webnovel

#FL 13

#FL

Sinilip ko si Zev habang nag uusap kami ni Raven tungkol sa proyekto na ginagawa namin ngayon.

"I should add a little background info in the video.. and i guess dapat ko din lagyan ng mga texts and sounds para hindi siya boring."

Napakunot noo ako nang makita kong tumayo si Zev habang nilalagay sa tenga nito ang phone niya habang paalis ito.

"What do you think Camille?"

"O-Ow yes. Ikaw nalang mag eedit?"

Tumango siya at niligpit ang kanyang dslr nito.

"Next week na yung deadline bago mag midterm."

Tinulungan ko siya mag ayos ng mga gamit. Actually nahihiya ako sa sarili ko dahil ako lang sa amin ang dalawa ang walang ginawa o ambag sa proyektong 'to. He asked his tito for this and he provides gadget din. At siya pa din mag eedit. Eh ako? Nag explain lang sa video at naghawak lang ng dslr.

"Nasaan na ang boyfriend mo?"

Tinignan ko ang upuan niya at di pa rin siya bumabalik.

"Nagpahangin ata sa labas."

Hindi na siya nagsalita at sumunod ako sa kanya kahit na gustong gusto ko na sundan si Zev sa labas. May katawagan ata siya.

"You can go na Camille."

Agad naman ako nahiya at umiling.

"Mag papaalam lang ako sa tito mo."

Hindi naman malayo ang opisina ng kanyang tiyohin at nakapagpaalam agad ako at nagpasalamat. Tumungo agad ako palabas ng art gallery at agad kong nakita si Zev na nakatingin sa kawalan.

"Zev.."

Napalingon siya sa akin at ngumiti.

"Gutom kana? Kain na tayo." Tumango ako at hinawakan ang kamay niya.

"May katawagan ka kanina?"

"Yes. Ang lola ko."

Napatango ako at inalalayan akong umangkas sa big bike niya.

Nagulat ako nang humarap siya sa akin at niyakap ang bewang ko.

"Zev.."

"Camille.. can we eat at my house? Wala akong pera eh."

Ilang segundo ang hindi ko nakuha ang gusto niyang sabihin pero natawa ako nang maintindihan ko 'to.

"Oo naman! Pero sino magluluto sa atin?" Tanong ko. Hindi ako marunong magluto. Eh siya kaya?

Tumingala siya sa akin. Hindi ko mapigilan hawakan ang kanyang buhok. Ngumuso siya.

"Don't worry nagluto ang lola ko. She invited you to come."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Alam niya na?!"

Tumango siya at sumandal sa tiyan ko.

"Oo sinabi ko sakanya kanina.."

Napangisi ako at hinampas siya sa braso.

"So ipapakilala mo na ako sa boung pamilya mo?" Hindi ko maiwasan maexcite.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa bewang ko.

"Haha.. wala na akong pamilya"

Tumigil ang pagkahawak ko sa buhok niya.

"Si Lola nalang natitira sa akin." Aniya at pumikit ito.

"I'm sorry.. hindi ata kita maipakilala sa parents ko." Tumingala siya sa akin at tumitig sa akin.

"A-Ahm.. hindi.. hindi ko alam. Sorry.." Hinawakan ko ang buhok niya at pinaglaanan ko ito ng atensyon.

Umayos siya ng tayo at hinawakan ang kamay ko.

"It's okay. Andito ka naman. Hindi mo ako iiwan diba?" Ngumiti siya sa akin.

Hindi ko alam kung tatango ba ako o sasagot pero mas pinili kong manahimik nalang hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

Isang maliit na bahay ang tumapat sa amin. Binuksan ni Zev ang gate para sa akin at pumasok. Pagpasok mo ay ang plywood na pintuan ang makikita mo para makapasok ng tuluyan sa bahay. Muli ulit niya ako pinagbuksan at sala agad ang bumungad sa amin.

Agad ako pinaupo ni Zev sa maliit na sofa nila at inayos ang mga kalat nito sa paligid.

"Pasensya kana ang kalat hehe."

Ngumiti nalang ako sakanya. Bigla may gumalaw sa kabilang pintuan at nakita kong may nakatayo mula roon ang isang matandang babae na nakatingin saakin.

"Nakarating ka na pala apo."

Agad ako napatayo at nakitang nagmano agad si Zev rito. Sumunod ako sa kanya at ginaya ko siya.

Tumawa ang matanda at hinawakan sa kamay.

"Siya ba itong girlfriend mo apo?"

Inakbayan ako ni Zev at tumango bilang sagot sa lola niya.

"Opo la, maganda ba?"

Agad ko siniko si Zev ngunit tumawa lang ang maglola.

"Oo apo! Napakagandang dilag ang nakuha mo apo!"

Napangiti nalang ako at pinakilala ang sarili.

"Magandang umaga po. Ako po si Maria Camille Galratore—"

"Maria?! Aba'y akala ko foreigner ka! Pinoy na pinoy ka pala hija!"

Natawa ako sa sinabi ni Lola. Nakakahiya wala akong dalang regalo man lang.

Tumingin ako kay Zev. Malaki ang ngisi nito.

"Haha hindi po.." Tanggi ko. Hindi ako mukhang foreigner o ano. Siguro dahil sa balat ko na nagtagal doon sa canada.

"Oh s'ya na! Kumain na kayo pinagluto ko kayo." Agad ako hinila ni Lola mula kay Zev kaya napalingon ako sakanya.

"La naman! Wag mo naman agad kinukuha sa akin ang jowa ko."

Hindi siya pinansin ni Lola at ginaya ako sa upuan. Tumabi agad sa akin si Zev at siya na naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Magpakabusog kayo ha?"

"Ikaw po La? Hindi po kayo kakain?"

Lumayo agad siya at umubo ito. Umiling ito habang inuubo at tinatakpan ang bibig gamit ang panyo na dala dala niya.

"La! Diba ang sabi ko sayo hindi mo na kailangan gawin to." Tumungo agad si Zev sa kanyang lola at inalalayan ito papasok sa kwarto nito. "Dapat nagpahinga ka nalang! Pinagod mo sarili mo hayss."

Naiwan akong nakatingin sa pagkain. I'm feeling guilty.. na hindi ko maiwasan maawa kay Zev. Nilibot ko ang paningin ko sa boung bahay nila.

"Pasensya ka na baby!"

Napatingin ako kay Zev na patungo sa akin.

"May sakit kase si lola eh." Napakamot ito sa ulo at umupo sa tabi ko.

Hinawakan ko siya sa kamay. Napatigil siya at napatingin sa akin.

"Okay lang.."

Nag aalala siya tumingin sa akin at napayuko. Napabuntong hininga siya at tinignan ako.

"Ang totoo niyan nahihiya ako.."

Umiling ako at tumawa para mawala ang kakaibang atmosphere dito.

"Ano ka ba! Sanay ako sa mga ganito nuh." Kumuha ako ng kutsara at tinidor at nagsimula kumain.

"Wow! Ang sarap magluto ni Lola!" Ngumiti ako sa kanya at kumain na lang.

Nawala ang ngiti ko nang bigla niya ako niyakap ng mahigpit.

"I love you.."

Ilang segundo ako hindi makasagot bago ko hinawakan ang buhok niya.

"Mahal din kita.."

Napabuntong hininga ako dahil ang totoo ay hindi ako sanay sa lahat ng ganitong klaseng bagay. I don't want him to feel small or little in these kind of things that it's not even big deal.

I don't want him to feel how people make someone so little. He's pure that I don't want to hurt by anyone else!

Nakatayo ako sa may bintana habang paisa isa kong tinitignan ang mga picture frame na nakasabit sa dingding. Si Zev ay nasa likuran ng kabahayan habang naghuhugas ng pinggan na pinagkainan namin.

Tatlo lang ata ang picture frame na meroon sila. Ang isa ay ang kanyang lola na may bitbit na sanggol. Hindi ko maiwasan humanga sa kagandahan ng kanyang lola noong hindi pa ito masyadong matanda. Ang pangalawa ay ang graduation nito kasama rin ang Lola. Siguro mga senior high siya nito. At ang pangatlo ay mga nasa sampung taon na Zev na nakangiting may kaakbay na cute na babae.

Lumiit ang mata ko at tinitigan ang babae. Kapatid? Pinsan? Kung ganun bakit hindi sila magkamukha?

Umupo na lang ako sa sofa at naghintay nalang kay Zev. Tumingin ako sa wrist watch ko at nagulat akong one pm na! Aakmang tatayo ako nang may nasilip ang mata ko. Isang lumang album na nakaipit sa ilalim ng lamesa. Tumungo ako rito at kinuha ito. Medyo nahirapan ako dahil tila matagal na ito nakatago at nakaipit sa ilalim ng lamesa.

Napaiwas ako sa mga abo nito at hiniyupan ito. Agad ko ito binuklat habang paupo ako sa sofa nila.

Napangisi ako na makita ko ang maliit na mukha ni Zev nung bata siya. Napatingin ako sa labas at di pa siya bumabalik. Agad ko binuklat ito at kinuha ang litrato niya. Hihi.

Puro pictures niya lang noong bata siya ngunit nang nasa kalagitnaan na ako ay puro niya na kasama ang batang babae sa mga edad na sampung taon.

Agad ko sinara ang album at binalik sa dati. Siguro pinsan niya iyon. Lumabas ako dahil nainip ako sa loob. Ba't ang tagal ata ni Zev?

Napakunot noo ako nang magvibrate ang phone ko.

Raven:

Where are you Camille? Hinahanap ka sa akin nila Janela dahil may research daw kayo ngayon? Hindi ka daw pumasok? Where are you?

Nakuha ang atensyon ko nung lumabas si Zev mula sa CR ata nila na nakatopless lang habang nasa leeg nito ang twalya. Nagtama ang mata namin at napaiwas agad ako.

"Sorry. Naligo muna ako. Nainip ka ba sa loob?" Nakuha niya muli ang atensyon ko. Bumaba ang tingin ko at agad na nawala sa utak ko ang research namin.

Lumapit siya sa akin kaya muli umangat ang tingin ko.

"O-Okay lang ako.." Umiwas ako ng tingin at tinago ang phone.

Hinawakan niya ako sa bewang. Napalunok ako at hindi nalang nagsalita. Sabay kami pumasok sa loob ng bahay.

Napatingin siya sa orasan nila at napamura.

"Shit! Oo nga pala may pasok ka!"

Agad siya pumasok sa may isang kwarto pero nagmamadali ito gumalaw palabas habang nagsosout ng white T-shirt.

"I'm sorry baby! Hindi ko namalayan ang oras." Aniya habang palabas kami ng bahay.

Natawa ako at hinawakan siya sa kamay.

"Okay lang! Palagi naman ako nalalate sa previous school ko eh." I lied.

Natigilan siya.

"Okay lang sayo malate ka?"

Tumango ako.

"Nakapag absent ka na rin?"

"Yes." I lied again.

Agad niya hinawakan ang mukha ko at nilapit sa kanya.

"Hmm okay lang ba sayo kung umabsent ka muna ngayon?"

Agad na kumabog ang puso ko. Amoy na amoy ko ang bagong ligo niya.

"B-Bakit?"

"Gusto ko lang bumawi sayo ngayon dahil hindi na kita masyado nakakasama.." namungay ang mga mata niya.

Nakagat ko ang labi ko at hindi ko na napigilan tumango.

What is this? Why I can't resist him?

Next chapter