webnovel

Chapter 7

Isang buwan ang matuling lumipas, at sa duration na 'yon ay hindi pa ulit nakabisita si Bryan sa ama nito. Nakikita naman nila sa TV at newspaper na naglabas ito at ang grupo nito ng bagong kanta nila. Ilang beses niyang inulit-ulit panoorin ang music video ng mga ito. Minsan ay skiniskip niya pa sa part ni Bryan kung saan finocus ang mukha nito ng matagal habang sinasabayan nito ang kanta ng grupo.

'Pogi talaga ng loko!'

Minsan pino-pause niya pa sa part kung saan napakagat labi si Bryan sa video. Automatic na dinadama ng daliri niya ang labi niya. She can't stop herself from doing such gesture! Paano ba naman kasi ay parati niyang naalala ang halikan moment nila ni Bryan.

Siya na, siya na talaga ang adik!

Who would blame her anyway? Bryan's her first kiss!

Mr. Sevilla is now fully recovered, and makakagalaw na ito ng maayos at nagagawa na ang usual activities nito sa bahay bago ito inoperahan. Madami na ding bumibisita dito na mga business constituents nito. Grabe pala talaga kayaman si Mr. Sevilla, as in, and he's very lucky because most of his partners and employees are very loyal to him kaya never talagang nangyari na nagkaroon ng problema sa mga business nito.

Sa araw na 'yon ay ininform siya ni Mr. Sevilla na bibisita daw ang inaanak na lawyer na din nito. Pina-lunch muna siya ni Mr. Sevilla at sinabihang magpahinga muna after niyang kumain. Mag 4pm pa naman ang next na gamot nito, kaya ganoong oras na lang din daw siya bumalik sa kwarto nito.

"Uncle, ah! Ayaw mo na yata ako makakwentuhan? Nakakatampo naman po!" Pag mamaktol kuno niya dito.

Natawa lang ito sa kanya. "Of course not, iha! May mahalaga lang kaming pag-uusapan ng inaanak ko. At kaya ko naman na ang sarili ko. Gusto ko ding magpahinga ka." Magiliw na sabi nito sa kanya.

Mag ti-3pm pa lang ay papunta na siya sa kwarto ni Mr. Sevilla, hindi rin naman kasi siya makapagpahinga ng maayos. Pagkarating niya sa bukana ng pinto nito at akmang kakatok, ay natigilan siya. Hindi 'yon nakasarado.

"Are you sure about this, Uncle?" Dinig niyang tanong ng isang lalaki sa loob.

"May choice pa ba ako, Arthur? Miss na miss ko na ang kinakapatid mo, at alam kong ito ang nararapat gawin para sa ikabubuti niya. I'm positive about Kyra, and she will make him a good wife." Dinig niyang sagot ni Mr. Sevilla.

'Huh? Ako? Maging good wife nino? Huh?' Nagugulahan niyang tanong sa sarili.

"Sige, Uncle. Ikaw po bahala. I have to prepare this and I'll contact him afterwards."

Nakatayo pa din siya sa mismong harap ng pinto ng kwarto ni Mr. Sevilla, kaya napatili siya ng biglang bumukas 'yon. Si Mr. Sevilla at ang isang lalaking mukhang propesyonal na chinito na gwapo ay nagulat din sa presensiya niya.

"H-hello po, good afternoon." Nahihiyang bati niya dito. Huling-huli kasi siyang nag-e-eavesdrop. Jusko!

"Kyra, iha!" Bati sa kanya ni Mr. Sevilla na parang kinakabahan. "Uhmm.. Ito pala 'yong inaanak ko, si Atty. Arthur Tiu. Iho, this is my cute nurse, Kyra." Pakilala ni Mr. Sevilla sa kanila.

"U-uncle talaga!" Nahihiyang sabi niya dito at parang awkward na tumawa. Naguluhan pa din kasi siya sa sinabi ng mga ito kanina.

Nahihiyang naglahad ng kamay si Arthur sa kanya, at agad niya ding inabot 'yon. Namula pa nga ito ng dumapo na ang kamay niya dito.

"H-hi." Bati lang nito sa kanya.

Hindi pa din nito binibitawan ang kamay niya at parang natagalan nga talaga ang pag handshake nila. Hindi niya din mabawi at baka mainsulto niya ito or something. Kung hindi lang tumikhim si Mr. Sevilla ay baka nakalimutan talaga nito na patuloy pa din ang pag handshake nilang dalawa.

Nahihiyang binitawan nito ang kamay niya, sabay ngiti ng tipid sa kanya. "S-sorry."

'Ang cute naman ng chinito na 'to.'

Nagsmile din siya dito bilang tugon. Feeling niya parang saglit pa itong natulala sa kanya, pero agad itong tumikhim at nagpaalam na. "Uhmm.. A-alis na po ako, Uncle. Tatawagan na lang po kita mamaya."

"Sige, iho. Salamat ulit. Pakisabi sa daddy mo na magkita kami sa susunod. Mag-ingat ka." Tugon ni Mr. Sevilla dito at tinapik ang balikat ni Arthur.

"Sige po." Sagot ni Arthur dito bago bumaling ulit sa kanya ang tingin nito. "I-it was nice meeting you, K-kyra. Alis na ko." Nahihiyang sabi nito.

"Sige po, Sir. Ingat po." Paalam niya din dito.

Pagkatapos nitong kumaway kay Mr. Sevilla ay agad itong tumalikod at iniwasang tingnan si Kyra.

Nasa loob na ng sasakyan niya si Arthur ng napabuntong-hininga ito ng malakas. "She's my type of girl.. Sayang." Sabi niya sa sarili at pinagpatuloy na ang pagstart sa sasakyan.

Pumasok na sila sa loob ng kwarto ni Mr. Sevilla pagkaalis ni Arthur. Agad siyang pumunta sa lagayan ng mga gamot nito para ihanda lang ang kailangan nitong inumin ngayong 4pm at mamayang gabi pagkatapos nitong mag dinner. Dumiretso naman si Mr. Sevilla sa single chair nito at umupo doon.

"Kyra, iha. I have something to tell you." Paunang sabi nito ng nakita nitong tapos na siya sa ginagawa. Nagsalin muna siya ng tubig sa baso nito bago niya ito nilingon. Itinuro nito ang sofa kung saan siya pinapaupo.

"Ano po 'yon, Uncle?" Tanong niya agad dito.

Tumikhim muna ito bago nagsalita, "Uhmm.. Hindi ba ang sabi mo sa akin dati na isa sa pinapangarap mo ay ang maikasal sa anak ko?" Mabagal na sabi nito sa kanya.

Awkward tuloy siyang natawa sa sinabi nito. Kinakabahan siya kung saan ba patungo 'tong sinasabi ni Mr. Sevilla. Naalala niya ulit ang pinag-usapan nito at ni Arthur kanina.

'Don't tell me...'

"I-ikaw talaga, Uncle.. Isang pangarap lang po 'yon na mahirap abutin.. I mean natural po yan sa mga fans na katulad ko, ang mangarap ng ganoon sa idol nila.." Natatawa at nahihiyang sagot niya dito.

"I don't think its that hard for you to achieve that dream.. I can help you.." Mahinang sabi nito sa kanya.

"Huh? A-ano pong ibig niyong sabihin, Uncle?" Tanong niya dito para maklaro lang kahit parang may idea na siya sa sinasabi nito.

"Pinag-isipan ko ng mabuti itong plano ko.. Ayokong isipin mo na gagamitin kita para lang bumalik ang anak ko dito, but I'm really on my edge right now. I think this plan can benefit the three of us. So, n-naisip ko na i-arrange kayong dalawa ni Bryan.. I'm going to blackmail him so he will be forced to marry you.. After your wedding, ibibigay ko sa kanya lahat ng mana niya in return. I can feel it in my heart that I'm making the right decision this time.." Sabi nito sa kanya na ikinalaki ng mata niya. "B-but.. I'm not going to force you to do this, iha. You are entitled to decide. If ever you will refuse to do this plan, then I perfectly understand.. But if you agreed on this plan, I will forever be grateful and in your debt. Alam mo, kung nangyari ngang wala kaming problema ni Bryan, and I met you along the way. I will still choose you as my future daughter-in-law.." Malungkot na ngumiti si Mr. Sevilla sa kanya.

Kita niya ang paglandas ng mga luha nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito kaya napayuko muna siya pagkatapos nitong magsalita.

This is still very shocking for her. Yes, she idolize Bryan and she did have this daydreaming moment wherein she and Bryan will be husband and wife. But that was just her imagination working. Hindi naman niya naisip na mangyayari nga talaga 'yon sa totoong buhay. And now she's in this situation to choose her fate and making that dream into reality.

Pero magiging okay ba talaga siya? Magiging okay din ba si Bryan? Papayag ba ito sa gustong mangyari ng ama nito? Baka mas lalong magkagulo ang dalawa ng dahil dito. Hays.

"I... I'm not yet sure, U-uncle.. I'm sorry." Mahinang sabi niya dito.

"It's okay, iha.. Take your time.. I'm sorry if I'm also dragging you into our own problem. But I do stand with my plan. Desperado na talaga ako, iha. But I have this gut feeling that this will work and all of us will be happy in the end." Sabi nito sa kanya.

"S-sige po.." Sagot niya dito.

"Anytime soon ay baka dumating dito si Bryan, iha.. Iyon ang pinag-usapan namin ni Arthur kanina, and he's going to contact Bryan today." Sabi nito sa kanya na ikinabahala niya. Ngumiti muna ito bago nagpatuloy, "Ramdam ko talaga, iha, na makabubuti ka talaga sa anak ko, because that is exactly what I feel when you took care of me. And I also have this hunch that he likes you."

"He likes m-me po? P-paano mo po nasabi, Uncle?" Tanong niya dito at ramdam niyang sumikdo ang puso niya sa sinabi nito.

"He kissed you, di ba? He wouldn't do that if he doesn't." Tunog sigurado ang pagkasabi nito kaya parang may bumuong pag-asa sa nararamdaman niya.

"Eh.. kaso.. baka nadala lang po siya kasi kinagat ko po siya noon." Pagrarason niya dito.

'Hays.'

Ngumiti lamang ito sa kanya bilang tugon na parang pinapakita sa kanya na sigurado talaga ito sa sinabi.

Kakatapos niya lang magdinner noon at sa totoo lang ay hindi siya gaanong nakakain ng maayos. Wala siyang gana. Hindi niya pa din kasi alam kung ano ba talaga ang pipiliin niya, kung tama ba ang magiging desisyon niya. Honestly, nakakaramdam siya ng excitement, but kinakabahan din siya at the same time. Nawitness niya na kasi kung paano magalit si Bryan, what if mas sobra pa doon ang gawin nito sa kanya. Naguguluhan talaga siya. Gusto niyang tanggihan si Mr. Sevilla, but what if ito lang ang natatanging paraan para magkaayos na ng tuluyan ang mag-ama. This is what she's aiming for anyway, ang makatulong para magkaayos na ang dalawa.

Papayag na lang ba siya sa plano ni Mr. Sevilla?

Pagkatayo niya sa upuan ay hindi niya namalayang dinala na siya ng mga paa niya papunta sa garden. She deeply needs to think this over talaga. Kapalaran niya ang pinag-uusapan dito. Ang magiging future niya sa huli. Kasi what if pumayag nga si Bryan para makuha lang ang mana, then leave her hanging after their wedding. Magiging diborsiyada siya? Hays. Is she willing to take the risk para lang makatulong kay Mr. Sevilla?

But... what if.. mainlove din sa kanya si Bryan? Di ba? And sabi nga ni Mr. Sevilla na gusto daw siya ni Bryan..

Nilalaro niya ang tubig sa fountain habang nag-iisip ng malalim. Hanggang sa nakabuo na siya ng desisyon.

This decision is the right thing to do.

Nagmumuni-muni pa siya doon sa fountain hanggang sa nagulat siya ng maingay na bumukas ang malaking pinto ng bahay. Kumalabog 'yon kaya dinig na dinig niya 'yon sa garden, at mas kinabahan pa siya ng biglang may nagsisigaw.

"MR. SEVILLAAAAA!!"

Nagtago agad siya sa likod ng fountain pagkarinig sa galit na boses nito. Hindi niya ini-expect na dadating agad si Bryan dito. It's already past 9 in the evening. Nanatili siyang nakatago sa likod ng fountain, parang hindi niya pa kayang makita or makausap si Bryan ngayong gabi. Lalo na't halatang galit na galit ito. Pero napatakbo din agad siya papasok ng marinig niyang nagkagulo na talaga ang lahat ng tao sa loob ng bahay sa pagwawala ni Bryan.

Next chapter