. And I am thankful he gave me that when I needed it the most. Hindi ko masasabing fully recovered na ang puso ko, but it helped a lot. Natuto na akong ngumiti ulit—'yung totoong ngiti.

"Eunice, halika na!" sigaw ko dahil 'di ko pa rin nahahagilap si Eunice. Aalis na kasi kami para pumunta sa location ng shooting namin ngayon. Malayo-layo rin 'yon, kaya ganito kaaga.

"Eunice, ano ba!" sigaw kong muli nang hindi pa rin siya nagpapakita sa akin.

Mayamaya ay nagmamadali na nga siyang bumaba at napakunot naman ang noo ko nang makita ko ang ayos niya. Nakapambahay pa rin siya at halatang hindi pa nag-aayos man lang.

"Eunice, bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ko sa kanya.

"Ay grabe, Ma'am." Nasapo niya ang kanyang dibdib. "Masama po ba ang hitsura ko?"

"No! I mean, bakit 'di ka pa nag-aayos? Baka ma-late tayo! Bi-bingo na talaga 'ko kay Direk," paalala ko naman sa kanya.

"Ay, Ma'am! 'Di po ba kayo na-orient?" tanong pa niya at tuluyang lumapit sa akin.

"Huh?" takang tanong ko naman.

"Hindi raw po ako ang sasama sa inyo sabi ni Ma'am Mercedes," sagot niya sa akin.

"Sino?" takang tanong ko naman sa kanya.

Sakto rin namang nakarinig ako ng yapak ng takong sa likuran ko, kaya napalingon ako doon. Nakita ko naman si Ate Mercedes na wagas kung makangiti. Para bang gusto ko na lang mapairap, pero ang tanging nagawa ko na lang ay ang magpakawala ng hininga.

"Ate, ano na naman 'to?" tanong ko sa kanya.

"Well, someone someone has just applied to be your personal and private assistant," sagot naman niya at pakiramdam ko naman ay may laman ang sinabi niyang 'yon.

"Ate, ano bang pakulo 'to?" naiinis ko namang sabi.

"Halika, ipapakilala kita sa temporary P. A mo," sabi niya at kahit 'di pa ako nakaka-react ay hinawakan na niya ang palapulsuhan ko at hinila ako palabas ng bahay.

Hindi nga ako nagkakamaling may kalokohan ang Ate ko. Pagkalabas kasi namin ay nakita ko si Apollo pati na rin ang kotse niya. Hindi na lang ako nakapagsalita pa. Nagulat akong nandito ulit si Apollo kahit pa sinabi ko na sa kanyang dumistansiya muna siya. Pero nahihiya naman akong paalisin siya kaagad, dahil alam kung ang layo pa ng pinagmulan niya.

"Maureen, meet Apollo, your personal assistant for one week," malokong sabi ni Ate Mercedes sa akin, na siyang ikinagulat ko naman.

"Ano? F-For one week?!" reaksyon ko. "Ate, that's too much! Nakakahiya sa tao. Ano ba 'to, Ate?"

"Well? He asked for it! And then Celestia and I talked, and in the end, napagpasyahan naming ganito ang magiging set-up n'yo," paliwanag naman sa akin ni Ate Mercedes at hinawakan pa ang baba ko. "Don't worry. You'll have fun!"

"Pero bakit 'di mo muna sinabi sa'kin, Ate?" nanlulumong tanong ko naman.

"Kasi kung sinabi namin sa'yo, edi hindi na surprise!" katwiran naman niya.

"Pero, Ate—" Naputol naman ang reklamo ko dahil kay Ate.

"I'm doing this for you, kaya 'wag ka nang magreklamo. And besides, you're going to be late, kaya wala ka nang magagawa," mahabang sabi niya habang halos ipagtulakan ako pasakay sa loob ng kotse ni Apollo. "Eunice! Pakisunod naman dito no'ng mga gamit ni Mau!"

Wala na lang akong nagawa kung hindi ang tahimik na pumasok sa loob ng kotse ni Apollo. Tama naman kasi si Ate Mercedes, wala na rin akong choice dahil baka ma-late pa ako kung mag-iinarte ako. At isa pa, nagmamagandang-loob lang naman 'yung tao.

Minsan naiisip kong hindi rin tama na basta na lang akong magtiwala kay Apollo. But after all the things he has done for me, I don't think he's capable of doing that. I mean, why waste all these efforts, kung sasayangin lang din naman? E, ilang beses ko na ngang sinayang ang effort niya.

"Oh, here's your things! Enjoy!" masayang sabi pa ni Ate Mercedes sabay pasok ng mga bag ko sa loob ng kotse ni Apollo. Pagkatapos ay siya na rin ang nagsara ng pintuan noon.

"Maureen, I'm. . . I'm sorry," mahinang sabi naman ni Apollo, pero sapat na para marinig ko. "Gusto ko lang naman kasi talagang bumisita paminsan-minsan. But your sisters."

"Ako nga ang nahihiya sa'yo, e. Imbis na bantayan mo 'yung bar mo, eto ka—sa'kin nakabantay," sabi ko naman sa kanya.

"Ang kaibahan lang, 'yung bar akin; ikaw hindi," makahulugang sabi niya, kung kaya't mabilis akong napaiwas ng tingin. Naku naman, heto na naman siya sa mga banat niya.

"Uh, n-nasabi na ba sa'yo nila Ate kung sa'n ang location?" pag-iiba ko na lang ng usapan.

"Yup!" Bahagya pa siyang natawa nang sumagot at pagkatapos ay mabilis ding pinaandar ang kotse niya.

Isang nakabibinging katahimikan naman ang bumalot sa'min habang nasa biyahe kami. Hindi pa rin kasi ako sobrang komportable sa kanya na 'di ko magawang magsimula ng usapan. Siya naman ay mukhang abala sa pagmamaneho. Naisip ko namang mas okay na rin 'yon, dahil minsan ay naiilang pa rin ako kapag kausap siya.

Pero sa kalagitnaan ng biyahe ay naipit kami sa matinding traffic. Hindi rin nagtagal ay nagsimula siya ng usapan.

"Maureen. . ." Saglit siyang tumingin sa akin, dahil nasa passenger seat lang naman ako.

"Hmm?" tanong ko at bahagyang ngumiti.

"Again, I'm very, very sorry if I am doing this. I know, sinabi mo na sa'kin na gusto mo muna ng space, but. . . You know, I just couldn't let you go. I mean, I am afraid. I'm very, very afraid, that this would be my last chance to get close to you," mahabang paliwanag niya habang nakahawak pa rin sa manibela, pero ang mata niya ay titingin sa akin kung minsan.

Napaawang naman ang mga labi ko sa sinabi niya. Kahit kay Zeus, hindi ko narinig ang mga gano'ng kataga. Kung kaya ko lang talagang turuan ang puso ko, gagawin ko.

"Apollo, I-I understand. . ." 'Yon lang ang tanging nasambit ko.

Napangiti naman siya pabalik sa akin. "Sana hayaan mo 'kong patunayan ang sarili ko sa'yo."

Matagal ko siyang tinitigan, pero hindi ako nakapagsalita. Hanggang sa umusad na ang sinasakyan namin ay wala pa rin akong naibibigay na sagot. Naging tahimik na lang din siya at itinuon ang atensyon sa daang tinatahal namin.

Ang laki na ng ipinagbago ni Apollo kumpara noon. Hindi na siya marahas sa pagpapakita ng pagkagusto niya sa'kin. Mas maingat na siya ngayon. 'Yung ramdam na ramdam mong aalagaan ka niya. At aaminin kong sa mga nangyari ay tuluyan nang naiba ang pagtingin ko sa kanya.

Pero hindi. Hindi ko pa rin kayang magmahal ulit sa ngayon. Tapos sa kapatid pa ng dating minahal ko. Hindi ko rin sigurado kung pa'nong mangyayari sa amin kung gano'n. Kung mamahalin ko siya, edi hindi ko rin maiiwasan si Zeus.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagsalita, "One week."

"Hmm?" takang tanong niya at saglit akong tinapunan ng tingin.

"Papayag akong lumapit ka sa'kin for one week, pero pagkatapos no'n, p-please. . ." Parang nagmamakaawa naman akong napatingin sa kanya. Buti at saktong nakahinto ang sasakyan namin noon, kaya nasalubong niya ang tingin ko. Saka ako nagpatuloy, "Hayaan mo na muna 'kong ayusin ang sarili ko."

Ilang segundo niya rin akong tinitigan bago siya mapatango at tuluyang ngumiti. "Ayos na sa'kin 'yon. At least, binigyan mo 'ko ng chance."

Matapos din naman ang ilang oras pang pagbiyahe namin ay nakarating din kami sa location ng set. Gulat naman si Madam Rhonda nang makitang hindi si Eunice ang kasama ko, kung hindi isang matipunong ginoo.

"Oh, who's this?" tanong kaagad ni Madam Rhonda.

"Hello po," bati naman ni Apollo sa kanya. "Apollo po. Bodyguard at personal assistant ni Ma'am Maureen."

Para bang gusto kong matawa nang marinig ko mula kay Apollo ang katagang "Ma'am Maureen". Parang dati, siya 'tong tinatawag kong Sir Apollo at pinagsisilbihan. Iba talaga ang naging takbo ng mundo ko, ano?

"Oh, pero masyado ka yatang pogi para maging PA lang," komento pa ni Madam at makahulugang tumingin sa akin.

"Pwede po ba 'kong leading man ni Ma'am Maureen?" biro naman ni Apollo, kaya nawala ang ngiti ko. Bakit naman bigla niyang ipinasok ang topic na 'yon?

"Hmm. . ." Kunwari ay nag-isip si Madam pagkatapos ay sumagot, "Pwede naman."

"Madam, siya muna ang magiging PA ko for one week," sabi ko naman para maiba ang usapan.

"Oh, e, nasa'n si Eunice?" usisa pa niya.

"A, ano. . ." Saglit akong nag-isip ng palusot. "U-Umuwi muna sa kanila, Madam."

"Ay, gano'n? Oh, sige, halika na—" Hinawakan pa ni Madam ang braso ko para hilahin ako palapit sa kanya. "Paaayusan na kita."

Hinayaan ko naman na igiya niya ako papunta sa tent kung sa'n ako aayusan. Si Apollo naman ay tahimik na sumunod sa amin ni Madam habang dala-dala ang mga gamit ko. Assistant na assistant talaga ang dating niya ngayon. Nakakatawa—at nakakatuwa ring isipin na may ari siya ng bar, pero handa siyang magpa-alila sa'kin ngayon.

Swerte niya. Hindi ako gano'n kasamang amo.

* * *

Ilang oras din kaming sumalang sa eksena habang may pailan-ilang break na saglitan lang. Si Apollo naman ay todo assist sa'kin at halatang kina-career ang pagiging PA sa'kin. Natutuwa naman ako sa mga ginagawa niya. Syempre, hindi naman bato ang puso ko.

"Uh, pakialis na 'tong hikaw ko, please. Ang bigat kasi, e," pakiusap ko stylist namin na nakasalubong ko.

Natawa naman siya pagkatapos ay dahan-dahang inalis ang hikaw kong abot na yata sa baba ko. Ang haba kasi tapos ang bigat-bigat pa.

"Good take. Hindi ka na masyadong napapagalitan ni Direk," komento pa niya nang tuluyang maalis ang hikaw ko.

Tumango naman ako at napangiti. "Salamat po."

Nang umalis siya ay natanawan ko naman si Apollo na nakaupo 'di malayo sa kotse niya. Ang nakakatawa, mukhang hindi niya namalayang naka-idlip na siya doon. Anong oras na rin kasi at halos lahat din kami dito ay inaantok na. Mayamaya pa'y lumapit sa kanya si Madam Rhonda kaya nagising siya. Mukhang may iniutos ito.

Lalo naman akong napangiti habang pinanonood ko siyang ayusin ang mga gamit namin. Halata kong nahihirapan siya sa trabaho na 'to. Syempre, doon sa bar, halos utos lang siya nang utos. Dito naman ay siya ang utusan. Pero siya naman ang may gusto nito, e.

"Miss Maureen, halika na po. Magpalit ka na raw po ng damit," sabi ng isa pang stylist na lumapit sa akin.

"Sige," sabi ko naman at malugod na sumunod sa kanya.

Nang makapagpalit ako ng mas komportableng damit ay saka ko lang naharap nang maayos si Apollo. Inabutan niya ako ng isang maliit na burger at isang mineral water na nakabote.

"PA na PA, a?" biro ko sabay tanggap sa mga 'yon. "Salamat."

"Syempre. Baka. . . sakaling i-extend 'yung endo ko, 'di ba?" tugon naman niya na nakikisakay sa biro ko.

"Sorry, but I'm not gonna change my mind," pang-aasar ko naman sa kanya.

"Well, that's still fine, dahil baka anytime, masapak ko na lang si Gio sa selos," biro pa niya. Pero 'di masyadong maganda ang biro na 'yon, kaya nahila kong bigla ang braso niya.

"They might hear you!" paalala ko sa kanya.

"So what? Alam mo, habang pinapanood ko kayong dalawa, it felt like my heart is slowly breaking," pag-arte pa niya sa akin.

Natawa na lang ako sa kanya. " Apollo! Hindi bagay sa'yo."

"E, kasi, ikaw lang ang bagay sa'kin," tugon naman niya ay kumindat pa sa'kin.

"Apollo!" 'Yon na lang ang nasabi ko dahil napailing na lang ako at kumain ng burger ko. "Halika na nga."

"Oh, Maureen!" tawag ni Madam Rhonda na bahagyang malayo sa amin. May sarili kasi siyang van at kung minsan nga ay do'n ako sa kanya sumasabay. "Siya na ba maghahatid sa'yo pauwi?"

"Opo!" sagot ko naman.

"Ingat kayo ha!" bilin pa niya.

"Ikaw din po, Madam!" sagot ko sabay ngiti.

"Sige po!" tugon naman ni Apollo sa kanya.

Kasunod noon ay sumakay na kami ulit sa kotse niya at tuluyan na ring umalis. Napansandal na lang ako sa upuan ko habang pinagmamasdan ang binabaybay naming daan; nagpapaantok. At mayamaya rin ay unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko, hanggang sa tuluyan akong nakatulog.

Nagising na lang ako nang bigla akong mapaabante dahil sa paghinto ng sasakyan niya. Pagkamulat ng mata ko ay nakita kong nasa labas kami ng isang convenience store na katabi lang ng gasolinahan.

"Gising ka na pala—" Hindi natapos ni Apollo ang sinasabi niya dahil napahikab siya.

Pinagmasdan ko namang mabuti ang hitsura niya. Malamlam ang mga mata niyang pagod at halatang pinipigilan lang na pumikit. Hindi ko naman mapigilan ang maawa sa kanya. Ilang oras na ba siyang gising? Hindi yata siya sanay sa ganito.

"May gusto ka bang kainin? Hmm?" tanong niya sa'kin pagkatapos mahikab.

"Ako na lang ang bibili," sagot ko naman.

"Ha?" gulat na tanong niya. "Hindi! 'Di ba nga ako PA mo?"

"No, Apollo. This is my command. Stay here and rest," mariing sabi ko sa kanya. Inayos ko naman ang sarili ko pati ang bag kong maliit at saka tuluyang lumabas ng kotse niya.

Nakalimutan ko naman ang cap at shades ko, kaya't bumalik ako. Nanatili pa rin siyang nakatanga sa'kin na parang hindi pumapasok sa isip niya ang mga sinabi ko.

"Galit ka?" tanong niya sa'kin, kaya napatigil ako.

"No, I'm not!" sagot ko habang nakakunot ang noo. Napabuntong-hininga pa ako bago magpatuloy, "Apollo, it's just that. . . I'm just thinking for your own good."

Natameme naman siya dahil doon, kaya kinuha ko na ring pagkakataon 'yon para tuluyang umalis. Tuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa convenience store. Bumili ako ng mint dahil paubos na rin ang gano'n ko. Pagkatapos ay bumili ako ng tinapay at dalawang mainit na kape.

"Ma'am, kaya n'yo po ba?" tanong ng crew sa'kin.

Napangiti naman ako. "I can."

Sa isang kamay ko'y isinuot ko ang tangkay ng plastic bag na kinapapalooban ng mint candies at ng tinapay. Pagkatapos ay saka ko kinuha ang cup ng kape. Dahil sa nipis ng styro ay napapaso ang balat ko, pero tiniis ko na lang hanggang sa makarating ako sa kotse ni Apollo. Sakto namang nasa labas siya at nakasandal doon.

"Sabi ko magpahinga ka, e." Napailing ako saglit at iniabot sa kanya ang isang cup ng kape. "Oh."

Tinanggap naman niya 'yon pero imbis na humigop ng kape ay nanatili lang siyang nakatingin sa'kin habang nakangiti. Sa pagkakailang ko ay napairap na lang ako sa kanya.

"What?" inis na tanong ko.

"Alam mo, ang sarap palang maging PA mo 'no? Kahit yata habambuhay kong gawin 'to, okay lang," sabi niya sa akin habang wagas kung makangiti.

Napairap naman ako. "Wag kang masyadong umasa, ha? I'm just doing this because I consider you as a friend."

"Okay! Wala naman akong sinasabi," palusot naman niya.

Inis na napabuntong-hininga na lang ako. "Uminom ka na bago pa lumamig 'yan."

"So bossy," bulong pa niya bago tuluyang humigop ng kape.

Itutuloy. . .

Next chapter