Isang linggo na ang nakalipas simula noong huling pag-uusap at pagkikita nila ni Bryan. Parating bumibisita si Mr. Sevilla sa kanila at parati itong may dalang mga regalo sa kanya, like mga damit, sapatos, at bag. Ito na rin ang nagbigay ng engagement ring na isusuot niya bilang patunay na engaged na sila ni Bryan. Pero agad naman niyang tinanggal 'yon sa daliri pagkaalis ni Mr. Sevilla at itinago sa jewelry box niya.
Kung itatanong nina daddy at mommy si Mr. Sevilla kung nasaan si Bryan ay sinabi nitong busy daw sa trabaho. Pero totoo naman ang sinabi ni Mr. Sevilla, dahil parating laman ng balita sina Bryan at ang mga kagrupo nito dahil sa sobrang successful ng bagong kanta ng mga ito. May mga bagong kanta din daw sila na paparating para sa bagong album ng mga ito. Sold-out na din ang mga concert tickets ng mga ito na gaganapin sa susunod na buwan.
Kwento pa ni Mr. Sevilla ay naputol daw ang isang linggong bakasyon ng mga ito dahil sa demands ng mga fans na mag meet and greet. Kaya bumalik na daw ulit si Bryan sa penthouse ng grupo nila.
Tawanan ng mga bata ang dinig niya sa pwesto niya. Nandito naman siya sa clubhouse ng subdivision nila para magpalipas ng oras. Plano niya'y magpapagabi dito lalo pa't hindi raw muna makakabisita si Mr. Sevilla sa kanila.
Natatawa na lang siya noong may lumapit na isang bata sa pwesto niya. Batang lalaki 'yon na six years old pa lang yata at may hawak na isang maliit na bulaklak na itinago nito sa likod. Mukhang pinitas lang nito 'yon sa mga halaman na nakapalibot sa clubhouse. Nakatalikod ito sa kanya kaya kitang-kita niya ang pag-iingat nitong maitago ang bulaklak.
"Kiki!" Malakas na tawag nito habang nakatanaw sa mga batang nagkukumpulan malayo sa kanila. "Kiki!"
'Bastos ang mga magulang ng batang pinangalanan ang anak nila na Kiki. My gash.' Sabi niya sa isip.
"Hey! Stop calling me Kiki! Its Kianna, okay?" Sabi ng isang batang babae na galit na nagmartsa palapit sa pwesto ng batang lalaki.
Magkaedad lang yata ang dalawa. Kahit bata pa 'yong batang babae ay paniguradong lalaki itong ubod ng ganda. Gandang lahi!
"Sorry na. Here oh." Nahihiyang sabi ng batang lalaki sabay bigay ng bulaklak na itinatago nito.
Nangingiting inabot din ito ng batang babae. "Thank you." Tapos ay hinalikan ang pisngi ng batang lalaki at hinawakan ang kamay ng huli. Sabay na ang mga itong bumalik sa mga kaibigan ng mga ito.
Nakakabitter!
Naiinggit tuloy siya.
Sa mga bata pa ha?
Naku, naku, Kyra!
Sana lahat nakaranas magkaroon ng puppy love, ng boyfriend, ng minamahal na nagmamahal din sa kanya.
Sana all!
Siya?
Eto! Malapit ng ikasal pero hindi pa nagkaroon ng boyfriend! Feeling niya siya lang yata ang nag-iisang taong nakaranas ng ganito!
Eh 'di siya na unique!
Pero nagdidaydream naman siya dati na boyfriend niya si Bryan eh. So, kasali na 'yon? Nagkaboyfriend na siya niyon?
Eh 'di, wow!
Pinilig na lang niya ang ulo at ibinaling na ulit ang mga mata sa mga batang nagkakatuwaan. Kakalimutan na muna niya kahit saglit ang lahat. Ayaw na rin niyang isipin ang warning ni Bryan sa kanya. She's willing to take the risk and the consequences of her decision in the future.
Nakatingin pa rin siya sa mga batang naglalaro, pero naistorbo na lang siya nang biglang nagring ang cellphone niya sa bulsa. Akala niya noong una ay si mommy niya 'yon, pero nagulat siya ng makitang si Arthur pala ang tumatawag.
Simula noong sinamahan nito si Mr. Sevilla at si Bryan sa pagpunta sa bahay nila ay hindi na ulit ito nagparamdam sa kanya. Nakailang text na siya dito noong nakaraan pero hindi man lang ito nagreply kaya sobrang nagulat siya ng tumatawag ito ngayon.
"Hello, Arthur?"
"Hey, Kyra. How are you?"
"I'm good! Ikaw? Ay! Nagtatampo pala ako sa 'yo, bye na.."
Dinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Sorry na. I was b-busy, but anyway.. Uhmm.. Are you free? Dinner tayo.. I'll fetch you."
"Now?"
"Uhum. If free ka."
"Sure ba! Nandito lang ako sa clubhouse namin! Pero uuwi muna ako at magbibihis, okay?"
"Sure! Wait for me there! Mga.. uhm.. 15-20 minutes. Alright?"
"Sige! See you! Ingat sa pagdrive, okay? Bye!" Masiglang sabi niya dito at agad ng binaba ang tawag nang nagpaalam na rin ito.
Nagmartsa na rin siya paalis sa clubhouse at papunta sa bahay nila para magpaalam sa mga magulang at magbihis ng panglakad.
Naglalagay pa siya ng lip gloss nang tinawag na siya ng mommy niya sa pagdating ni Arthur. She's wearing a denim jumper skirt and baby pink long sleeves blouse sa loob niyon. Hindi na talaga nagdalwang isip ang mga magulang niya sa pagpayag sa kanya na makipagdinner kay Arthur. They trust him a lot kahit dalawang beses pa lang naman nila namimeet ito. Mabilis naman kasi talagang makagaanan ng loob si Arthur.
"Hi!" Magiliw na bati niya kay Arthur na kinakausap pa ng daddy niya.
"Hey, gorgeous!" Bati naman ni Arthur sa kanya.
"Etchosero!" Nagpapout na sabi niya dito. "Let's go? I'm hungry! Nag-aalburuto na mga alaga ko sa tiyan."
Natawa na lang ito at ang mga magulang niya. Niyaya din ni Arthur ang mga magulang niyang sumama sa kanila but they declined his invitation.
"Where do you wanna eat?" Tanong nito sa kanya noong nasa biyahe na sila.
"Hmm. Its up to you, Arthur. Its your treat naman, 'di ba?"
"Huh? Sino nagsabing ititreat kita? KKB?"Natatawang sabi nito sa kanya.
"Hala! Ikaw kaya nagyaya! Wala akong dalang pera, balakadiyan! Tsaka nagtatampo pa ako sa 'yo remember?" Natatawang sagot niya dito.
Malakas na tumawa rin ito sa kanya, "I'm just kidding, of course I'll be treating you."
"Yehey!" Pumalakpak pa siya dito.
"Italian?"
"Yes, yes! Naglalaway na 'ko sa pasta! I can feel my pets on my tummy rejoicing and jumping gleefully!"
Natawa na lang ito sa kanya at nagpatuloy sila sa pagkwento ng kung anu-ano pa hanggang sa nakarating na sila sa isang kilalang Italian restaurant.
Kilala na yata si Arthur doon kasi pagkapasok pa lang nila ay agad na itong binati ng mga waiters at iginaya sila sa isang malayong mesa na may pandalawahang upuan. Nag-order na agad sila ng mga pagkain nila. Niloko pa niya ito na dadamihan niya talaga ang kakainin dahil masarap talaga ang libre. Natawa lang ito sa kanya. Nag order din ito ng isang mamahaling red wine at sobrang naexcite siya dahil makakatikim na rin siya sa wakas.
Nagsabi na siya sa sarili na hindi siya iinum ulit, kaso iba naman 'yong red wine 'di ba. Its good for the heart! Tapos isang glass lang talaga! Titikim lang siya, promise!
Ngayon lang talaga nakaramdam ng ganito katinding selos si Bryan sa tanang buhay niya.
Pero seryoso?
Nagseselos siya?
Hindi niya alam kung bakit parati siyang pumupunta sa bahay nina Kyra bago siya umuwi sa mansyon o sa penthouse nila ng mga kaibigan. He's been doing this for five nights already. Hindi naman siya lumalabas ng sasakyan niya, basta nakatingin lang siya sa bahay ng mga ito. Minsan naaabutan niya ang kotse ng ama niya doon sa labas pero nasa malayo naman siya nakapark kaya paniguradong hindi naman siya makikita nito at ni Manong Andres.
Late na siya minsan nakakapunta doon, at ngayong araw lang siya nagkaroon ng oras na makapunta doon before 6pm dahil maaga silang natapos sa recordings. Parang may tumutulak sa kanyang lumabas na ng kotse at kakausapin ito ng personal.
Pero ano ba ang sasabihin niya? Magmamakaawa ulit siya dito? Siguro nga 'yon ang rason kung bakit pumupunta siya doon kina Kyra. Palapit ng palapit na kasi ang araw ng kasal nila. Six fucking days to go and he's getting married.
Shit!
He needs to do something. He needs to fulfill his promises to his girl, and he's not doing anything to stop the wedding. Nasabi na rin niya kay Georgina ang tungkol sa pag-uusap nila ni Kyra a week ago.
His girl thinks that Kyra likes him. Maybe she really did. Who knows? Lalo pa't fan pala ito ng grupo nila, 'di ba?
At dagdag rin ni Georgina na baka habol talaga nito ang yaman ng pamilya nila. Who knows rin 'di ba? Andaming trickster ngayon. Nagdududa nga rin siya kay Arthur na kababata niya, ano pa kaya si Kyra na ilang buwan palang kilala ng ama niya. Tanga lang talaga ang ama niya at ang bilis magbigay ng tiwala sa mga tao.
Sinabihan na rin niya si Georgina na kung matutuloy man ang kasal nila ni Kyra ay gagawin niya ang lahat para mapilitan 'yong huli na makipagdivorce sa kanya.
"Stick to your plan, Bryan. Stick to your goals!" Mariin na sabi niya sa sarili.
He was about to maneuvered his car para maipark 'yon sa harap mismo ng bahay ng mga Melendez nang may paparating na sasakyan na pamilyar sa kanya.
'Its Arthur's..'
Agad niyang inapakan ang brakes at mabilis na inatras 'yong sasakyan niya. Nakatingin lang siya sa sasakyan nitong tumigil sa harap ng bahay ng mga Melendez hanggang sa lumabas na sa sasakyan si Arthur.
Sobrang saya ng gago!
Sampung minuto na yata ang nakalipas ng nakita niyang lumabas na si Arthur kasama si Kyra. Sumakay din ang mga ito sa sasakyan ni Arthur. Panibugho ang agad na lumukob sa sistema niya, and he's fucking frustrated with himself again!
Sinundan niya ang mga ito, hanggang sa nakarating ang mga ito sa isang kilalang restaurant na nagseserve ng Italian dishes.
"Nice! Mag-didinner! So fucking sweet!" Patuyang sabi niya sa sarili.
Naghanap siya ng parking spot na malayo sa pinagparkan ng mga ito. Agad niyang hinanap ang black na face mask at black cap niya at sinuot ang mga 'yon bago lumabas ng sasakyan.
He was greeted happily by the waiters.
"Do you have reservations, Sir?" Tanong sa kanya ng maitre d' ng restaurant na 'yon.
"Nope." Sagot niya pero ang mga mata niya ay gumagala na sa mga taong kumakain doon. Hindi masyadong marami ang kumakain sa restaurant na 'yon. Lalo pa't medyo mahal ang mga pagkain na sineserve.
"Oh, alright, Sir! Is this table for two?"
"Nope. Just one." Tipid na sagot niya at tumigil ang mga mata niya sa dalawang taong sa wakas ay nahanap na.
Nasa malayong parte ang mga ito, malapit sa kabilang labasan ng restaurant kung saan tanaw ang outdoor area na may garden. Kahit gabi na ay maappreciate pa rin ang ganda ng garden ng restaurant, lalo pa't pinapalibutan 'yon ng malalaking lantern na Tuscan-style. Sobrang romantic pala tingnan doon lalo na pag gabi.
Romantic, my ass!
"I'll lead you the way, Sir." Sabi ng maitre d' sa kanya at agad naman siyang sumunod dito.
"Thanks." Sagot niya dito.
Nakpwesto siya sa mesa na malapit lang sa entrance ng kunti at umupo siya sa upuan na tanaw ang mukha ni Kyra. Inabutan siya ng isang waiter ng menu, pero wala siyang ganang kumain.
"This one." Sabi niya sabay turo sa isang wine at agad na nilapag din ang black card niya sa mesa.
"Oh, alright, Sir." Sagot ng waiter at tumalima na.
Agad na bumalik ang mga mata niya sa dalawang taong engrossed na engrossed sa kwentuhan. Tumiim ang bagang niya lalo na nang sinerve na ang wine ng mga ito at nag-ala newly wed couple ang dalawa. Sobrang saya ng dalawa habang ginagawa 'yon.
'Tangina niyo! Ano yan? Practice sa wedding reception? After ng cake cutting? That should be me and her! Pota!' Usal niya sa isip.
Mabuti na lang at may mask siya. Maitatago niya ang galit na expression niya sa likod niyon.
Nang sinerve na ng waiter ang wine ay agad niyang sinalinan ang wine glass niya at ininum 'yon ng isang lagok. Iniwas na niya ang mga mata sa dalawa ng nagsimula nang kumain ang mga ito. Nagsalin siya ng paulit-ulit sa baso niya hanggang sa 1/3 na lang yata ng bote ang natira.
'Fuck! Ngayon pa siya malalasing sa wine?' Sabi niya sa sarili.
Ramdam na kasi niya ang kunting pag-ikot ng paningin.
What the hell? May nalalasing ba sa red wine?
Noong dumapo ang paningin niya sa dalawa ay kitang-kita niya ang paglalagay ni Kyra ng pagkain sa pinggan ni Arthur. Tapos ang ganda ng pagngiti nito sa huli. Pakiramdam niya ay nawala ang hilo niya dahil doon.
They're fucking flirting with each other! Lalo na 'yong Kyra, potang ina niya!
'Fucking bitch!' Usal niya sa sarili at hindi na mapigilan ang sarili na tumayo at lumapit sa mga ito.
Hindi niya hiniwalay ang mga mata niya kay Kyra kaya una siyang napansin nito, at agad na namilog ang mga mata nito. So, kilala talaga siya nito kahit nakamask at cap pa siya.
"Fancy meeting you here, lovebirds."