webnovel

Chapter 23

- Angela -

KINABUKASAN bumyahe sila pabalik ng San Ignacio. Dumeretso sila sa bahay nila para kamustahan ang Itay niya. Umiyak ang Itay niya pagkakita sa kanya kaya hindi niya na rin napigil ang mapaiyak.

Pinaliwanag niya dito ang sitwasyon nilang mag-asawa at ang tungkol kay Julianna. Tanggap naman ng mga ito si Julianna at nangakong ililihim ang tunay na pagkatao ng bata. Giliw na giliw ang Itay niya at lola kay Julianna kaya naman hinayaan niya na muna ang mga ito.

Nilapitan niya si Juancho at Mael na nag-iinuman sa labas ng bahay nila. Agad na napangiti si Mael ng makita siyang papalapit sa mga ito.

"Mukhang masinsinan ang pinaguusapan niyo ah?" Aniya ng makalapit sa mga ito. Naupo siya sa tabi ni Mael.

"Tungkol sa Almendra." Sagot ni Juancho. Ito na kasi ang tumatayong COO sa kompanya ng lolo nila. Isinalin na rin ni Mael sa pangalan niya ang share na nakuha nito ng pinakasalan siya nito.

Tumango siya at binalingan si Mael. "Wag ka ng masyadong uminom, " Aniya dito. Uuwi pa kasi sila sa bahay na ipinagawa nito noong nasa log house pa sila. Hindi kasi sila kakasya lahat sa bahay na kinalakihan niya dahil dadalawa lang ang kwarto doon. Ang isa ay gamit ng lola niya at ang isa naman ay sa tatay niya at kay Juancho. Gusto niya sanang ibili ng bahay o ipagawa ang ancestral house nila dahil may sapat na ipon naman siya pero tumanggi si Juancho, si Jiancho na raw ang bahala sa lola at Itay nila.

Pare-pareho silang napalingon ng may dumating na isang pulang Jaguar. Napatayo si Mael. Napalingon naman si Juancho sa kanya.

Alam niya kung sino ang dumating. May umahing kaba sa dibdib niya pero inignora niya. Maya-maya pa bumaba na sa sasakyan ang biyenan niya lalaki at inalalayan ang biyenan niyang babae.

Hinapit siya ni Mael sa baywang at tumingin sa kanya na may pag-aalala. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito para iparating dito na ayos lang ang lahat.

Ngayon na lang uli niya makakaharap ang mga biyenan niya. Ang huli ay sa ospital ng dalawin niya si Mael.

Napansin niyang parang hindi nadagdagan nag idad ng biyanan niyang lalaki hindi katulad ni Donya Matilde na pumayat at nadagdagan ang mga puti sa buhok.

Nang makalapit sa kanila ang mag-asawa ay agad na niyakap ni Donya Matilde si Mael. "Nabalitaan kong umuwi kayo ng San Ignacio at dito kayo tumuloy... " Anito at sumulyap sa kanya.

Narinig niyang bumuntong hininga si Mael. "Mom, ayoko ng gulo."

"No, no, no, Hijo. We're not here for that. " Agap ng donya. "I... I just want to talk to my daughter-in-law." Anito at sinulyapan siya.

Napatingin naman siya kay Mael. Maging ito ay halata ang pagkabigla. Nginitian niya si Mael kahit pa abot-abot ang kaba na nadarama niya. Tumango siya sa donya. Sila Mael naman ay pumasok na sa loob ng bahay kasama ang biyenan niyang lalaki na mahigpit na pinisil ang balikat niya.

"Upo ho kayo, " Aniya at itinuro ang kawayang sofa na nilabas ng kapatid niya. Sumunod ito. Naupo naman siya sa tapat nito. Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila bago ito nagsalita.

"I-I'm sorry, hija."

Napatingin siya dito. Sinisiguro kung tama ba ang narinig niya.

"Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko sayo. " Pumatak ang luha nito. Ginagap nito ang kamay niya. Hindi naman niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Gusto niya itong sumbatan at magalit dito pero para saan pa? Nangyari na ang nangyari at hindi na maibabalik ng galit at sumbat ang apat na taon. "Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko... " Humagulgol ito. Tumayo naman siya at naupo sa tabi nito at niyakap ito.

Kahit kailan hindi niya naisip na dadating ang oras na magpapakumbaba ang mommy ni Mael at hihingi ng tawad. Mataas ang tingin nito sa sarili para humingi ng tawad sa sino mang nagawan nito ng kasalanan. Kaya alam niya, bukal sa puso nito ang paghingi ng tawad. At sino siya para hindi ibigay dito yon?

"Nakaraan na po iyon. Pinapatawad ko na po kayo sa kung ano man po ang nagawa ninyo." Aniya dito.

Yumakap din ito sa kanya at humagugol ng iyak. "Patawarin niyo ako, alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa inyong mag-asawa. Lalo na kay Ishmael. Nakita ko kung gaano ka niya kamahal. Simula ng mawala ka hindi ko na nakitang ngumiti ang anak ko. H-Hindi na rin siya muling lumapit pa sa akin." Hinagod niya ang likod nito para mapakalma ito. "Naging bulag ako sa totoong kulay ni Suzette. At ngayon ko mas napatunayan na hindi lahat ng mayaman at edukado kasing buti ng puso mo. Nagpapasalamat ako dahil bumalik ka sa anak ko." Dinukot nito ang panyo sa bag nito at pinunasan ang mga luha. Nanatili siyang tahimik na lumuluha. Masaya siya dahil nagiging maayos na ang lahat. Pati ang relasyon niya sa biyenan ay unti-unti nang gumaganda.

"Alam ko kalabisan na ito pero... Maaari mo bang tanggapin bilang tunay na anak si Julianna?" Ani ng donya. Sunod-sunod siyang tumango.

"Opo. Ituturing ko po siya bilang sarili kong anak." Umiiyak na sagot niya dito.

Muli siya nitong niyakap at pinasalamatan. Sa ganoong ayos sila dinatnan ni Mael at ng daddy nito. Agad na lumapit si Mael sa kanila.

"Mom... " Tawag nito sa ina. Agad naman na tumayo ang donya at yimakap kay Mael.

"I'm sorry son, I'm sorry." Anito. Gumanti ng yakap si Mael dito.

"It's in the past now, mom." Alo nito sa ina saka niyakap ito gamit ang isang kamay nito. Habang ang isa ay nakahawak sa tungkod nito.

NAKANGITI parin siya habang nasa daan na sila sakay ng kotse ni Mael. Nasa backseat sila at nasa gitna nila ang tulog na na si Julianna. Masyado atang napagod sa kakalaro kasama ang Itay niya.

"Kanina ka pa nakangiti,"

Napalingon siya ng magsalita si Mael sa tabi niya.

"Masaya lang ako... Hindi ko akalain na matatanggap ako ng mommy mo. Akala ko habang buhay na siyang disappointed sa akin." Aniya dito. Parang may mabigat na nakadagan sa kanya ang biglang nawala dahil sa pagkakaayos nila ng biyenan niyang babae. Masaya siya dahil sa wakas ay natanggap na rin siya nito. Ngayon niya masasabi na talagang buo na ang pamilya nila. Makakatulog na siya sa gabi na walang iniisip na may galit sa kanya.

"I am glad na napatawad mo ang mommy."

"Magagawa ko ba namang magalit sa babaeng nagbigay ng buhay sa sayo? Dapat pa nga akong tumanaw ng utang na loob sa kanya dahil kung hindi dahil sa mommy mo, walang Ishmael Capistrano na magmamahal sa akin ng katulad ng pagmamahal mo. Kahit na... Kahit na hindi man naging maganda ang umpisa natin. Nagpapasalamat parin ako sa diyos."

Masuyong hinaplos nito ang mukha niya saka siya kinintalan ng magaan na halik sa mga labi. "Napatawad mo na ba ako sa mga kasalanan ko sayo?" Anito. Malamlam ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

Marahan siyang tumango.

"Thank you..." Mahinang anito saka tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Tinugon niya iyon. Natigil lang sila ng umingit si Julianna dahil naipit na pala nila. Pareho na lang silang nagkatawanan at naghiwalay.

Isang mansion ang bahay na sinasabi ni Mael. Nakita na niya noon ang blueprint nito pero hindi niya alam na ganito iyon kaganda sa personal. Si Mael ang personal na nag desenyo ng mansion. It's mid-colonial inspired house. Puring puti ang pintura at napapalibutan ng glass wall habang sa gilid naman ay isang olympic size heated swimming pool. Meron din napakalawak na garden na may gazebo sa gitna ay water fountain sa gilid.

"You like it? " Tanong ni Mael sa kanya ng makababa sila ng sasakyan.

Sunod sunod siyang napatango. "I love it. " Namamanghang aniya dito. Lunapit sa kanya ang isang katulong at kinuha sa kanya si Julianna para ipasok sa loob.

"Come here, I'll show you something..." Anito saka siya iginiya paikot sa likod ng bahay. Isang pathway na napapaligiran ng mga nag gagandahang rose ang dinaanan nila. Bawat dalawang kilometro ay may poste kabilaan kaya maliwanang sa dinaraanan nila. Napasinghap siya ng makita ang likuran ng mansion. Isang malaking lawa. At dahil pinaghalong liwanag ng bilog na buwan at sa liwanag ng mansion mas nagmukha itong enchanting. Sumasalamin sa lawa ang liwanag ng buwan, marami ring mga puno sa paligid at may mga alitaptap na lumilipad. Para tuloy puno iyon ng mga bituin. Malamig ang simoy ng hangin at presko.

Napatingin siya kay Mael na nakangiti sa kanya. "I didn't know na may lawa pala dito," Aniya.

"This is a private property noon pa man. Pag-aari ito ng lolo ko sa side ng mommy at dahil nag-iisang anak ang mommy sa kanya ito ipinamana at sakin naman ipinamana ng mommy." Paliwanag nito. Itinuro nito ang kabilang side ng lawa. "Kapag binagka mo yon, mararating mo ang log house." Hinapit siya nito sa baywang papalapit dito. "Halika."

"Saan?" Takang tanong niya dito. Gusto niya pa kasing manatili doon para pag masdan ang napakagandang lawa at ang mga alitaptap.

Hindi ito umimik at hinila siya sa isang puno ng narra. Sa ilalim noon ay may rebulto ng isang bata. Isang batang babae na may maikling buhok at maamong mukha. Sa paligid niyon ay mga angel breath na bulaklak na iba't iba ang kulay, may mga pink, white at sky blue.

Napaluhod siya sa rebulto. Nanginginig ang kamay na hinaplos niya ang pisngi ng bata.

"Sa ilalim ng rebultong yan nakalibing ang anak natin." Narinig niyang ani ni Mael. "Kinuha siya sa ospital, gusto kong malapit siya sa atin na parang kasama lang natin siya sa araw-araw. Ayoko s-siyang k-kalimutan" Anito na basag ang boses.

Nilingon niya ito. Hilam na rin sa luha ang mga mata nito. Kitang kita niya ang sakit sa mga mata nito. Sumigid ang guilt sa kanya. Sa loob ng apat na taon sariling sakit ang paghihirap niya lang ang nakikita niya. Nakalimutan niyang masakit din pala sa isang ama na mawalan ng anak. Naging selfiah siya para isisi dito ang lahat at iwanan ito. At mas nakokonsensya dahil sa lahat ng iyon, nandito parin sa tabi niya si Mael. Tumayo siya at niyakap ito.

"I love you, Mael... I'll love you for the rest of our life no matter what." Pangako niya. Mamahalin niya ito at kahit ano pa ang dumating sa kanila hinding hindi siya aalis sa tabi nito.

"I love you more..."

- E N D -

Next chapter